You are on page 1of 18

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

KABANATA I

PANIMULA

Sa modernong panahon, ang matematika ay ang pag-aaral ng

kantidad,espasyo,estraktura, at pagbabago. Ito rin ay nakatutulong upang patunayan

ang mga bagay-bagay gamit ang matematikal na pamamaraan. Malaki ang naitutulong

ng matematika sa ating pamumuhay ngunit ito’y nagmimistulang tinik sa ibang mag-

aaral. Marami-rami na ang mga mag-aaral na nahihirapan sa mga asignaturang

matematika, pero marami-rami pa rin naman ang nahuhumaling dito.

Isa sa mga nakatutulong sa mga mag-aaral upang mapagaan ang kanilang

pagaaral ay ang teknolohiya. Malaki na ang parte ng teknolohiya sa panahon ngayon,

mas napadadali na ang pagresolba sa mga problemang may kinalaman sa matematika.

Sa panahon ngayon, may mga “gadgets” na kayang sagutan ang mga tanong na may

kinalaman sa iba’t ibang sangay ng matematika. Totoo nga na ang teknolohiya ay

naktutulong sa mga mag-aaral ngunit ito rin ang sanhi ng pagiging tamad ng mga mag-

aaral sa panahon ngayon. Hindi na gaanong nakikinig ang mag-aaral sa kanilang mga

guro dahil maari naman nila itong malaman sa pamamagitan ng teknolohiya.

Karamihan sa mga mag-aaral ay napilitan na lamang gumawa o sumagot sa

mga problemang may kinalaman sa matematika. Ang iba ay kumokopya na lamang sa

kanilang mga kamag-aral upang may maipasa lamang. Hindi na gaanong nasisiyahan

ang mga mag-aaral sa klase ng matematika. Sa pag-aaral na ito nais ng mga

mananaliksik na buksan ang mga isip ng mga mag-aaral na ang matematika ay


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

masayang pag-aralan. Gamit ang awtput na nilikha ng mga mananaliksik na tinawag na

“ Map of Mathematics”, ang mga mag-aaral ay muling gaganahan sa pag-aaral ng

matematika dahil ang awtput na ito ay hinaluan ng laro na nakakapanabik.

BALANGKAS TEORITIKAL
Ang pag-aaral na may paksang ANTAS NG KASANAYAN SA
ASIGNATURANG MATEMATIKA NG MGA MAG-AARAL SA IKASMPUNG BAITANG
NG LHS SA RIZAL TECHNOLOGICAL UNVERSITY : BATAYAN SA PAGLIKHA NG
“MAP OF MATHEMATICS ay ibinatay sa mga sumusunod na teorya:

Ang Cognitive learning theory (CLT ) ay teorya na nagsasaad na ang pag-aaral ay hindi

laging nangunguhulagang “Mag-isip gamit ang utak”. Ang Cognitive learning theory

(CLT ) ay may pangunahing konsepto na ang pag-aaral ay may proseso ng pag-iisip

na siyang naapektuhan ng pang loob at pang labas na salik na siyang nakakaapekto

sa pagkatuto ng isang indibidwal, kagaya na lamang sa pag-aaral sa matematika, hindi

lamang nakabase sa pag-iisip ng mag-aaral ang mabilisang pagkatuto dito, kundi ito

ay isang mahabang proseso na siyang naapektuhan ng iba’t ibang salik upang ganahan

o magkaroon ng interes sa pag-aaral ng matematika ang isang mag-aaral.

Ang Constructivist learning theory ay isang teorya ng pagkatuto na matatagpuan sa

sikolohiya na nagpapaliwanag kung paano maaaring makakuha ng kaalaman at matuto

ang mga tao. Samakatuwid ito ay may direktang aplikasyon sa edukasyon at ganun na

din sa pag tuturo ng matematika. Ang teorya ay nagmumungkahi na ang mga tao ay
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

bumuo ng kaalaman at kahulugan mula sa kanilang mga karanasan. Ang

“constructivism” ay hindi isang tiyak na pedagogy. Ang teorya ni Piaget ng pag-aaral ng

“constructivist learning” ay may malawak na epekto sa pag-aaral ng mga teorya at mga

pamamaraan ng pagtuturo sa edukasyon.

Sa silid-aralan, ang pananaw ng “Constructivist learning” ay maaaring ituro patungo sa

isang iba't ibang mga kasanayan sa pagtuturo. karaniwang nangangahulugang

panghihikayat sa mga mag-aaral na gumamit ng mga aktibong pamamaraan

(eksperimento, paglutas ng problema sa real-mundo) upang lumikha ng mas maraming

kaalaman at pagkatapos ay pagnilayan at pag-usapan ang kanilang ginagawa at kung

paano nagbabago ang kanilang pag-unawa. Tinitiyak ng guro na nauunawaan niya ang

mga konsepto ng katotohanan sa mga mag-aaral, at gagabayan ang aktibidad upang

matugunan ang mga ito at pagkatapos at gawing buo ang mga ito.

Inilarawan sa information processing theory na kung paano natatanggap ang

impormasyon, kung paano ito naproseso, at kung paano ito naimbak at pagkatapos ay

mananatili sa utak ng tao. Naniniwala si George A. Miller na ang isip ay tumatanggap

ng pampasigla, pinoproseso, iimbak ito, at pagkatapos ay tumugon dito. Ang teoryang

ito ay inaangkin na ang pag-iisip ng tao ay halos kapareho ng mga computer, nag

aanalisa, nagpoproseso at nagsusuri ng impormasyon. Sinasabi din nito na ang

anumang bagong piraso ng impormasyon na pumapasok sa utak ay unang sinusuri at

pagkatapos ay ilagay bahagi ng utak, bago maimbak sa ilang “vestibules “ng memorya.

At dahil na din sa mabilis na pagproseso ng kaalaman ay nakakaisip ang tao ng iba’t


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

ibang paraan upang matandaan at magamit ang lahat ng ito, na maihahalintulad sa

“hardware” ng isang kompyuter.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Ang mundong kinabibilangan natin sa ngayon ay maunlad na sa mga makabagong

teknolohiya., kung kaya’t tayo ay umiisip na mga bagong imbensyon na nakabase sa

kasanayan ng mga mag-aaral upang makatuong sa pagkatuto at makapag bigay ng

bagong timpla tungo sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng interes sa pag- aaral ng

matematika. Ito din ay makakatulong sa parte ng mga guro, sapagkat magkakaroon sila

ng bagong ipapagawa na paniguradong magkakaroon ng matinding pag subok sa mga

mag-aaral.

MAG-AARAL

Information
Cognitive learning Constructivist processing theory
theory learning theory
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

MAP OF MATHEMATICS
(Output)

EPEKTO

MAKATUTULONG
SA MABILISANG
PAGKATUTO AT
KAALIW-ALLIW NA
PAG-AATAL

Hindi lingid sa ating kaalaman na madami sa mga mag-aaral sa ating panahon ang

nahihiirapan pa din sa asignaturang matematika, kung kaya’t ang mga mananaliksik ay

nakabuo ng konsepto na siyang magpapaliwanag sa pag-aaral.

Makikita sa talahanayan na magmula sa mga mag-aaral ay nakapailalim ang mga

teorya na may malaking ambag sa pagkatuto ngg estudyante, una na dito ang cognitive

learnig theory na nagsasaad na ang pagkatuto ng mag- aaral ay nakadepende sa mga

pang loob at pang labas na salik upang maging kongkreto ang kaalaman.

Ang sunod na teorya ay ang constructivist learning theory na kung saan mula sa mga

salik na nakakaapekto sa pagkatuto ay makabubuo tayo ng isang bagay na

makatuutulong naman upang maging gabay sa pag-aaral at paglinang ng kaisipan.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

At ang huli ay ang information processing theory na kung saan pinapaliwanag na ang

isip ng isang indibidwal ay parang isang kompyuter sa pagroseso ng iba’t ibang

impormmasyon.

Sa mga teoryang ito ay makakabuo tayo ng isang laro o isang gawaing pang paaralan

na makatutulong at makakaapekto sa kapasididad ng mag mag-aaral na matuto at

maaliw na din habang nag-aaral, ito din ay makakatuong sa pakikipagsalamuha ng

mga mag-aaral sa kapwa nila mag-aaral. Ang mga mananaliksiik ay nais maipakita ang

isang konsepto na makasasabay sa modernasesasyon ng mundo, at makakadagdag sa

tradisyunal na pagtuturo ng asignaturang matematika.

SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

Ang pag-aaral na ito na may paksang ANTAS NG KASANAYAN SA

ASIGNATURANG MATEMATIKA NG MGA MAG-AARAL SA IKASMPUNG BAITANG

NG LHS SA RIZAL TECHNOLOGICAL UNVERSITY : BATAYAN SA PAGLIKHA NG

“MAP OF MATHEMATICS, ay naglalayong tumugon sa mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa:

a. Algebra

b. Geometry

c. Trigonometry
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

2. Ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa paggawa ng output tungo sa

mabilisang pagkatuto?

3. Ano ang mungkahing kagamitan sa pagtururo na makatutulong sa mga mag-

aaral sa ikasampung baiting ng RTU-LHS

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Lubos na naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maiiambag ng pag-

aaral na ito sa lalong higit ng mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral:

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay magkakaroon ng panibagong sagutang

papel o laro na siyang makatutulong sa pagkatuto at pag unlad ng kaalaman sa

asignaturang matematika.

Sa mga Magulang:

Magkakaroon ng kapanatagan ng loob ng magulang na mas madami pang matutuhan

at mas mapapaunlad pa ang kaisipan ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng “Map

of Mathematics”..

Sa mga Guro:

Bilang mga tagahubog ng kaalaman at kagandahang asal, maaring makakakuha

ng bagong kaalaman na siyang makatutulong upang paunladin at mas maging kaaliw-

aliw ng pagtuturo ng matematika sa modernong panahon.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Sa Pamahalaan:

Sa pamamagitan ng pag aaral na ito maaring makatulong ang awtput na nilikha

ng mga mananaliksik sa kagawaran ng edukasyon. Ito ay makatutulong sa mabilisang

pagkatuto ng mga mag-aaral.

SAKLAW AT HANGGANAN NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito’y sumaklaw sa mga mag-aaral ng ikasampung baitang ng

Laboratory High School (LHS) sa Rizal Technological University taong pauruan 2019-

2020 hingil sa antas ng kasanayan sa asignaturang matematika bilang batayan sa pag

gawa ng “Map of Mathematics”.

DEPINSYON NG MGA TERMINO

Ang pag-aaral na may paksang ANTAS NG KASANAYAN SA ASIGNATURANG

MATEMATIKA NG MGA MAG-AARAL SA IKASMPUNG BAITANG NG LHS SA

RIZAL TECHNOLOGICAL UNVERSITY : BATAYAN SA PAGLIKHA NG “MAP OF

MATHEMATICS, binigyang – kahulugan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na

salita para sa lubos na ikauunawa ng mga mambabasa.

Geometry- ay isang sangay ng matematika na nakapokus sa mga katanungan na may

kinalaman hugis, sukat, kaugnay na posisyon ng mga pigura , at mga katangian ng

puwang.
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Algebra- ay ang pag-aaral ng mga simbolo sa matematika at ang mga patakaran para

sa pagmamanipula ng mga simbolong ito; ito ay isang pinagsamang sangay ng

matematika na . Kasama dito ang lahat mula sa elementong paglutas ng “equation”.

Trigonometry- angay ng matematika na nag-aaral ng mga ugnayan sa pagitan ng mga

haba ng gilid at anggulo ng mga tatsulok. Ang patlang ay lumitaw sa Hellenistic mundo

noong ika-3 siglo mula sa mga aplikasyon ng geometry hanggang sa mga pag-aaral ng

astronomya.

Map of Mathematics - Ginamit ito ng mga mananaliksik bilang isang laro na

magsisilbing “output” ng pag-aaral.

Asignatura- Ang asignatura o “subject” ay lupon ng mga aralin na ginagamit ng mga

estudyante upang matuto. Karaniwan nitong naka-ayos sa paraang magiging madali

para sa mag-aaral na maintindihan ang bawat paksa na pinagaaralan. 

Salik- ginamit ng mga mananaliksik bilang mga pangunahing bagay na siyang

nakakaapekto sa bawat mag-aaral.


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

KABANATA II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Binubuo ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral ang kabanatang ito na

makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman, proseso at pagbibigay-linaw sa mga

posibleng problemang kaharapin ng pananaliksik.

A. Kaugnay na Literatura

Ang asignaturang matematika ay isa sa mga mahalagang asignaturang dapat

bigyang pansin, subalit maraming mag-aaral ang hirap na unawain ito at hindi

napapahalagahan ang tunay na gustong ipahayag ng asignaturang ito.

Ayon kay Breslich na kaniyang binanggit kay Castillo (2010), ipinahayag niya ang

kahalagahan ng Matematika sa kabuuang pag-aaral. Sinabi niya na ang Matematika ay

mas importante sa kabuuang pag-aaral dahil sa bilang ng mga tao ngayon na

nangangailangan ng malaking kaalaman sa matematika sa mga aktibidad at karanasan

sa araw-araw na buhay.

Ang mga batas ng matematika matematika ay tumutukoy sa realidad. (Albert Einstein)


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Walang hindi malulutas kung gagamitan ang mga tiyak na pamamaraan o

solusyon. Hindi nalalayo sa totoong buhay ng isang tao ang paggamit ng mga numero

bilang batayan sa pagkilos. Mula elementarya ay itinuturo na sa atin ang matematika at

maging hanggang sa makaabot ng kolehiyo.

Dumarami na ngayon sa mga estudyanteng Pilipino ang hindi na naeengganyo

sa asignaturang Matematika, hindi na nila nakikita ang kahalagahan nito sa pang araw-

araw na buhay.

Ayon kay Lawagan (2018), sinasabi na ang agham at teknolohiya ay mga

kasangkapan para sa pag-unlad. Ngunit magagamit lamang ang mga kasangkapang ito

sa pamamagitan kaalaman sa matematika. Nakakalungkot lang isipin na sa

kasalukuyang panahon, isa ang Pilipinas sa may pinakamababang kaalaman sa

Matematika sa mga nakaraang Math Olympiads. Sa kasalukuyang estado ng

edukasyon, itinuturing ng mga ordinaryong mag-aaral na ang matematika ay isa lamang

na asignaturang dapat nilang ipasa upang makarating sa susunod na baitang.

Ayon sa Blog at WordPress.com. (2017), Nagsagawa ng Survey ang mga

mananaliksik sa mga mag-aaral ng ikasampung baitang sa Mina de Oro Catholic

School kung saan sila ang pangunahing nakararanas ng kawalan ng interes sa

Matematika. Kinailangan nila ng 30 mag-aaral na sasagot sa mga katanungang nais

nilang linawin. Napagalaman nila na mayroong 3 primaryang dahilan kung bakit

nawawala ang interes ng mga magaaral sa asignaturang ito: Ang kawalan ng Pang-
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

unawa, kawalan ng Pagpapahalaga, at pagsasama-sama ng mga letra at numero na

nagpapalito sa mga mag-aaral.

Ayon sa Asian Academic Research Journal of Social Sciences & Humanities

(2013), ipinapakita dito ang resulta ng Departmental Examination ng mga mag-aaral sa

asignaturang Matematika na may patungkol sa College of Algebra na kung saan

nakasaad na, maraming nakakuha ng mababa pa sa 83 ganoon din sa Trigonometry

kahit na tinuturo parin ito sa maayos na paraan.

Ito ay nagpapakita lamang na marami talagang mga estudyante ang nahihirapan

sa asignaturang Matematika kahit gaano pa kaayos ang pagtuturo ng isang guro.

Upang mas maengganyo ang mga mag-aaral na mag-aral sa asignaturang matematika.

Ang mga mananaliksik ay nagsuri tungkol sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante.

Ayon kay Zander (2019), ipinapahayag dito na ang board games ay hinihimok

nito ang pag-iisip ng bata upang mapasigla at hersisyuhin ang kanilang isip.

“estratehiyang laro, kabilang na lamang ang clue, sequence at kard games” ay isa sa

mga nakakatulong na mas yumabong ang utak ng bata sa harapang lobo.

Ayon kay Duncan mas nailalabas ng estudyante ang abilidad nito sa

pangangatwiran, pag-unawa sa mga konsepto at paghahanap ng solusyon sa

mahihirap na ekwasyon sa matematika. Sinasabi din dito na “I love the games because

even though I struggle in math, I feel like I’m just as smart as everyone else. I can learn

more when we play.” at “I would enjoy practicing my math more if it we could play these

games all the time”. Ipinapakita lang nito na mas naeengganyo ang mga estudyante sa
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

pagresulba ng isang mahirap na ekwasyon dahil hindi sila nakapokus sa hirap ng

ekwasyon subalit sa saya na nadadala ng laro. Mas nalilinang pa ang utak ng mga

estudyante dahil mas nakakapag-isip sila ng tama.

Ayon kay Lee may iba’t ibang benepisyo ang laro na matematika. Una, ang bata

ay nakakadiskubre ng praktikal na pamamaraan upang gamitin ang kanilang kakayahan

sa matematika sa realidad. Pangalawa, Natututo sa isa’t isa ang bawat bata sa

kadahilanang may kanya-kanya silang antas ng kakayahan at iba’t iba ang kanilang

pamamaraan sa pag-iisip. Pangatlo, mas nasisiyasat ng mga bata ang ayos ng

matematika sa paraang nasisiyahan sila at alam nila. Pang-apat, mas nakakaisip ang

mga bata ng mga panibagong estratehiya at ideya na walang nararamdamang presyon.

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PAG AARAL

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng pamamaraang deskriptibo na sumasaklaw

sa mga pangkasalukuyang gawain, kalagayan at mga pamantayan. Sa ilalim ng

pamamaraang deskriptibo ay ang impact study na naglalayong alamin ang epekto ng

independent variable at dependent variable.

DISENYO NG PANANALIKSIK
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Inilatag sa bahaging ito ang mga pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik,

mga mag-aaral na nagsilbing respondente sa pag-aaral, instrumentong ginamit, mga

hakbang na nagsilbing direksyon upang makapangalap ng mga datos at ang

kompyutasyong istadistikal.

PAGLALARAWAN NG MGA TAGATUGON

Ang mga piling mag-aaral ng Ika-sampong baiting sa ilalim ng RTU-LHS taong

panuruan 2019-2020 ang mga naging respondente sa pag-aaral na ito. Ang mga mag-

aaral na ito ang napili ng mga mananaliksik upang magsilbing respondente sa kanilang

pag-aaral dahil ang mga ito ay mayroon ng ideya sa mga sangay ng matematika.

May kabuang ___ ang mag-aaral ng Ika-sampong baitang ng RTU-LHS.

Tatlompung mag-aaral sa baitang na ito ang kinuha ng mga mananaliksik upang

maging respondente sa pananaliksik na inihanda.

Ginamit na pamamaraan ng mga mananaliksik ang random sampling kung saan

ang isang mag-aaral na kabilang sa naturang layunin ng pananaliksik ay magiging

bahagi ng pag-aaral na ito

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang pangunahing instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa kanilang pag-

aaral ay ang “Test questionnaire”.Ang nilalaman ng questionnaire ay ang mga tanong

na may kinalaman sa mga piling sangay ng matematika


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

(algebra,geometry,trigonometry). Ang bawat katanungan ay may inaasahang

kasagutan. Ang mga respondente ay malayang pumili ng kanilang kasagutan batay sa

antas ng kanilang kaalaman.

PANGANGALAP NG DATOS

Nang mapili na ng mga mananaliksik ang kanilang paksa, ang mga mananaliksik

ay gumawa agad ng talatanungan na inaprubahan naman ng kanilang tagapayo.

Sumunod ay nangalap sila ng datos sa mga babasahing arkitulo mula sa Internet. Hindi

nito natugunan ang ilang mga katanungan o bahagi ng pananaliksik na dapat higit na

palawakin at higit na ipaliwanag.

Sunod na kinuhaan ng sanggunian ng mga mananaliksik ay ang aklatan ng

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY. Matapos makakalap ng mga mahahalagang

datos ay inalam ng mga mananaliksik ang kabuuang bilang ng mga magiging

respondente mula sa ikasampung baitang ng RTU-LHS. Nang malaman nila ang

kabuuang bilang ng mga ito, agad nilang isinagawa ang pagpapasagot ng “test

questionnaire” . Ito ay ginamitan ng paraan upang magamit sa paglalahad, pagsusuri at

pagpapakahulugan ng mga datos at ito ay magamit sa pag gawa ng “output”.

BALIDASYON NG INSTRUMENTO

ESTRADISTIKANG GINAMIT
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

ANTAS NG KASANAYAN SA ASIGNATURANG MATEMATIKA NG MGA MAG-AARAL

SA IKASMPUNG BAITANG NG LHS SA RIZAL TECHNOLOGICAL UNVERSITY :

BATAYAN SA PAGLIKHA NG “MAP OF MATHEMATICS,

Tesis na Iniharap Bilang Tugon sa Kahingian ng Asignaturang

Pagbasa sa mg Dalumat sa Filipino tungo sa Pananaliksik (FIL02)

ESCANILLAS, EARL CHRISTIAN


RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

NAS, SOFIA ANDREI

SUMILHIG, RONNIE

2018
RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

ANTAS NG KASANAYAN SA ASIGNATURANG MATEMATIKA NG MGA MAG-AARAL

SA IKASMPUNG BAITANG NG LHS SA RIZAL TECHNOLOGICAL UNVERSITY :

BATAYAN SA PAGLIKHA NG “MAP OF MATHEMATICS,

Tesis na Iniharap Bilang Tugon sa Kahingian ng Asignaturang

Pagbasa sa mg Dalumat sa Filipino tungo sa Pananaliksik (FIL02)

ESCANILLAS, EARL CHRISTIAN

NAS, SOFIA ANDREI

NATO, RACHELLE ANN

SUMILHIG, RONNIE

2018

You might also like