You are on page 1of 9

ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND

TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
i

Kabanata 1

SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral

Kaakibat nang pamumuhay ng bawat Pilipino ang mga pamahiin

bilang pamana ng ating mga ninuno. Bagamat ito ay mga paniniwala lamang

ng mga nakakatanda at walang kongkretong basehan ay malaki ang naging

bahagi nito sa paghubog sa pagkatao. Mula sa kapanganakan hanggang

pagtanda ay nagsisilbing pagkakilanlan nakakapit saan man patungo at

sinasalamin nito ang ang mga kaugalian, tradisyon at mga paniniwala. Ang

hindi pagsunod sa mga ito ay nagdudulot ng kamalasan sa buhay, ayon sa

mga matatanda ngunit karamihan ay matiwasay na tumatalima sapagkat

wala namang mawawala.

Sa pagsasaliksik ni Siojo (2015), binanggit na ang iba’t ibang

paniniwala sa mga kasabihan at pamahiin ay bahagi na ng ating kulturang

Pilipino at ito ay naiimpluwensyahan ng mga nagaganap sa ating paligid.

Likas sa pagiging isang Pilipino ang pagbibigay halaga sa kalikasan na

siyang pinagmumulan ng pangunahing pangkabuhayan. Halimbawa ay ang

pagsasauli sa kalikasan sa paraan ng pag-aalay ang siyang pinaniniwalaang

paraan upang mailayo ang bawat tao sa sakuna. Naging basehan na nang
ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
ii

mga Pilipino ang mga pamahiing ito sa pagpapabuti ng kanilang

pamumuhay. Datapwat, sa patuloy na pagbabago ng panahon at ng

kapaligiran ay nagbabago din ang mga pamahiin ng mga tao. Ang mga

pamahiin ay bahagi ng kultura kaya tiyak din itong magbabago kasabay ng

mga pagbabagong nagaganap sa ating kultura. Halimbawa na lamang ang

mga pamahiing pinaniniwalaan ng ating mga ninuno, mapapansin na

nakapaloob lamang ang mga pamahiing iyon sa pang-araw-araw nilang

pamumuhay subalit sa pagbabagong nagaganap sa ating paligid lalo na sa

pag-unlad ng tao ay nabago at nadagdagan din ang mga pamahiing

pinaniniwalaan natin.

Ayon naman sa pag-aaral nina Kramer at Block (2008), naisiwalat na

maraming mga pamahiin ang kultural na ibinabahagi at naililipat sa lipunan

mula sa henerasyon hanggang sa iba pang henerasyon, ang iba ay binubuo

ng mas kakaibang paniniwala o ritwal. Halimbawa, kung masusugatan ka sa

mahal na araw ay matagal itong gagaling at kung nais mong maging

maganda ang anak mo ay tumingin ka sa mga magaganda. Kung sa mga

numero naman ang labintatlo (13) ay pinaniniwalaang may dalang

kamalasana at ang 8 naman ay swerte. Magkakaiba ang pamahiin bagamat

magkakaiba ang pinagmulan, kaya kahit sa mga bagay na may kinalaman sa

pansariling pag-unlad ng tao at sa pagtataya ay isinasagawa parin ito. Ang


ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
iii

ilan ay may mga pinaniniwalaang swerteng damit, lugar o kaya naman ay

mga senyales, halimbawa kung makati ang palad ay makakatanggap ng pera

at kamutin ang siko upang hindi mapagalitan.

Hangad ng tao na sa bawat pagsunod ng mga pamahiin ay ang

positibong resulta, ngunit hindi lahat ay naayon sa kagustuhan. Kumikilos

ang tao sa paraan kung ano ang nais nitong maging kinalabasan. Iniiwasan

ang mga bagay na maaring magdulot ng negatibong resulta samantalang

patuloy na sinusunod ang mga gawaing nagdudulot ng positibo . Ayon kay

Lopez et al. (2015), nabubuo ng isang indibidwal ang kaniyang paniniwala

sa isang bagay sa pamamagitan kung papaano nila unawain ang kanilang

mga namasdan at naranasan sa pagitan ng kanilang mga ginawa at mga

pangyayari sa kanilang kapaligiran. Dagdag pa ni Dr. Florentino Hornedo,

dalubhasa sa kasaysayan, literatura at pilosopiya at may akda ng mga libro

ukol sa kultura gaya ng Culture and the Community in the Philippine Fiesta

and Other Celebrations, isa lamang ang pamahiin sa mga paraan upang

maipaliwanag ng tao ang mga bagay na nakapaligid sa kanya.

Ang pamahiin ng tao ay naglalakbay sa ibang bansa, may kanya-

kanyang pinagmulan o lahing ipinapahiwatig. Ang mga nangyayari ay

karaniwang nakabase sa punto de vista ng tao. Halimbawa, kung suminga ka

bago ka umalis ay huwag muna tumuloy, kung nahulog ang kutsara o tinidor
ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
iv

ay may bisitang darating at tinatawag ang pangalan bago umalis sa

pinuntahang lugar, yan ang mga ilan sa halimbawa ng pamahiing sinusunod

partikular ng mga matatandang Ilokano at Tingguiam, kapansin pansin ang

pagpapahalaga sa mga pamahiin, ngunit sa kasalukuyan dahil narin sa

makabagong panahon,bihira na lamang ang nagpapahalaga at nagbibigay

interes sa mga pamahiin. Sa ganitong kalagayan nais tuklasin ng mga

mananaliksik kung alin sa mga kinagawiang pamahiin ng mga Tingguian,

kung ano ba ang pinagmulan, ano ang ibig sabihin at mga tungkulin nito sa

pamumuhay.

Saligan ng Pag-aaral

Natutungkol ang pag-aaral na ito sa pagsipat at pagsasalin ng mga

pamahiing Tingguian. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa kadahilanang nais

ng mga mananaliksik na masuri, tuklasin at maipakilala ang mga pamahiing

Tingguian.

Balangkas Konseptuwal

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “ Pagsipat at Pagsaalin sa mga

Pamahiing Tingguian” ay nakabatay sa balangkas konseptuwal na makikita

sa ibaba.
ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
v

Ipinakikita sa paradigma sa ibaba ang paglalarawan sa isinagawang pag-

aaral na ito. Kaugnay nito, makikita ang pinagbatayan (input), pamamaraan

(process) at kinalabasan (output) ng pag-aaral na ito.

INPUT PROCESS OUTPUT

Pagsaliksik at
Pamahiin ng pagtatala sa mga Mga pamahiin
mga pamahiin ng ng Tingguian
Tingguian Tingguian at ayon sa kasal,
pagkakategorisa patay,
nito panganganak
at pagbubuntis
Isasalin sa
Ilokano at
Filipino
Pigura 1

Paradigma ng Pag-aaral

Ang input ng pag-aaral ay ang pamahiin ng mga Tingguian, ito ay

makukuha sapamamagitan ng pagsasaliksik at pagtatala ng mga datos

pagkatapos ay isasalin ito sa wikang Ilokano at Filipino. Ang Output naman

ng pag-aaral na ito ay ang Mga pamahiin ng Tingguian ayon sa kasal, patay,

panganganak at pagbubuntis na naisalin sa wikang Ilokano at Filipino.


ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
vi

Paglalahad ng Suliranin

Pinag-aralan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga pamahiin ng mga Tingguian batay sa mga sumusunod:

a) Kasal
b) Patay
c) Pagbubuntis
d) Panganganak

2. Ano ang ibig sabihin nito sa Ilokano?

3. Ano ang kahulugan nito sa Filipino?

Kabanata 2

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik ang ginamit sa pag-aaaral

na ito sa pagkuha ng mga datos na kailangan. Ito ang naaangkop na disenyo

sapagkat layunin ng mga mananaliksik na suriin at malaman ang mga

pamahiin ng ga Tingguian.
ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
vii

Populasyon at Lugar ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng mga nakakatanda

(panglakayen) na makakapanayam sa bayan ng Malibcong Abra. Saklaw ng

pag-aaral na ito ang mga pamahiin ng mga tingguian simula pa noong unang

panahon hanggang sa kasalukuyan.

Instrumento ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, gumawa at gumamit ang mga mananaliksik ng

gabay na mga tanong bilang primaryang hanguan ng mga datos na

naglalaman ng mga open-ended questions o mga katanungan hinggil sa

paksang nilalaman ng pag-aaral

na ito.

Hakbang sa Pagtitipon ng Datos

Ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa mga nakakatanda

(panglakayen) na siyang nakakaalam ng karamihan sa mga pamahiin. Bukod

pa rito, nagsagawa rin ang mga mananaliksik ng video recording habang

nangyayari ang panayam na lalong nakatulong sa paglikom ng mga datos

para sa pag-aaral na ito.

Talasanggunian
ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
viii

A.Internet/Website

Ang mga Pamahiin ng mga Pilipino at ang Kanilang Kaugnayan sa Kultura at


Lipunang Pilipino: Isang Pag-aaral sa mga Kwentong Bayan

https://www.studocu.com/en-us/document/polytechnic-university-of-the-
philippines/filipinolohiya/garcia-galvero-laniog-pallanan-perez-roy-ang-mga-
pamahiin-ng-mga-pilipino-at-ang-kanilang-kaugnayan-sa-kultura-at-lipunang-
pilipino-isang-pag-aaral-sa-mga-kwentong-bayan/67173725?shared=a
(November 8,2023 8:11pm)

Pagsipat sa mga pamahiing pinoy: Gabay sa pagkuha ng pagsusulit

https://www.academia.edu/86175579/
Pagsipat_sa_mga_pamahiing_pinoy_Gabay_sa_pagkuha_ng_pagsusulit
(November 8,2023 10:03 am)

PERSEPSYON NG MGA MATATANDA SA PAMAHIIN SA PATAY SA SITIO


CABATUHAN, VALENZUELA CITY

https://www.academia.edu/36259093/Defense2k (November 8,2023 3:45 pm?)


ABRA STATE INSTITUTE OF SCIENCES AND
TECHNOLOGY - COLLEGE OF
TEACHER EDUCATION
ix

You might also like