You are on page 1of 3

BCS Gulayan sa Paaralan, Laging No. 1!

Nagunguna sa Gulayan sa Paaralan ang Buenlag Central School pagdating sa


pagkakaroon ng school garden at sa sustainability nito. Pinatutunayan nito ang taun-
taong parangal na natatamo ng paaralan lalo na sa nakaraang ebalwasyon ng Municipal
Agriculture Office para sa Search for Most Functional Gulayan sa Paaralan. Sinundan ito
ng Division Search na isinagawa noong ika-22 ng Nobyembre kung saan nasungkit nito
ang Second Place sa buong Tersero Distrito (3 rd Congressional District) para sa
kategoryang Large School. Sa mga parangal na ito, masasabi natin na ang Buenlag
Central School ay laging No. 1 kung Gulayan sa Paaralan ang pag-uusapan.
Mga Karangalan ng Buenlag CS at ng mga Guro, Alamin!

Nakatanggap ng sorpresang paggawad ng Sertipiko ng Karangalan sa iba’t ibang kategoryang


mga guro ng Buenlag Central School sa naganap na Thanks giving and PRAISE Awarding Ceremony na
naganap n sa basketball court ng Buenlag . Ang mga hurado sa naturang pagbibigay ng karangalan ay
binubuo ng PSDS, Dr. Daisy G. Tello at ng lipon ng mga Punong-guro na pinamumunuan ni Dr. Digna B.
Bauzon. Nagkamit ang Buenlag CS ng Most Functional Gulayan sa Paaralan at Best Brigada Implementer
para sa Panuruang taon 2022-2023. Excellent Award ang nakamit ng Buenlag CS para sa School-Based
Management para sa taong 2021-2022. Ang mga gurong sina Gng. Celia S. Maynigo, Gng. Marietta M.
Quintans, at Gng. Elsie R. Flores na nagretiro ay binigyan din ng Sertipiko ng Serbisyo bilang pagkilala sa
natatanging serbisyong ipinagkaloob nila sa DepEd. Pinagkalooban din Sertipiko ng Katapatan ang mga
gurong sina Gng. Ma. Felicitas P. Bulatao, Gng. Liza V. Miranda, at si Gng. Lilia S. Aguilar. Nagkamit din ng
Natatanging Guro Award sina Gng. Lolita A. Mula Cruz at Gng. Princes R. Gabito. Sa kategoryang
Dalubguro ay nagkamit ng Natatanging Dalubguro Award sina Gng. Adalia V. Mamaril, Gng. Cristy De
Guzman-Cabatbat, at Gng. Regina S. Maiquez. At higit sa lahat, ang natatanging Punong-guro ay
iginawad kay Dr. Digna B. Bauzon.

You might also like