You are on page 1of 22

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

RELASYON NG AKADEMIKONG PAGGANAP AT PANANAW SA

MATEMATIKA NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG

TERSYARYA SA KURSONG CIVIL ENGINEERING

(2018-2019)

TCIE 1-1

Cruz, Janver

Livara, Leorenz Dave

Manzano, Jake

Sison, Noel Andrei


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

A.) Panimula

Ang edukasyon ng bawat estudyante ngayon ay importante sapagkat sa

pamamagitan nito, maaaring makamit ang gustong posisyon at mga pangarap sa

buhay. Maraming magandang dulot and edukasyon gaya na lamang ng

pagtupad sa pangarap ng isang tao at pag-unlad ng buhay nito. Sabi nga ni

Solomon Ortiz, “Education is the key to success in life”.

Maraming sangkap ang edukasyon at isa na ditto ang academic

performance o akademikong pagganap. Ang akademikong pagganap ay isang

esensyal na bagay na natatamo sa tulong ng edukasyon. Dito malalaman kung

ano ang class standing ng isang estudyante o kung ito ba ay may natututunan sa

paaralan.

Ang Civil Engineering na kurso ay nagpopokus sa larangan ng

Matematika. Ang Matematika ay esensyal na asignatura para lubos na

maintindihan ng mga estudyante ang mga sukat ng isang bagay kaya ang

pananaw sa matematika ay importante sa nasabing kurso. Dahit dito, ang mga

mananliksik ay nais malaman ang relasyon ng akademikong pagganap at

pananaw sa matematika.
EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

B. Kaligirang Pangkasaysayan

Ang matematika ay itinuturing na isa sa pinakamahirap na asignatura ng

mga mag-aaral. Sa katunayan, ang matematika ang madalas na

kinababagsakan ng mga estudyante. Sa kabilang banda, kahit ito ay isang

napaka-kumplikadong asignatura, maraming tao ang nagsasabi na ito ay

karugtong ng ating buhay. Katulad na lamang ng isinasaad ni Albert Einstein na

“ang mga batas Matematika ay tumutukoy sa realidad”. Sa kadahilanang ang

Matematika ang kinonsiderang ina ng lahat ng pag-aaral ng sining at maging sa

agham, ito ay napakahalaga sa halos lahat ng larangan ngayon: anggulo sa

sports, sukat sa fashion, teknolohiya, ekonomiya, at iba pa. Ganito kahalaga ang

matematika sa mundong ginagalawan, ngunit sa paglipas ng panahon ay

nagbabago ang pagpapahalaga ng mga tao sa usaping ito. Sinasabi na kahit

marining lang ang asignaturang Matematika, salitang mahirap agad ang

pumapasok sa isipan ng mga taon marahil na rin hindi nila alam ang aktwal na

kahalagahan nito sa buhay.

Matematika ang asignaturang sumasaklaw sa pag-aaral ng mga numero,

hugis at iba pa. Binubuo rin ito ng mga kumplikadong ekwasyon na kinatatakutan

ng karamihan ng mga mag-aaral. Marami sa mga estudyante ngayon, sa oras na

makakita lamang ng numero o ekawsyon ay labis na kaba na ang nadarama.

Ayon sa pag-aaral ni Daniel Willingham, isang kognitibong siyentipiko, sa

kanyang akda na Why is Math so Hard for Many?, marami sa mag-aaral ang

inaayawan ang asignaturang Matematika dahil sa pagkakumplikado at pagka-


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

abstrak ng mga pinag-aaralan dito. Kinakailangan din ng lohikal na pag-iisip at

mataas na antas ng intelektwal upang maging madali ang pag-unawa sa

asignaturang ito. Samantala ayon naman sa National Numeracy Survey noong

taong 2012, mula sa 2000 na respondente na kanilang gamit, 50% o mahigit

kumulang 1000 na respondente ang may mahinang pag-iisip pagdating sa

numero.

C. Balangkas Teoretikal

Mayroong iba’t-ibang teorya ang maaaring iugnay sa pananaliksik na ito.

Una na riyan ang teorya ng pagkaklasipika ng mga mental na aktibidad sa

tatlong bahagi: cognition, conation at affection. Ito ay sinimulan sa bansang

Germany noong ika-18 na siglo at kinalaunan ay tinanggap na rin ito ng mga

asosasyon ng mga sikolohista sa mga bansang Scotland, England, at America

noong ika-19 na siglo (Hilgard, 2002). Noong ika-20 na siglo na lamang lumawig

ang pagkaka-kilanlan dito sa pamamagitan ng mga akda ni William McDougall,

isang amerikanong sikolohista.

Binigyang kahulugan nila English at English (2000) ang cognitive mental

function bilang proseso (pakiramdam, pagkilala, pag-iisip, paghuhusga at

pangangatwiran) kung saan ang isang tao ay kumukha ng kaalaman sa isang

bagay. Ito rin ay ang karaniwang pag-iisip, paniniwala o ideya ng isang tao

tungkol sa isang bagay o yung tinatawag na “stereotype” (Www3.nd.edu, 2019).

Ang pangalawang bahagi naman na tinatawag na conation ay tumutukoy sa


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

pagkilos ng may kamalayan at dito rin nakapaloob ang disposisyon ng isang tao

patungkol sa Matematika. Ayon kanila Kilpatrick et al. (2001), ang isang

magandang disposisyon patungkol sa Matematika ay ang palaging pagtingin sa

Matematika bilang makabuluhan, kapaki-pakinabang at karapat-dapat na

paglaanan ng oras. Pangatlo at pinaka-importante sa lahat ay ang affection

mental function. Ang pangatlong mental function na ito ay ang pakiramdam,

saloobin o relasyon sa isang partikular na bagay. Ito rin ang nagbibigay utos sa

utak kung ano ang magiging reaksyon ng isang tao sa mga bagay na kaniyang

gusto at hindi gusto (English & English, 2000).

D. Balangkas Konseptwal

PANANAW SA
MATEMATIKA

 Cognition Mental
AKADEMIKONG
Function
PAGGANAP SA
 Conation Mental
MATEMATIKA
Function
 Affection Mental
Function

1ST YEAR CIVIL


ENGINEERING
STUDENTS

 Edad
 Kasarian

Pigura 1: Balangkas Konseptwal ng Pananaliksik


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

Makikita sa Pigura 1 ang dalawang baryabol na nakapaloob sa

pananaliksik: pananaw at akademikong pagganap sa Matematika. Gustong

malaman ng mga mananaliksik kung may relasyon ba ang nasabing mga

baryabol sa pamamagitan ng mga 1st year Civil Engineering students bilang mga

respondente.

E. Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na may pamagat na Relasyon ng Akademikong

Pagganap at Pananaw sa Matematika ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng

Tersyarya sa Kursong Civil Engineering (2018-2019) ay naglalayong sagutan

ang mga sumusunod na katanungan:

1. Mayroon bang relasyon ang Akademikong Pagganap at Pananaw sa

Matematika?

1.1. Anong komponent ng Pananaw sa Matematika ang may

pinakamataas na correlation coefficient sa akademikong pagganap

sa Matematika?

1.2. Anong komponent ng Pananaw sa Matematika ang may

pinakamababang correlation coefficient sa akademikong pagganap

sa Matematika?

2. Anong kasarian ang mayroong mas mataas na antas ng pananaw sa

matematika?

3. Ano ang demograpikong profile ng mga respondente sa mga tuntunin ng:


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

3.1. Edad?

3.2. Kasarian?

F. Haypotesis

Null Hypothesis: Walang relasyon ang akademikong pagganap sa Matematika

ng mga mag-aaral sa unang taon sa tersyarsya sa kursong

Civil Engineering sa kung paano nila tinitingnan ang nasabing

asignatura (pananaw).

Alternative Hypothesis: Walang relasyon ang akademikong pagganap sa

Matematika ng mga mag-aaral sa unang taon sa tersyarsya

sa kursong Civil Engineering sa kung paano nila tinitingnan

ang nasabing asignatura (pananaw).

G. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga upang matukoy ang relasyon sa

akademikong pagganap at pananaw sa matematika ng mga estudyanteng mula

sa kursong Civil Engineering. Napakahalaga nito sa kursong Civil Engineering

dahil ang kursong ito ay nagpopokus sa iba’t-ibang larangan sa Matematika. At

higit sa lahat, ang akademikong pagganap at pananaw nila sa matematika ay

ang kanilang magiging pundasyon sa pagiging civil engineer balang araw.

Magiging malaking pakinabang ito hindi lamang sa mga estudyante kung hindi
EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

pati sa buong mundo at upang mahubog ang kanilang mga kinabukasan. Ang

pananaliksik na ito ay maaari rin makatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, upang mabatid nila kung gaano kahalaga ang

asignaturang matematika sa kanilang kurso at maibahagi ang impormasyon at

kaalaman ng pananaliksik na ito upang maging gabay sa mga naglalayon pang

gumawa ng pananaliksik ukol sa paksang ito.

Sa mga guro, upang maging gabay sa kanilang pagtuturo sa mga

estudyante nang matulungan at magabayan nila ang pagganap at pananaw ng

kanilang mga estudyante tungo sa Matematika.

Sa paaralan, upang maibatid kung gaano kahalaga ang matematika sa

kursong civil engineering at makatulong sa kanilang paghuhubog ng mga

kinabukasan ng civil engineers.

H. Saklaw at Limitasyon

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang akademikong pagganap sa

Matematika na kung saan tumutukoy sa grado ng mga mag-aaral mula sa Emilio

Aguinaldo College sa kursong civil engineering sa kanilang unang taon noong

nakaraang semestre at ang kanilang pananaw sa matematika bilang asignatura.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha ng mga piling mag-

aaral mula sa Emilio Aguinaldo College na kumukuha ng kursong Civil

Engineering sa kanilang unang taon. Nais makabuo ng mga mananaliksik ng 40

respondente na magiging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik.


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

I. Katuturan ng mga Salitang Ginamit

1. Affection- isa sa komponent ng pananaw, ito ay ang pakiramdam o saloobin

ng isang estudyante patungkol sa Matematika.

2. Akademikong Pagganap- kaalaamang natatamo o mga kakayahang

napauunlad ng mga asignatura sa paaralan.

3. Civil Engineering- isang kursong nagpopokus sa konstruksiyon at pagtatayo

ng mga gusali, tulay, bahay at iba pa.

4. Cognition- isa sa komponent ng pananaw, proseso (pakiramdam, pagkilala,

pag-iisip, paghuhusga at pangangatwiran) kung saan ang isang tao ay kumukha

ng kaalaman sa isang bagay. Ito rin ay ang karaniwang pag-iisip, paniniwala o

ideya ng isang tao tungkol sa isang bagay o yung tinatawag na “stereotype”.

5. Conation- disposisyon o pagkilos ng may kamalayan patungkol sa

matematika.

6. Ekwasyon- pangungusap na pang matematika na naghahayag ng ekwalidad

ng dalawa o higit pang ekspresyon.

7. Matematika- isang asignatura o larangan na ginagamit ng mga estudyante sa

kursong civil engineering.

8. National Numeracy- ay isang independent charity na nagtataguyod ng

importansya ng “numeracy” at pang-araw-araw na matematika.

9. Numero- ginagamit sa pagbilang at pagsukat sa Matematika.


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

10. Pananaw- pagkaunawa o personal na perspektibo ng isang tao. Sa

pananaliksik na ito, mayroon itong tatlong komponent: cognitive, conation at

affection.
EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

A. Banyagang Pag-aaral

Ayon kay Krause (2007), ang akademikong pagganap ng isang

estudyante sa asignaturang matematika para sa kahit na anong uri ng aritmetik

na nangangailangan ng mga kumplikadong proseso ay kritikal na nakadepende

sa paggana ng kaniyang memorya. Binigyang diin din niya ang pangkalahatang

epekto ng tinatawag na math anxiety sa buong mundo. Ayon sa kaniyang

pananaliksik, ginagawa ang lahat ng isang taong may math anxiety para lamang

makaiwas sa asignaturang matematika. Iniiwasan nila ang elektibong

coursework ng Matematika sa hayskul at tersyaryang antas, mga asignatura sa

kolehiyo na may malaking kaugnayan sa Matematika at sa kasamaang palad,

pati na rin ang mga propesyon na kinasasangkutan ng Matematika. Para kay

Krause (2007),ang pagkakaroon ng math anxiety ay nagsisimula sa loob ng

paaralan sapagkat isa sa mga sangkap sa pagkakaroon nito ng isang

estudyante ay ang hindi magandang pakikitungo o paraan ng pagtuturo ng mga

guro. Halimbawa na lamang na kapag pinasagutan ng guro sa isang estudyante

ang isang math problem sa harapan ngunit hindi ito nasagutan ng tama ay

napapahiya ang estudyante sa harap ng kaniyang guro at mga kaklase. Sa

madaling sabi, ang below average ng kakayahan ng isang estudyante sa


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

Matematika ay maaaring nag-uugat sa kaniyang mga guro at maaaring

magresulta sa pagkapahiya niya sa publiko.

Ayon kay Legg at Locker Jr. (2009), mayroong katamtamang positibong

relasyon ang metakognisyon at math anxiety. Ibig sabihin, ang mataas na antas

ng metakognisyon ng isang estudyante ay nauugnay sa mataas na antas ng

math anxiety. Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mathematical performance

ng ilang indibidwal na may mataas na antas ng metakognisyon ay mababa. Ang

mga pag-aaral sa relasyon ng math anxiety at metakognisyon ay unti-unti pa

lamang na nag-uumpisa kasabay ng pagkatuklas sa mga kaugnay na baryabol,

mekanismo at kalalabasan. Ang implikasyon ng math anxiety ay malinaw na

malinaw at maaaring ang metakognisyon ay makapagbigay ng magandang

solusyon sa pagresolba sa problemang ito at problema sa pagiwas sa

asignaturang matematika sa isang lipunan.

B. Lokal na Pag-aaral

Ayon kanila Sicat et al. (2009), isang sukat ng human capital formation sa

edukasyon ang akademikong pagganap na natatamo ng isang estudyante

pagkatapos ng isang kurso o semester. Ang marka ang nagsisilbing basehan

kung nagging epektibo ang kwalidad sa pagganap ng isang estudyante. Kung

may importansya ang output ng akademikong pagganap hinggil ang kwalidad ng

input ay importante din. Sa proseso ng pagkuha ng akademikong pagganap,


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

may mga sangay na importante at dapat malaman ng tatamo nito. Ang kwalidad

na itinuturo ng kurso ay ang major input pati na rin ang ginagamit na materyales

sa pagkatuto ng mga estudyante na ginagamit ng mga guro o propesor para

maipaliwanag maigi ang assignaturang napag-uusapan. Kaya base dito, ang

akademikong pagganap ay importante upang malaman ang pagkatuto ng isang

estudyante sa edukasyon.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Department of Science and

Technology noong taong 2011, ang isang matematikal na competent na

estudyante ay hindi lamang kayang magcompute at magsagawa ng algorithm

datapwat ito rin ay may kakayahan na lumutas ng mga problemang matematikal

at kaya ring i-apply ang kakayahan at pananaw sa matematik sa iba pang

asignatura maging sa pang-araw-araw nitong aktibidad. Ang isang estudyante na

may pananaw sa matematika ay may kakayahang umintindi ng matematika,

parehong sa pagsasalita at pagsusulat. Dahil sa pananaw sa matematika, ang

isang estudyante ay may kakayahang maglahad ng kanyang ideya sa

organisadong paraan kaya, ang estudyante organisado sa kanyang ideya ay

mas madaling mauunawaan at maiintindihan.

Ayon kanila Patena et al. (2013), ang edukasyon sa matematika ay

matagal nang major factor sa pagunlad sa isang nasyon. Ayon din kanila

Cabatay et.al 2011, ang pananaw sa matematika ay natutunan sa kadahilanan

na, una ang mastery ng basic mathematics ay kinakailangan upang mailugar ang
EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

sarili sa takbo ng buhay. Upang mailugar ang sarili na may alam sa mga numero,

sangkap pagunlad para sa pangkasalukuyan na pagtratrabaho, mapaunlad pa

ang mga prerequisites para sa kinabukasan ng ating edukasyon, at maunawaan

ang relasyon ng matematika at teknolohiya na ginagamit ngayon ng henerasyon

na ito para sa pagkatuto o tinatawag na akademikong pagganap.

C. BanyagangLiteratura

Ayon kay Brookshire (2017), sa pag-aaral ni Reinhard Pekrun, lumilitaw

na ang mga damdaming iyon ay nauugnay sa kanilang mga grado sa

matematika. Tamarin ang kabaligtaran: Ang nadarama ng mga bata tungkol sa

paksa sa isang taon ay nauugnay sa kanilang mga grado sa matematika sa

susunod. Ang mga nakakuha ng mababa na grado ay malungkot ang pananaw

sa matematika. At ang mga may mas malalim na emosyon ay hindi maganda

ang nagging akademikong pagganap.

Ang mga emosyon "ay may tunay na epekto sa pagganap ng mga mag-

aaral sa paglipas ng panahon," ang pagwawakas ni Pekrun. Ngunit ang pag-

cycle ay hindi dapat maging negatibo. Habang ang madilim na damdamin, tulad

ng takot at galit, ay maaaring maiugnay sa mabababa na grado, na ang ugnayan

sa pagitan ng mga damdamin at kasanayan ay pwede din sa kabaliktaran. "Ang

pagkamit ay may positibong impluwensya sa mga emosyon," sabi ni Pekrun. Ang

magagandang damdamin tungkol sa matematika – na nagpapahalaga sa natamo


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

ng matematika at tinatangkilik ang klase ng matematika - ay humantong din sa

mas mahusay na grado, at mas pagmamataas at positibo.

Ang mga asosasyong ito sa pagitan ng mga damdamin at mga marka sa

matematika ay nagpakita sa parehong lalaki at babae. Ngunit ang mga babae ay

naging mas madaling kapitan sa masamang damdamin tungkol sa paksa. "Ang

dahilan ay malamang na stereotypes ng kasarian," sabi ni Pekrun. "May isang

estereotipiko na hindi kaya ng mga babae ang matematika." Hindi iyan totoo.

Ipinakikita ng mga malalaking internasyonal napag-aaral na nagagawa din ng

mga babae ang nagagawa ng mga lalaki sa matematika. Gayunpaman, ang

stereotype na iyon ay maaaring makaimpluwensiya sa mga babae pa rin.

D. Lokal na Literatura

Ayon kay Lawagan (2018) sa artikulo nyang “Ang matematika sa Pilipinas

ngayon”, sinasabi na ang agham at teknolohiya ay mga kasangkapan para sa

pag-unlad. Ngunit magagamit lamang ang mga kasangkapang ito sa

pamamagitan ng kaalaman sa matematika. Nakalulungkot isipin na sa

kasalukuyang panahon, isa ang Pilipinas sa may pinakamababang kaalaman sa

paksang ito. Sa mga nakaraang Math Olympiads, kabilang ang Pilipinas sa mga

bansang kulelat sa paligsahan. Kung inyong matatandaan na noong late 1970s

and early 1980s, ang mga estudyanteng Filipino ay laging kabilang sa Top 10 ng

prestihiyosong patimpalak na ito. Isang malaking pag-urong ang nangyari


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

makalipas ang mahigit tatlong dekada. Mukhang naging masyadong nakatuon

ang ating pansin sa entertainment arts at politics at nalimutan natin ang higit na

mahalagang kaalaman ang Matematika.


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

KABANATA III

METODO NG PANANALIKSIK

A.) Pamamaraang Gagamitin

Sa kadahilanang ang pananaliksik na ito ay gustong malaman kung

mayroon bang kaugnayan ang pananaw sa matematika at akademikong

pagganap ng mga estudyante, idinisenyo ito bilang isang korelasyonal na

pananaliksik.

Ang korelasyonal na pananaliksik ay kabilang sa mga kwantitatibong uri

ng mga pananaliksik. Ayon kay Labaree (2017), ang kwantitatibong pananaliksik

ay isang sistematikong imbestigasyon ng mga estadistikal o numerical na datos

ng isang partikular na penomenon. Sa kabilang banda naman, ang korelasyonal

na pananaliksik ay naglalayong malaman ang bigat o degree ng relasyon sa

pagitan ng dalawang baryabol (Kalla, 2011). Sinasagot ng naturang pananaliksik

kung ang pagtaas o pagbaba ng antas ng isang baryabol ay sumasang-ayon sa

pagtaas o pagbaba ng isa pang baryabol. Masasabing mayroong positibong

relasyon ang dalawang baryabol kung parehong mataas o parehong mababa

ang antas ng mga ito. Samantala, maituturing naman na mayroong negatibong

relasyon ang dalawang baryabol kapag mataas ang antas ng isang baryabol

ngunit ang isa naman ay mababa. Kapag lumabas sa pananaliksik na ito na ang

pagbabago sa antas ng isang baryabol ay di nakaaapekto sa pagbabago ng

antas ng isa pang baryabol, masasabing walang relasyon ang dalawa.


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

Ayon kay Green (2012), mahalagang tandaan na ang korelasyonal na

pananaliksik ay hindi nagpapakita ng causation. Ibig sabihin, kung mangyari man

na lumabas bilang resulta sa pananaliksik na ito na mayroong relasyon ang

pananaw at akademikong pagganap sa matematika, hindi maaaring sabihin ng

mga mananaliksik na kailangang pataasin ang antas ng pananaw sa matematika

ng mga estudyante upang tumaas ang kanilang akademikong pagganap.

Kinakailangan pang gumawa ng isang eksperimental na pananaliksik upang

masabi ang ganoong mga rekomendasyon.

B.) Populasyon

Ang populasyon ng mga estudyante mula sa Section 1 sa unang taon ng

tersyarsya sa kursong Civil Engineering sa Emilio Aguinaldo College– Cavite ay

may kabuuan na 42 na respondente.

C.) Paraan ng Pagpili ng mga Kalahok

Sa pananaliksik na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng Convenience

Sampling Technique. Ayon sa Explorable.com (n.d.), ito ay isang uri ng non-

probability sampling technique kung saan ang mga respondente ay pinipili sa

kadahilanang sila ay madaling puntahan. Ibig sabihin, kung sino lamang ang

mga maaaring maging respondente sa kapaligiran na malapit sa mga

mananaliksik, sila na ang mga respondente.


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

Mayroon lamang limitadong oras ang mga mananaliksik, kaya naman

ginamit nila ang naturang sampling upang matapos ang pananaliksik na ito sa

eksaktong oras. Nakatulong din ang ganitong uri ng sampling upang matanggal

ang paggamit ng krayterya sa pagpili ng mga respondente. Gayunpaman,

sinigurado ng mga mananaliksik na may sapat na kaalaman at

mapagkakatiwalaan ang mga respondente upang maging relayabol ang

magiging resulta.

D.) Deskripsyon ng mga Respondente

Ang mga respondente ay mga estudyante mula sa Section 1 ng unang

taon ng tersyarsya sa kursong Civil Engineering sa Emilio Aguinaldo College–

Cavite na may kabuuan na 42 na respondente. Ito ay binubuo ng 12 na babae at

30 na lalaki upang matugon ang talatungan ng pananaliksik na ito. Ang mga

respondente ay maaaring bagsak o pasado sa asignaturang Calculus I at

Mathematics in the Modern World na siyang pagbabatayan ng kanilang

akademikong pagganap.

E.) Instrumento

Ang instrumentong gagamitin para sa pagkuha ng mga kakailanganin na

datos sa pag-aaral ay isang sarbey-kwestyoneyr na inihanda ng mga

mananaliksik na naglalaman ng dalawang bahagi: ang personal na impormasyon

para sa mga tagatugon at ang mga tanong na inihanda ng mga mananaliksik. Ito
EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

ay naglalaman ng 15 na tanong na makakatulong sa mga mananaliksik upang

matugunan ang mga katanungan ng kanilang pag-aaral. Ang 15 na mga tanong

na ito ay tungkol sa pananaw sa matematika ng mga estudyante. Mayroong tig-

lilimang katanungan para sa cognition, conation at affection mental function. Ang

naturang kwestyoneyr ay gumamit ng five-point Likert’s Scale bilang mga

pagpipilian ng mga tagatugon: (5) Palagi, (4) Madalas, (3) Minsan, (2) Bihira at

(1) Hindi Kailanman. Nakalagay din sa kwestyoneyr na kailangang ilagay ng mga

respondente ang kanilang marka sa Calculus I at Mathematics in the Modern

World na siyang mga asignatura na may kinalaman sa matematika noong

nakaraang semestre. Ipina-validate ng mga mananaliksik ang kanilang

talatanungan kay Engr. Ron Joshua Palmero, isang propesor sa Matematika na

nagtatrabaho sa Emilio Aguinaldo College- Cavite.

F.) Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon

upang lubos na maunawaan ang saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang

matiyak ang kalidad na ipipresentang datos. Ang mga datos na nakuha ay

nagmula sa mga aklat at tesis mula sa silid-aklatan ng Emilio Aguinaldo College

Cavite na may kinalaman sa kanilang paksa. Kumuha din ang mga mananaliksik

mula sa iba't ibang websayt mula sa internet at sa iba't ibang artikulo mula sa

mga sikat na awtor. Matapos pagtibayin ang paksa, ito ang naging batayan ng

mga mananaliksik upang makabuo ng mga talatanungan. Ang mga mananaliksik


EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

ay gumawa ng survey sa Emilio Aguinaldo College Cavite kung saan ang mga

taga tugon ay ang mga mag aaral sa unang taon ng kursong civil engineering.

Ang mga nakuhang datos ay sinisigurado ng mga mananaliksik na magiging

pribado at gagamitin lamang sa pananaliksik na ito.

G.) Uri ng Gagamiting Estadistika

Mayroong tatlong pangkalahatang katanungang pampananaliksik ang

nilikha na makikita sa Unang Kabanata. Upang masagot ang unang katanungang

pampananaliksik na naglalayong malaman kung mayroong relasyon ang

pananaw at akademikong pagganap sa matematika, ginamit ang Pearson

Product-Moment Correlation Coefficient (Pearson’s r). Ito ay karaniwang

ginagamit upang masukat ang relasyon ng dalawang baryabol. Ang tawag sa

numerong kalalabasan sa Pearson’s r ay correlation coefficient na nirerepresenta

ng letrang r. Ang Pearson’s r ay mula -1 to +1. Kapag ang correlation coefficient

ay -1, pinapakita nito ang perpektong negatibong relasyon sa pagitan ng

dalawang baryabol. Wala namang relasyon ang ibig sabihin ng 0 na correlation

coefficient habang kapag r= +1, ang relasyon sa pagitan ng dalawang baryabol

ay perpektong positibo. Ang pormula ng pearson’s r ay:

𝑛 𝛴𝑥𝑦 − 𝛴𝑥 (𝛴𝑦)
𝑟=
𝑛𝛴𝑥 2 − 𝛴𝑥 2 (𝑛𝛴𝑦 2 − (𝛴𝑦)2 )
EMILIO AGUINALDO COLLEGE
Congressional East Ave., Burol Main, Dasmariñas City, Cavite

kung saan ang: r ay nangagahulugang correlation coefficient

n ay nangangahulugang bilang ng mga respondente

x ay nangangahulugang iskor sa pananaw sa

matematika

y ay nangangahulugang iskor sa akademikong

pagganap sa matematika

Para naman sa ikalawang katanungang pampananaliksik, ginamit ng mga

mananaliksik ang weighted mean. Ito ay isa sa mga pinakagamit na estadistikal

ng mga mananaliksik. Kukunin ang mean ng mga babae at lalake pagdating sa

antas ng pananaw sa matematika at ito ay ikukumpara sa isa’t-isa. Ang weighted

mean ay mayroong pormula na:

x̅ = kabuuang iskor ng mga babae/ lalaki


kabuuang bilang ng mga tumugon
na babae/ lalaki

Panghuli, ginamit naman ng mga mananaliksik ang prekwensi at

bahagdan upang malaman ang porsyento ng edad at kasarian ng mga

respondente. Ang pormula sa kabuuang bahagdan ay:

% = f x 100
n

kung saan ang: % ay nangagahulugang bahagdan

f ay nangangahulugang prekwensi

n ay nangangahulugang bilang ng kabuuang tumugon

You might also like