You are on page 1of 5

Usapang edukasyon sa balik

eskuwela 2023
NiLea Manto-Beltran

Agosto 22, 2023

ALINSUNOD sa RA 11480, ang school year (SY) 2023–2024 ay pormal na magsisimula sa Agosto
29, 2023, Martes at magtatapos sa Hunyo 14, 2024, Biyernes. Para sa Alternative Learning
System (ALS), ang interbensyon sa pag-aaral ay pormal na magbubukas sa parehong petsa ng
pampublikong pormal na batayang edukasyon, Agosto 29, 2023.

Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President at Education Secretary Sara Duterte
Ang tanong, handa na ba ang Department of Education at ang mga papasok na mga bata sa
hamon ng pag-aaral ngayong school year 2023–2024?

Ayon sa isang pag-aaral noong 2018 ng Program for International Student


Assessment (PISA), nasa huling ranggo sa pagbasa mula sa 79 na bansa ang mga Pilipino na
nasa edad 15 taong gulang. Lumalabas na pang 78 rin tayo sa agham at matematika.
Nagpapahiwatig na ang limitadong kaalaman sa kadahilanang wala silang sapat na
kakayahan na makabili ng gadget at malakas na internet koneksyon na higit na
nakakatutulong sa malawak na pagkatuto sa iba’t ibang aralin ng mga mag-aaral kung kaya’t
ang krisis ay nakasalalay rin sa katotohanang maraming Pilipino ang hindi marunong
magbasa o gumawa ng simpleng matematika.

Bagaman maraming kinakaharap na mga isyu ang sektor ng edukasyon tulad ng mga
nabanggit sap ag-aaral, kakulangan ng mga silid-aralan, guro at kagamitang teknikal sa
pagtuturo, at mababang kalidad ng edukasyon, patuloy ang ginagawang mga programa ng
pamahalaan para matugunan ang mga ito.

Bagong kurikulum

Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan ang maraming problema ng sektor
ng edukasyon tulad ng kakulangan sa mga pasilidad sa mga paaralan at silid-aralan lalo na sa
mga liblib na lugar at ang mabagal na pagsasanay ng mga guro at mga mahihinang
estudyante.

Bilang tugon sa mga kinakarap na mga problemang ito, inilunsad kamailan ng Department of
Education sa pangunguna ng Kalihim ng Edukasyon at Bise Presidente Sara Duterte ang
bagong “Matatag Curriculum.” Ito ang bagong “decongested” curriculum na tututok sa mga
pangunahing kakayahan at foundational skills para sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang
Grade 10.

Tinatawag na Matatag K-10 (Kinder to Grade 10), ang binagong kurikulum ng batayang
edukasyon ay tututok sa mga kasanayan sa literacy at numeracy, babawasan ang bilang ng
mga kakayahan sa pag-aaral, balansehin ang mga pangangailangang nagbibigay-malay, na
tututuon sa mas mataas na antas ng mga kasanayan sa pag-iisip, mas malinaw na
pagpapahayag ng mga kasanayan sa ika-21 siglo, paigtingin ang edukasyon sa
pagpapahalaga, palakasin ang edukasyong pangkapayapaan, at gawin itong kapantay ng
mga internasyonal na pamantayan.

Sinabi ni DepEd Bureau of Curriculum Development director Jocelyn Andaya sa ginanap na


press briefing na “70 percent of the current curriculum had been taken out of the new
curriculum simply because there are competencies that repeat; there are competencies that
are only ‘nice to know,’ but are not a ‘must to know,’ that is why we are aiming for essential
learning competencies”(“70 percent ng kasalukuyang curriculum ay inalis sa bagong
curriculum dahil may mga competencies na umuulit; may mga competencies na ‘nice to
know, ‘ ngunit hindi ‘kailangang malaman,’ kung kaya’t kami ay naglalayon para sa mga
mahahalagang kakayahan sa pag-aaral.”)
Kabilang sa mga pangunahing tampok ng Matatag curriculum ang pagtanggal ng Mother
Tongue-based na mga asignatura sa unang baitang, na papalitan ng limang pangunahing
asignatura sa Baitang 1, na tututok sa literacy at numeracy.

“These learning areas have been deliberately crafted, not just simply merging or integrating
the existing learning areas,” (“Ang mga learning areas na ito ay sadyang ginawa, hindi lang
basta pagsasama-sama ng mga kasalukuyang learning areas,” sabi ni Andaya.

Nilinaw naman ni DepEd spokesman Undersecretary Michael Wesley Poa na hindi inalis ng
bagong curriculum ang paggamit ng Mother Tongue learning gaya ng nakasaad sa K to 12
laws.

Sinabi ni Poa na ang kurikulum ng wika ay makatutulong sa pagbuo ng mga kasanayan sa


oral language para sa komunikasyon sa wikang mauunawaan ng mga mag-aaral, na
mahalaga sa pagbuo ng pundasyon sa mga kasanayan.

Ang kakayahan sa pagbasa at literacy competency, sa kabilang banda, ay magbibigay sa mga


mag-aaral ng mga kasanayan sa pagbabasa, pag-unawa, kritikal na pag-iisip, pagmamahal sa
pagbabasa, at makatutulong sa mga mambabasa na magkaroon ng tiwala sa sarili at maging
mahusay na mga mambabasa.

Ang bagong asignaturang “Makabansa” ay hahabi ng mahahalagang nilalaman at kasanayan


mula sa sining at kultura, sibika, kasaysayan, at pisikal na edukasyon at kalusugan.

Ang pinagsama-samang asignaturang Makabansa ay isasama sa Baitang 1-3, habang ito ay


ide-deintegrate sa Araling Panlipunan (Social Studies), teknolohiya at edukasyong
pangkabuhayan, at mga asignatura sa musika, sining at pisikal na edukasyon mula Baitang 4-
10.

Itatampok din sa bagong kurikulum ang asignaturang GMRC, o “Good Manners and Right
Conduct,” sa Baitang 1-6 at Values Education mula Baitang 7-10, na sinabi ni Andaya na
umaayon sa Republic Act 11746, o ang batas na nagpapatibay sa pagkatuto ng asignatura sa
kurikulum.

Ang edukasyong pangkapayapaan ay isasama rin sa bagong kurikulum, na, ani Andaya, ay
magkakaroon ng mga talakayan tungkol sa kamalayan sa sarili, pag-iwas sa kalamidad, at
seguridad ng tao, na magpapabatid sa mga mag-aaral sa paghahanap ng mapayapang
resolusyon kahit sa loob ng silid-aralan.
Ang bagong kurikulum ay ipakikilala sa mga phase, kung saan ang mga mag-aaral sa Baitang
1, 4 at 7 ay nakakaranas ng bagong kurikulum sa taong panuruan 2024-2025.

Positibo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang bagong kurikulum ay
magbibigay sa mga bata ng “makabuluhang karanasan sa pag-aaral na magpapalakas ng
kanilang katalinuhan, magpapaunlad ng kanilang kaalaman, magpapahusay sa kanilang mga
kasanayan at talento, at maghahanda sa kanila na maging mahusay, mature na mga
indibidwal.”

“It offers a glowing promise in our campaign to improve the country’s basic education as it
brings to life our dreams and aspirations for our learners and our country. But it demands the
extraordinary dedication, commitment, support, and resolve of our education stakeholders,”
(“Nag-aalok ito ng isang maningning na pangako sa aming kampanya upang mapabuti ang
pangunahing edukasyon ng bansa habang binibigyang-buhay nito ang aming mga pangarap
at mithiin para sa aming mga mag-aaral at sa aming bansa. Ngunit hinihingi nito ang
pambihirang dedikasyon, pangako, suporta, at pagpapasya ng aming mga stakeholder sa
edukasyon,”) sabi ni Duterte.

Marcos isinusulong ang pagtaas ng sahod ng mga guro

Samantala, inatasan ni Presidente Marcos Jr. noong Lunes (Agosto14) ang Department of
Education (DepEd) na humanap ng paraan para madagdagan ang mga suweldo ng mga guro.

Ang direktiba ng pangulo ay nangunguna na sa pagtaas ng suweldo na ipinag-uutos na ng


Salary Standardization Law.

Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang direktiba sa isang
panayam kasunod ng mga aktibidad ng “Brigada Eskwela” ng DepEd sa Victorino Mapa High
School sa Barangay San Miguel, Maynila, kung saan naroon din si Pangulong Marcos.

“We have increases based on the Salary Standardization Law, that is in tranches every year.
And when we took over last year, President Marcos ordered a study not just on the yearly
increase but the long-term outlook on how to implement increases to the salary of teaching
and non-teaching DepEd personnel,” (“May mga increase tayo base sa Salary Standardization
Law, na naka-tranches bawat taon. At nang umupo kami noong isang taon, iniutos ni
Presidente Marcos na pag-aralan hindi lamang ang bawat taon na dagdag ng suweldo kundi
maging ang pang-matagalang pagtataas ng suweldo ng mga tauhan ng DepEd sa pagtuturo
at hindi nagtuturo,”) sabi ni Duterte.

You might also like