You are on page 1of 2

IE, tinalakay ni Torrocha

Tinalakay ni Rochelle Torrocha - Teacher 3 ng Sto. Domingo Central School ang DepEd Order no.
72, series of 2009 o ang pagpapatupad ng Inclusive Education (IE) sa mga paaralan ng bansa, sa naganap
na press conference kanina, Mayo 25, 2023.

Ayon kay Torrocha, tugon ng DepEd ang IE sa mga hadlang sa pagkatuto at diskriminasyon na
natatanggap ng mga batang mag kapansanan o PWDs na nakaka apektoksa paghubog sa kanilang mga
abilidad.

“Alam natin na kahit may disabilities sila, mayroon din silang mga talents and mayroon silang
abilities na tulad din ng mga kaya nating gawin na normal na mga tao,” saad ni Torrocha.

Dagdag pa niya, kung sa ating nakasanayan na eskwelahan ay inihihiwalay ang mga PWds, sa IE,
isasama sila sa mga normal na estudyante. Gagawin ito upang masiguro na natatamo rin nila ang mga
natatanggap ng mga normal na bata.

Giit ni Torracha, sa IE bibigyang halaga rin ang iba’t-ibang paraan kung paano mas matututo ang
mga estudyante.

“Natuto ang mga estudyante sa iba’t-ibang paraan. Mayroong natututo habang nakikinig ng
music, may natututo naman na tahimik lang,” aniya.

Ipinagdiinan din ni Torracha na mas magiging mabisa ang IE kung ang mga kominidad ay makiki-
isa.

“Kailangan lahat - yung pamilya, yung bata, at yung mga tao sa paligid niyo, dapat involved sa IE,”
ani Torracha.

Bilang pagtatapos, hinimok ni Torracha ang mga campus journalists na sumama sa pagsulong ng
IE.
Mini press conference, idinaos

Idinaos kanina, Mayo 25, 2023 ang mini press conference na pinangunahan nina Rochelle
Torracha – Teacher 3 ng Sto. Domingo Central School, Leny Dela Cruz at Mercy B. Dacir – mga Teacher 3
ng Tiwi Central School, bilang pagsasanay sa mga kalahok ng Collaborative Desktop Publishing.

Sa press con, tinalakay ni Torracha ang Inclusive Education o IE. Dito, ipinaliwanag niya ang
konsepto, kahalagahan, at benepisyo ng IE sa mga estudyante.

Samantala, nag pokus naman si Dela Cruz sa Data Base Learning Modalities ng Department
Education. Sa panayam niya, kanyang tinalakay ang iba’t-ibang modalities at datos ng mga kumuha nito
noong panahon ng pandemya.

Si Dacir naman ay inilahad ang Learning Recovery Plan na ginawa ng Region V Bicol upang
tugunan ang pinsalang dala ng pandemya sa kalidad ng edukasyon.

Nilahukan ng mga mag-aaral mula Sto. Domingo Central School, Malinao Central School, Tiwi
Central School, Malinao National High School, Zamora Memorial College, at San Jose National High
School ang naturang press con, kung saan gagawa sila ng pahayagan mula dito.

Ang pagsasanay ay kanilang paghahanda para sa paparating na Division Press Conference sa


Mayo 28-29 na gaganapin sa Malabog National High School, Salvacion, Daraga, Albay.

Learning Recovery Plan, Ilulunsad

Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) Bicol ang RAISE R5 - Learning Recovery Plan
bilang solusyon sa pinsalang dala ng pandemya sa mga estudyanteng Bikolano.

Sa regional memorandum na inilabas ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, kanyang
inanusyo na ilulunsad ang programa sa Mayo 1-3, 2022 na gaganapin sa Sorsogon.

Ang RAISE ay pinaikling termino ng Recovering for Academic Achievement by Improving


Instruction through Sustainable Evidence-Based Learning Program.

Layunin ng programang itong mapunan ang pagkukulang ng modular learning at maibalik muli sa
normal ang setting ng mga paaralan. Ito ay mag-po-pokus sa paghubog sa kakayahan ng mga
estudyanteng bumasa at sa matematika na siyang pinaka naapektuhan ng pandemya.

Ilan sa mga aktibidad na gagawin ng DepEd sa paglulunsad nito ay ang pagtatayo ng learning
support centers sa mga paaralan at komunidad. Nangangahulugan lamang na magkakaroon pagsasala sa
mga estudyanteng kailangan ng tulong. Sila ang tatanggap ng remedial at mga intermedial programs.

Matapos ang paglulunsad, ang mga Schools Division Office sa Bicol ay agad na ipagpapatibay ito
sa bawat eskwelahan.

You might also like