Professional Documents
Culture Documents
Sunflower
Sunflower
NARRATIVE REPORT
Gulayan
sa
Paaralan
Submitted by:
Louella Beatrice R. Santos
12 STEM A- Eiffel
Noong June 20, 2019 (Thursday) ng 2:45 ng hapon, sinimulan ng aming
section na Eiffel ang pagtatanim ng sunflower at sili. Inassign ng aming class
president ang aming designated na pagtataniman. Alphabetical order ang aming
pwesto. Pinagdala kami ng aming class adviser ng kanya-kanyang kagamitan
tulad na lang ng shovel na nakalagay sa ecobag at sariling lupa bilang aming
performace. After class, nagsimula na kaming luminya sa aming mga pwesto at
isa-isa kaming naghukay. Ang ibang paligid ay mabato kaya tumulong ang ibang
lalaki sa paghuhukay. Nang makapaghukay na kami ng tamang lalim, binigyan
kami ng aming adviser ng dalawang klase ng buto: sunflower at sili. Upang lalong
lumago ang aming itatanim, nilagyan naming ito ng fertilizer na makikita sa gilid
ng campus. Tumutulo ang aming mga pawis ngunit mahangin naman at nakaka-
enjoy ang pagtatanim. Pagkayari naming mailagay ang buto ng sunflower sa
lupang aming hinukay at ang sili sa mga containers, amin itong diniligan.
Nagkaroon kami ng simpleng meryenda na lumpia at softdrinks.