You are on page 1of 7

RECTO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Tiaong, Quezon

CATCH-UP FRIDAY BILANG PAMAMARAAN NG PAGPAPAUNLAD NG

KASANAYAN SA PAGBASA SA PANANAW NG MGA GURO AT MAG-AARAL

NG RECTO MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

IKA-TATLONG PANGKAT

MANALO, ARNEL V.

SALCEDO JOHN MARK P.

BASAS, REYMALENE M.

DINA, KATTLEEN MAY M.


KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang Catch-up Friday ayon sa DepEd (Department of Education), na ginaganap sa

lahat ng biyernes sa buong taon ng pag-aaral ay isang mekanismo ng pag-aaral na nilalayon

upang palakasin ang pundasyon, sosyal,at iba pang mga kaugnay na kasanayan na

kinakailangan upang maisakatuparan ang layunin ng basic education curriculum.

Ayon kina Adhi, A. et al., (2019), ang programang pag-basa tuwing biyernes ay nag-

aambag sa pag-papabuti ng sining ng pag-tuturo sa paaralan sa pamamagitan ng apat na

paraan: pag-taas ng interes sa pag-babasa ng mga mag-aaral, pag-bibigay atensyon sa aklatan,

pag-papataas ng produktibidad ng mga mag-aaral sa mga malikhaing sulatin/sining ng

paaralan, pagtaas ng kaseryosohan ng mga mag-aaral sap ag-aaral at ang kanilang mga marka

sa pagsusulit at pag-tulong sa mga mag-aaral na mas maunaaan ang mga paksa sa paaralan.

Ang kasanayan sa pag-basa ay isang napakahalagang kakayahan na kailangan ng mga

mag-aaral para sa kanilang buhay sa paaralan at sa labas ng paaralan. Ayon kina Yurko, N.,

(2021), ang pagbuo ng mga kasanayan sap ag-unawa sa pagbabasa ay mahalaga para sa mga

mambabasa. Habang tumatanda ang mga bata, makakatulong ito sa kanila na maunawaan ang

mga aklat-aralin, pahayagan, at iba pang mas kumplikadong mga teksto. Ang mga nag-aaral

ng wikang ingles sa lahat ng antas ng kasanayan sa ingles, at karunungang bumasa’t sumulat,

ay makikinabang sa tahasang pagtututro ng mga kasanayan sap ag-unawa kasama ng iba pang

mga kasanayan. Ang mga pag-unawa sa pag-basa ay isang mahalagang kasanayan sa buhay.
Maari nitong maimpluwensyahan ang parehong tagumpay sa akademiko ng mga mag-aaral

at ang kanilang pagganap sa hinaharap.

Sa paglawak ng sistema ng edukasyon, nararapat na bigyang pansin ang kasanayan sa

pag-basa ng mga mag-aaral. Kung kaya’t umuusbong ang iba’t-ibang pamamaraan sa

pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-basa ng mga mag-aaral gaya na lamang ng Catch-up

Friday. Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin at masagot ang pananaw

ng mga Guro at Mag-aaral ng Recto Memorial National High School hinggil sa

kapakinabangang naidudulot ng catch-up Friday sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-basa

ng mga mag-aaral.

Kaligiran ng pag-aaral

Sa paglipas ng panahon, tayo ngayon ay namumuhay na sa bagong henerasyon na

kung saan ang sistema ng pag-aaral ng mga mag-aaral ay mas napapadali lalo na sa pag-

usbong ng teknolohiya. Sa kabilang banda, ang mga mag-aaral ay hindi natututukan sa

kanilang kasanayan sa pagbasa, na nakakaapekto sa kanilang pagganap sa loob at labas ng

paaralan.

Hindi bababa sa 90% ng mga batang Pilipino na may edad sampu ang nahihirapang

basahin o unawain ang simpleng teksto, ayon sa data ng World Bank noong 2022 sa pag-

aaral. Ngunit bago pa man ihinto ng pandemya ng Covid-19 ang pag-aaral ng mga mag-aaral,

ang pre-pandemic figure ay naglagay ng kahirapan sa pag-basa sap ag-aaral sa Pilipinas sa

70%.

Dahil dito, mahalagang magkaroon ng makatutulong sa pag-unlad ng kasanayan sa

pagbasa ng mga mag-aaral gaya na lamang ng Catch-up Friday. Ang pagpapaunlad ng Catch-
up Friday ay nagbibigay daan para sa mas personalisadong pagturo at pag-aaral ng pagbasa,

na nagreresulta sa mas epektibong pagpapaunlad ng kasanayan ng bawat mag-aaral. Sa

pagkakaroon ng ganitong espasyo, mas nagiging masigla at mas lumalalim ang pag-unlad ng

pagbasa sa pananaw ng mga guro at mag-aaral.

Balangkas Konseptwal

Malayang Baryabol Hindi Malayang Baryabol

Pananaw ng mga mag-


Catch-up
aaral at guro sa Recto

Memorial National
Friday
High School

Figure 1. Ang Malayang Baryabol at Hindi Malayang Baryabol na balangkas sa

pagtataya sa mga epekto ng Catch-up Friday sa mga piling mag-aaral at guro sa Recto

Memorial National High School.

Ang Figure 1 ay nagpapakita ng Malayang Baryabol at Hindi Malayang Baryabol na

balangkas sa pagtataya sa mga epekto ng Catch-up Friday sa mga piling mag-aaral at guro sa

Recto Memorial National High School. Ang Malayang Baryabol ay ang Catch-up Friday at

ang Hindi Malayang Baryabol ay Pananaw ng mga mag-aaral at guro sa Recto Memorial

National High School.


Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may hangaring sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro tuwing Catch-up Friday upang

mapaunlad ang kasanayan sa pag-basa ng mga mag-aaral?

2. Sa paanong paraan naka-apekto ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pag-basa

ng mga mag-aaral?

3. Paano nagagamit ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong pagganap ang mga

kasanayan sa pag-basa na kanilang natutunan tuwing Catch-up Friday?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

Sa susunod na mananaliksik .Ito ang magsisilbing gabay at mapagkukunan nila para sa

kanilang pananaliksik na may kaugnayan sa pagpapaunlad ng pagbasa ng mag-aaral. Maaari itong

maging mapagkukunan kung saan makakakuha sila ng impormasyon at maging batayan din para sa

iba pang pananaliksik na gagawin nila sa hinaharap.

Sa mga guro. Sila ang mga nagnanais na makapagbigay ng dagdag na suporta at gabay sa

kanilang mga mag-aaral .Ang mga guro ay maaaring makinabang sa Catch-up Friday sa pamamagitan

ng pagkakaroon ng dagdag na oras at pagkakataon upang mas mapalapit sa kanilang mga mag-aaral at

maibahagi ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pagbasa sa isang mas personal at epektibong

paraan.

Sa mga mag-aaral. Ito ay may malaking pakinqbang sa mga mag-aaral dahil dito ay

maaring mapaunlad at magkameron ng malawak na kaalaman at pagunawa sa pagbasa dagdag dito


ang Catch-up Friday din ay maging kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral dahil nagbibigay ito

ng pagkakataon upang maibalik ang mga pagkukulang sa kanilang mga gawain at pag-aaral

Sa Department of Education. Maaaring makakuha ng mga benepisyo mula sa

programang Catch-up Friday upang mapabuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral at para sa

pagpapaunlad ng kasanayan nito. Sa Catch-up Friday, ang mga mag-aaral ay maaring magkameron ng

pag-unawa at kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng mga aktibidad na nakatuon sa pagbasa at ito

ay magiging pundasyon para sa kanilang pag-unlad sa iba’t ibang larangan ng pag-aaral. Maaaring din

ito ay makapabigay ng pagkakataon sa mga guro na magbigay ng mas maraming indibidwal na

suporta sa bawat mag-aaral upang mahasa matulungan silang maabot ang kanilang potensyal sa

pagbasa.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaw ng mga guro at mag-aaral patungkol sa

Catch-up Friday bilang pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-basa ng mga mag-aaral ng baitang

siyam (9) sa paaralan ng Recto Memorial National High School Tiaonng, Quezon para sa

taong panunuruan 2023-2024. Ang aming mga taga-tugon sa pag-aaral na ito ay binubuo ng

sampu (10) na mga mag-aaral mula sa baiting siyam (9).

Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang pananaw ng mga guro at mag-aaral sa

pamamaraan ng Catch-up Friday sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pag-basa ng mga mag-

aaral.

Sa kabila ng layunin ng pag-aaral nito ay mayroong limitasyon na dapat isaalang-

alang sa pag-aaral nito. Hindi saklaw ng pag-aaral ang pananaw ng mga guro at mag-aaral na

hindi kabilang sa baiting siyam. Ang sakop ng pag-aaral ay limitado lamang sa sampu (10) na

bilang ng mga mag-aaral ng baiting siyam (9) sa paaralan ng Recto Memorial National High
School Tiaonng, Quezon. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng saklaw at limitasyon, masisiguro

na ang pag-aaral ay may sapat na datos at impormasyon upang matugunan ang mga layunin

ng pag-aaral at maiwasan ang hindi kinakailangang pagkaligaw sa layunin ng pag-aaral.

You might also like