You are on page 1of 9

70% mag-aaral ng LES, pabor sa “No homework policy”

Pabor ang 70 bahagdan ng mga mag-aaral ng LES sa panukalang “No Homework on Weekends Policy” na isinusulong sa
Kongreso upang mapagaan ang gawain ng mga mag-aaral sa mga araw na walang pasok.
Isinagawa ang sarbey ng mga SPG Officers (Student Pupil Government) mula sa mga batang nasa ikatlong baiting
hanggang anim upang makita ang saloobin ng mga mag-aaral sa panukala na pinag-aaralan ng kongreso sa kasalukuyan.
Karamihan sa dahilan ng kanilang pag pabor sa polisiya ay ang paglalaan ng oras sa pamamahinga dahil sa pagod na
nararanasan sa mga gaaing pampaaralan tuwing araw ng may pasok.
Ayon kay Kian De Los Reyes, mag-aaral sa baiting 6, nais nyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa paglalaro at
pagsimba upang maka relaks sa gawaing pampaaralan.
Sinabi nman ni Joana Riego de dios na ito ang mga araw ng kanyang pagbisita sa kanyang mga lolo at lola.
Ayon kay Kayzeelyn Riel, ito ang mga araw ng kanyang pagtulong sa mga gawaing bahay na hindi magawa tuwing araw
ng may pasok.
Samantala, may 30 bahagdan ang hindi pumabor at nais na magkaroon ng takdang gawain tuwing mga araw ng walang
pasok upang mahasa sa mga kasanayang itinuturo sa weekdays.
Matatandaang inihain nina Quezon Rep. Alfred Vargas House Bill 3883 at HB 3611 ni House Deputy Speaker Avelina
Escudero upang madagdagan ang oras ng pahinga at pagkikipag-usap sa mga magulang ng mga bata tuwing weekends.

Pag-iwas sa Dengue, pinaigting sa LES

Binigyang-diin sa oryentasyong naganap sa bulwagang tanggapan ng Looc Elementary School ang mga paraan upang
makaiwas sa Dengue na kasalukuyang nagpapahirap sa ilang bata at mga magulang ng paaralan.
Ayon kay Nurse Hannah Gonzales, ang sakit na Dengue ay nagsisimula kapag ang tao ay nakagat ng isang uri ng lamok na
tinatawag na aedes aegypti na kadalasang lumalabas dalawang oras bago pumutok at lumubog ang araw.
Dagdag pa nito, ito ay kadalasang matatagpuan sa madidilim na lugar at nagingitlog sa malilinis na inimbak na tubig.
Ipinaliwanag din niya ang mga sintomas ng dengue kabilang ang pagkakaroon ng mataas na lagnat dalawa hanggang
pitong araw, masakit na kalamnan, panghihina, pagkakaroon ng patse sa balat, pagdurugo ng ilong, pagsakit ng tiyan,
pagsusuka at pagdumi ng maitim na kulay.
“Huwag mag-imbak ng mga bagay na maaaring makapag-ipon ng tubig upang maging itlugan ng mga lamok na may
dalang dengue virus”.
Sa huli, mahigpit niyang ipinaalala ang kalinisan sa paligid, pagiging alerto at pagsasadya sa pinakamalapit na pagamutan
kapag nakaramdam ng mga sintomas ng duenge.

Plastic in the bottle, sulosyon sa problema sa plastik

Binigyang solusyon ng punong-guro ng paaralan kasama ng Supreme Pupil Government (SPG) ang problema sa pagkalat
ng plastic sa pamamagitan ng proyektong ‘Plastic in the bottle” sa Looc Elementary School
Ayon kay Jereleen O. Samsaman, Mayor ng SPG layunin ng nasabing programa ang pababawas ng kalat sa kapaligiran
higit ang plastik gayundin ang pagpapaganda sa paligid kapag ito ay naidesenyo nang maayos.
Ito ay isa ring tugon sa programa ng Waste Management kung saan may mga proyektong paghihiwalay ng mga
nabubulok, di nabubulok at narerecycle at proyektong May Pera sa Basura na maaring kolektahin upang ipagbili.
Ayon sa mga guro, nahuhubog din ng programang ito ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral dahil sa pagsasama-sama ng
magagandang kumbinasyon ng kulay mula sa ginupit na plastic na inilalagay sa loob ng 1.5 plastic bottle.
Sa kasalukuyan, pinag-uusapan pa ng SPG kung saan maaring idensenyo ang mga nakolektang plastic in the bottle.
Mahigit 14M gusali, tutugon sa kakulangan ng silid-aralan

Mahigit 14 milyong gusali na may apat na klasrum ang ipinagkaloob ni Gob. Hermilando I. Mandanas na malapit ng
pakinabangan ng apat na seksiyon ng mag-aaral ng Looc Elementary School.
Mahigit 200 mag-aaral mula sa Kinder, Unang Baitang at Ikatlong Baitang ang mabibigyan ng komportableng lugar na
pag-aaralan.
Ayon kay Gng. Luciana Tulagan, punongguro ng paaralan, malaking tulong ang nasabing mga klasrum dahil patuloy na
lumalaki ang bilang ng mga batang pumapasok sa paaralan.
“Ito ang unang pagkakataon na mabigyan tayo ng two-storey building mula kay Kgg. Mandanas kaya ako ay lubos na
nagagalak dahil napalitan na ang luma at sirang mga silid-aralan,” saad ni Gng. Tulagan.
Ayon pa sa kaniya, hindi ito ang una at huling pagkakataon na magkakaroon ng mga bagong gusali ang paaralan dahil
ginagawa niya lahat nang makakaya upang humingi ng tulong na madagdagan ang mga ito dahil sa patuloy na pagtaas ng
bilang ng mag-aaral na pumapasok dito taon– taon.
Naglaan ng 10 milyong piso para pondohan ang pagpapatayo ng nasabing gusali na mula sa DepEd Fund.
Inaasahang magagamit ang gusali ngayong Oktubre.

Ika-100 gusali ng MSDC, ipinagkaloob sa LES

Lubhang napaka espesyal ng gusali na ipinagkaloob ng Manila Southcoast Development Corporation (MSDC)
sa mag-aaral ng Looc dahil ito ang kanilang ika-100 gusali na ipinagkaloob bilang adbokasiya ng kanilang
korporasyon.
Ang naturang gusali na may apat na silid at 4 na palikuran ay tutugon sa kakulangan ng paaralan ng silid-aralan
ng tatlong seksiyon at isang silid-aklatan.
Ipinangako ng MSDC na agarang itatayo sa gilid ng nasabing gusali ang hand washing facility na makatutulong
sa kalinisan kaligtasan ng mga mag-aaral.
Ayon kay Ms. Juris S. Umali ng MSDC, bubuksan sa Oktubre 18 upang mapakinabangan agad ang mga ito.
Dagdag pa sa pagiging espesyal nito ang inaasahang pagdalo sa inagurasyon ng gusali ng mga anak ni Henry Sy
na kinikilalang pundasyon ng naturang korporasyon.

MSDC, patuloy ang pag-ayuda sa LESian

Patuloy na tumatanggap ng mga gamit pampaaralan ang mga mag-aaral ng LES mula sa Manila Southcoast
Development Corporation (MSDC).

Simula ng pasukan ay namigay ng mga


Napapanahong gamit naman sa tag-ulan tulad ng payong at iba pang gamit pangkaligtasan ang ipinagkaloob noong
Setyembre 4 kung saan ito ay kailangan nila dahil sa palagiang pag- ulan nang di- inaasahan.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan dahil sa pagbuhos ng tulong ng naturang korporasyon na lubhang
nakatulong sa mga bata.
Inaasahang patuloy na magiging kaagapay ang MSDC sa mga darating pang panahon.

100% na mag-aaral nakinabang sa libreng gamot kontra bulate


Upang malabanan ang pagkakaroon ng sakit dulot ng bulate,100% mag-aaral ang libreng nabigyan ng gamot kontra
bulate o Deworming ng DOH sa mga pampublikong paaralan,______date qng kelan ang deworming,di ko alam @Chelai
Garcia .
Katulong ng Department of Health ang mga skilled trained helath workers na siyang nagbigay ng gamot sa mga bata.
"Takot man akong labasan ng bulate,subalit mas takot ako na mgagkaroon ng sakit dulot ng maraming bulate sa
katawan kaya ngpapurga ako,ani ni Rannel,mag-aaral sa ikaapat na baitang.
Ayon naman sa clinic teacher na si Gng. Marites Gaa, karamihan sa nagpapurga ay mga batang kabilang sa pantawid
pamilya program.
Kasama ang mga gurong tagapayo ng bawat baitang, at permiso ng mga magulang, matagumapay na naisagawa ang
nasabing pagdedeworming.

Gulayan sa Paaralan isinulong, SBFP natulungan


Muling isinulong ang gulayan sa paaralan na naglalayong matulungan ang SBFP (School-Based Feeding Program) sa pangunguna ni
Gng. Leonora Capacia,koordineytor ng GPP.
Alinsunod ito sa Deped Order no. 89 s. 2015 na kinakailangan ang bawat paaralan ay magkaroon ng gulayan sa paaralan.
Kaakibat ng nasabing proyekto na turuan ang mga bata na magtanim ng ibat-ibang gulay upang isulong ang wastong
nutrisyon at maging paraan ng pagkakakitaan. Ilan sa mga nasabing gulay na itinanim ay mga talong, petsay, okra, sili,
kamatis, papaya, kalabasa, patola, pipino, alugbati, talinum, at upo at ilan pang mga halaman na naaangkop sa lupa at
klima ng paaralan.
Binigyang -diin ni Gng. Luciana Tulagan,punongguro ng paaralan at katulong sa pangangasiwa ng gulayan na sa gitna ng
pagtaas ng presyo ng pagkain,isang solusyon at interbensyon diumano rito ang pagtatanim ng gulay.
Gayundin, ang mga maaaning gulay ay iluluto at ihahain sa mga mag-aaral na kasali sa feeding program.
Sa kasalukuyan, umaani na ang paaralan na ginagawang sangkap sa mga pagkaing niluluto sa SBFP.

2023- 2024 BALITA

Gulayan sa Paaralan, maagang sinimulan


Muling sinimulan ang gulayan sa paaralan ng mga guro sa paaralan at mga mag-aaral sa pangunguna ni Gng. Leonora
Capacia, koordineytor ng GPP.

Alinsunod ito sa Deped Order no. 89 s. 2015 na kinakailangan ang bawat paaralan ay magkaroon ng gulayan sa paaralan.
Kaakibat ng nasabing proyekto na turuan ang mga bata na magtanim ng ibat-ibang gulay upang isulong ang wastong
nutrisyon at maging paraan ng pagkakakitaan. Ilan sa mga nasabing gulay na itinanim ay mga talong, petsay, okra, sili,
kamatis, papaya, kalabasa, patola, pipino, alugbati, talinum, at upo at ilan pang mga halaman na naaangkop sa lupa at
klima ng paaralan.

Binigyang -diin ni Gng. Lilizeil Javier,punongguro ng paaralan at katulong sa pangangasiwa ng gulayan na sa gitna ng
pagtaas ng presyo ng pagkain,isang solusyon at interbensyon diumano rito ang pagtatanim ng gulay.

Gayundin, ang mga maaaning gulay ay iluluto at ihahain sa mga mag-aaral na kasali sa feeding program.

71 na mag-aaral mula sa unang baitang at 22 guro NG LES, nabiyayaan ng Vitamins

Nabigyan ng tig- dadalawang boteng vitamins ang pitumput-isang mga mag-aaral sa unang baitang at dalawamput
tatlong mga guro sa inisyasyon ng Provincial Social Welfare and Development Office noong Oktubre 11, taong
kasalukuyan.

No Collection Policy, ipinatupad sa pagbubukas ng pasukan

Maigting na pinatupad ang No Collection Policy sa paaralan sa pangunguna ni Gng. Lilizeil Javier, punung-guro ng
paaralan sa pagbubukas ng pasukan.

Layunin nitong maisakatuparan ang pagbabawal ng pangongolekta ng anumang kabayaran sa panahon ng enrolment at
sa unang araw ng klase.

Gayunpaman, simula Nobyembre ay pinapayagan ng mangolekta ng ibang bayarin kagaya ng Homeroom Project na kung
saan ito ay napagkasunduan ng lahat ng mga guro at mga magulang. Nilinaw din ng paaralan na ito ay boluntaryo
lamang at hindi sapilitan. Kasama rin dito ang school paper at athletic fee na kapwa din boluntaryo.

Ayon sa punung-guro ng paaralan, Gng. Lilizeil Javier, nagsagawa sila ng mahalagang pagpupulong hinggil sa bagay na ito
upang lubos na maibahagi sa lahat ng mga guro. Binigyang pansin naman niya ang pagpapatawag ng kanya- knayang
homeroom meeting sa bawat klasrum upang magkaroon ng unawaan sa pagitan ng magulang at mga kaguruan.
“ Ilan po sa mga magulang ay sila na ang na ang nanguna na magkaroon sila ng homeroom project dahil ang mga anak
naman daw nila ang makikinabang ganundin ang mga susunod pang mga henerasyon.” paliwanag ng punung-guro.

Wash in School, patuloy na pinaiigting


Sanitation at hygiene ng mga paaralan, sentro ng paghahanda sa pagbabalik-eskuwela

B inigyang– pansin ni Gng. Maribel Alcaraz, koordineytor ng WINS, katulong ng mga guro sa pangunguna ni Mam Lilizel Javier, punungguro

ng paaralan, ang hygiene at sanitation facilities bilang paghahanda sa pagbabalik-eskuwela ng mga estudyante upang makaiwas sa anumang sakit.
Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mag-aaral sa paaralan. Ito ay batay sa inilabas na guidelines ng
DepEd sa required health standards sa mga paaralan at opisina ng ahensya.
Bilang pagtugon, ang mga mag-aaral ay nakilahok sa palagiang paghuhugas ng kamay at pagsesepilyo ng ngipin sa takdang oras na
nakalaan sa kanila.
Kasama rito ang pagkakaroon ng ligtas na inuming tubig, banyong nakahiwalay bawat kasarian, group handwashing facilities, araw-araw
na group handwashing activities, at menstrual hygiene management.
“Naghanda ako ng checklist ng paghuhugas ng kamay at pagsesepilyo upang maayos na mamonitor ang pakikilahok ng bawat mag-aaral sa
bawat seksyon”.saad ni Gng. Alcaraz.
Aminado naman ang paaralan na malaking hamon ang sanitation infrastructure dahil kailangan ng pondo at proseso sa pagpapatayo ng
water supply, toilet at handwashing facilities upang makamit ang 3 stars.

LES, nakiisa sa Brigada Wskwela 2023

Mung ling nakiisa ang Looc Elementary School sa tradisyong pampaarala g bayanihan sa isnag linggong brigade eskwela 2023, Agosto
22- 26.
Dahil ditto maagang ngtipon- tipon sa LOOC ES covered court ang mga magulang, ilang mag-aaral at mga guro at SELG officers ng
naturang paaralan bilang paghahanda sa motorcade , ganap na ikawalo ng umaga.
Hindi alintana ang mainit na panahon upang gawing malinis ang paligid ng paaralan dala ang knai-kanilang walis tingting at
tambo,dustpan, pintura at iba pang mga gamit panglinis.
Kaugnay rito, mahigit isangdaang volunteers mula s aibat-ibang samahan ang nakiisa hindi lamang ang mga mag-aaral na ikinatuwa
niGng. Lilizeil F. Javier, punungguro ng paaralan.
“ Kayo ay kabalikat namin sa pagsasaayos ng edukasyon ng ating mga mag-aaral kaya maraming maraming salamat po” ani Javier.
Sa isinagawang Brigada Eskwela, nilinis ang loob at labas ng paaralan lalo ang mga likod na bahagi ng paaralan dahil sa nagtataasang
mga damo. Nagbagong bihis din ang bawat klasrum dahil sa pagpipintura ng mga ito ganundin ang pagkukumpuni ng ilang mga
kagamitan sa loob at labas ng paaralan.
Nabatid na nakasentro ang Brigada Eskwela ngayong taon sa kalinisan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral
at maiwasan ang pagliban ng mga ito dahil sa pagkakasakit.

LES journalist namayagpag


Brigada Eskwela, nilahukan

Aktibong nakiisa ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa isinagawang Brigada Eskwela sa San Juan Senior High
School, Academic nito lamang Biyernes, Agosyo 18, 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng Station Community Affairs Development Section (SCADS) ng San Juan CPS sa ilalim ng
pamumuno ni Police Colonel Francis Allan Reglos, Chief of Police ng istasyon kasama ang mga Field Training Officer
(FTO), at NCRPO-NAPNCO’s.

Ang Brigada Eskwela 2023 na may temang: “Bayanihan Para sa Matatag na Paaralan” at Brigada Eskwela Clean-up Drive
Operation ay isang paghahanda para sa pagbubukas ng mga klase.

Layunin nitong palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad at iba pang stakeholder upang mapalawak ang suporta sa
komunidad, at isulong ang civic engagement alinsunod sa Five (5) Focused Agenda ng Chief PNP, para sa mas mahusay at
mas epektibong puwersa ng pulisya sa ilalim ng “Community Engagement”.

ALS

Idinaos ang ika-6 na taunang pagtatapos ng ALS na may temang ‘Gradweyt ng K


to 12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok’.

Isa sa nagbigay ng mensahe ay ang OIC-Chief Education Program Supervisor


Curriculum Implementation Division, Fatima M. Punongbayan.

‘Hindi balakid ang edad, bata o matanda ay maaabot natin ang ating mga
pangarap’, ani Punongbayan.
Ang ALS ay programa ng Department of Education (DepED) na may layuning
matulungan ang mga manggagawa, may kapansanan, may edad, indigenous
people, out of school youth, mga kabataang nasa kulungan at iba pa na may
hangaring makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kabila ng mga balakid at
pagsubok na kanilang pinagdaraanan.

Dumalo rin sina Konsehal JV Vitug at SK President Patrick Dela Cruz sa nasabing
pagtatapos.

Mga guro ng LES, pinarangalan

Nag-uwi ng karangalan ang mga guro ng Looc Elementary School sa isinagawang Gawad Silangan 2023 ng nasugbu East
Sub –Office, Agosto 18.

Nakakuha ng ika-apat na pwesto bilang Most Outstanding Teacher si Gng. Lyca P. Guevarra. Samantanlang nasungkit
naman ni Gng. Rcahel M. Garcia, gurong tagapayo ng kindergarten ang ikalawang pwesto sa Search for Best Reading
Implementer .

Samantala, kinilala rin ang husay nina Leonora G. Capacia at Gng. Maria Carmen Boneo sa Larangan ng pananaliksik
kasama rin sina Gng. Guevarra at Gng. Garcia.
Bilang ng Enrolment, nanatiling mataas

Hindi natinag ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enrol ngayong taon sa Looc Elementary School

Sa kasalukuyan ay umabot sa 604 ang actual n abilang kasama ang mga batang galing sa ibang skul ayon sa record ni
Gng. Felicidad Bautista, guidance counselor ng paaralan.

Ayon sa kanya, maraming tranferees ngayon sa ibat-ibang baitang dahil sa pagkakaroon ng trabaho ng kanilang mga
magulang dito sa barangay Looc.

“Karaniwan sa kanila ay galling pa sa malalayong lugar at napilitang lumipat dala ng tawag ng trabaho, paliwanag ni
Bautista.

SELG, tagumpay na naisagawa ang proyektong Transparency Board

SDRRMC hinigpitan ang kahandaan sa lindol


Ni: Jaihleen D. Desepida

Upang mapagtibay ang kamalayan at kahandaan ng mga mag-aaral, guro at iba pang empleyado ng paaralan, nagsagawa
ng simultaneous earthquake drill noong Setyembre 7.

Nilahukan ang nasabing gawain ng lahat ng mag-aaral mula kindergarten hanggang sa ika-anim na baitang kasama ng
kanilang mga gurong tagapayo. Kasama na rin sa lumahok ang mga batang medical responder team na syang aalalay sa
mga masusugatan.

Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman ng bawat isa at kahandaan ng lahat sa oras na magkaroon ng sakuna.

“ Ang ganitong gawain ay malaki ang maitutulong sa lahat ng mga mag-aaral upang madagdagan ang kaalaman at
kahandaan nila sa oras ng sakuna,” paliwag ni Gng. Aimeeren Vitales, SDRRM Coor ng paaralan.

Dagdag pa niya, napakahalaga na makilahok ang lahat ng mga mag-aaral kung kaya hinihiyat niya pang lalo ang mga
mag-aaral sa pakikilahok sa mga ganitong Gawain.

You might also like