News Ditale ES

You might also like

You are on page 1of 5

Unang Pagdaloy, Pahayagan ng Ditale ES Inilunsad

Dexyrine Dyuel Avery A. De Castro

Inilunsad ang “Pagdaloy” bilang unang pahayagan ng Ditale Elementary


School para sa taunang pampaaralan 2023-2024 noong ika-26 ng Pebrero,
2024. Sa pangunguna ng kanilang punong guro na si Joshua D Carrera at
tagapangasiwa ng pahayagan na si Gng. Virginia N. Valdez. Limang mag-aaral
ang napili upang bumuo sa nasabing pahayagan.
Kabilang sa mga napiling mag-aaral ay sina Lhiame Nazirite V. Matic,
Kazumi L. Zuniega, Alleiah Zia O. Pedroza, Kelsey Jadah G. Panday at
Dexyrine Djuel Avery A. De Castro.
Ayon sa mga napiling mamahayag, ang pagbuo ng nasabing pahayagan
ay bilang paghahanda sa kanilang sasalihan na Schools Division Press
Conference sa Darating na ika-7 hanggang 8 ng Marso, 2024. Ang nasabing
atimpalak ay gaganapin sabler Central School na dadaluhan ng mga mag-aaral
mula sa iba’t ibang paaralan ng Aurora.
“Masaya at challenging ang experience na ito,” reaction ng isa sa mga
napiling mag-aaral. Lalo pa umano nilang gagalingan ang pagsasanay upang
mas gumaling pa sila at mas maintindihan kung paano sumulat ng balita.
Umaasa din umano sila na magustuhan ng kanilang kapwa mag-aaral ang
sinulat nilang pahayagan.

Pangarap ng Mag-aaral sa Ditale ES Natupad na


Alleiah Zia O. Pedroza

Natupad ang pangarap ng mga mag-aaral ng Ditale Elementary School


sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang panipangarap sa ginanap na “Career
Guidance Celebration”, noong October 24, 2023 sa nasabing paaralan.
Isa sa mga mag-aaral ang nagsabi na napakasaya ng araw na iyon dahil
maraming bata ang mg nakasuot ng iba’t ibang propesyon gaya ng doctor,
pulis, sundalo at marami pang iba. Rumampa din ang mga bata sa harap ng
kanilang mga magulang at mag0aaral.
May mga magulang na nanood, nagkaroon din ng mga papremyo mula
sa pamunuan ng paaralan. Ayon sa isang magulang ay masayang masaya
siyang nakikita ang anak habang suot ang pangarap nitonguniporme.
Isa sa mga mag-aaral ang nagsabing siya ay tuwang tuwa sa naganap na
pagdiriwang dahil kasama siya sa mga pinapanood at pinapalakpakan ng mga
manonood.
Reading Month Ipinagdiwang ng Ditale E.S.
Alleiah Zia O. Pedroza
Ipinagdiwang ang Reading month ng mga mag-aaral at guro ng Ditale
E.S. Ang pagdiriwang ay ginanap noong Disyembre 02, 2023 upang bigyang
diin ang kahalagahan ng pagbabasa at palaganapin ang pagbabasa bilang
libangan at pinagmumulan ng karunungan.
Iba’t ibang patimpalak ang sinalihan ng mga mag-aaral kabilang na
pagbabasa, pag-guhit, at paggawa ng slogan.
May mga mag-aaral din na nagbihis katulad ng anilang mga paboritong
tauhan sa kwentong kanilang nabasa o napanood. Kitang-kita ang kanilang
mga ngiti gayun din ng mga magulang habang sila aya rumarampa sa
entablado.
Ayon kay Princess Jeneva Galuo isa sa mga mag-aaral, nagging
napakasaya ng araw na iyon dahil sa iba’t ibang contestna kanyang nasalihan.
Higit nya umanong kina-aliwan ang masining na pagkwekwento, dahil marami
umano ang nakapanood sa kanya. Ayon pa saisang mag-aaral na lumahok din
sa mga patimpalak, “Lalo ko pang pagbubutiin para sa susunod na contest ay
Manalo na ako.

Natapos ang pagdiriwang sa isang mensahe mula sa Ulong guro ng


paaralan na si Gng. Joselita Pacleb, ayon sa kanya, ipagpapatuloy ang
pagdiriwang ng Reading Month upang lalo pang matutoang mga bata at lalong
mapamahal sa pagbabasa ang mga mag-aaral ng Ditale E.S.

Mag-aaral ng Ditale E.S. Galing sa Iba’t ibang Bansa


Kelsey Jadah G. Panday

Ipinagdiwang ang Unied Nations Day sa Ditale Elementary Schoolnoong


Oktubre 24,2023. Dinaluhan itong mga mag-aaral, guro at ilang magulang
upang alalahanin ang mabuting pagsasama ng mga bansa upang itaguyod ang
respeto at pagkapantay-pantay ng mga tao.
Nagkaisa ang mga mag-aaral na naka-costume o naka suot ng iba’t
ibang pananamit na nagpapakita sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa isang mag-aaral ang “United Nations Celebration” ay
programang nag-uugnay ng pgkakaisa ng mga bansa, pagpapapakita din
umano ito ng paggalang sa bawat bansa.
Ipinaliwanag naman ni Gng. Ronsie Glen S. Mari, ang punong abala a
nasabing pagdiriwang, na gagawin ng taon-taon ang nasabing pagdiriwang
upang palaging maipa-alala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakaisa
at pagkakapantay pantay ng mga bansa upang mapanatili ang kapayapaan.

Earthquake Drill sa Ditale E.S.


Lhiame Nazirite V. Matic

Naghanda ang mga mag-aaral ng Ditale E.S. sa mga hindi inaasahang


kalamidad kagaya ng lindol sa pamamagitan ng “Earthquake Drill noong
Nobyembre 10,2023 ganap na ika 9 ng hapon. Sabay sabay na ginawa ang
duck, cover and hold ng mga mag-aaral, at guro na sinamahan din ng mga
tanod at Baranggay officials. Naging hudyat naman ng lindol ang pagtunog ng
buzzer ng paaralan.
Ayon kay G. Rogel Bayudang ang School Disaster Risk Coordinator, ang
naturang Gawain ay bahagi lamang ng paghahanda ng paaralan sakaling may
maganap na emergency tulad na lamangng Lindol.
Natutunan naman umano ng isang mag-aaral na tumungo sa ilalim ng
lamesa o matitigas na bagay habang lumilindol at lumabas ng ligtas
pagkatapos ng lindol papunta sa isang ligtas na lugar malayo sa mga puno o
gusali.
Ayon sa Punong guro na si Gng. Joselita Pacleb kaya ginagawa ang
earthquake drill ay upang maging handa at alam ang gagawin kung sakaling
magkaroon ng Lindol.
Earthquake Drill Abala lang sa Pag-aaral?
Naghanda ang mga mag-aaral ng Ditale E.S. sa mga hindi inaasahang
kalamidad kagaya ng lindol sa pamamagitan ng “Earthquake Drill noong
Nobyembre 10,2023 ganap na ika 9 ng hapon. Sabay sabay na ginawa ang
duck, cover and hold ng mga mag-aaral, at guro na sinamahan din ng mga
tanod at Baranggay officials. Naging hudyat naman ng lindol ang pagtunog ng
buzzer ng paaralan. Hindi natin alam ang pagdating ng lindol, hindi ba’t
mahalaga lamang na paghandaan natin ito?
Hindi maiiwasan ang aksidente at kalamidad ngunit mababawasan ang
panganib nito kung tayo ay maghahamda. Ito ang isang mahalagang dahilan
kung bakit mahalaga na isagawa ang Earthquake Drill. Ayon nga sa DRR
coordinator ng paaralan. Ang naturang gawain ay bahagi lamang ng
paghahanda ng paaralan sakaling may maganap na emergency tulad na
lamang ng Lindol.
Sa pamamagitan din ng nasabing drill nagiging mulat ang mga mag-
aaral sa lindol isang bagay na inaaral din nila sa subjects na Science at
MAPEH. Ang pagsasagawa ng drill ay nagbibigay sa kanila ng authentic
learning, ayon pa nga sa isang mag-aaral ng Ditale E.S. Natutunan niyang
tumungo sa ilalim ng lamesa o matitigas na bagay habang lumilindol at
lumabas ng ligtas pagkatapos ng lindol papunta sa isang ligtas na lugar
malayo sa mga puno o gusali.Mas naalala at natututo ang mga bata sa
pamamagitan ng mga activity gaya ng Earthquake drill.
Sa pagsasagawa ng Earthquake drill nakokonsumo ang oras ng pag-
aaral. Minsan tumatagal ito ng isang oras o higit pa. Gayunpaman, isang
mhalagang aral at kahandaan naman ang naibibigay nito sa mga mag-aaral.
Dahil may natutunan naman ang mga bata, hindi totoong nasasayang ang
oras at nakaka-abala lang ito sa klase.
Isang mahalagang activity ang Earthquake drill, ang kahandaan sa
sakuna ay nakapagliligtas ng buhay. Sabi nga ng kasabihan, sa bawat
pagsubok ng panahon, ligtas ang may alam. Hindi dapat isiping abala lang ito
sa pag-aaral,dapat itong seryosohin at gawin ng buong puso at husay.

Career Guidance Seminar, Inspirasyon sa Pagtupad ng Pangarap


Natupad ang pangarap ng mga mag-aaral ng Ditale E.S. sa pamamagitan
ng pag-suot ng damit na kanilang pinapangarap, dahil sa pagdaraos ng
“Career Guidance” noong October 2023. Maganda ang programang ito dahil
nakikita ng mga magulang ang pinapangarp ng kanilang mga anak.
Nagustuhan din ito ng mga mag-aaral dahil nasusuot nila ang mga
pangarap nilang uniporme. Isa sa mga mag-aaral ang nagsabi na napakasaya
ng araw na iyon dahil maraming bata ang nakasuot ng iba’t ibang propesyon
gaya ng doctor, pulis, sundalo, at marami pang iba.
Masayang masaya din ang mga magulang na makita nila ang kanilang
mga anak. Ayon sa isang nanay, natutuwa siya dahil isa ang kanyang anak sa
mga kasali. Ito ay patunay na ang programa ay inspirasyon para sa mga mag-
aaral upang makapag tapos at makamit ang kanilang pangarap.
Napagastos man ang mga magulang sa pagrenta o pagpapatahi ng damit
para sa kanilang mga anak. Okey lang dahil ito naman ay para sa
kinabukasan ng kanilang mga anak.
Maganda ang programang ito dahil nararanasan ng bawat mag-aaral ang
pakiramdam na makamit ang pinapangarap, dapat lamang itong ulit – ulitin
upang maranasan din ng mga susunod pang mag-aaral.

You might also like