You are on page 1of 8

Eduardo Manuel P.

Pares
2022-4888-46653
AB Political Science 1-B
1. Ang isang posisyong papel ay naglalatag ng mga argumento kung saan
ang isang manunulat ay may pinapanigang pangkat o ideya. Ang
pangunahing pakay nito ay maghayag ng datos at mga pigura na
magsisilbing suporta sa nilatag na panig. Dahil kung wala ang argumento,
ang isang sulatin ay nagsasalaysay lamang hindi gumigiit. Bukod pa riyan,
layon ng mga argumentong ito ang tulungan ang isang manunulat na
mas ipahayag ng mabisa ang kaniyang panig. Upang mas mabisa ang
deklarasiyon ng isang posisyong papel, mas mainam kung bibigyan ng
kaganahan ang sariling panig sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga
rason at datos kung bakit hindi katanggap-tanggap ang kabilang panig
o ideya. Ang obhektibo ng uri ng sulatin na ito ay kumbinsihin ang mga
mambabasa na may saysay, kapani-paniwala at may punto ang
argumento. Sabi nga ni Albert Einstein, ang mundo ay hindi masisira ng
mga masasamang tao, bagkus ng mga tao na nanonood lamang ng
walang ginagawa. Totoo naman ang tinuran ni Einstein, dahil ang
kailangan lamang natin ay isang maliit na argumento na may mabigat na
sumusuportang ebidensiya upang magkaroon ng impluwensiyal na
ambag sa mundo. At ang posisyong papel ay isang daan upang ilatag
ang mga argumento na nag-aalay ng pagpukaw sa katotohanan at mga
adbokasiya na mapapabuti ang sangkalahatan.
2. POSISYONG PAPEL
K-12 na programa; Isang aksaya sa oras lamang
Noon taong 2012, nagsimula ang programang k-12 ng ating bansa na
inaprubahan ni dating Pangulo Benigno Aquino III na may layunin na
makahabol tayo sa pandaigdigang pamantayan sa usaping edukasyon at sa
pag-bigay halaga sa Kindergarten. Isa pang dahilan kung bakit ito ipinatupad
ay para magkaroon ng mabilisan na pagtanggap sa mga mag-aaral na
nakapagtapos nang senior high school dahil ayon sa Kagawaran ng Edukasyon,
maari nang makapag-aplika ang mga nakapagtapos sa programang ito dahil
sila ay tinuruan na ng sapat na kaalaman at nakapasa na upang maging
kwalipikadong manggagawa sa loob at labas ng ating bansa, mapa pribado
man o publiko man. Sa kasamaang palad, hindi nito nasunod at naabot ang
kanilang layunin dahil maraming mga nakapagtapos ang hindi tinatanggap
dahil kailangan parin ng degree sa kolehiyo at marami ang hindi sumasang-
ayon sa programang ito dahil wala naman raw itong tunay na halaga at
nagiging aksaya sa oras lamang kaysa sa makatungtong na kaagad sa kolehiyo.
Base sa pananaliksik ng Department of Education (DepEd) noong taong
2016 kung saan unang ipinatupad ang programang ito, mayroong halos
400,000 na estudyante ang hindi nakapag-enroll, hindi nakapag-enroll, at
naging “drop out” na mga mag-aaral sa iba’t ibang mga kadahilanan katulad
ng; walang pambayad sa tuition, walang maayos na sistema kung papaano ito
papatuparin, hindi kumpletong mga pasilidad at kulang kulang na mga guro.
Pinapakita dito na hindi lang ang mga estudyante kundi pati ang mga guro at
manggagawa ang nahihirapan na makasabay sa program ana may sistemang
ganito.
Ayon ki Kara Taggoa, ang tagapagsalita ng League of Filipino Students,
isang organisasyon na tumatanaw sa karapatan at kapakanan ng mga mag-
aaral; “Ang programang ito ay walang iba kundi isang kasangkapan para sa
pagsanay at pagbuo ng mura at masunurin na mga manggagawa na handang
isabak sa iba’t ibang bansa. Bukod dito, ito ay nagsisilbing makinang kumikita
ng pera para mangikil ng tubo sa mga estudyante at magulang”. Wasto at
diretso ang punto niya, maraming mga paaralan lamang ang sumasamantala
sa programang ito upang makakuha ng dagdag na tuition habang hindi naman
nila pinapantayan at inaayos ang pagtuturo nila upang maihanda ang mga
mag-aaral sa kolehiyo o sa tunay na buhay. Ang kurikulum din na ginagamit sa
programang ito ay malayo sa dapat na matutunan ng mga kabataan para sa
kanilang pag-hahanap trabaho, kaya hindi nasusunod ang layunin na
kwalipikado na ang mga mag-aaral na nakapagtapos na sumubok sa tunay na
buhay dahil ito ay nagiging pag-repaso sa kanilang kaalaman noong hayskul
lamang.
Pati rin ang grupo ng mga guro na Alliance of Concerned Teachers-
Philippines ay nagpahayag na; “K to 12 has worsened the problems of our
education system in all aspects. Its impetuous implementation has aggravated
the shortages in facilities, personnel and materials. It intensified the
privatization in the basic education through the voucher system. It reinforced
the colonial and market-oriented curriculum of the basic and tertiary education.
We can see no reason why it should still be continued”. Hindi lang din nito mas
pinahihirapan ang mga guro at mag-aaral kundi mas pinapahaba nito ang
gastusin, sakit sa ulo, at hirap ng buhay dahil sa hindi matapos-tapos na pag
pinalisa sa kurikulum at pabago-bagong sistema kung paano nila ito
ipapatupad na naalinsunod sa demanda ng mundo sa loob at labas ng Pilipinas.
Ang kailangan ng ating bansa ay isang sistema ng edukasyon na
makakamit ng lahat ng kabataan sa kahit anong antas ng lipunan. Sapagkat
dahil sa programang ito, tanging ang mga mag-aaral lamang na may
kakayanan na pambayad sa tuition at pantustos sa mga kailangan sa pag-aaral
ang kayang makapagtapos at makatungo sa kolehiyo dahil nagi na itong
pangangailangan bago umapak sa susunod na yugto ng pag-aaral. Dahil dito,
maraming bata ang hindi na tumutuloy sa pag-aaral, nawawalan ng pag-asa
sa buhay o makaahon sa kahirapan. Imbis na makapagtapos ay nagkakaroon
ng hadlang ang karamihan na makamit ang kanilang mga pangarap at
makamit ang kanilang minimithi.
Base sa pananaliksik ng Department of Education (DepEd) noong taong
2016 kung saan unang ipinatupad ang programang ito, mayroong halos
400,000 na estudyante ang hindi nakapag-enroll, hindinag-enroll, at naging
“drop out” na mga mag-aaral sa iba’t ibang mga kadahilanan katulad ng;
walang pambayad sa tuition, walang maayos na sistema kung papaano ito
papatuparin, hindi kumpletong mga pasilidad at kulang kulang na mga guro.
Pinapakita dito na hindi lang ang mga estudyante kundi pati ang mga guro at
manggagawa ang nahihirapan na makasabay sa program ana may sistemang
ganito.
Sa kabilang banda, may magandang naidudulot naman ang k-12 na
programa dahil ang mga paparating na mag-aaral sa kolehiyo ay mas
natutulungan sa kanilang pagpili ng gustong kurso at masasanay sila sa
kanilang gustong tahakin na propesyon dahil para lamang silang pinapakitaan
ng unang tingin sa kanilang mga hinihiling na gawin sa buhay sapagkat sa
programang ito, nakahubog na ito upang padaliin at pabilisin ang proseso
upang sila ay makatungtong sa kolehiyo. Ngunit, sabi sa ikalawang talata, hindi
lahat kayang makamit at maranasan ang nararanasan ng mga mag-aaral na
may pangtustos dito. Kayang kaya din naman na kahit walang senior high
school program ay makapili ang mga bata at makapag decision sa kanilang
gustong aralin na kurso dahil bago ang taong 2012, noong hindi pa
naaaprubahan ang programang ito, hindi kinailangan ng mga mag-aaral
upang mahirapan sa pag-pili ng kanilang kurso gayundin na makapagtapos.
Ang mga matatanda ngayon ay naging matagumpay na wala ang programang
ito kaya masasabi natin na hindi naman kailangan ito kundi nagigi na lamang
itong aksaya ng dalawang taon ng pag-aaral at gastusan ng bawat pamilyang
Pilipino na gustong makapagtapos at makahanap agad ng trabaho ang
kanilang mga anak na mag-aaral.
Lubog na ang ating bansa sa kahirapan, kailangan na umunlad ng ating
ekonomiya, ang bawat Pilipino ay nagdurusa sa presyo ng mga bilihin at
kailangan na ng agarang pagtatapos sa kolehiyo upang makapag-hanap
buhay na at ito ay magiging madali kapag wala na itong programang ito.
Walang dalawang taon ang masasayang, walang kapitalismong magaganap, at
walang mga bata ang mahahadlangan na makaahon sa kahirapan at mabuhay
sa hirap na henerasyon na ito. Bilang isang mag-aaral, hindi ako
sumasangayon sa ganitong sistema dahil naiisip ko ang ibang mga kaklase ko
at kamag-aral na kapos at nahihirapan mag-aral, sayang sa pera at sa oras
namin na imbis na nasa ika-tatlong taon na kami ng aming kolehiyo at malapit
na makapagtapos ay nahadlangan pa ng dalawang taong senior hayskul. Dahil
sa mga kadahilanan na ito, mas mabuti sana na alisin na ang patakaran na ito
at ilaan ang pokus ng ating gobyerno at Kagawaran ng Edukasyon sa
pagtulong sa mga batang nahihirapan makamit ang nararapat na edukasyon
na kailangan ng mga mag-aaral, pagbili ng mga upuan at lamesa, pagpagawa
ng mga silid-aralan at mga paaralan na kailangan ng ating bansa ngayon.
Sanggunian:
 League of Filipino Students. (2018, February 6). K+12 a waste of taxpayers’ money! Medium.
https://medium.com/@LFSPhilippines/k-12-a-waste-of-taxpayers-money-lfs-4a589b5df38d
 Mateo, J. (2016, June 14). Up to .4 M dropouts due to senior high. Philstar.com.
https://www.philstar.com/headlines/2016/06/14/1592807/4-m-dropouts-due-senior-high
 On K to 12... - Alliance of concerned Teachers-Philippines. (n.d.). Facebook - log in or sign up.
https://web.facebook.com/actph1982/photos/basw.AbpthcuiRd1K9WvuZMyzGLdsdRwD24AOIhet96oDsJgfA5lWMUR
GlNreER6fkSQrgdhxQxEYUnbGGDX8q2mABg2HiD24xHcI2luGqxKCtwO5eOclyvLFMZUt4bGD69LLf5sfyQyZJxi1f2D4lm
Alz49GImhfFYwq_4fIw84ykhp6vyGacOwYWxbSfQcqh375IlA/1969518849753963/?opaqueCursor=AbroTx3F6gAEdiIkO
YinUny7ZYrUhIu3iyuA3-WP_g7yYKeZU4gdTTtGezq8PwhLpsUmiQUvQyrv2Zs5N65tUcpb-
OAEkFuh22vNc7ry9Ya_z19YLP8jHJYLr8C_Ny6RHkIL16xigei41IZswe-
CfSRIeiXrBRa5eGt7Mn2BRsh_qtqAH2sBooOl029Ish8hbyfTZJHCFEyPztUoBVuCm50EdIm3zNFuM7uVZwqJH6V3Wyken
gtyxDjOvgvMNW7ckXy5dG-QDU_4BLK-
85QCLOUr0Bh5ybctG9OpadPYsxw0SQVRTP7l1vHvAPkZpf1_EIQLO_PePhDqjBZ72lV7bvQWVXyXUjZlpRaJ2BmR8psFjf
RTE_ojAFYzZWTfsbabVKrQzWO4_TcyU_ASUFF0YUb3LyBVuQN5ZUbOlJe-
jpdQtukfppKGhpKq7RubC2vkeS8vK1ya0InuNGK_sk3vZ-b1ucipyDrEFLm6ouFCuJI-
3Mpuf0fkhMtQe9y7c2gJAcjj54WkIAAOFUg-g-ldPfvpJb77lf4HuJBKST-
gJtiaqE7iFJPWzolpWhtvDvx9l1DDRmJI4v2Vi50Or2dT-Ppcy-wGH0rRA2Op_Hh2bU0L-7W4R_hOy0qsq08sWv0_6-
6k4PAlSH8A7qGHqfAS1LrlAHg8LY8pQDHtqleSeHqD5oDwYll75aHs2sKwjYxT33yxOG7QnE-
pdZQxwTalRPT81gHhtS9hSA_f7jCDcd7VEuD_gAOXlpehBl6RV7YsE1oQxn6D7f285vFta-
l8GJnzb5LeIXz1xa1i2RB5x7eKh4eYXiVFAOLXmCWm5w1PSmRQSTgx3UC-
228V_HrmqQEyIRrFswlnI9QfaCzbSjsMZlLj5Trb-
3nqgo3g0lcMP7TrnQ4vQSVy2QK4afCtrRmJ3kiKiHDxXxn8bKGxtbUhoQ

RESOLUSYON BILANG ISANG MAGAARAL NG KURSONG AGHAM


PAMPULITIKA HINGGIL SA ISYU NA ANG K-12 NA PROGRAMA:
AKSAYA SA ORAS LAMANG
 SAPAGKAT, tanging ang mga estudyante na may kaya lamang ang
nakakatanggap at nakakapag-aral ng kumpleto at maayos dahil sa
tuition at iba pang gastusin sa ilalim ng k-12 na programa na umaabot
na sa lagpas 400,000 na magaaral,
 SAPAGKAT, hindi naman nakakamit ang obhektibo ng Department of
Education (DepEd) programa na maging kwalipikado ang mga
makakapagtapos sa k-12 program na makapagtrabaho kaagad dahil
kinakailangan parin ng mga amo, maypagagawaan ang degree at
diploma na nakapagtapos ng kolehiyo;
 SAPAGKAT, walang konkreto, organisado, at malinaw na sistema kung
papaano pinapalaganap ang palutuntunin na ito lalo na sa mabilisang
pagbago ng demanda sa mundo at sa pagbago ng kinakailangan na
kaalaman ng mga estudyante upang makasabay dito;
 SAPAGKAT, maraming mga organisasyon, grupo, indibidwal katulad ng
League of Filipino Students, mga guro, ang Alliance of Concerned
Teachers-Philippines, at mga karaniwang manggagawa, estudyante, at
pamilya ay naglalabas ng masamang hinaing at opinyon na hindi sila
sumasang-ayon sa programang ito;
 SAPAGKAT, hirap ang ating gobyerno na tustusan at bigyan ng agarang
atensyon upang maayos ang sistemang ito dahil sa mga panloob at
panlabas na kadahilanan.
 KAYA NGAYON, nararapat na alisin ang programang K-12 at ibalik ang
dating sistema ng Department of Education (DepEd) kung saan wala ang
programang ito ngunit, may mga pagbabago sa kurikulum, pamamaraan
ng pagtuturo, at mas organisadong kalahatan upang maibigay sa mga
mag-aaral ang kinakailangan na kaalaman upang sila ay makasabay sa
mundo at maging mga produkto na maglilingkod para sa sarili, kapwa, at
sa bayan.
 PINAGTIBAY AT NILAGDAAN ngayon ika-4 ng Oktubre taong 2022 sa
Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur.

You might also like