You are on page 1of 27

Isang Pag-aaral: Mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Pagganap ng Fidelis

Senior High STEM Strand sa Asignaturang Preparatory Calculus

Kim Rudzen B. Bathan

Florelene M. De Roxas

Kisha Collene M. Ortilla

Renisser C. Parra

Sebastian O. Soberano

Ken Bryn D. Tocino

Venice D. Vanguardia

FAITH Colleges: Fidelis Senior High

Abril 2019
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL ii

PASASALAMAT

Taos-puso nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa mga taong walang sawang

sumusuporta sa kanila, tumutulong, gumagabay at nagtiwalang maisasagawa ng maayos

ang kanilang pananaliksik na papel.

Lubos silang nagpapasalamat sa mga guro na sina Bb. Wedilyn P. Limboy, Gng.

Annaliza Querubin, at G. Carlo Joshua Digno na walang sawang tumulong at gumabay sa

pagsasaayos ng pananaliksik na papel mula sa umpisa hanggang sa katapusan.

Ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat din sa mga nakilahok na mag-aaral ng

Baitang 11 na nasa track na Science, Technology, Engineering and Mathematics mula sa

Fidelis Senior High School ng First Asia Institute of Technology and Humanities, dahil sa

binigay nilang impormasyon at opinyon na nakatulong upang mabuo at mapagtibay ang

ginawang pananaliksik.

Pinasasalamatan din nila ang kanilang mga kaibigan, kapamilya, at mga kagalang-

galang na mga guro dito sa FAITH Colleges dahil sa kanilang suporta.

Mga Mananaliksik
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 2i

DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay taos-pusong naming inaalay sa mga susunod pang

mananaliksik. Sa aming gurong taga-gabay na si Bb. Wedilyn P. Limboy sa patnubay na

kanyang ibinigay upang maisagawa at maging maayos ang pananaliksik na papel na ito.

Para sa mga kaklase, mga magulang, mga kaibigan at sa kanilang pamilya na buong

sumusuporta, nagbigay ng lakas ng loob at nagbigay ng inspirasyon upang matapos at

maisagawa ang pananaliksik na papel na ito.

Gayundin sa aming guro, Gng. Annaliza Querubin, guro sa Statistics and

Probability, at G. Carlo Joshua Digno, guro sa Filipino sa Piling Larang: Pagsulat, na

naglaan ng oras upang maisagawa ang pananaliksik na papel. Higit sa lahat, sa

Panginoong Diyos na nagbigay ng kaalaman, tamang pag-iisip at lakas upang maging

maganda ang resulta ng pag-aaral.

Mga Mananaliksik
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL iv

ABSTRAK

Maraming aplikasyon ang asignaturang matematika sa iba’t-ibang larangan na

maaaring tahakin ng isang indibidwal. Isa rin sa napakahalagang bahagi ng matematika

ay ang Calculus na sa ngayon ay nahati sa Basic Calculus at Preparatory Calculus. Ang

pananaliksik ay pinamagatang Mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Pagganap ng

Fidelis Senior High STEM Strand sa Asignaturang Preparatory Calculus. Malaman ang

mga salik na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga estudyante ang

pangunahing layunin ng papel na ito, gayundin ang matukoy ang salik na may

pinakamataas na bahagdan sa pananaw ng mga respondente nito. Sa pamamagitan ng

pagsasarbey, nakalap ang mga datos na nilahukan ng walumpu at limang (85) mag-aaral

ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics ng Fidelis Senior High School,

kung saan ginamit ang talatanungan bilang instrumento sa pangangalap ng datos.

Lumabas sa pag-aaral na mas nangibabaw ang ‘Kumpiyansa’ bilang salik nakakaapekto

sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng STEM sa asignaturang Pre-Cal na may composite

mean na 3.20 at may berbal na interpretasyon na sumasang-ayon. Batay sa mga datos mas

nagiging mataas ang kumpiyansa ng mga mag-aaral sa Pre-Cal nang dahil sa paraang

itinuturo ng guro at dahil sa mga paunang kaalaman na naging pundasyon sa pagkaunawa

sa mga talakayin. Sa pagtatapos ng pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik na pag-

ibayuhin pa ang mga positibong salik na nakakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral at

bawasan ang mga negatibo. Inirerekomenda rin na magkaroon pa ng mga pag-aaral na

susuporta sa at magdaragdag sa mga impormasyon na nakasaad sa pananaliksik na ito.


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL

Ang Problema at Pagtanaw sa Literatura

Maraming pagbabago ang naganap bunsod ng mga iba’t-ibang kapamaraanang

nalikha ng siyensya at ng hindi maikakaila, ng matematika. Ang matematika na sa

Filipino ay tinatawag na sipnayan ay ang pag-aaral ng kwantidad at istruktura ng

anumang bagay na lumulutas ng problema sa ilang mga katanungan at suliranin na

kinakailangan ng mataas na lohika na nagreresulta sa mga kamangha-manghang mga

pagbabago sa ating panahon (Rivera, 2009). Sa aspetong pang-negosyo, nang dahil sa

matematika ay nakalikha ng iba’t-ibang solusyon sa bankrapsyon, pagtaas ng kita, at

maging ang pagbaba nito. Sa katunayan ayon sa kasaysayan, ang matematika ang

nagpapadalisay ng mga metodolohiya, deduktibo at induktibong pamamaraan at marami

pang iba. Ngunit alam nating lahat na hindi sapat ang kaalaman sa pagdaragdag,

pagbabawas, at paghahati ng numero upang magbunsod sa magagandang pagbabagong

ito, kaya mas malawak na sa ngayon ang sangay ng matematika tulad ng algebra, at

kasama na diyan ang calculus na kinapapalooban ang Preparatory Calculus (Pre-Cal) at

Basic Calculus na itinuturo na sa mga estudyanteng STEM (Science, Technology,

Engineering, Mathematics) dahil sa naganap na pagbabago sa kurikulum (Heath, 2011).

Hindi maikakaila sa panahon ngayon ang walang sawang pag-ayaw ng mga

estudyante ng sekondarya at kolehiyo sa asignaturang Calculus dahil sa hindi

maikakailang buhol-buhol na lohikang kinakailangan ng estudyante upang lubos na

maintindihan ang asignatura na kahit ang pre-requisite na asignatura nito na tinatawag na

Preparatory Calculus (Pre-Cal) ay hindi na maintindihan. Kasama sa pag-aaral nito ang

mga pagkahaba-habang mga pormyula na kailangang sauluhin at mahirap ilapat sa mga

problema na nakasaad sa mga pagsusulit. Ngunit kapalit ng lahat ng paghihirap habang


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 2

pinipilit itong intindihin ay malaki ang benepisyong panglohika at panghasa ng kaisipan

ng mga mag-aaral. Ang asignaturang Pre-Cal ang isa sa mga espesyaladong asignatura ng

STEM na humihila sa mga estudyante upang bumagsak ang grado at ang malala ay

mawalan ng gana sa pag-aaral.

Sa dinami-dami ng mga araw, oras at minutong ginugugol ng mga mag-aaral ng

STEM-11 sa pagpasok sa asignaturang Preparatory Calculus, marami ang hinaing na

naiimbak sa isipan ng mga estudyante bunsod ng hirap na idinudulot nito sa akademikong

pagganap ng mga estudyante. Kaya isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito

upang malaman at mailabas ang mga hinaing ng mga mag-aaral sa nasabing asignatura.

Malalaman rin sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ang mga salik na higit na

nakakaapekto sa pag-aaral sa Pre-Cal at matukoy ang mga paraan na maaaring

irekomenda upang mabago ang mga negatibong salik at maipagpatuloy ang mga

positibong salik.

Layunin ng Pananaliksik

Ang pangkalahatang layunin na nais makamtan ng mga mananaliksik ay malaman

ang mga salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng Pre-Calculus ng mga STEM-11 na

estudyante ng Fidelis Senior High.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na epektibong mailahad ang iba’t-ibang

mga salik na nakaaapekto sa pag-aaral ng asignaturang Pre-Calculus. Nais ng mga

mananaliksik na malaman kung paano nakaaapekto ang asignaturang ito sa kanilang

akademikong pagganap bilang isang estudyante matapos makuha ang mga nasabing salik.

Dagdag pa, matapos makolekta ang mga salik na kinakailangan, nais na malaman ng mga
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 3

mananaliksik kung alin sa mga ito ang pangunahing salik na pinakanakaaapekto sa pag-

aaral ng asignaturang Pre-Cal.

Pagsusuri ng Literatura

Tinukoy ni (Anonymous, 2015) ang matematika bilang isang sangay ng

karunungan na tinuturing na isang “Lakambini ng Agham” dahil ito ay katulong ng

agham sa pagbibigay ng solusyon at integrasyon sa ating panahon. Idinagdag pa niya,

higit pang matematika sa paghahanap ng x at y lamang dahil ito ay tinukoy rin ni Gauss,

isang matematiko, “…sining ng mga abstraktong katotohanan” dahil sa mga lohikang

tinataglay nito at “susi sa sikreto ng kalawakan” ayon sa mga pythagoreans.

Ayon kay Lastimoso (2016), ang matematika ay nagtataglay ng napakaraming

mga pasikot-sikot na kung saan-saan mapupunta makuha lamang ang inaasam na

kasagutan. Ito rin ay inilarawan ni Lastimoso bilang isa sa pinakamahirap na asignatura

sa ating panahon ngayon dahil sa mas mahihirap na sangay nito. Ang ilan sa mga

larangan ng matematika ay tumutukoy sa Istruktura, Espasyo at Kantidad na isinasama

ang bilang mula sa negatibo hanggang positibong numero, mula sa buong numero at sa

hinating numero.

Sinabi ng (“Why Do Students Struggle With Math?”, 2018), mayroong mga

kadahilanan kung bakit marami ang nahihirapan sa pag-aaral ng matematika. Ilan na rito

ang mga sumusunod; dahil mahirap makasakay sa mga talakayin; dahil mayroon lamang

dalawang posibilidad ang pasasagot, maalin sa tama o mali; dahil sa pangit na

perspektibo o pagtingin sa matematika, na ang matematika ay pinakamahirap intindihin;

dahil kinakailangang saulado ang mga pormyula at ang mga nakaraang talakayin dahil
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 4

itong mga ito ay konektado sa isa’t-isa; dahil sa naitatag na reputasyon na ito ay

nakakawalang-gana ang asignatura; at dahil kinakailangan magsanay ng maraming beses.

Ayon kay Ortega (2011) ang pag-aaral ng matematika ay dapat hinahanapan ng

paraan upang maging kawili-wiling tuklasin para sa mga estudyante at mahanapan ng

mga guro ng paraan na maisabay ito sa antas ng kanilang kaalaman at maitaas ang interes

ng kanilang mga estudyante. Sang-ayon si Hilbert (2012), na ang matematika ay

konseptwal na sistema mukang ganoon lamang kung tingnan ngunit mahalaga ito at may

nakawiwiling konsepto upang pag-aralan.

Sinabi ni Smith (2009), higit na napakahalaga ang sipnayan sa isang mag-aaral at

maging sa mga propesyunal dahil ito ay kinakailangan upang makagawa ng isang

produkto o isang bagay, halimbawa na lamang ay sa mga arkitekto, bago makagawa ng

isang bahay ay kinakailangang makuha ang tamang sukat ng lupa, tamang sukat ng

gagawing bahay upang hindi magkaroon ng anumang palya na magreresulta sa mas

malaki pang problema. Sinabi pa niya, higit na mas kinakailangan rin ang matematika sa

pang-araw-araw na pamumuhay kaysa sa pagiging estudyante dahil ito ay ginagamit

upang bumilang ng pera, pagsukat at pagtimbang ng mga pagkain, at marami pang iba.

Ang matematika ay nahahati pa sa ilang mga sakop. Tulad ng Algebra (linyar,

multilinyar, elementary, abstrakto), Heometriya (diskreto, alhebraiko, diperensyal),

Trigonometriya, mga iba’t-ibang teorya, Topograpiya, Istadistika at ang Kalkulo o

Calculus sa lenggwhaeng Ingles. Ang Kalkulo bilang isang asignaturang nagmula sa

salitang Latin na nangangahulugang ‘small stone’ dahil ito ay ang sangay ng matematika

na umiintindi sa mga maliliit na bagay at sa pagtingin sa mga maliliit na detalye nito.


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 5

Isinaad pa, ito ay may mas ispesipiko pang mga sangay, tulad ng mga sumusunod;

Integral Calculus (integration), Differential Calculus (derivatives), at Differential

Equations (“Calculus”, 2017).

Ang Calculus ay itunuturo sa kolehiyo ngunit dahil sa pagbabago ng kurikulum sa

Pilipinas na naging katulad ng sa ibang bansa ay itinuro na rin ito sa Grade 11 na

estudyante ng STEM track at nahati sa dalawa: ang Preparatory Calculus at Basic

Calculus na maghahanda sa mga estudyante para sa kolehiyo. Ang Preparatory Calculus

ay tumutulong upang ihanda ang mga estudyante sa konsepto ng Kalkulo dahil ito ay

umuunawa ng matematikong problema sa pamamagitan ng (linear, quadratic,

polynomial, logarithmic, exponential & trigonometric) at graphs kasama ang pagbibigay-

diin sa matematikong aplikasyon nito sa tunay na buhay (University of California, 2016).

Sinabi ni Posada (2017), marami ang estudyanteng nahihirapan sa asignaturang

Pre-Cal ngunit hindi parin maintindihan ang pinag-uugatan suliranin na ito, kung ito ba

ay dahil sa akademikong kalagayan ng estudyante o dahil sa mga materyales na

ginagamit ng mga guro o tagapagturo ng asignatura. Dagdag pa niya, nakausap niya ang

isa sa mga estudyante ng Columbus School na si Salazar na nag-aaral ng nasabing

asignatura at binanggit nito na siya ay nahihirapan dahil sa napakataas ng antas ng tiyaga

at pagsisikap na kinakailangan dahil sa mabilis na pagbabago ng talakayin bawat linggo.

Nabanggit rin ni Salazar na dahil rin sa maikling panahon ng pagtuturo na hindi kinakaya

ng mga estudyante, dagdag pa niya, kahit ang matalino ay hindi kakayanin ang

napakaikling panahon ng pagtuturo at pag-aaral ng Pre-Cal.


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 6

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral nina Archava et al., (2011) na tumatalakay sa mga kadahilanan

kung bakit nahihirapan ang mga estudyante sa Pre-Calculus, nagresulta ito na kaya

nahihirapan ang ilan ay dahil sa hindi sapat na oras at panahon upang intindihin ang

asignatura kaya nagmungkahi ang mga estudyante na mas maiintindihan nila ito lalo

kung mas magiging madalas ang pagbibigay ng guro ng takdang aralin kaysa sa pag-aaral

ng libro at pagtatalakay sa klase. Dagdag pa, kakaunti rin ang mga estudyante na nag-

aaral ng kanilang mga libro at nagresulta pa sa mataas na bahagdan ng sumagot sa

‘never’. Lumabas pa sa kanilang pag-aaral na mas magiging epektibo pa ang pag-aaral

nito kung may mga halimbawa at mas malalapitan ang mga guro para sa katanungan. Ang

pagiging masipag pumasok sa klase ay nakapagpapaganda rin ng pagganap ng estudyante

sa asignaturang Pre-Cal.

Sinabi naman nina Ahmad et al., (2017), na halos tumataas na sa 30% ang

bahagdan ng mga bumabagsak sa Pre-Calculus at iba pang sangay ng Calculus at 608 na

diploma ang nasasayang dahil sa pagbagsak nila sa nasabing asignatura kaya’t nagsagawa

ang grupo ng pananaliksik sa mga salik na nakaaapekto rito. At lumabas sa kanilang pag-

aaral na nakaaapektong higit ang positibong pag-uugali ng tagapagturo o guro sa relasyon

niya sa kaniyang mga estudyante na nagbubunga rin sa magandang pagtanggap nila sa

talakayin. Isinaad pa sa kanilang pananaliksik na nakaaapekto rin ang dami ng kanilang

mga kaklase o kasama sa klase sa kanilang pagkatuto.

Saad ni Parnell (1985), na inilapat sa mga pag-aaral noong 2009, ang mga

aktibidades sa matematika ay nagbibigay ng mga iba’t-iba pang gamit nito sa totoong


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 7

buhay para sa mga suliranin at pagsubok na makakasalamuha ng mga mag-aaral maging

sa mga nagtuturo sa kanilang pang-arawa-araw na buhay at kasama na ang kanilang

magiging trabaho sa hinaharap.

Matatagpuan sa pag-aaral nina Alinsangaw, Ngag, at Sasi (2017) na sinasabi ni

Sasser (2017), na sa karamihan ng mga mag-aaral ay marami sa mga ito ang pumapalya

sa grado hanggang bumagsak sa nasabing asignatura dahil sa kakulangan sa kaunawaan

na isinasama na ang pagbaba ng kakayahan ng mga estudyante sa kalkulasyon. Ngunit

saad din ni Sasser na dala rin ito ng maagang pagtalikod at pagtanggi sa mga bagong

kaalaman na ibinibigay ng asignatura sa simula pa lamang ng pasukan.

Nabanggit naman sa pag-aaral na inilabas ni (“nessssyyy”, 2019) sa Course Hero

Inc., na nagiging isa sa mga dahilan ng pagkatuto ng estudyante ay ang paraang

ginagamit ng guro upang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga

talakayin. Nakasalalay rin ang pagkamit ng kaunawaan ang mga estratehiyang gagamitin

ng tagapagturo ng asignatura.

Sinabi ni Gunning (2012) ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiyak at matibay na

kaalaman o pundasyon sa mga mag-aaral ng matematika o anumang asignaturang

kanilang pinag-aaralan dahil ito ang nagsisilbing tulay sa pagtanggap ng kanilang isip sa

mga panibagong impormasyon.

Ayon sa pag-aaral ng Network Support (2019) na inilabas sa Professional

Learning Board, na magiging napakahirap ng asignaturang matematika sa mga

estudyante kung iisa lamang ang paraan ng pagsasagot sa isang suliranin o aktibidad.
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 8

Kaya’t napakahalaga sa mga guro ng matematika na siguruhin na sila ay nakakagamit ng

mga shortcut/interventions.

Ayon sa salaysay nina Johnson, Lynch, Perova, at Star (2009), ang matematika ay

isang malawak na talakayin na humihingi ng mataas na antas ng pagkaunawa sa mga

mag-aaral nito kaya kinonsidera nina Johnson et al. ang paunang kaalaman bilang

mahalagang bagay sa pagsasagot sa mga pagkilatis sa pagkatuto ng abilidad sa

matematika.

Sa pag-aaral nina Morony, Stankov, at Yim Ping (2019) nabanggit ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng malaking kumpiyansa sa sarili sa pagkatuto ng

matematika dahil ito ang marka ng bilis ng pagkaunawa ng mga estudyante at patunay na

ito ang isa sa mga paraan upang mabilis na matanggap ng puso at isip ang dalang

impormasyon ng bagong talakayin.

Sinabi ni Kusmaryono (2014), na lumabas sa kanyang pag-aaral na naaapektuhan

ang kagalingan sa matematika ng mga mag-aaral sa pagkatuto at pagsukat ng kakayahan

na sasalamin sa araw-araw na pakikisalamuha at ang kagalingan sa matematika ay

magmumula rin lamang sa sariling kagustuhan ng isang indibidwal.


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 9

METODOLOHIYA

Nakalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan o hakbang na ginamit ng mga

mananaliksik upang maisagawa ang pag-aaral. Dito nakalahad ang disenyo ng

pananaliksik kasama ang bilang at pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral. Nakasaad din

dito ang mga impormasyong kailangan sa napiling paksa. Kasama ang instrumento at

hakbang sa pangangalap ng datos na ginagamit ng mga mananaliksik upang malaman ang

mga kasagutan sa paksang napiling pag-aralan. Matapos ay inilahad din ang pag-

aanalisang isinagawa sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik

Disenyo ng pananaliksik

Deskriptibo ang ginamit sa isinagawang pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong

pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Research

Design. Ito ay isang uri ng disenyo ng pananaliksik kung saan gumagamit ng

talatanungan o survey questionnaires bilang instrumento upang malikom ang mga datos

ukol sa isyung pinag-aaralan. Napili ng mga mananaliksik ang disenyong ito sapagkat

mas madaling matukoy ang Mga Salik na Nakaaapekto sa Akademikong Pagganap sa

Asignaturang Preparatory Calculus. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang

disenyong ito para sa nasabing paksa at mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula

sa mga kalahok sa pag-aaral.

Pinasagutan ang mga talatanungan sa mga piling respondenteng mag-aaral na

nagbibigay ng mga salik na nakakaapekto sa akademikong pagganap sa asignaturang

Preparatory Calculus. Nakalahad sa talatanungan kung ano ang mga salik sa

asignaturang Pre-Cal na nakaaapekto sa kanilang pag-aaral.


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 10

Kalahok sa Pananaliksik

Talahanayan Blg. 1
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Seksyon

Seksyon Distribusyon ng Porsyento Bilang ng mga


Populasyon Respondente

STEM-11 A 43 7.72% 7

STEM-11 B 45 8.08% 7

STEM-11 C 44 7.9% 7

STEM-11 D 44 7.9% 7

STEM-11 E 44 7.9% 7

STEM-11 F 41 7.36% 6

STEM-11 G 44 7.9% 7

STEM-11 H 42 7.54% 6

STEM-11 I 42 7.54% 6

STEM-11 J 42 7.54% 6

STEM-11 K 43 7.72% 7

STEM-11 L 42 7.54% 6

STEM-11 M 41 7.36% 6

Kabuuang Bilang: 557 100% 85

Isinasaad ng Talahanayan Blg. 1 ang distribusyon ng mga piling respondente

ayon sa kanilang kinabibilangang seksyon kung saan ang STEM-11 A, B, C, D, E, G, at

K ay may magkakaparehong bilang na pito (7) habang ang STEM-11 F, H, I, J, L, M

naman ay may tig-aanim (6) na bilang ng respondente.


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 11

Napili ng mga mananaliksik ang Baitang-11 ng STEM track. Napili ang mga

kalahok sapagkat may kaugnayan ang Preparatory Calculus sa STEM, sa teknolohiya at

nagpapakabihasa rin sila sa asignaturang Matematika, sa katunayan, ito ay isa sa mga

kanilang espesyalisadong asignatura bukod sa General Biology. Walumpu’t lima (85) na

mag-aaral mula sa FAITH COLLEGES: Fidelis Senior High ang nagsilbing mga

respondente ng mga mananaliksik.

Upang matukoy ng mga mananaliksik ang tiyak na bilang na walampu’t lima (85)

ng mga piling respondente na ginamit sa pananaliksik mula sa kabuuang bilang ng

populasyon na limandaan at limampu’t pito (557) na bilang ng mga mag-aaral na nasa

ika-11 baitang ng STEM ay ginamit nila ang Slovin’s Formula. Ang itinalang margin of

error sa pormyula ay sampung porsyento (10%) para makuha ang tamang distribusyon ng

mga respondente. Samantala, upang malaman naman ang tamang dibisyon ng populasyon

ng mga respondente ayon sa kanilang seksyon ay ginamit ng mga mananaliksik ang

Stratified Random Sampling.

Instrumento ng Pangangalap ng Datos

Ang ginamit ng mga mananaliksik bilang instrumento sa pangangalap ng datos ay

sarbey o Talatanungan. Ginamit ng mga mananaliksik ang Likert Scale upang mabigyan

ng rate ang bawat pahayag, katulad ng mga sumusunod; (4) Lubos na Sumasang-ayon,

(3) Sumasang-ayon, (2) Di-Sumasang-ayon, (1) Lubos ang Di-Pagsang-ayon. Ang mga

katanungan ay hinango at isinaayos ng mga mananaliksik sa isang pag-aaral na

pinamagatang “An Analysis of the Views of Various Sectors on the Mathematics

Curriculum” mula sa pag-aaral nina Lam et al. (2015)


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 12

Hakbang sa Pangangalap ng Datos

Nagkaroon ng bagyuhang isip ang mga mananaliksik sa pagpili ng paksa sa

pananaliksik. Upang malaman ang maaaring maging paksa, inilahad nila ito sa kanilang

gurong-tagapayo sa pananaliksik upang sila’y magabayan sa kanilang gagawing

pangangalap ng mga datos at impormasyon. Matapos itong ilahad at talakayin sa kanilang

guro ay muli itong tinalakay ng kanilang pinuno sa bawat miyembro ng grupo upang

marebisa kung mayroon mang magiging problema. Matapos ang pagpili ng paksa, agaran

silang humanap ng angkop na materyales at mga instrumento sa pangangalap ng datos at

napagpasyahan ng mga mananaliksik na gumamit ng sarbey o talatanungan upang

mayroong aktuwal na resulta at dahil na rin kwantitatibo ang uri ng pananaliksik na

kanilang isinasagawa. At muli, para sa kasiguraduhan at gabay ay ipinawasto nila ang

sarbey sa kanilang guro sa pananaliksik. Matapos ang lahat ng ito ay nagsimula nang

magsarbey ang mananaliksik sa mga estudyante ng Baitang-11 STEM Track sa Fidelis

Senior High School. Upang magkaroon ng sistema sa oras ay nagkaroon sila ng hatian sa

paghahanap ng respondente sa mga seksyon at distribusyon sa sarbey. Matapos ang

pagkolekta ng mga talatanungan ay sinimulan na nila na itala at pagsama-samahin ang

mga magkakatulad na kasagutan, pinagsunod-sunod ang resulta mula pinakamataas

hanggang pinakamababa at gumawa ng analisis at interpretasyon ng mga ito upang

malaman ang kongkretong resulta ng mga datos.

Analisis ng Datos

Gumamit ang mga mananaliksik ng Slovin’s Formula at Weighted Mean sa bawat

pahayag bilang kanilang statistical treatment upang maanalisa ang mga datos na kanilang
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 13

nakalap. Napili nila ang mga ito upang matukoy ang salik na may pinakamataas na iskor

at magrerepresenta ng buong datos. Nag-average ang mga mananaliksik upang mas

mapadali ang ang proseso ng pagtingin ng kung gaano kalaki o kaliit ang isang iskor

kung ikukumpara sa ibang mga iskor. Kinuha ng mga mananaliksik ang sample size sa

N
n=
pamamagitan ng Slovin’s Formula na may pormyulang: 1+Ne 2

Kung saan:

n = sample size

N = kabuuang bilang ng populasyon

e = margin of error (10% o 0.1)

Habang ginamit naman ang Weighted Mean sa pagtimbang ng mga datos na may

Σ fx
pormyulang: xx = N

Kung saan:
xx = weighted mean
Σ = kabuuang bilang ng populasyon
f = bilang ng tumugon
x = timbang ng bawat pahayag
N = kabuuang bilang ng respondente

Range o Saklaw Arbitraryong Bilang Berbal na Deskripsyon

3.26-4.00 4 Lubos na Sumasang-Ayon

2.51-3.25 3 Sumasang-ayon

1.76-2.50 2 Hindi Sumasang-ayon


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 14

1.00-1.75 1 Lubos na Hindi Sumasang-


ayon

RESULTA AT PAGTALAKAY

Sa kabanatang ito nakasaad ang mga resulta at pagtalakay ng mga nakuhang datos,

kasama ang paglalahad ng konklusyon sa pag-aaral at maging ang mga rekomendasyon

ng mga mananaliksik.

Mga Kinalabasan ng Pag-aaral

Nakuha ng mga mananaliksik ang kabuuang datos na magbibigay kasagutan sa mga

katanungan ng mga mananaliksik sa kanilang napiling paksa sa pamamagitan ng

pagkompyut ng mga resulta ng isinagawang sarbey upang makuha ang weighted mean ng

mga kasagutan ng mga respondente. Nakapaloob ang mga resulta ng isinagawang sarbey

dito.

Talahanayan Blg. 2
Mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap sa Asignaturang
Preparatory Calculus: Interes
Ipinapakita ng Talahanayan Blg. 2 ang mga naging pagtugon ng mga estudyante
Interest (interest) 4 3 2 1 WM Deskripsyon
ng
Interesado ako sa mga aktibidad Sumasang-
pangkalkulasyon dahil sa mga kawili- ayon
wiling talakayin sa Pre-Calculus. 100 135 26 2 3.09

May pagnanais akong mas matutunan Lubos na


pa ang Pre-Cal dahil kinakailangan ito sumasang-
para sa aking kukuhaning karera. 196 84 12 2 3.46 ayon

Hindi ko nais ang matematika dahil Hindi


hindi ako magaling sa kalkulasyon, na sumasang-
nag reresulta sa pag-ayaw ko sa Pre- 24 48 64 31 1.96 ayon
Cal.

Composite Mean 2.84 Sumasan-


Ayon
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 15

STEM sa ‘Interes’ na isa sa mga salik na nakakaapekto sa kanilang akademikong

pagganap sa asignaturang Pre-Cal. Makikita sa talahanayan na ang ikalawang pahayag

ang nakakuha ng pinakamataas na weighted mean na “3.46” at nangangahulugang

sumasang-ayon ang mga mag-aaral na naapektuhan ang interes sa nasabing asignatura

dahil ito ay kinakailangan sa kanilang kukuhaning karera. Saad ni Parnell (1985, 2009),

ang mga gawain sa matematika ay nagbibigay ng sapat na pasilip ng mga aplikasyon nito

sa totoong buhay para sa problema at pagsubok na maaaring kaharapin ng mga

estudyante maging ng mga guro sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at

pagtatrabaho. Habang ang nakakuha naman ng pinakamababang weighted mean na

“1.96” ay ang ikatlong pahayag na nagsasabi na hindi sumasang-ayon ang karamihan sa

mga tumugon sa sarbey na nakaaapekto ang hindi pagiging magaling sa kalkulasyon sa

pagkawala o pagkahusto ng interes sa matematika lalo na sa Pre-Cal. Makikita sa pag-

aaral nina (Alinsangaw, Ngag, at Sasi, 2017) na sinasabi ni (Sasser, 2016), na karamihan

sa mga estudyante ay bumabagsak dahil sa kawalan ng pag-unawa na nagpapababa sa

kakayahan ng estudyante sa kalkulasyon ngunit sinasabi din na sa pasukan pa lamang ay

wala na silang ganang matutunan ang asignaturang ayaw nilang kuhanin o pasukan,

katulad ng matematika.

Talahanayan Blg. 3
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 16

Mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap sa Asignaturang


Preparatory Calculus: Kagalingan

Kagalingan (competence) 4 3 2 1 WM Deskripsyon

Lubos kong naiintindihan ang Sumasang-


talakayin matapos ang klase ng Pre-Cal ayon
dahil sa paraan ng pagtuturo ng aking 100 141 24 1 3.13
guro.

Lubos kong naiintindihan ang mga Sumasang-


talakayan bago matapos ang klase ng ayon
Pre-Cal nang dahil sa maayos na 84 153 24 1 3.08
pakikitungo ng akin mga kaklase.

Hindi ako sigurado sa aking pundasyon Hindi


sa matematika, kaya hindi ako sumasang-
makasabay sa mga talakayan at sa 32 69 74 17 2.26 ayon
aking mga kaklase at sa aking guro.

Composite Mean 2.82 Sumasan-


Ayon

Nakatala sa Talahanayan Blg. 3 ang naging resulta ng pangangalap ng datos sa

‘Kagalingan’ bilang salik nakakaapekto sa akademikong pagganap sa asignaturang Pre-

Cal ng mga respondente. Mapapansin na ang nakakuha ng “3.13” bilang pinakamataas na

bahagdan ng puntos ay ang unang pahayag na nagsasabing sumasang-ayon ang mga

respondente na naaapektuhan ang kagalingan ng isang estudyante sa Pre-Cal nang dahil

sa mga pamamaraan ng pagtuturo ng guro. Nabanggit sa pag-aaral na inilabas ni

(“nessssyyy”, 2019) sa Course Hero Inc., na nakakaapekto sa pagkaunawa ng estudyante

ang paraang gamit ng guro at nakasalalay sa estratehiyang gagamitin ng guro kung

makakamtan ang nais niyang maunawaan ng estudyante. Samantala, makikita rin sa

talahanayang ito na ang may pinakamababang weighted mean ay ang ikatlong pahayag na

may bigat na “2.26” na nagpapakita lamang na hindi sumasang-ayon ang mga tumugon

na nakakaapekto sa kagalingan ng isang estudyante ang pundasyon sa matematika at


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 17

nagreresulta sa pag-ayaw sa matematika at maging sa Pre-Cal. Kaya naman sinabi ni

Gunning (2012), na mahalaga ang pagkakaroon ng pundasyon o paunang kaalaman sa

mga estudyante sa pagkaunawa nila sa isang bagay dahil ito ang naglalagay ng

koneksyon sa kanila para sa panibagong impormasyon. Kaya mahalaga ang pundasyon sa

isang partikular na usapin ngunit pagdating sa matematika maaaring kailanganin mo ito

ngunit mas kailangan ang kagustuhan sa pag-aaral pagdating sa numero.

Talahanayan Blg. 4

Mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap sa Asignaturang

Preparatory Calculus: Kumpiyansa

Kumpiyansa (confidence) 4 3 2 1 WM Deskripsyon

May kumpiyansa ako sa pagsagot sa 80 141 28 4 2.98 Sumasang


ng mga aktibidad sa Pre-Cal dahil sa ayon
paunang kaalaman ko sa mga
talakayan.

Kaya kong sagutan ang mga 88 183 20 2 3.48 Lubos na


problemang matematikal dahil sa sumasang
paraan na itinuturo ng aking guro. ayon

Tiwala ako sa aking kakayahan sa Pre- 100 153 10 4 3.14 Sumasang


Cal dahil sa pakikitungo ng aking mga ayon
kasama sa klase.

Composite Mean 3.20 Sumasan-


Ayon

Ang Talahanayang Blg. 4 ay nagpapakita ng resulta sa “Kumpiyansa” bilang isa

mga salik na nakakaapekto sa akademikong pagganap sa Pre-Cal. Ipinapakita ng

talahanayang ito na ang nakakuha ng pinakamataas na bahagdan ng puntos ay ang

ikalawang pahayag na may bigat na “3.48” na nagsasaad lamang na lubos ang pagsang-
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 18

ayon ng mga tumugon sa pahayag na mas napapagbuti ang kumpiyansa sa pagsagot ng

mga problemang matematikal dahil sa mga paraang itinuturo ng kanilang guro. Ayon sa

pag-aaral na isinasaad ng Network Support (2019) na inilabas sa Professional Learning

Board, na maaring maging napakahirap ng matematika para sa mga estudyante ngunit

maaring gumamit ang mga guro ng mga short cut/interventions na magiging

napakahalagang teknik sa mga guro sa matematika na masiguradong nakukuha ng mga

estudyante ang dapat nilang matutunan. Ang unang pahayag naman ang nakakuha ng

pinakamababang bigat na “2.98” na nangangahulugang sumasang-ayon ang mga

respondente sa pahayag na dahil sa paunang kaalaman ay nagkakaroon ng kumpiyansa

ang mga estudyante sa pagsagot ng mga aktibidad sa Pre-Cal. Dahil sang-ayon sa

salaysay nina Johnson, Lynch, Perova, at Star (2009), na ang matematika ay may

kinakailangang taas ng antas ng pag-unawa sa karamihan ng estudyante kaya kinonsidera

nina Johnson et al., ang paunang kaalaman bilang mahalagang salik sa pagsasagot ng

mga pagsasanay o anumang aktibidad sa matematika.

Talahanayan Blg. 5
Ang mga Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap sa Asignaturang
Preparatory Calculus

Mga Salik Composite Mean Deskripsyon

Interes(Interest) 2.84 Sumasang-ayon


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 19

Kagalingan(Competence) 2.82 Sumasang-ayon

Kumpiyansa(Confidence) 3.20 Sumasang-ayon

Ang Talahanayan Blg. 5 ang nagpapakita ng resulta at kabuuang kinalabasan ng

bigat ng bawat ispesipikong salik na maaaring nakakaapekto sa akademikong pagganap

sa asignaturang Pre-Cal. Mapapansin na ang tatlong salik: Interes, Kagalingan, at

Kumpiyansa ay sinang-ayunan ng mga respondente na itoy nakakaapekto sa pagganap sa

asignatura. Ngunit kapansin-pansin sa talahanayan na ang nakakuha ng “3.20” na

kabuuang bigat ay ang salik na “Kumpiyansa” kung saan nangangahulugan na sumasang-

ayon ang mga estudyante na nakakaapekto ang kumpiyansa ng mga estudyante sa

pagkatuto sa asignaturang Pre-Cal. Ayon sa pag-aaral nina Morony, Stankov, at Yim Ping

(2019), mahalaga ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili sa pagkatuto ng matematika

dahil ito ang marka ng tagumpay sa pagkaunawa ng estudyante at katunayan, ito ang

paraan upang matanggap ng isip ang mga panibagong talakayin. At ang salik na

“Kagalingan” naman ang nakakuha ng pinakamababa kumpara sa tatlo ngunit sa kabila

nito ay nangangahulugan pa rin na sumasang-ayon ang mga respondente na ito ay isa pa

rin sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto sa Pre-Cal. Sinabi ni Kusmaryono (2014) sa

kinalabasan ng kanyang pag-aaral na naaapektuhan ng kagalingan sa matematika ang

estudyante o indibidwal sa pagkatuto, sa kakayahan at kaugalian na sasalamin sa araw-

araw na pakikisalamuha at ang kagalingan sa matematika ay magmumula rin lamang sa

mismong kagustuhan ng isang indibidwal.

Konlusyon
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 20

Hindi maitatangging isa ang Preparatory Calculus (Pre-Cal) sa mga

mahahalagang asignatura para sa mga estudyante ng STEM Track dahil sa ito ay isa

kanilang mga espesyaladong asignatura ngunit karamihan sa mga estudyante na

kumukuha ng asignaturang ito ay nahihirapan parin sa kani-kanilang akademikong

pagganap kaya’t ninais ng mga mananaliksik na malaman ang mga salik na nakakaapekto

sa akademikong pagganap ng STEM Track sa asignaturang Pre-Cal at ninais din nilang

malaman kung alin sa mga salik ang pinakanakaaapekto sa estudyante. Lumabas sa

kanilang pag-aaral na ang Interes, Kagalingan, at Kumpiyansa ang tatlong salik na

nakaaapekto sa pagganap ng mga estudyante sa Pre-Cal. Ayon din sa kanilang

pananaliksik, mula sa tatlong salik na nadiskubre nila, ang “Kumpiyansa” ang nakakuha

ng pinakamalaking bahagdan ng puntos na nangangahulugang ito ang salik na

nakakaapekto sa mga mag-aaral. Kaya’t mula sa resulta ng pag-aaral ay mahihinuha ng

mga mananaliksik na dapat isa-alang-alang ng mga guro na nabubuo nila ang kumpiyansa

na dapat mayroon ang kanilang mga estudyante at ganoon din sa mismong mga mag-

aaral sa pamamagitan ng mga pagsasagawa ng peer tutoring at marami pang mga paraan

na magpapabuti ng kanilang kumpiyansa. Tinugunan ng mga resultang ito ng

pananaliksik ang layunin at hangarin nitong pag-aaral.

Rekomendasyon

Matapos ang pag-aaral tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa akademikong

pagganap sa asignaturang Pre-Cal, inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga mag-


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL 21

aaral na panatilihing buo ang kumpiyansa sa kanilang sarili sa matematika maging sa

anumang aspeto ng kanilang pag-aaral. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik para sa

mga guro na gumawa ng mga kapamaraanan upang mapanatili at makagawa ng buong

kumpiyansa ang mga mag-aaral. At para naman sa mga susunod pang magsasagawa ng

pananaliksik na may relasyon sa pag-aaral na ito, binibigyang pahintulot ng mga

mananaliksik na gawing basehan at kaugnay na pag-aaral ang papel na ito at mabigyan pa

ng karagdagang impormasyon ang penomenang ito kung maaari.


SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL
SALIK SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA PRE-CAL

You might also like