You are on page 1of 9

Ang Kabisaan ng Pagkakaroon ng

PTC sa OLOPSC SHS.

Buban, S.
Dela Cruz, J.
Hernandez, J.
Mendoza, D.
Ricarde, J.
I. PANIMULA

PAGPAPAKILALA NG PAKSA
Ang Parent-Teacher conference o PTC ay isang paraan kung saan nag uusap
ang guro at ang magulang ng isang mag aaral ukol sa ginagawa o progreso ng kanilang
anak sa loob ng paaralan. Maari rin nilang pagusapan ang mga problemang
kinasangkutan ng kanilang anak o pag uugali habang ito ay nasa loob ng paaralan.
Mayroong mga magulang na interesadong malaman kung ano ang kalagayan ng
kanilang mga anak sa paaralan.
Ayon kay D’Emidio-Caston (1999), ang mga guro ay may kanya kanyang
karanasan o istorya na hinuhubog ang kanilang ugali at paniniwala ukol sa
makikipagusap sa mga magulang ng isang magaaral. Mahalaga ang magkaroon sa
isang paaralan ang pagsasagawa ng PTC dahil sa paraan na ito nasasabihan ang mga
magulang o natutulungan ang mga magulang alamin ang mga bagay na maaring
mabago or mapagmalaki sa kanilang mga anak.
Ayon naman kay Epstein 2001; Epstein and Jacobsen 1994; Lee 1994 nalaman
nilang ang komunikasyon ng magulang at ng guro ay mas tungkol sa problem na
kinasasangkutan ng isang bata o “isyu”.

II. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral namin ay sumasagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Paano nakakatulong ang PTC sa mga mag-aaral?


2. Ano ang mga salik kung bakit nagkakaroon ng PTC ang ibang mag aaral?
3. Natutulungan ba ng mga magulang o tagabantay sa bata ang mag aaral?

III. LAYUNIN

Ang layunin ng aming pag-aaral o pananaliksik batay sa aming napiling paksa ay ang
mga sumusunod:

1. Malaman ng mga mambabasa kung nakakatulong ba ang PTC


2. Malaman ang mga kadahilanan kung bakit na PTC
3. Malaman kung nakakapagpabago ba ang estudyante sa pamamaraan ng
PTC.
IV. KAHALAGAHAN
Ang pag aaral na ito ay isinagawa dahil ipinakikita ng pananaliksik na ang
pakikilahok ng magulang ay may malaking epekto sa nakamit ng isang bata sa
paaralan. Ang isang matagumpay na PTC ay nagbibigay sa mga magulang at guro ng
pakakataon na makipagpalitan ng mga pananawa at para makipagtulungan at
magkaroon ng pagkakaintindihan. At ang PTC o parents teacher conference ay
tinutugunan ang mga paksang mahahalaga para sa mga magulang at administrador ng
pribado at pampublikong paaralan.

V. HYPOTHESIS
Ang pagkakaroon ng PTC sa isang paaralan ay makakatulong para ipaalam ng
mga guro sa mga magulang ng kanilang mag-aaral ang mga ginagawa nito. Ito ay
ginawa upang macontrol ng mga magulang ang kanilang mga anak at mapag-usapan
ang mga ginagawa nito sa paaralan. Ito ay isinagawa hindi para ipahiya ang kanilang
mga anak kundi para mapabuti lalo ang kanilang anak.

VI. SANGGUNIAN
D’Emidio-Caston, Marianne. (1999). Preparing Teachers to Serve Children and Families
with Diverse Backgrounds. In Ammon (1999).
Epstein, Joyce and Becker, H.J. (1982). Teachers’ Reported, Practices of Parent
Involvement: Problems and Possibilities. The Elementary School Journal, 83, 2, p. 103-
114.
Mga Kahinaan at Kalakasan ng
Paggamit ng Google Classroom sa
mga mag-aaral ng Ika-11 Baitang
ng OLOPSC SHS.

Buban, S.
Dela Cruz, J.
Hernandez, J.
Mendoza, D.
Ricarde, J.
I. PANIMULA

PAGPAPAKILALA NG PAKSA
Ang pagaaral ng online ang isa sa magandang pagbabago sa paraan ng pag-
aaral para madagdagan ang ating kaalaman and talent dahil puwede itong gawin kahit
saan, kahit kailan. Sa panahon ngayon marami ng mga aplikasyon sa internet ang
makakatulong sa pagpapadali ng pag aaral o paghatid ng impormasyon ukol sa
akademika ang puwedeng maidownload ng kahit sino basta mayroong internet o data.
Kadalasan ng mga gumagamit ng ganitong klase ng aplikasyon ay ang mga mag aaral.
Isang aplikasyon na marami na ang gumagamit sa kasalukuyan ay ang
tinatawag na “Google Classroom” na kung saan paano maglagay ng impormasyon ukol
sa mga pinag aralan. Ito ay nalimbag noon 2014. Ayon kay Liu & Chuang (2016), sila ay
nagsagawa ng pag aaral sa Taiwan ng kung saan gumamit sila ng Google Classroom
upang maturuan and mga magaaral ng baiting 6. Masasabing isa ang Google
Classroom sa mga insttumento na epektibong gamitin sa panahon ngayon ayon kay
Espinosa, Estira, & Ventayen, (2017).

II. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral namin ay sumasagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng Goggle Classroom sa mga mag aaral?


2. Epektibo ba ang Google Classroom bilang gamit sa pakikipagugnayan sa
guro?
3. Ano ang kahinaan at kalakasan ng gamit sa Google Classroom?
4. Epektibo ba para sa mga guro ang paggamit ng Google Classroom?

III. LAYUNIN

Ang layunin ng aming pag-aaral o pananaliksik batay sa aming napiling paksa ay ang
mga sumusunod:

1. Malaman ng mga mambabasa ang mga kahinaan at kalakasan ng pag gamit


ng Google Classroom
2. Malaman kung nakakatulong ba ito sa akademiya sa paraan ng pag gamit ng
Google Clasaroom.
3. Malaman ang mga kadahilanan kung bakit ginagamit ang Google Classroom.
IV. KAHALAGAHAN
Ang pag aaral na ito ay isinigawa para makatulong sa pagkakaroon ng
epektibong pakikipagkomunikasyon. Ang Google Classroom din ay “cloud based” o
nakabatay sa kompyuter hindi na magkakaron ng problema ang mga mag aaral kung
sakaling magkaroon sila ng mga “nawawalang assingment” atbp. at isinigawa din ang
pananaliksik na ito para mabigyan halaga ang paggamit ng aplikasyon na ito bilang
isang mag aaral. Dahil ayon kay Espinosa, Estira & Ventayen (2017) masasabi isa ang
Google Classroom sa mga instrumento na epektibong gamitin sa panahon ngayon.

V. HYPOTHESIS
Ang pagkakaroon o paggamit ng Google Classroom o iba pang cloud based app
ay makakatulong sa mga guro para mas madaling isaayos ang kanilang mga
ipapagawa at mga balak na ipaalam sa kanilang mga mag-aaral. Samantala, ang mga
mag-aaral na walang internet connection ay mahihirapan dahil hindi sila makakagamit
ng mga gantong uri ng mga app. Ang pagkakaroon ng Google Classroom ay malaking
tulong na din sa mga mag-aaral at guro lalo na sa pagsabay ng pag-unlad n gating
bansa.
Ang Positibo at Negatibong
Epekto sa Pagganap sa
Akademiko ng mga Mag-aaral na
Atleta

Buban, S.
Dela Cruz, J.
Hernandez, J.
Mendoza, D.
Ricarde, J.
I. PANIMULA

PAGPAPAKILALA NG PAKSA
Ang pagiging isang Atletang mag aaral ay tumutukoy sa pagiging isang
manlalaro na siyang lumalahok sa ibat ibang uri ng isports mula sa kani kanilang karatig
na lugar at paaralan. Ang isang Atletang mag aaral ay hindi lamang ginagampanan ang
pagiging isang manlalaro, sila rin ay may obligasyon na maging isang mabuting mag
aaral lalong lalo na ang mga ito ay kadalasang iskolar ng kani kanilang pinag aaralan.
Ayon sa sanaysay ni Pessumal (2016), Ang pagiging studyanteng atleta ay hindi
madali para isabay sa pag aaral. Marami ang pagsubok na dadaan na maaring
masagasaan ang iyong pag aaral. Ayon naman sa pananaliksik ni Luzano (2018), hindi
lingid sa nakakarami na nakadikit na sa mga atleta ang impresyon na hindi nila kayang
dalhin ang galling nila sa kompetisyon sa loob ng silid aralan. Mayroong kalakip na
kahinaan at kalakasan ang pagiging isang Atletang magaaral.

II. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag aaral namin ay sumasagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang epekto sa akademiks ng isang magaaral na atleta?


2. Ano ang natatanggap na grado ng mga mag-aaral na atleta?

III. LAYUNIN

Ang layunin ng aming pag-aaral o pananaliksik batay sa aming napiling paksa ay ang
mga sumusunod:

1. Malaman kung nahihirapan ba ang mga atletang pagsabayin ang pag-aaral at


pag-eensayo.
2. Malaman ang kanilang kakayanan sa pag aaral at kung ano ang average na
grado ng mga atleta.
3. Malaman kung may sapat ba sila na oras para makapag pahinga at
makapagaral.
IV. KAHALAGAHAN
Sa mga paaralan ngayon ang pagiging atletang mag-aaral ay hindi na gaanong
natututukan ang kanilang pag aaral. Sa pag aaral na ito malalaman natin kung ano ang
advantage at disadvantage sa akademikong pagganap ng isang pagiging mag-aaral na
atleta.

V. HYPOTHESIS
Ang pagiging mag-aaral na atleta ay hindi magiging sagabal sa pag-aaral kung
ito ay maipapasok ng tama sa isang schedule ng isang mag-aaral. Kung masasaayos
ng isang atletang mag-aaral ang kanyang mga gawain ay hindi siya magagahol sa mga
kailangan niyang tapusin at magkakaroon siya ng sapat na pahinga para makapag-aral.

VI. SANGGUNIAN
Luzano D. (2018) "Boys Lacrosse".Retrieved from:
http:\\highschoolsports.nj.com/player/davis-luzano/
Pessumal, V. (2016) "My 6 Triple". Retrieved from
http:\\sports.inquirer.net/193591/pessumal-finds-touch-with-6-triples-in-ateneo-win-over-
ue/von-pessumal

You might also like