You are on page 1of 25

SALOOBIN NG MGA GURO SA PAGTAAS NG BILANG NG MGA MAG-AARAL

NG GRADE 11 STEM SA LNHS

Sulating Pananaliksik

Ipinasa sa Kagawaran ng STEM

Leyte National High School

Dibisyon ng Lungsod ng Tacloban

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Viktoria Divine D. Balagon

Rhonmhar D. Lacaba

Juris Dixie C. Lorenzo

Sunshine Kate C. Macapugas

Kiesha Marie Y. Macion

Jennifer Jezreel Kaye D. Pading

Catherine B. Peralta

Roy S. Ricafort

April Jane O. Sabalberino

Aries Moonyin K. Sequito

Earl Joriz R. Talacay

Abril 2023
KABANATA I

INTRODUKSYON

Ang kabanatang ito ay nagbigay ng mga pangunahing impormasyon ukol sa

tapik na napili. Ito ay binubuo ng limang bahagi: sanligan ng pag-aaral, suliranin ng

pag-aaral, kahalagahan ng pag-aaral, depinisyon ng mga terminolohiya, at saklaw at

dilimitasyon.

Sanligan ng Pag-aaral

Itinuturing ang paaralan bilang pangalawang tahanan ng mga mag-aaral, at

ang mga guro naman ang siyang nagsisilbi bilang pangalawang magulang. Ang

paaralan ang lugar kung saan nahahasa ang husay ng isang mag-aaral sa larangan

ng kakayahan, karunungan, at talento. Malaki ang gampanin nito sa isang mag-aaral

sapagkat ito ang nagsisilbing daan upang makipagsabayan sa takbo ng mundo

(Alpas et al., 2019). Ayon sa University of Victoria (2022), ang dami ng mga

mag-aaral na naka-enroll sa 56 na bansa ay umabot sa 208.6 milyon noong taong

2018. Hindi rin maitatanggi ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral lalong lalo na

sa Pilipinas na umabot ng 28 milyon sa pagsisimula ng face-to-face na klase ng

akademikong taon 2022-2023 (Department of Education, 2022).

Ayon sa Batas Republika Blg. 9155 o ang “Governance of Basic Education

Act of 2001”, ang lahat ng mamamayan ay may karapatan para sa pagkakaroon ng

magandang kalidad ng edukasyon, bukod pa rito, nakasaad dito na ang nasabing

edukasyon ay bukas sa lahat at libre sa mga batang Pilipino. Ito ay nakapagbigay ng

oportunidad upang mapalawak ang kaalaman ng isang indibidwal sa pamamagitan

ng edukasyon ngunit, kinakikitaan din ito ng pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral.

Batay kay Newberry (2019), may mga salik na nakakaapekto sa pagtaas ng bilang
ng mag-aaral sa isang paaralan, ilan na rito ay ang reputasyon ng paaralan, ang

kalidad ng edukasyon at magandang karanasan na inaalok, ang parent satisfaction,

at marami pang iba. Gayundin ang pagtaas ng populasyon sa Pilipinas

(Worldometer, 2019). Marahil ay magandang bagay ang pagtaas ng bilang ng mga

mag-aaral gayunpaman, kinakikitaan din ito ng mga hamon at suliranin sa aspetong

panlabas at panloob.

Ayon kay Gabieta (2020), humigit kumulang 1.1 milyong mag-aaral at

nag-enroll sa Eastern Visayas Region mula akademikong taon 2020 hanggang

2021. Samantala, noong nakaraang taon 2019 hanggang 2020, ay mayroong 1.3

milyong mag-aaral na nakapag-enroll, habang 1.31 milyon naman sa akademikong

taon 2021 hanggang 2022. Mula sa datos na naipresenta, makikita ang pagtaas ng

bilang ng mag-aaral kumpara noong nakaraang taon dahil sa estado ng COVID-19

pandemic sa lugar.

Upang mapaunlakan ang lumalaking bilang ng mag-aaral, nagkakaroon ng

malaking class size ang bawat guro. Suliranin sa paaralan ang kakulangan ng mga

silid-aralan, gayundin ang kakulangan ng mga guro

(Alpas et al., 2019; Llego, 2018; Ubarco, 2017). Sa kadahilanang ito, nagkakaroon

ng mababang kalidad ng edukasyon partikular sa bisa ng pagkatuto. Dagdag pa ng

pag-aaral na isinagawa ni Cervantes et al. (2022), may negatibong epekto rin ito sa

mga mag-aaral sa aspeto ng pahirapang pamamahala at kontrol sa mga mag-aaral,

at pagtaas ng lebel ng stress sa mga guro na nakakaimpluwensya sa kalidad ng

kanilang pagtuturo, at ugnayan nila sa mga mag-aaral.

Ang pagpapatupad ng “The Public School Size Law of 2016” o ang House Bill

473 ay nagsasaad na ang bawat silid-aralan ay may pamantayang class size na

hindi lalampas sa bilang na 35. Gayunpaman, bukod sa katotohanang libre ang


edukasyon sa karamihan ng mga paaralan sa Eastern Visayas, partikular sa Leyte

National High School, tumataas ang bilang ng mga mag-aaral dahil hindi maitatanggi

ang katanyagan nito sa larangan ng de-kalidad ng edukasyon, sa kabila ng kaso ng

pandemya noong nakaraang taon. Kaya naman maraming magulang pa rin ang

nagnanais na makapag-aral ang kanilang mga anak sa paaralang ito. Ngunit

kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral ng Grade 11 Stem, hindi

maikakaila ang mga posibleng hamon na kakaharapin ng mga guro ng LNHS STEM,

lalong-lalo na ang magturo ng doble pa sa bilang ng mga seksyon kumpara noong

nakaraang taon.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay pokus sa mga saloobin ng mga guro

ukol sa pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa Leyte National High School ngayong

taong panuruan 2022-2023.

1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa

STEM matapos ang pandemya?

2. Paano mailalarawan ang pagtuturo sa ika-11 na baitang sa STEM ng Leyte

National High School ngayong taong panuruan 2022-2023?

3. Ano ang naging epekto sa mga guro at sa kanilang pagtatrabaho nang

biglang tumaas ang bilang ng mga mag-aaral sa STEM?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ilahad ang kahalagahan ng pag-aaral

sa mga sumusunod:

Department of Education (DepEd). Ang pagtaas ng bilang ng mga

mag-aaral ay maaaring magdulot ng pagtaas din sa pangangailangan ng mga


paaralan. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, maaaring malaman ng DepEd kung

saan mas nangangailangan ng mga bagong paaralan o kung paano mapapalakas

ang mga kasalukuyang pasilidad at mga programa upang matugunan ang pagdami

ng mga mag-aaral.

Leyte National High School (LNHS). Ang pagtaas ng bilang ng mga

mag-aaral sa LNHS ay maaaring magdulot ng pangangailangan para sa mas

malalaking pasilidad at mga serbisyo. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, maaaring

malaman kung ang kasalukuyang pasilidad at mga serbisyo ng paaralan ay sapat pa

rin upang matugunan ang pangangailangan ng mas maraming mag-aaral. Maaaring

makatulong ang pagsasaliksik sa pagpaplano ng mga proyekto at mga programa

upang mapalakas ang pasilidad at mga serbisyo sa LNHS.

Guro. Ang resulta ng pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga guro

sapagkat dito malalaman nila kung paanong pamamaraan ang gagawin para

mabalanse ang pagtuturo sa laki ng bilang ng mga estudyante. Makakabuo at

madadagdagan ang kanilang estratehiya sa pagtuturo.

Mag-aaral. Ang pagsasaliksik ay makakatulong sa pagkilala sa mga hamon

at pangangailangan ng mga estudyante na kaakibat ng pagtaas ng bilang ng mga

mag-aaral. Sa pamamagitan nito, maaaring matukoy ng paaralan ang mga

kailangang suportang akademiko, pisikal, at emosyonal na kailangan ng mga

estudyante upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ibang Staff sa Paaralan. Maaaring magbigay ng impormasyon at

paglilingkod na magtutulong upang matugunan ang pagtaas ng bilang ng mga

mag-aaral. Sila ay maaaring magbahagi ng mga saloobin at karanasan mula sa

kanilang partikular na mga tungkulin na maaaring magdulot ng kaugnayan sa

pag-aaral ng mga mag-aaral.


Mananaliksik sa hinaharap. Mapapakinabangan ng mga mananaliksik sa

hinaharap ang pag-aaral na ito sa paghahanap nila ng mga impormasyon tungkol sa

saloobin ng mga guro sa pagtaas ng bilang ng mga estudyante. Magsisilbing

batayan ang pananaliksik na ito sa paghahanap ng mga kaugnay na pag-aaral at

literatura tungkol sa nasabing paksa.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Saloobin. Ito ay layunin o anumang laman ng isip ng isang tao (TagalogLang,

2022). Sa aming pag-aaral, ang saloobin ng mga guro ang aming pinagtutuunan ng

pansin tungkol sa kung ano man ang kanilang nararamdaman o layunin sa nasabing

pagdami ng bilang ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito, ang saloobin ng mga

guro ang aming pinagtutuunan ng pansin tungkol sa kung ano man ang kanilang

nararamdaman o layunin sa nasabing pagdami ng bilang ng mga mag-aaral.

Guro. Isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral. (Guro,

n.d.). Sa pag-aaral na ito, guro ang aming pangunahing kalahok (participant). Sa

pag-aaral na ito, guro ang aming pangunahing kalahok/participant.

Mag-aaral. Siyang taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino at ang

tinuturuan ng guro na mag-aral at makadiskubre ng mga bagay (Wikiwand -

Mag-aaral, n.d.). Sa pag-aaral na ito, ang bilang ng mga mag-aaral ang

pinagbabasehan kaya't natanong namin sa mga guro kung ano ang kanilang

saloobin sa pagdami nito.

STEM. Isang diskarte sa pag-aaral at pag-unlad na pinagsasama-sama ang

mga lugar ng agham, teknolohiya, engineering at matematika (What is STEM? -

Department of Education, n.d.). Sa pag-aaral na ito, ang mga guro at mag-aaral na

nagmumula sa STEM na strand ang aming pinagkukunan ng datos at iba pa. Sa


pag-aaral na ito, ang mga guro at mag-aaral na nagmumula sa STEM na strand ang

aming pinagkukuhanan ng datos at iba pa.

Saklaw at Dilimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaloob lamang sa saklaw ng mga guro sa ika-11

na baitang sa STEM ng Leyte National High School sa Tacloban City, at ang

kanilang mga opinion tungkol dito. Ang mga guro sa STEM sa LNHS ay nakararanas

ng mga kahirapan sa pagdami ng populasyon ng mga mag-aaral dito at paano ito

nakakaapekto sa kalidad ng pagtuturo. Ang mga mananaliksik ay dito kukuha ng

mga mapagkukunan na datos para sa papel na ito kung saan limitado ang kaalaman

na mapagkukunan lamang ng datos.


KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng malawak na pagsusuri ng mga kaugnay

at nauugnay na literatura tungkol sa paksa ng pag-aaral na ito. Ito ay binubuo ng

tatlong bahagi: kaugnay na literatura, kaugnay na pag-aaral, at teoretikal na

balangkas.

Kaugnay na Literatura

Ang edukasyon ay proseso o pamamaraan upang makamit ang kahusayang

pangkaalaman at pangkakayahan. Upang mapadali at makamit ang pagkatutong ito,

ang mga guro ang siyang nagsisilbing mahalagang instrumento. Kung kaya

nagpapakita ng advantage kapag nagkakaroon ng interaksyon sa parehong panig ng

mga mag-aaral at ng mga guro (Wang & Calvado, 2022).

Isinaad ni Pison (2019), na mayroong mahigit 7.7 bilyon ang populasyon sa

mundo, taong 2019. Sa pagtatapos ng taong 2020, umabot ito sa bilang na 7.82

bilyon na mas mataas kumpara noong nakaraang taon. Subalit, tumataas ang

populasyong ito sa isang mababang single-digit annual rate sapagkat kinakitaan at

inasahan na ang populasyon ay tataas ng 81 milyon kada taon. Gayundin noong

taong 2021 na may populasyong 7.88 bilyon, habang 8.0 bilyon naman noong taong

2022 (United Nations, 2022).

Ang pagtaas ng populasyon ay dulot ng bilang ng kapanganakan,

pagkamatay, at migrasyon ng mga indibidwal. Sa madaling salita, ang pagtaas ng

bilang nito ay ipinagpapalagay bilang natural increase na kung saan binibigyang

konsiderasyon ang mga natural na phenomena sa kalagayan ng populasyon

partikular ang dinamikong sitwasyon sa antas ng kapanganakan at kamatayan


(Britannica, 2019). Subalit, naging salik din ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa

pagbabago ng daloy ng populasyon, sapagkat ayon Delbe et al. (2022) ang ilan sa

mga pinakamabilis umusbong na lungsod bago ang pandemya ay lumago sa mas

mabagal na population growth rate matapos itong magsimula. Ang estadong ito ay

makikita rin sa Pilipinas na kung saan nagkaroon ito ng natural decrease sa

populasyon (Cruz et al., 2022).

Ayon kay Calzita (2020), ang ang bilang ng nakapag-enroll sa Eastern

Visayas noong taong panuruan 2020-2021 ay masmababa kumpara sa nakaraang

akademikong taon, gayunpaman, para kay Vacunawa (2020), mas mataas ang

bilang ng mga mag-aaral na nagpa-enroll sa Northern Samar kumpara noong

nakaraang taon. Mula rito, kapansin-pansin ang pagkakaiba ng antas ng bilang ng

mga mag-aaral sa bawat rehiyon, paaralan, at nakabase rin ito sa sirkumstansyang

kinakaharap.

Ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral ay maaaring magpahiwatig ng

positibo at negatibong implikasyon. Kadalasan ang pagtaas ng bilang ng mga

mag-aaral ay indikasyon ng de-kalidad na edukasyon, magandang reputasyon, at

katanyagan ng (Academia & Romero Jr., n.d.), sa kabilang dako, ayon kay Lori

Garrett-Hatfield (n.d.), pinapakita na ang mataas na bilang ng mag-aaral ay

nagdudulot ng hamon sa mga guro, sapagkat hindi na napagtutuunan ng pansin ang

epektibong interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral kapag nagkakaroon ng

diskusyon at pangkatang gawain. Maliban doon, kapansin-pansin din ang kawalan

ng engagement o pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral, at ang pagkakaroon ng

negatibong pag-uugali sa pangangasiwa ng nasabing hamon.

Batay kay Bish (2020), sa pinakasimpleng konsepto, ang dami ng mga

indibidwal ay nakakaapekto sa isang tao sa aspeto ng matutuluyan, transportasyon,


pangangailangan ng pagkain, at tubig. Samakatuwid, tinutukoy nito ang mga

pangunahing pangangailangan ng isang tao. Gayunpaman, ayon kay Thomas

(2018), nakasaad dito na ang dami ng mga indibidwal ay nakakaapekto sa isang tao

sa panloob na aspeto katulad ng kalusugan pangkaisipan. Sapagkat lumalabas na

habang tuluyang lumalaki ang population density, mas malaki ang magiging epekto

sa kaisipan ng isang tao.

Lumabas din na sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng “The Public School

Size Law of 2016” o ang House Bill 473 kung saan ang pamantayang class size ng

isang silid ay hindi lalampas sa bilang na 35, hindi maitatanggi na ang pagtaas ng

bilang nito ay nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral at bisa ng pagtuturo ng

mga guro (DepEd Tambayan, 2018).

Ang STEM na edukasyon ay nagpapakita na ito ay umusbong na

pinagkasunduan ng mga pandaigdigang katangian na kaugnay dito ay pagbabago.

Ang STEM na edukasyon ay mahalaga para sa hinaharap na tagumpay ng mga

mag-aaral. Ang pinagsamang STEM na edukasyon ay isang paraan upang gawing

mas konektado at may kaugnayan ang pag-aaral para sa mga mag-aaral

(Stohlmann, n.d.), dahil dito, kapansin-pansin ang pagiging interesado ng mga tao

lalo na ng mga estudyante sa pagpili ng strand na STEM. Ayon sa pananaliksik na

isinagawa nina Holmlund et al. (2018), sa buong mundo, ang STEM ay tumatanggap

ng napakalaking atensyon sa mga pagsisikap sa reporma sa edukasyon pati na rin

sa sikat na mga media. Ang isang makabuluhang dahilan kung bakit ang STEM ay

tumatanggap ng napakalaking atensyon sa mga tao, ito ay dahil nakatuon ang

atensyon sa mga kasanayan ng pagtuturo ng mga guro sa asignaturang agham at

matematika. Ang aktibong pakikipag-ugnayan at pagsuporta ng mga guro sa lahat

ng mga estudyante sa pag-aaral ay isa rin sa mga dahilan. Sa buong mundo, ang
STEM ay kilalang may matatag na edukasyon at may mahalagang ginagampanan

na makapag tagumpay ng ekonomiya.

Bagaman may kasanayan ng pagtuturo ang mga guro sa agham at

matematika, hindi rin maitatanggi na nahihirapan ang mga ma-aaral sa pag-intindi sa

mga asignaturang ito. Ang matematika ay isang napakahirap na asignatura para sa

mga mag-aaral sa kasalukuyan at para sa mga nakaraang henerasyon, ito ay

kinakailangan ng isang eksakto at tumpak na solusyon at sagot sa bawat problema

Dela Cruz et al. (2018). Ang STEM na edukasyon ay medyo nakatuon sa interes sa

agham na hindi gaanong binibigyang diin sa pagkakakilanlan sa agham. Ang pagbuo

ng isang mas malalim na pag-unawa sa pagkakakilanlan sa agham ay kinakailangan

upang matukoy ang antas kung saan ang isang partikular na pagkakakilanlan sa

agham ay maaaring konektado sa iba pang partikular (Martin-Hansen, 2018).

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Lin-Siegler et al. (2023), ang kagustuhang

matuto ng karamihan ay humantong sa pakikibaka kung saan ito nakatuon sa

proseso ng pag-aaral mismo, katulad ng hindi magandang pag-unawa sa paksa,

hindi sapat na pagsisikap, at paggamit ng hindi epektibong mga estratehiya sa

pag-aaral. Ang mga mag-aaral na may mas mataas na tagumpay ay mas malamang

na lagyan ng lebel ang kanilang mga pakikibaka bilang mga kabiguan kaysa sa mga

hindi gaanong nakamit. Ang mga implikasyon para sa pagtuturo sa silid-aralan ay

tinalakay na may partikular na pagtuon sa pagbuo ng talento sa mga larangan ng

STEM.

Ayon kay (Bai, n.d.), ang karanasan sa pakikipag-ugnayan sa silid-aralan ay

isa sa mga pangunahing bahagi ng buhay ng pag-aaral ng mga mag-aaral.

Gayunpaman, lumalabas sa resulta na ang laki ng klase ay may epekto sa

pakikipag-ugnayan lamang sa katangian ng guro.


Ang malaking sukat ng klase ay isa sa mga problema sa sektor ng edukasyon

na kinakaharap ng mga umuunlad na bansa (Ayeni, n.d.). Ang mga natuklasan sa

kanyang pag-aaral ay nagsiwalat na ang malaking sukat ng klase ay may

negatibong implikasyon sa epektibong pagtuturo. At saka, ang relasyon sa pagitan

ng malaking klase at epektibong pagtuturo at pagkatuto ay napakababa.

Ayon sa pananaliksik na isinagawa ni Mamman (n.d.-b), ang mga natuklasan

sa kanyang pag-aaral ay nagsiwalat na ang may malaking bilang ng klase ay may

negatibong epekto sa mga guro dahil ito ay nakakaapekto sa kanilang pagganap.

Kaya't inirerekomenda na mas maraming paaralan at silid-aralan ang dapat itayo at

mas maraming guro ang magtrabaho upang mapagaan ang mga aktibidad ng guro

para sa mas mahusay na pagganap.

Sa kabilang banda naman, ayon kay Cervantes (n.d.), ang laki ng klase ay

mahalaga sa kaaya-ayang pagkatuto ng mga mag-aaral. Bagama't nagbabago ang

bilang ng laki ng klase, ang bilang ng mga average na marka na nakolekta mula sa

bawat kategorya ay hindi nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba. Samakatuwid,

ang pag-aaral ay naghihinuha na ang bilang ng laki ng klase ay walang

makabuluhang epekto sa pagsusuri ng guro dahil ang bilang ng mga resulta ay hindi

gaanong nag-iiba. Ito ay nagpapahiwatig na ang mga resulta ng pagsusuri ng guro

ay hindi maaaring direktang matukoy sa pamamagitan ng bilang ng mga mag-aaral

sa isang silid-aralan, ngunit ang guro ay dapat na sanay na mabuti sa paksang

itinuturo.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Alpas et al. (2019), ang paaralan ay maituturing na

pangalawang tahanan kung saan maaaring hasain ang kaalaman, talento, at


kakayahan ng mag-aaral. Suliranin ang pagdami ng populasyon ng mga mag-aaral

na nagdudulot ng kakulangan ng silid na maaaring gamitin ng mga mag-aaral. Sa

paglaki ng populasyon, kasabay nito ay pagkakaroon ng isyu o concern ang mga

mag- aaral at guro pati narin ang mga magulang kagaya ng kondisyon ng silid-aralan

at kakulangan ng kagamitan (Shirley & Maura, 2017). Katunayan, ayon kay Lampert

(2022), ang pagtaas ng populasyon ng mga mag-aaral ay nagiging sanhi ng mga

pandaigdigang pagbabago sa kapaligiran.

Batay sa pag aaral ni Dr. Akech (2019), hindi madali ang mga karanasan ng

bawat estudyante at guro tuwing tumataas ang bilang ng populasyon bagkus ito ay

may malaking epekto sa pang araw-araw nilang pamumuhay kagaya ng ingay,

limitasyon ng pagkilos sa loob ng silid-aralan, pag-aaksaya ng oras sa pag aayos ng

pagkakasunod ng mga estudyante kaya ang tinatawag na "effective teaching" ay

hindi gaanong epektibo.

Ang 'class size' ay importanteng sektor sa pisikal at sikolohikal na reaksyon ng

stress. Mas malaking antas ng bilang ng mag-aaral, mas mataas na lebel ng stress

ang naidudulot nito sa mga guro (Yizhen et al., n.d.). Para sa nakararami, "stressful"

ang ganitong kalagayan sapagkat ito ay may epekto rin sa emosyonal at mental na

aspeto pati na rin sa kalusugan (Osai et al., n.d.).

Ayon sa pag aaral nina Fatima, et al. (2019) dahil sa mataas na bilang ng

mag aaral ay mas tumataas ang pagkakataon na magkasakit at hindi makapasok

ang guro, sanhi ng maraming trabaho na dulot ng higit sa kaya na bilang ng mag

aaral. Nakakaapekto rin ito sa mental health ng guro, sapagkat maaaring magdulot

ito sa kanila ng “burnout”.

Batay sa pananaliksik ni Mokhtar, (2019), ang sobrang dami ng tao sa silid

aralan ay isang isyu kung saan ang mga guro o tagapagturo ay may mas kaunting
kontrol sa pamamahala ng mga mag aaral. Mas nakikita ang negatibong epekto ng

mataas na bilang ng mag aaral sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Dahil sa

mataas na bilang ng mag aaral ay hinaharap ng guro ang ilang mga sikolohikal at

propesyonal na mga problema na nakakasira sa pagtuturo at pagkatuto na nagiging

hadlang sa pagbibigay ng “quality education”.

Sa pag aaral ni Venecia, (n.d), ang pagdami ng mga mag-aaral ay

nakakaapekto rin sa pag ganap ng guro sa silid aralan. Nahihirapang makipag

komunika ang guro sa kanila o hindi kaya naman ay hindi sila nabibigyan ng tamang

atensyon sa kadahilanang ganon kadami ang mag-aaral. Dahil din dito, hindi

nabibigyan ng sapat na dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral (Llego, 2018).

Mas maganda at maayos ang pag ganap ng bawat isa, ang guro at mag-aaral, kung

may sapat at spesipikong bilang lamang ang mga ito. (Bai, n.d).

Batay sa pag aaral ni Ahmed, (2022) ang pagtuturo sa klase na may malaking

class size ay masyadong mahirap pagtuunan ng pansin dahil sa hindi mapanatili ng

mga guro ang kalidad ng pagtuturo at samantalahin ang gawaing pares o pangkat.

Hindi naipapatupad ng guro ang nakasentro sa mag aaral na “pedagogies” at mas

nalalaan ang oras ng guro sa pagkuha ng atensyon ng mag aaral upang sila ay

makinig. Nagiging hadlang ito at sa mas mabisang pagkatuto (Ayoub, 2019).

Ang mga natuklasan ng pag-aaral ay nagpakita na ang pagtaas ng bilang ng

mga mag-aaral ay nakaimpluwensya sa emosyonal na aspeto ng mga guro. Naging

sanhi ito ng pagkabagot at pagiging labis na pagod sa trabaho. Gayunpaman, hindi

naman ito nakaimpluwensya sa kanilang sosyal na aspeto, na nangangahulugang

hindi ito nakaimpluwensya sa kanilang pakikitungo sa kanilang mga estudyante,

kalidad ng kanilang mga pagtuturo, at kanilang kakayahan na magbigay ng tamang

suporta sa kanilang mga mag-aaral.


Ang klaseng may malaking up class size ay napapatunayan na may

negatibong epekto sa mga mga mag aaral at sa kanilang pang akademikong mga

gawain ng mga estudyante, samantalang sa mga klase naman na may maliit na

class size ay may positibong katugunan nito sa kanilang pag aaral (Babalola, 2021).

Sa kabilang dako, sa hindi maiiwasan na pagdami ng populasyon ng mga mag-aaral

ay may estratehiya isinagawa ang mga guro upang maayos silang makapagturo.

Gumagamit ang mga ito ng sinasabing: “educational assistant”. Bilang parte ng

makabagong mundo, ang mga modernong teknolohiya ang nagsisilbing kaagapay

ng mga guro upang mapadali ang magtuturo nila sa mga mag-aaral. (LeBlanc, R.

n.d.).

Ayon kay Falgui (2019), masaya ang mga guro sa pagtatrabaho sa kursong

STEM, ngunit nagkaroon din sila ng mga problema at mga hamon dahil sa dami ng

estudyante sa kanilang mga klase. Nagpapakitang di-kasapatan ng mga silid-aralan

at limitadong gamit ng teknolohiya ang mga pangangailangan ng mas maraming

mag-aaral sa isang pampublikong sekundaryong paaralan. Bilang isang resulta,

nagiging mas malungkot ang mga guro, nakakaranas ng kakapusan ng oras at

nakakaramdam ng mataas na antas ng stress sa kanilang trabaho. Ito ay

nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral sa mga saloobin ng mga guro sa gitna ng

mga pagbabago sa mga paaralan dahil sa pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral at

kung paano ito nakakaapekto sa bidang akademiko at pang-emosyonal.

Samakatuwid, ang mga pag-aaral at literaturang nabanggit ay mas nakatutok

sa negatibong epekto ng pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral at ang saloobin ng

mga guro ukol sa tapik na ito. Halo-halo ngunit halos magkakapareho ang mga

resulta kaya nais ng pag-aaral na ito na maliwanagan kung ano nga ba ang saloobin
ng mga guro ng STEM sa Leyte National High School ukol sa pagtaas ng bilang ng

mga mag-aaral matapos ang pandemya sa taong panuruan 2022-2023.

Teoretikal na Balangkas

Ang 'class size' ay isang napakahalaga na sektor sa pisikal at sikolohikal na

reaksyon ng stress; Mas malaking antas ng bilang ng mag-aaral, mas mataas na

lebel ng stress ang naidudulot nito sa mga guro (Yizhen et al., n.d). Para sa

nakararami, "stressful" ang ganitong sitwasyon sapagkat ito ay may epekto rin sa

emosyonal at mental na aspeto pati na rin sa kalusugan (Osai et al., n. d).

Batay sa pag aaral ni Dr. Akech (2019), Hindi madali ang mga karanasan ng

bawat estudyante at guro tuwing tumataas ang bilang ng populasyon bagkus ito ay

may malaking epekto sa pang araw-araw nilang pamumuhay. Ang mga naging

epekto ng pagtaas ng bilang ng estudyante ay ingay, limitasyon ng pagkilos sa loob

ng silid-aralan, pag-aaksaya ng oras sa pag aayos ng pagkakasunod ng mga

estudyante atbp. Dahil dito, ang tinatawag na "effective teaching" ay hindi gaanong

epektibo.

Sa pag aaral ni Venecia (n.d), Ang pagdami ng mga mag-aaral ay nakakaapekto

rin sa pag ganap ng guro sa silid aralan dahil nahihirapang makipag komunika ang

guro sa kanila o di kaya naman ay ‘di sila nabibigyan ng tamang atensyon sa

kadahilanang mataas ang bilang ng mga ag-aaral. Ang pagtaas ng bilang ng mga

mag-aaral ay nagiging dahilan din sa hindi dekalidad na edukasyon na natatanggap

ng mga mag-aaral (Llego, 2018)Mas maganda at maayos ang pag ganap ng bawat

isa, ang guro at mag-aaral, kung may sapat at spesipikong bilang lamang ang mga

ito. (Bai, Y. n.d).


Ang mga pananaw na ito ukol sa isyu ng pagtaas ng bilang ng mga

estudyante ay malalaman ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga guro. Sa

pananaliksik na ito binigyang pokus ang teoryang Self Perception ng mga guro sa

pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral ng grade 11 STEM ng LNHS. Ayon kay Bem,

D. (1967), Ang Self Perception Theory ay nagmumungkahi ng kaswal na kaugnayan.

Ayon sa teoryang ito, ang mga tao ay nagiging malalaman ang kanilang mga ilang

pananaw sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanilang sariling pag-uugali. Ito ay

nangyayari kapag ang mga senyales mula sa loob ng tao, tulad ng sentiment na

hindi malinaw, at ang tao ay nag-uugnay ng kanilang pananaw o paniniwala sa

kanilang sariling pag-uugali. Ito ay katulad ng proseso ng pag-infer natin sa inner

state ng ibang tao sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanilang pag-uugali.

Ang Self-Perception ay kung paano natin tignan ang ating sarili, katangian, at

ang mga paghatol natin sa mga katangian na ating mayroon. Kasama sa

self-perception ang ating self-concept (ang imahe na nasa isip natin kung sino tayo)

at self-esteem (kung paano natin hinuhusgahan ang mga katangian na mayroon

tayo). Ang self-perspective ay isang kataga na may parehong kahulugan sa

self-perception. Ang imahe ng isang tao sa kanyang sarili, kasama ang kanyang

mga pisikal, mental, o sosyal na katangian ay nagpapangkat sa self-perception.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga gagamiting pamamaraan ng

pag-aaral, saan gaganapin ang pananaliksik, at kung sino-sino ang kasali o

pagkukuhanan ng datos. Ito ay binubuo ng limang bahagi: disenyo at pamamaraan

ng pananaliksik, lokal ng pag-aaral, kalahok ng pag-aaral, paraan sa pagkuha ng

kalahok, at tritment ng mga datos.

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang gagamitin na disenyo ng pananaliksik sa pag aaral na ito ay ang

deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Sa pag gamit ng disenyong deskriptibo

o “Descriptive Research Design” ay mapapalawak ng pananaliksik na ito ang

pangangalap ng mga datos na kakailanganin para sa papel na ito. Ang mga

mananaliksik ay magsasagawa ng interbyu sa limitadong mga respondente at

nauunawaan nito na ang hindi limitado ang datos sa katanungan lang kundi maari

din itong obserbasyon sa pag kuha ng nakalap na datos.

Sa pananaliksik na metolodohiya ay pinagbasehan ang papel ni Cervantes et

al. (2022) ay nag sagawa din ng descriptibong metodolohiya nang sa ganon ay

nakuha niya ang datos sa ebalwasyon sa class size ng mga Robotics Teachers sa

St. Dominic Collge of Asia.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pag aaral na ito ay isasagawa sa Leyte National High School, Tacloban

City, Leyte, na sasakop ng mga kalahok mula sa STEM Strand ng nasabing

paaralan. Nag aalok ang LNHS ng edukasyon para sa junior at senior high school,

na naglalayong magturo ng mga sumusunod na strand: STEM, ABM, HUMSS, TVL,


at GA. Ayon sa 2022 Philippine News Agency (PNA), ang LNHS ang pinakamalaking

paaralang sekundarya sa Eastern Visayas na may populasyon ng mag aaral na

10,118, mas mataas kaysa sa nakaraang taon ng pag aaral na 9,800 na

pagpapatala.
Larawan 1. Ang Lokasyon sa Mapa ng Leyte National High School.
Kalahok ng Pag-aaral

Ang target na populasyon sa pag-aaral na ito ay ang mga guro na nasa ilalim

ng STEM Strand ng Leyte National High School, na siyang binubuo ng 34 (tatlumput

apat) na mga guro. Batay sa pag-aaral ni Bashiri et al. (2023) na may deskriptibong

disenyo, ang karaniwang laki ng sample para sa pag-aaral ay 15 (labing lima) na

kalahok. Ang siyang pagkukuhanan ng datos na may pamantayang, guro na

nakapagturo at kasalukuyang nagtuturo sa ikalabing isang baitang ng STEM strand

sa LNHS sa taong panuruan 2022-2023.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay magsasagawa ng pakikipanayam na bahagyang

nakabalangkas o "semi-structured interview" upang tuklasin ang mga detalyeng

kailangang linawin. Ang pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas o

"semi-structured interview" ay tumutukoy sa paraan ng pangangalap ng datos kung

saan ang mananaliksik ay nagtatanong ng parehong hanay ng mga katanungan sa

bawat kalahok sa pag-aaral (George, 2022). Gagamitin ito dahil layunin ng mga

mananaliksik na tuklasin ang mga personal na pananaw ng iba't ibang indibidwal sa

loob ng target na populasyon.

Ang pananaliksik na ito ay umaayon sa pag-aaral na isinagawa ni Adamu

(2022), na nagsiyasat at nagsuri kung paano nakakaapekto sa mga guro ang laki ng

bilang ng mga mag-aaral. Ginamit ang pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas

o "semi-structured interview" upang makakalap ng datos nang naaangkop tungkol sa

kung paano binibigyang kahulugan ng mga guro ang kanilang sariling karanasan.
Paraan sa Pagkuha ng Kalahok

Sa pag-aaral na ito, gagamit ng purposive sampling upang makapili ng

kalahok o respondenteng pasok sa kriterya. Ang purposive sampling ay tumutukoy

sa non-probability techniques kung saan pumipili ng mga kalahok dahil sa mayroon

itong mga katangiang kinakailangan sa inyong sampol (Kassiani, 2022).

Upang makakuha ng mga impormasyong sapat at kailangan, kinakailangan

na ang mga kalahok ay mga guro na kasalukuyang nagtuturo sa taon ng panuruan

2022-2023 sa Leyte National High School, STEM strand. Ito ay upang matiyak na

may kaalaman at karanasan sila sa konteksto ng pananaliksik. Dapat isaalang-alang

ang mga guro na may espesyalisasyon o malalim na kaalaman sa mga asignatura o

disiplina na bahagi ng STEM curriculum. Ito ay magbibigay ng karagdagang

katumpakan at kamalayan sa mga saloobin ng mga guro ukol sa pagtaas ng bilang

ng mga mag-aaral. Ito ay maghahatid sa pag-aaral ng mas partikular na sampol

size.

Ang pananaliksik na ito ay umaayon sa pag-aaral ni (Osai, et al. 2021) na

tumatalakay sa epekto ng “overcrowded rooms” sa mga guro at kung anu-ano ang

mga saloobin nila sa pagtaas ng bilang ng mga estudyante na gumamit din ng

purposive sampling sapagkat sila ay may sinunod na hanay ng pamantayan upang

makahanap ng mga kalahok na makapagbibigay ng sapat at kinakailangang sagot.

Tritment ng mga Datos

Gagamit ang mananaliksik ng thematic analysis bilang paraan ng pagsusuri,

na kung saan masusing sisiyasatin ng mananaliksik and datos upang matukoy ang

pangunahing tema (Caulfield, 2019). Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay

gagamit at maghahanda ng interbyu o pakikipanayam bilang pamamaraan ng


pananaliksik para sa mga respondente. Sa paggamit ng pamamaraan na ito,

makukuha ng mananaliksik ang sapat na datos upang mailarawan at

bigyang-kahulugan ang saloobin ng mga respondente. Matapos makuha ang sapat

na datos ay gagamit ang mananaliksik ng inductive approach. Magsisimula ang

mananaliksik sa espesipikong obserbasyon at pagkatapos ay dadako naman sa

pagtuklas ng mga tema at patterns ng datos.

Sa pag-aaral ni Muremela et al. (2021), makikita ang paggamit ng thematic

analysis sa pagsusuri ng datos tungkol sa pagpapanatili ng mga guro na may

kaunting kasanayan sa pagtuturo, at ang paggalugad sa mga nauugnay na isyu.

Kalakip ng paggamit ng thematic analysis ay ang paggamit ng pag-aaral ng inductive

approach kung saan ang mga tema katulad ng availability, emigration, at motivation

ay nagmula sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng mga mananaliksik.


Tala Sanggunian

Ayeni, O. G. (n.d.). The Implication of Large Class Size in the Teaching and Learning of

Business Education in Tertiary Institution in Ekiti State.

https://eric.ed.gov/?q=large+class+size+&id=EJ1126751

Bai, Y. (n.d.). Effects of Class Size and Attendance Policy on University Classroom

Interaction in Taiwan.

https://eric.ed.gov/?q=class+size+effects+on+teachers+&id=EJ1096353

Bashiri, A., Shirdeli, M., Niknam, F., Naderi, S., & Zare, S. (2023). Evaluating the success of

Iran Electronic Health Record System (SEPAS) based on the DeLone and McLean

model: a cross-sectional descriptive study. BMC Medical Informatics and Decision

Making, 23(1). https://doi.org/10.1186/s12911-023-02100-y

Cervantes, K. T. (n.d.). A Descriptive Study on Class Size toward Senior High School

Students’ Evaluation of Robotics Teachers.

https://eric.ed.gov/?q=robotics+class+size&id=ED625380

Lampert, I. (n.d.). Instructional Guidelines Based on Conceptions of Students and Scientists

about Economic and Population Growth within Planetary Boundaries.

https://eric.ed.gov/?q=effects+-of+student+population+growth&id=EJ1348677

LeBlanc, R. (n.d.). Class Size: Overcoming the Effects on Teachers and Students.

https://eric.ed.gov/?q=Class+size&id=EJ1350816

Llego, M. A. (2018). The Public School Class Size Law of 2016 (House Bill 473).

TeacherPH. https://www.teacherph.com/public-school-class-size-house-bill-473/

Mamman, J. (n.d.). Perception of Business Studies Teachers on the Infuence of Large Class

Size in Public Secondary Schools in Yobe State, Nigeria.

https://eric.ed.gov/?q=class+size+effects+on+teachers+&id=EJ1081764
Venecia, T. R. (n.d.). The Attitude of Teachers towards the Overpopulation of Students in EFL

Classrooms at Secondary Level. https://eric.ed.gov/?id=ED597337

You might also like