You are on page 1of 2

Ipinasa ni: Premie Joey T.

Cabañas Petsa: Abril 1, 2024


Baitang at Seksyon: 12 STEM B Gawain: Posisyong Papel

Pagbabago ng Sistema Tungo sa Kapakanan ng Masa

Karamihan sa atin ang naniniwalang edukasyon ang isa sa mga mahahalagang bagay na
ating maituturing na kayamanan. Bagamat hindi ito nahahawakan, kitang-kita naman ang
presensya nito sa pag-uugali, pananaw, at pagkilos ng sinuman. Isa ito sa mga bagay na lubos na
binibigyang-halaga ng nakararami. Subalit paano nga ba natin masisigurong wasto at epektibo
ang edukasyong ibinibigay kung ang pundasyon naman nito ay walang katibayan?

Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan.


Malinaw itong makikita sa mga resulta ng isinagawang pagsusuri ng Programme for
International Student Assessment o PISA noong 2018 at 2022. Isinasaad ng mga resulta na sa 81
na mga bansang napapasailalim sa Organization for Economic Cooperation and Development
(OECD), ang Pilipinas ay napapabilang sa mga bansang may pinakamababang performance sa
larangan ng Matematika, Agham, at Pagbasa (Malipot, 2023).

Patuloy na kinakaharap ng ating bansa ang mga hamong humahadlang sa kakayahan


nitong magbigay ng mga kasanayan na kinakailangan ng mga mag-aaral. Karamihan sa kanila ay
nakararanas na ng kahirapan pagdating sa dami ng mga gawaing pang-akademiko, na nagdudulot
ng stress at burnout. Sa katunayan, isinasaad ng pag-aaral nina Pascoe et al. (2019) na ang stress
na may kaugnayan sa akademiks ay maaaring makapagpabawas ng akademikong tagumpay at
motibasyong ipagpatuloy ang pag-aaral.

Kaugnay ng isyung ito, marami ang naniniwalang isa sa mga dahilan ng kakulangan ng
Pilipinas sa larangan ng edukasyon ay ang kurikyulum na sinusunod nito. Sapat na nga ba ang
mga paraang kasalukuyang pina-iimplementa? O nararapat na nga bang baguhin ang ilan sa mga
ito kung ang isa sa mga mithiin ng gobyerno ay ang matatag na kalidad ng edukasyon?

Marami ang nagsasabing mas maiging magtanong sa mga taong may direktang karanasan
ukol sa isang bagay. Kaya naman, bilang isang mag-aaral na direktang nakararanas ng mga
patakaran ng edukasyon sa bansa, masasabi kong nararapat na muling suriin at pag-aralan ang
sistema ng edukasyon sa bansa, tukuyin ang mga kakulangan sa iba’t ibang aspeto rito, at
baguhin ang mga kakulangan ito upang matahak nang paunti-unti ang daan tungo sa katatagan
nito.

Ang pagrereporma sa sistema ng edukasyon sa bansa ay nakasentro sa iba’t ibang


adhikain. Una, nararapat na mas bigyang-tuon ang mga asignaturang nakahahasa sa mga
kakayahan sa kritikal na pag-iisip, paglutas ng mga suliranin, at kaalaman sa teknolohiya. Sa
halip na isali sa kurikyulum ang ibang asignaturang hindi naman gaanong nakakabenipisyo, mas
maiging tanggalin nalang ang mga ito nang sa gayon ay mas mapansin ang mga aspetong
nararapat pagtuonan ng mga mag-aaral. Ang pagsasagawa nito ay nakatutulong rin upang
mabawasan ang bigat ng mga gawaing ibinibigay sa kanila.

Pangalawa, ang pagsasaayos ng sistema ay nangangailangan rin ng pagtaas ng pondo sa


aspetong ito upang magkaroon ng mas malaking alokasyon para sa mga bagay na nararapat
solusyunan. Nabibilang na rito ang pagbibigay ng sapat na training sa mga guro, pagpapatayo ng
mas advanced na mga pasilidad, at pagbibigay ng sapat na mga pang-edukasyong materyales.

Panghuli, ang pagpapabago sa sistema ng edukasyon ay makatutulong rin upang mas


mabigyang-pansin ang mental at sikolohikal na kalusugan ng mga mag-aaral. Ayon sa Healthy
Minds Study, 60% ng mga mag-aaral mula sa 373 na mga kolehiya sa Amerika ay pasok sa
kriterya ng mga indibidwal na may mahigit kumulang isang problema sa mental na kalusugan.
Sinusuportahan ito ng ilang pag-aaral na nagsasaad na ang Sistema ng edukasyon ay isa sa mga
kinikilalang dahilan sa paglaganap ng mental issues sa mga kabataan. Bilang solusyon sa
suliraning ito, iminumungkahi ng mga eksperto na kung maaari ay bawasan ang bigat ng mga
gawain sa paaralan. Sa pamamagitan ng pagpapabago sa Sistema ng edukasyon sa ating bansa,
maaaring masolusyonan anuman ang mga isyu sa mental na kalusugan ng mga mag-aaral.

Bagaman marami-rami rin ang naniniwalang ang Sistema ng edukasyon sa kasalukuyan,


sa kabila ng mga isyu nito, ay nakabuo ng matatagumpay na mga indibidwal sa iba’t ibang
larangan, mahalaga pa ring isaisip ng nakararami na ang mudo ay patuloy na nagbabago. Hindi
nararapat na matakpan ng mga kwento ng tagumpay ang hinaing at sitwasyon ng mga mag-aaral
na nagdurusa dulot ng kasalukuyang sitema.

Samakatuwid, ang ating bansa ay kasalukuyan ring nasa proseso ng pagsusuri sa


sistemang pang-edukasyon nito. Ang hinaing ng nakararami ay nagsisilbing gabay at daan nito
upang makamit ang tunay at epektibong pagbabago. Sa parehong paraan, responsibilidad ng
ating pamahalaan, ng mga educator, at ng lipunan ang makisabay sa mga pagbabagong ito,
kasabay ng pagtitiyak na ang Sistema na edukasyon sa Pilipinas ay magsisilbing kapangyarihan
tungo sa kaunlaran at paglago ng mga mamamayan.

Mga Sanggunian:
Malipot, M. H. (2023). 2022 PISA results a 'clear indication' that PH education system is in
‘worst state’ --- PBEd. Manila: Manila Bulletin.
Pascoe, M. C., Hetrick, S. E., & Parker, A. G. (2019, April 11). The impact of stress on students
in secondary school and higher education. Retrieved from Taylor & Francis Online:
https://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/02673843.2019.1596823?
scroll=top&needAccess=true
Thornby, K.-A., Brazeau, G. A., & Chen, A. (2023, August ). Reducing Student Workload
Through Curricular Efficiency. Retrieved from American Journal of Pharmaceutical
Education: https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S000294592300046

You might also like