You are on page 1of 4

Cosplay Competition sa CNHS Intramurals 2023, ikinasa |

Gutim, itinanghal na panalo

Ni: lowilyn Caballero

Pinanalunan ni Lougee Gutim, 17 ng baitang 12- HUMSS ang isinagawang Cosplay


Competition sa CNHS Intramurals 2023, itinanghal siyang Ultimate Cosplayer at 2nd Best in
Costume noong Oktubre 13, 2023.

Sa isang panayam, inihayag ni Gutim ang kanyang tuwa ng itinanghal siyang panalo, sa
kadahilang unang beses niyang sumali sa naturang patimpalak.

"Speechless talaga ako kase, wala akong ideya na ako ang mananalo, at dahil unang beses
kong sumali kaya kinabahan talaga ako nang sobra," aniya ni Gutim.

Dagdag pa, nagpabatid din si Gutim ng mensahe sa kanyang mga kapwa mag-aaral na
nahihiyang magbahagi ng kanilang angking talento dahil sa takot.

" Message ko sa iba na, gawin niyo kung anong gusto niyo....you have to fight your shyness
kase 'yun ay talagang isa sa mga kalaban natin. Hindi natin magagawa 'yong mga gusto
natin kung padadaig tayo sa hiya natin," saad ni Gutim.

Samantala, nakuha naman ni Trisha Marie Sueta ng 11- HUMSS ang pangalawang pwesto at
unang pwesto sa Best in Costume.

Sa kabuuan, ang naturang patimpalak ay nilahukan ng 23 partisipante mula sa iba't-ibang


baitang.
Davao del Norte, niyanig ng magnitude VI na lindol|

Bahague, pagbimbin ng klase sa Carmen, idiniklara

Matapos ang pagyanig ng magnitude VI na lindol sa probinsiya ng Davao del Norte, inilabas
ang Memorandum Order no. 187, ika-tatlo ng Disyembre, 2023 mula sa opisina ni Hon.
Leonidas R. Bahague, na siyang alkalde ng Municipalidad ng Carmen upang magbigay daan
na masuri ang mga gusali ng parehong pampubliko at pribadong paaralan.

"Following the recent earthquake yesterday, December 2, 2023 that affected the
Municipality and the entire Mindanao with the following aftershocks, all classes in all levels
of public and private schools in the municipality are hereby suspended to give way to the
deployment of the Rapid Damages Assessment and Needs Analysis (RDANA)," nakasulat sa
memo.

Kaugnay nito, ang nasabing suspensyon ay epektibo mula ika-apat ng Disyembre hanggang
masigurong ligtas nang lapitan ang mga istraktura.

" This order shall take effect on December 4,2023 (Monday), until the structural integrity of
classrooms are confirmed," mababasa sa memo.

Sa kabuuan, wala pang bagong abiso mula sa opisina ng Mayor.


Chief Girl Scout Medal Presentation Ceremony 2023, ikinasa |

Limang Carmenian Senior Scouts' pinarangalan ng GSP

Lima sa Senior Girl Scouts ng Carmen National High School (CNHS) ang ginawaran ng Chief
Girl Scout Medalists mula sa Girl Scout of the Philippines Council sa Plenary Hall, Philippine
International Convention Center (PICC), CCP Complex, Pasay City November 15, 2023.

Sa inilabas na pahayag ng Carmen National High School GSP, ang mga itinanghal ay sina:
Sr. Gs. ALEXI KIM GAGNAN

Sr. Gs. FAUNA ASHLEY DELA CRUZ

Sr. Gs. KEMRIC JANE BA-AY

Sr. Gs. JELIAN S. SERRANO

Sr. Gs. NICOLE S. PALENZUELA

Nangyari ang paggawad matapos silang magpamalas ng dedikasyon sa paghahatid ng


community development projects, nagpakita ng matatag na leadership skills, disiplina, pag-
unawa sa responsibilidad, pagmamahal at paglilingkod sa kanilang mga komunidad.

Dagdag pa, nanatili ang tropa sa Maynila noong Nobyembre 14-18 eksaktong limang araw
kasama ang kanilang mga Gurong Troop Leader na sina: Troop Leader Darlene Grace Irog-
irog, Troop Leader Cristal Anisco, Troop Leader Joy Ayalin, at Troop Leader at School
Principal Lordelyn A. Buyo.

Pinangunahan naman ni Dr. Cristina Lim- Yuson GSP National President ang welcome
remarks ng seremonya, Special Greetings mula kay Chief Girl Scout Louise Araneta- Marcos
First Lady ng Republika ng Pilipinas, Introduction of the Guest Speaker mula kay Ms. Justine
Danielle P. Bautista, RPM (GSP National Program Committee Chairperson), at Inspirational
Message from Ms. Ana Patricia Non founder ng Community Pantry Philippines.

Samantala, ang pagawad ng Conception Rafols Gonzalez (CRG) Award sa pangunguna ni


Atty. Gizela Madrigal Gonzalez apo ni Mrs. Conception Rafols Gonzalez nagtaguyod ng
nasabing parangal. Sa kabuuan, kinabibilangan ng mga senior at cadet scouts mula sa iba't-
ibang rehiyon ng Pilipinas ang mga pinarangalan: Southern Luzon Region, Eastern
Mindanao Region, Western Mindanao, Visayas Region, Central Luzon Region, at Northern
Luzon Region na may pangkalahatang bilang na 921 na tumanggap ng Chief Girl Scout
Medals at pins.
Intramurals 2023, pormal nang binuksan |

Pagkilala sa dedikasyon ng mga guro, binigyang-diin

Pinangunahan ni Dr. Lordelyn A. Buyo Principal IV ng Carmen National High School (CNHS)
ang pormal na pagbubukas ng Intramurals 2023 na may temang “Empowering Students
Through Sports: Building Character, Fitness and Teamwork” Biyernes, Oktubre 13, 2023.

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Dr. Buyo ang kanyang pasasalamat sa suportang ibinigay
ng mga guro sa pagsasakatuparan ng mga gagawing aktibidad ngayong araw.

" Unang-una, pinapasalamatan ko ang mga advisers at lahat ng mga teachers because, they
have been understanding you [students]...,They have been giving you the opportunity to do
your practices and preparation for the performance task that you're going to have this
morning," aniya ni Mrs. Buyo.

Ipinunto rin ni Dr. Buyo na malaking porsyento sa grado ng mga mag-aaral ang bahagi ng
pakikilahok sa Level Field Demonstration na bahagi ng kurikulum at isahang ginagawa
upang maiwasan ang pag-abala sa klase ng mga bata.

"This is graded, and somehow 30% of your total grades in P.E. It is in the curriculum that we
need to have the performance task. I make it a priority that we will be having the
performance task big as this para isahan nalang ang istorbo sa klase. That's why, I would like
to say thank you to all the teachers who have been giving their support for monitoring all
the activities that you have had for the last two weeks. Maraming Salamat!," wika ni Buyo.

Pinaaalahanan din ni Dr. Buyo, ang mga coaches na ihanda ang kanilang mga partisipante
para matiyak ang kanilang panalo sa mga paligsahang sasalihan.

"Coaches should prepare their students, so that you will not only be participating to those
events but you will be emerging winners to those events," sabi ni Dr. Buyo.

Kaugnay nito, inaasahan ni Dr. Buyo na magtatapos nang matiwasay ang programa.

You might also like