You are on page 1of 6

Kabanata 1: Kaligiran ng Pag-aaral

1.1 Panimula

Sa patuloy na paglago at pagbabago ng teknolohiya sa buong mundo,halos lahat

nang bansa sa buong mundo ay 12-taong basic education system. Dito sa Asia, ang

Pilipinas na lamang ang tanging nag-i-implement ng 10-year basic education. Sa

Africa, dalawang bansa na lamang doon ang may katulad na sistema sa Pilipinas.

Pero balak na ring baguhin ang kanilang curriculum. Ipa-pattern na rin sa ibang

bansa na 12-years o mahigit pa ang kurikulum. Kaya kung ang Pilipinas ay

mananatili pa rin sa lumang sistema ng edukasyon, mapapag-iwanan na ang

bansang ito. Panahon na para sa ating mga Pilipino na saklawin ang mga ganitong

uri ng pagbabago upang lumebel sa ibang bansa.

Ayon kay Presidente Noynoy Aquino, kinakailangan magdagdag ng dalawang

taon sa ating basic education upang makamit ang istandard na kailangan ng mga

estusyante para makipagkompetensya sa iinternasyonal na lebel. Para sa mga

kayang magbayad hanggang labing-apat na taon sa pag-aaral bago sa unibersidad.

Ang mga kabataan ay mapupunta sa pinakamahuhusay na Unibersidad at

magandang trabaho bago makapatapos.Ang balak nya ay labindalawang taon sa

pampublikong paaralan at para mabigyan ang mga kabataan ng magandang

kinabukasan sa kanilang hinaharap.

At ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, ang K to 12 ay magdudulot nang

magandang bunga sa mga kabataan. Sa pagdadagdag ng dalawang taon sa high

school, ganap na mahahasa ang mga estudyante. Masisiksik sila sa kaalaman, hindi
katulad sa dating 10 taon lang binubunong pag-aaral. Makapaghahanda ang mga

estudyante sa sistemang ito sa kanilang tatahaking carreer.

Sa pananaliksik na ito, malalaman ang mga impormasyon na kailangan upang

mapalawak ang kaalaman patungkol sa kahalagahan ng k to 12 at ano ang hindi

maganda at magandang maidudulot nito sa mag-aaral. Tutukuyin din nito ang

pinagkaibahan ng pag-aaral sa dating paaralan sa senior high, partikular ang pag-

aaral sa STI College. Sa pamamagitan ng survey na ito at iba pang pamamaraan ng

pananaliksik.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Sa pananaliksik na ito, mabibigyang-linaw ang sumusunod na suliranin:

1. Ano ang mas mabisang paraan ng pagturo para sa mga estudyante ng Senior

High School
2. Epektibo ba ang Online Learning System na meron and STI?
3. Maganda ba ng epekto ng paraan ng pagturo na ito sa mga estudyante?

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral


Ang pag aaral na ito ay mahalaga gawa ng ibat ibang dahilan

Una, upang malaman kung ano ang mas epektibong paraan ng pagtuturo para sa

mga magaaral. Dito ay magkakaroon ng ideya ang STI Management kung paano pa

mapapaganda at mapapaayos ang kanilang paraan ng pagtuturo.

Pangalawa, mapapansin ng lahat ng mag-aaral ang makabagong pagtuturong

ginagamit ng STI College Shaw ito ay ang mga online learning system na

pinapagamit na sa lahat ng estudyante ng STI. Sa pamamagitan ng pag aaral na ito

malalaman kong epektibo bang gamitin ito.

Pangatlo, mahalagang malaman din ng mananaliksik ang sukat ng magandang

epekto nito sa mga mag-aaral at para sa di magandang epekto nito.

1.4 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahambing ng mga mag aaral na Senior

High School sa pagturo ng STI College Shaw sa dati nilang pa aralan. Saklaw nito

ang mga Senior High na estudyante ng STI Shaw San Antonio Pasig City.

Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa isang 100 na respondente ng Senior High na

estudyante sa STI Shaw sapagkat sila lang ang mga baguhan na estudyante at sila

ang makakatugon sa pangangailangan ng pananaliksik. Naniniwala ang

mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ang pinakamainam magkaroon ng

ganitong pag-aaral upang matugunan at palawakin ang mga natutunan nilang mga

aral sa dati nilang mga pa aralan.


1.5 Depenisyon ng mga Termino

Senior High School - Ang Senior High School (SHS) ay ang dalawang huling taon

ng K12 Program. Sa ilalim ng Senior High School, lahat ng mag-aaral ay

makikinabang sa isang Core Curriculum o mga paksang pangkalahatan at mga

paksang kapares sa pinili nilang track.

http://www.nducotabato.org/index.php/academics/senior-high-school

Kto12 Ang programang ito ay sinimulan ng ipinatupad ng pamahalaan noong

school year 2012 na naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating

bansa. Sa buong asya tanging ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampung

taon ng basic education, kaya naman ipinatupad ng pamahalaan at ng Kagawaran

ng Eduksayon ang K-12 Kurikulum.

http://k12kurikulum.blogspot.com/2014/09/ano-nga-ba-ang-tunay-na-layunin-ng.html

Online Learning System - ang online learning system ay pinapatakbo sa

pamamagitan ng isang computer at web browser. Kilala sa ilang tawag tulad ng

eLearning, mLearning, computer based training at distance education.

Sal. http://www.litmos.com/training-platform/what-is-online-learning-system

Kagawaran ng Edukasyon - Ang Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas

(Ingles: Department of Education o DepEd) ay ang departamentong


tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pamamahala at

pagpapanatiling mataas ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Ito ang pangunahing

tagaisip ng mga polisiyang pang-edukasyon at responsable sa sistemang pang

elementarya at pang-sekondarya dito sa Pilipinas.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kagawaran_ng_Edukasyon_(Pilipinas)

Multimedia - Ang multimedia ay dinisenyo upang mapagaan ang proseso ng

pagtuturo at pagkatuto. Makikita sa gumagamit ng multimedia ang totoong mundo na

gusto ng mga kabataang mag-aaral kagaya ng tunog, mga larawan, bidyo, atbp. na

maaaring hindi nararanasan ng mga mag-aaral sa tradisyunal na paraan na

pagtuturo ng mga guro.

http://www.bicolmail.com/2012/?p=16040

Curriculum - Ang kurikulum ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga kagamitang

ginagamit, paggawa ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga, mga pagsusulit at

kung anu-ano ang itinuturo ng guro.

https://www.scribd.com/doc/55699478/Ano-Nga-Ba-Ang-Ibig-Sabihin-Ng-Kurikulum-

a-t-Mga-ya

Midyang Instruksyonal - binigyang-katuturan sa isang iba't ibang mga paraan. Sa

ilang mga kaso, ito ay tumutukoy sa lahat ng mga tulong na ginagamit ng mga lektor

at mag-aaral. Sa ibang mga kaso, ito ay tumutukoy lamang sa mga naka-print na

media.
Sal. http://collections.infocollections.org/ukedu/en/d/Jgtz016e/8.1.1.html

Rekurso sa ingles ay resource.

Anyong Elektroniko sa ingles ay electronic form. ay isang computer program

na bersyon ng isang papel

sal. http://searchcio.techtarget.com/definition/e-form

You might also like