You are on page 1of 17

Portfolio sa Filipino:

Kalipunan ng mga Akademikong Sulatin

Bilang Bahagi ng Pagtupad


sa
Pangangailangan sa Asignaturang
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Ika-12 Baitang

Ipinasa nina

Jamiela F. Balisalisa
Aika A. Brigole
Zeus Alexander S. Olo

Ipinasa kay

G. Vincent Paul B. Eltagonde


Guro sa Filipino

Enero, 2024
Abstrak
Pictorial Essay
DiCNHS Intramurals 2023, Isinagawa

Noong ika-16 ng Nobyembre,


sinimulan ng Digos City National
High School ang kanilang
Intramurals 2023 sa pamamagitan
ng pagpapakita ng bawat baitang ng
kanilang saludo. Sa bawat hakbang
at sigaw, ipinakita nila ang
masiglang pagtanggap at pagbati sa
paaralan at sa inaabangang
kaganapan. Dahil dito, tiyak na ang
Intramurals 2023 ay nagsimula nang
may kakaibang enerhiya at
kasiyahan.

Mula sa sulok ng rosas,


naroroon ang mga guro at mag-
aaral sa senior high na nagwagi sa
parangal para sa
pinakamadisiplinadong mag-aaral.
Wala sa kanilang plano ang
magpatalo sa anumang paligsahan
na gaganapin sa Intramurals 2023.
Sa kanilang pagtitiyaga at
pagsisikap, layunin nilang
mapasakamay at bigyang
karangalan ang tatlong araw na
kaganapan.

Hapon ng unang araw,


ginanap ang Mr. at Ms. Intramurals
2023 kung saan ang kandidatong
lalaki ng senior high ay itinanghal na
kampeon at ang babae ay naging
1st runner-up. Sa gitna ng pageant,
isinagawa ang tatlong socio-cultural
na patimpalak kung saan ang senior
high ay nagwagi sa bawat isa. Hindi
maitatago ng mga guro at mag-
aaral sa senior high ang kanilang
kagalakan dahil sa kabila ng mga
mahihirap na pagsasanay, nakamit
nila ang kanilang minimithi.
Isa sa mga dinagsang sports
sa ikalawang araw ng Intramurals
2023 ay ang matinding labanan sa
boxing. Makikita rito ang lakas at
determinasyon ng mga
estudyanteng boksingero na daigin
ang kanilang katunggali upang
maipamalas ang kanilang galing sa
larangang ito. Kasama ang hugyaw
ng mga manonood, naging
masigarbo at matagumpay ang
segmentong ito.

Hindi maitatanggi na ang


mga e-games ay isa na sa mga
inaasahang kompetisyon sa mundo
ng mga kabataan. Sa pamumuno ng
Barkada Kontra Droga (BKD) ng
paaralan, maraming mag-aaral ang
nakilahok at nakibahagi. Ngunit
dahil sa di-inaasahang lindol, hindi
natapos ang laro at pinauwi ang
lahat ng mga dumalo, na naging
wakas ng ikalawang araw ng
DiCNHS Intramurals 2023.
Talumpati

“Anino ng Seguridad: Misteryo sa Kaligtasan at Kumpiyansa”

Kaligtasan, Seguridad, at Kumpyansa- mga salitang dapat mamuno sa ating


lipunan, ngunit sa mundong ating ginagalawan ngayon, ang seguridad ba ay tunay
na matatamo? Bawat hakbang na ating tinatahak sa makabago at magulo nating
mundo ay naglalantad ng isang mapanuring pag-aalala: ang kaligtasan at seguridad
sa ating lipunan. Sa pagtalima sa kasaysayan at sa pagtuklas ng mga solusyon sa
mga hamon ng krimen at kaguluhan, naghahangad tayo ng kinabukasan na ligtas at
payapa.

Ang seguridad sa lipunan ay isang pangunahing aspeto ng ating buhay na


may malalim na epekto sa ating kaligtasan, kalayaan, at kapanatagan. Ito ay
sumasaklaw sa iba’t ibang larangan tulad ng personal na kaligtasan, proteksyon sa
karapatan, at pampublikong kaayusan ng mga mamamayan. Ngunit, hindi rin natin
maitatanggi na ang seguridad sa lipunan ay madalas na ugat ng mga isyung tulad
ng krimen, nakawan, panggagahasa, at iba pang paglabag sa batas. Ayon kay PNP
spokesperson Jean Fajardo, sa unang anim na buwan ng taong 2023, bumaba ang
crime rate ng 10.14% ngayong taon. Ipinakita rin nito ang pagbaba ng carnapping,
physical injury, rape, pagnanakaw, pagpatay.

Ang seguridad ay naglilinang ng kalayaan, dignidad, at pagpapahalaga sa


bawat buhay sa lipunan. Ang pagbaba ng krimen ay sumasalamin sa ating hangarin
na maitaguyod ang mas ligtas na kinabukasan. Ngunit kailangan nating tandaan na
ang seguridad ay patuloy na hamon sa ating buhay at lipunan. Sa pamamagitan ng
ating pagtutulungan, pagsusuri, at pagkakaisa, ito ay hakbang patungo sa
pagpapalaganap ng mapayapa at ligtas na kinabukasan para sa lahat, nagpapakita
ng pagpapahalaga sa bawat buhay at sa hangarin ng mapayapang bukas.
Edukasyon: Susi sa Pag-angat o Hamon sa Kahirapan?

Mga kababaihan at kalalakihang ginagalang, totoo na ang edukasyon ay


pangunahing susi sa pag-angat mula sa kahirapan, ngunit paano kung ito rin ang
nagiging sanhi ng kakapusan?

Para sa marami, ang edukasyon ay tila isang mainit na ilaw sa dilim ng


kawalan ng kaalaman at oportunidad. Ito ang nagbibigay daan sa mga kabataan na
makamtan ang kanilang mga pangarap at magkaroon ng sapat na kaalaman para
harapin ang hamon ng buhay. Ngunit sa likod ng mga pangarap na ito, masusing
pinag-iisipan ng marami ang totoong presyo ng edukasyon. Mataas na matrikula, di-
mabilang na aklat, at ang pang-araw-araw na gastusin ay maaaring maging sagabal
sa landas patungo sa tagumpay, lalo na para sa mga pamilyang may limitadong kita.

Ang kakulangan sa pondo para sa edukasyon ay nagiging dahilan ng agwat sa


kalidad ng pagtuturo at kagamitan sa mga paaralan. Ito ang nagbubunga ng pag-
usbong ng ekonomikong hidwaan sa lipunan, kung saan ang mga mayaman ay mas
madaling nakakakamit ng edukasyon habang ang mga mahihirap ay natatabunan ng
mga balakid. Sa kahit na pagtutulungan, napakahirap na makamtan ang tunay na
pantay na oportunidad para sa lahat.

Sa kabila ng mga hamon, nangangailangan ng masusing pagsusuri sa sistema


ng edukasyon upang mapabuti ang kalidad nito at mapababa ang mga hadlang na
kinakaharap ng mga mag-aaral. Hindi sapat na ituring lang ito bilang isang
obligasyon ng pamahalaan, ngunit dapat din itong responsibilidad ng bawat isa sa
atin na magsanib-puwersa upang mabigyan ng pantay na pagkakataon ang bawat
kabataan na mangarap at magtagumpay.

Sa pagkakaisa at malasakit sa kapwa, maaari nating baguhin ang tingin sa


edukasyon bilang isang kakapusan. Dapat itong maging instrumento ng pag-angat,
hindi lamang ng ilang pribiligyadong indibidwal, kung hindi ng buong lipunan. Kung
magtutulungan tayo, maaari nating buhayin ang diwa ng edukasyon bilang susi sa
tagumpay at hindi maging dahilan ng patuloy na kahirapan. Ang pagtutulungan ay
makakabuo ng isang mas makatarungan at masiglang sistema ng edukasyon na
naglalayong bigyan ng pag-asa at oportunidad ang bawat isa.
Ang Kahalagahan ng Edukasyon: Landasin tungo sa Matagumpay na
Kinabukasan

Edukasyon, para sa iba ito’y pag-aaksaya lamang ng oras at pera, di


maikakailang ito’y may mahalagang papel sa paghahatid ng mas magandang
kinabukasan. Sa kabila ng mga pagsubok, ang edukasyon ay nagbibigay ng
pundasyon at kaalaman na nagbibigay kapangyarihan sa bawat isa na harapin ang
mga hamon ng buhay.

Bagamat marami ang piniling magtrabaho kaysa mag-aral, maraming mga


kabataang di man lang nakahawak ng papel at ballpen, hindi maipapantay ang
halaga ng pagkakaroon ng diploma. Ang pagkamit ng diploma ay hindi lamang
tagumpay ng isang indibidwal kundi tagumpay ng buong komunidad. Ito’y
naglalarawan ng lakas ng karakter at dedikasyon na maaaring maging inspirasyon sa
iba.

Sa isang mundo kung saan walang madali, ang edukasyon ay nananatiling


mahalaga, at mahalagang hindi kalimutan ang pangunahing layunin nito: magbigay-
liwanag sa ating landas tungo sa isang matagumpay na hinaharap. Sa pamamagitan
ng edukasyon, nagiging posible ang pag-ahon mula sa kahirapan at ang pag-ambag
sa pag-unlad ng lipunan.
Lakbay Sanaysay

“Liwanag ng Bukidnon: Isang Paglalakbay sa Kalikasan”

Ang Bukidnon, isang lalawigan na nakatagong sa puso ng Mindanao, Pilipinas,


ay naglalarawan ng masalimuot na karanasan para sa mga nagnanais ng malalim na
koneksyon sa kalikasan at naghahangad ng kapayapaan mula sa maingay na
syudad. Sa simula ng paglalakbay, bumabati ang mga bulubundukin na tanawin ng
luntiang kalikasan. Ang mga burol na natatakpan ng mga iba’t-ibang klase ng puno
at mabundok na kagubatan ay nagbibigay ng pakiramdam ng katahimikan na
bumabalot sa buong rehiyon. Ang hangin ay malamig, puno ng amoy ng mga puno
na matayog, nagkukuwento ng likas-yaman ng Bukidnon.

Sa kakaibang mundo ng Malaybalay Zoo, bumabalot ang alingawngaw ng


iba’t-ibang hiyaw ng mga hayop. Sa bawat hakbang, nahahawi ang pangangalahati
ng kagubatan, at ang sariwang hangin ay nagdadala ng amoy ng kalikasan. Ang zoo
na ito sa Bukidnon ay nagbibigay ng aliw at nagbibigay ng pagkakataon para sa
pagmamasid sa biodiversity ng Bukidnon. Masasaksihan dito ang kaharian ng mga
hayop na nagbibigay-buhay sa lugar mula sa mga maliliit na mamalya hanggang sa
mga kakaibang ibon, pati na rin ang mga malalaking hayop tulad ng kabayo. Ang
iba’t ibang uri ng hayop na bumubuo sa luntiang tanawin ng lalawigan ay
naglalarawan at nagtataglay ng yaman ng kalikasan. Ito’y hindi lamang isang
pambansang yaman kundi isang pagninilay-nilay sa kakaibang biyahe sa puso ng
kalikasan sa ating sariling baybayin.

Isa rin sa yaman ng Malaybalay, Bukidnon ay ang Simbahan ng


Transfiguration. Isa itong yugto ng katahimikan at kaharian ng espirituwalidad sa
gitna ng kalikasan. Itinatag ang simbahan sa itaas ng isang burol, at ang modernong
arkitektura nito’y nagtataglay ng kahulugan ng pag-uugma sa kalikasan. Ang
pagbisita dito ay parang paglakad sa isang banal na lugar, kung saan ang
katahimikan ng paligid ay nagbibigay-daan para sa masusing pagninilay-nilay at
pagmumuni-muni. Ang Simbahan ng Transfiguration ay hindi lamang nag-aalok ng
sagradong pook para sa mga deboto kundi nagtataglay din ng diwa ng pagiging isa
sa kalikasan, isang lugar na nagpapahayag ng pagkakarugtong ng tao sa kanyang
espirituwal na karanasan at sa ganda ng kalikasan sa paligid.

Ang Dahilayan Adventure Park sa Bukidnon ay isang lugar na bumabalot sa


kasaysayan ng kasiyahan at kakaibang pakikipagsapalaran. Kilala ito sa masiglang
hanay ng mga aktibidad na nagbibigay daan sa mga bisita na masubok ang kanilang
tapang at husay. Mula sa mga mataas na zipline na naglalakbay sa itaas ng maganda
at tanawin ng kalikasan, hanggang sa mga masalimuot na pagsabak sa mga kapana-
panabik na rides. Sa bawat galak, ang Dahilayan Adventure Park ay nagbibigay diin
hindi lamang sa kakayahan ng tao kundi pati na rin sa kahalagahan ng
pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakaibang karanasan
sa gitna ng kagubatan ng Bukidnon.
Ang Communal Ranch sa Impasugong, Bukidnon ay nagbibigay ng
pagkakataon sa mga bisita na maranasan ang simpleng pamumuhay sa kanayunan.
Ito ay isang tahimik at mapayapa na lugar, naglalaan ng pagkakataon para sa mga
bisita na makipag-ugnayan sa lokal na pamumuhay. Ang paglalakbay sa Communal
Ranch ay nag-aalok ng kahingiang hindi makakalimutan, kung saan ang mga turista
ay maaaring maipon ang mga alaala ng payapa at simpleng buhay sa kanayunan ng
Bukidnon.

Sa paglalakbay sa kakaibang yugto ng Bukidnon, hinahandog nito ang isang


buong serye ng mga karanasan mula sa kabundukan hanggang sa karagatan. Ang
malupit na mga bundok na nagbubukas sa Malaybalay, ang mga naglalakihang
hayop sa Malaybalay Zoo, at ang payapang Simbahan ng Transfiguration ay
bumubuo sa isang kuwento ng pagmumuni-muni at pagkilala sa kalikasan at
espiritwalidad. Hindi rin maitatangi ang adrenalina at kasiyahan na dulot ng
Dahilayan Adventure Park, kasabay ng payak at makulay na pamumuhay sa
Communal Ranch sa Impasugong. Bukod sa mga tanawin at aktibidad, bawat bahagi
ng Bukidnon ay nagtataglay ng yaman ng kultura at likas-yaman na nag-aanyaya sa
bawat isa na maglakbay at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Ang paglalakbay na ito sa
puso ng Mindanao ay nagpapahayag ng kahalagahan ng pag-unlad, pangangalaga,
at pagninilay-nilay sa kahalagahan ng kalikasan at kultura.
Paglalakbay Patungo sa Kasiyahan: Isang Sanaysay sa Cagayan de Oro

Ang araw ay Mayo 5, 2019. Nahihirapan akong makatulog dahil hindi ko


maitago ang aking sobrang kasiyahan. Nang maglas-kwatro pa lang, nakatutok na
ang aking mga mata sa aking mga magulang habang naghahanda sila ng aming
mga gamit para sa aming gala. Sa araw na ito, pupunta kami sa Cagayan de Oro, at
ito na ang araw na matagal ko nang hinintay.

Nang mag alas-singko, handa na kaming maglakbay. Bago ako sumakay,


uminom muna ako ng gamot para hindi ako magsuka. Kahit hindi pa nagsisimula
ang biyahe, naririnig ko na ang tawanan at kantahan sa loob ng sasakyan. Sa
sobrang kasiyahan, hindi ko napansin na nagsimula na pala ang aming paglalakbay.

Dahil sa layo ng pupuntahan, nagpunta kami sa mga magagandang tanawin


na aming nadaanan. Sa dami ng aming pinuntahan, nakatulog ako sa sasakyan.
Pagmulat ng aking mga mata, narito na pala kami sa Cagayan de Oro.

Sa wakas, nakarating na kami. Mula sa gate, kitang-kita ko ang ganda ng


lugar, kung saan may malaking pool at mataas na water slide na umaabot ng
sampung palapag ang haba. Hindi ko na kinaya, nagbihis ako agad ng aking
“swimwear” at agad na nagtungo sa pinakamahabang water slide. Pagkatapos kong
sumakay, parang kinuha na ako ni Lord. Mabilis ang tibok ng aking puso dahil sa bilis
at adrenaline. Pagkatapos nun, paulit-ulit akong bumalik hanggang sa hindi ko na
kayang umakyat pa sa hagdang-hagdang hagdang hagdang.

Sulit ang aking pagbisita, at naramdaman ko ang kaginhawaan na matagal ko


nang hinangad. Ang buong paglalakbay ay nagpapakita ng pag-abot ko sa inaasam
na buhay, isang buhay na puno ng kasiyahan at “excitement.”
Bio-Note

Micro-Bionote
Zeus Alexander S. Olo: 1st- DSPC Radio Broadcasting (2024), Participant-
MMCM Mobile Legends Cup (2023), Regional Qualifier- Math Vedic (2022), Youth
ComEA member S.Y. 2022-2023, Barkada Kontra Droga (BKD)- Chief Executive S.Y.
2022-2023, Treasurer- YES-O S.Y. 2023-2024, Red Cross Youth member S.Y. 2023-
2024.

Maikling Bionote:
Jamiela F. Balisalisa, ipinanganak noong Abril 11 taong 2006, sa Digos City,
Davao del Sur, ay puno ng pagnanais sa larangan ng agham, teknolohiya,
inhenyeriya, at matematika. Sa kanyang tagumpay na pagtatapos ng Grade 11 sa
STEM Track sa Digos City National High School, kinikilala siya bilang isang mag-aaral
na may mataas na karangalan.

Siya ay isang dating Archon o opisyal na naging Actuarius o Auditor sa STEM


Organization na may pangalang Expedition to Unite and Nourish Olympians’
Intelligence in Academics (EUNOIA) noong S.Y. 2022-2023. Sa kasalukuyan, siya ay
aktibong miyembro ng Cabin Artemis sa EUNOIA. Kasalukuyan din siyang miyembro
rin ng RCY (Red Cross Youth) sa paaralan ng Digos City National High School.

Mahabang Bionote
Si AIKA ARTIS BRIGOLE ay isinilang noong Nobyembre 12, 2005, sa Digos
City, Davao del Sur. Ang kanyang mga magulang ay sina Jay H. Brigole at Laarni A.
Brigole. Siya ang panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Nagtapos siya ng
kindergarten hanggang junior high school sa pampublikong mga paaralan sa Digos
City. Natapos niya ang kindergarten at elementarya sa Don Mariano Marcos
Elementary School. Sa kasalukuyan, siya ay senior high school sa ilalim ng Science,
Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand sa Digos City National
High School.

Si AIKA ay hindi masyadong sumasali sa malalaking patimpalak, ngunit isa sa


mga karangalan at komendasyon na tumatak sa kanyang isipan ay ang pagkapanalo
niya sa Division Schools Press Conference (DSPC) Feature Writing sa Filipino noong
2018. Naging bahagi rin siya ng iba’t ibang aktibidad sa paaralan tulad ng
symposium, oratorical speech, debate, jingle-making contest, song at film making
contests, mathematics-related research, at iba pa. Dahil dito, nahubog ang kanyang
kaalaman at kakayahan sa iba’t ibang aspeto na nakatulong sa kanya sa pag-aaral at
sa pakikibahagi sa mga organisasyon sa paaralan.

Bilang miyembro ng iba’t ibang organisasyon, ilan sa mga naging papel at


partisipasyon niya ay ang sumusunod: Don Mariano Marcos Elementary School
Supreme Pupil Government (SPG) Grade 4 Representative S.Y. 2015-2016; Digos City
National High School (DiCNHS) Supreme Student Government (SSG) Finance
Committee S.Y. 2020-2021 at S.Y. 2021-2022; League of Engineering and Science
Students (LESS) Subcamp Aluminum Captain S.Y. 2021-2022; DiCNHS Mathematics
Club Secretary S.Y. 2022-2023; DiCNHS Red Cross Youth (RCY) Public Information
Officer S.Y. 2022-2023; DICNHS Youth Commission on Elections and Appointments
(Youth ComEA) Screening and Validation Committee S.Y. 2022-2023; DiCNHS Red
Cross Youth (RCY) Secretary S.Y. 2023-2024; DICNHS Youth Commission on
Elections and Appointments (Youth ComEA) Impeachment Commissioner S.Y. 2023-
2024; Expedition to Unite and Nourish Olympians’ Intelligence in Academics
(EUNOIA) Cabin Poseidon Councilor S.Y. 2023-2024.

Sa kasalukuyan, tinatahak ni AIKA ang senior high school at inaasahang


magtatapos sa 2024. Ang kanyang pangarap na maging Psychologist ang nagbibigay
inspirasyon sa kanya para patuloy na magbigay ng atensyon sa kanyang pag-aaral.
Handa siyang maglaan ng sapat na panahon at pagsusuri ng iba’t ibang paaralan
upang siguruhing makakamit niya ang pangarap na ito. Bilang bahagi ng kanyang
paghahanda, sinusuri niya ang iba’t ibang aspeto ng mga paaralan, tulad ng kanilang
curriculum, faculty, at mga extracurricular na aktibidad na makakatulong sa kanyang
pag-unlad at pag-abot sa kanyang layunin.
Panukalang Proyekto

PANUKALA SA PAGSESEMENTO NG MGA DAANAN NG SASAKYAN SA


PAARALAN
Mula kay Jamiela F. Balisalisa
Rizal Avenue
Barangay Zone II
Digos City, Davao del Sur
Ika-30 ng Enero, 2024
Haba ng Panahong Gugulin: 5 buwan

I. Pagpapahayag ng suliranin:
Ang daan patungo sa Digos City National High School (DiCNHS) ay
nananatiling mahirap at mapanganib para sa mga mag-aaral, guro, at iba pang
tauhan ng paaralan. Ang kakulangan ng semento sa ilang lugar ng paaralan ay
nagdudulot ng pagbaha at trapiko para sa mga mag-aaral at iba pang gumagamit ng
kalsada, lalo na kapag umuulan. Ang ulan ay nagdudulot ng pinsala sa kalsada at
malalim na dumi, na maaaring humantong sa mga aksidente at pinsala sa mga
estudyante at mga naglalakad sa paligid. Ang kakulangan ng kongkreto sa ruta sa
DiCNHS ay hindi lamang nagdudulot ng pisikal na panganib, ngunit nagreresulta din
sa pagkawala ng oras ng pag-aaral at pagtuturo. Ang proyektong ito ay naglalayon
na magbigay ng isang kapaki-pakinabang na solusyon sa mga hamon na dulot ng
kakulangan ng semento sa kalsada ng paaralan, na tinitiyak ang kaligtasan,
kaginhawahan, at wastong pag-aaral ng mga mag-aaral at iba pang tauhan ng
paaralan.

II. Layunin:
Ang layunin ng proyektong ito ay tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante
ng DiCNHS at iba pang manggagawa sa pamamagitan ng pagpapasemento sa
kalsada sa paaralan. Nilalayon din nitong alisin ang mga isyu ng baha at trapiko sa
DiCNHS sa panahon ng tag-ulan, gayundin ang pagpapanatili ng kalidad ng
edukasyon ng paaralan. Sa pangkalahatan, nilalayon nitong gawing maayos at ligtas
ang paglalakbay sa DiCNHS Road hangga’t maaari para sa lahat ng gumagamit.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aapruba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pag-survey ng lugar (3 araw)
3. Paggawa ng plano kasama ang inhinyero (4 araw)
4. Paghahanap ng mga kinakailangan na tao para sa proyekto (7 araw)
5. Pagsemento ng mga daanan ng sasakyan sa paaralan (4 na buwan)
6. Pagsusuri kung maayos ang pagkakagawa nito (7 araw)

IV. Badyet

MGA GASTUSIN HALAGA


I. Presyo o halaga ng Php 350, 000
pagpapagawa ng daan ayon
sa isinumite ng napiling
kontraktor.
II. Sweldo ng kontraktor at lahat Php 150, 000
ng mga trabahador.
Kabuuang Halaga Php 500, 000

V. Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito


Ang pagsemento ng mga kalsada sa loob ng paaralan ay magbubunga ng
mas maayos na pag-aaral para sa mga estudyante sa pamamagitan ng mas mabilis
at mas ligtas na paglalakbay papunta sa kanilang silid-aralan. Makakatulong din ito
sa mga guro at iba pang staff na mas madaling maghatid ng kanilang serbisyo nang
hindi naaaksaya sa oras at enerhiya dahil sa mas magandang kalsadang kanilang
tatahakin. Ang pagsemento ng daanan sa loob ng eskwelahan ay nakakatulong sa
lahat, lalo na kapag may ulan. Binibigyan nito ng hindi pamerwishyong daanan ang
mga tao na gagamit nito.

Sa pangkalahatan, ito ay magbibigay ng mas maginhawa at produktibong


kapaligiran para sa buong komunidad ng paaralan.

.
Katitikan ng Pulong

DIGOS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL


RED CROSS YOUTH
Pulong ng mga Kasapi
Disyembre 01, 2023
4:19 – 5:47 n.h.
Red Cross Youth Office, DiCNHS, Rizal Avenue
Lungsod ng Digos City

Paksa Katitikan Gawa ng


Aprubal ng Adyenda Ang naipamahaging
adyenda ay tinanggap.
Aprubal ng Katitikan ng Ang katitikan ng pulong
Nakaraang Pulong noong Nobyembre 27,
2023 ay inilahad at
tinanggap.
Pagbati sa Natanggap na Binati ng mga advisers at Advisers at Mga Opisyal
mga Indibidwal sa Komite opisyal ang mga
nakapasang indibidwal sa
committee screening na
ginanap noong
Nobyembre 10 at 24,
2023. Isa-isang
nagpakilala ang mga
advisers at opisyal na
sinundan naman ng mga
bagong kasapi ng komite.
Preparasyon Para sa Siniguro ng mga opisyal Mga Opisyal at Komite
Blood-letting na Programa at komite na handa na
ang mga kakailanganin
para sa blood-letting
program na gaganapin
bukas, Disyembre 02,
2023.
Red Cross Summit Inimbita ang Red Cross Advisers at Mga Opisyal
Youth ng Digos City
National High School na
pumunta sa Red Cross
Summit sa darating na
Disyembre 6, 2023.
Tinalakay ang mga
detalye tungkol sa summit
at ang mga preparasyon
na gagawin bago ito
gaganapin.
Dalawang Araw na Red Ibinahagi ni Keith Presidente
Cross Youth Training Zapanta, Presidente, na
magkakaroon ng training
ngayong Disyembre 8 at
9, 2023. Isinalaysay niya
ang kahalagahan nito sa
mga kasapi ng
organisasyon. Inanunsyo
rin niya na mayroong
pagpupulong na gagawin
para sa preparasyon.
Petsa sa Susunod na Pulong ng mga kasapi
Pulong tungkol sa Red Cross
Youth Training,
Disyembre 7, 2023, 4:40-
5:40 n.h., Red Cross
Youth Office
Pagtatapos ng Pulong Opisyal na tinapos ni
Keith Zapanta ang
pulong.
Inihanda ni: Ipinagtibay ni:

AIKA A. BRIGOLE KEITH ARNOLD Z. ZAPANTA


Kalihim Presidente

RAFAEL III R. MEDIODIA


Head Adviser
Adyenda

Petsa: Oktubre 19, 2023 Oras: 4:35 – 5:35 n.h.


Lugar: Digos City National High School (Red Cross Youth Office)
Paksa/Layunin: Preparasyon Para sa DiCNHS Red Cross Youth Committee Screening
Mga Dadalo:
1. Rafael III Mediodia (Adviser) 10. Arriana Zapanta (Asst. Treasurer)
2. Lovella Mediodia (Adviser) 11. Princess Salinas (Auditor)
3. Fretzie Ybañez (Adviser) 12. Mary Agar (Media Officer)
4. Ronald Salape (Adviser) 13. Rhyzel Maravilles (Business Manager)
5. Keith Zapanta (President) 14. Haven De Leon (Business Manager)
6. Ellah Antonio (Vice President) 15. Kiara Toledo (PIO)
7. Aika Brigole (Secretary) 16. Mariel Campomayor (PIO)
8. Jariela Pedregosa (Asst. Secretary) 17. Ivan Sy (Protocol Officer)
9. Leigh Emphasis (Treasurer) 18. Steffany Zenke (Protocol Officer)

Mga Paksa o Adyenda Taong Oras


Tatalakay
1. Dahilan ng committee screening R. Mediodia 5 minuto
2. Mga posisyon sa committee K. Zapanta 5 minuto
3. Kuwalipikasyon ng mga aplikante Antonio 15 minuto
4. Mga indibidwal na dadalo Emphasis 5 minuto
5. Proseso ng screening Brigole 5 minuto
6. Petsa at lugar ng screening Brigole 5 minuto
7. Gawain ng mga opisyal bago K. Zapanta at 15 minuto
hanggang pagkatapos ng screening Antonio
8. Pagkain ng mga dadalo R. Mediodia 5 minuto

You might also like