You are on page 1of 3

Proyektong Proposa:

GULAY PANGKABUHAYAN

Deskripsyon:

Ang malnutrisyon at gulayan sa paaralan ang binigyang pokus ng mga


mananaliksik sa paglikha ng proyektong akademiko sa kanilang paaralan. Saklaw nito
ang proyektong akademiko na nakapokus sa paksang Agrikultura. Ang proyektong ito
ay nagbibigay impormasyon patungkol sa sanhi at bunga ng malnutrisyon.

Binigyang pansin din ng proyektong ito ang isang mahalagang aktibidad sa


paaralan, ang pagtatanim o paghahardin. Ang gulayan sa paaralan ay mahalagang
maisagawa dahil napakalaki ng naitutulong nito sa pagbaba ng kaso ng malnutrisyon ng
mga mag-aaral sa paaralan. Nakakatulong din ito sa pag-aaral dahil nabibigyang
edukasyon ang mga estudyante patungkol sa pagtatanim at pangkabuhayan na isa sa
mahahalagang kasanayan ng isang tao.

Kaligiran:

Sa pag-lipas ng maraming taon ay marami paring mag-aaral ang nakararanas ng


malnutrisyon sa bansa, isa ito sa napakaling suliranin ng bansa. Dahil dito ay
naaapektuhan ang kakayahang makapag-aral ng mga estudyante. Ayon sa kahulugan,
ang malnutrisyon ay isang kalagayan kung saan ang katawan ay hindi nakakakuha ng
sapat na sustansiya na kinakailangan upang magkaroon ng malusog na
pangangatawan. Ilan na lamang sa mga sanhi nito ay ang kahirapan, kakulangan sa
pagkain o walang sapat na mapagkukunan ng pagkain, at walang maayos na tirahan.
Dahil sa malnutrisyon ay humihina ang katawan ng mag-aaral at nagiging sakitin na
nagiging dahilan naman ng hindi pagpasok sa paaralan, kung makapasok man ay
nawawalan ng gana ang mga mag-aaral na makilahok sa mga gawain at aktibidad sa
paaralan. Dahil din sa malnutrisyon ay nawawalan ng pokus at atensyon ang mga mag-
aaral na nagiging sanhi ng pagbaba ng marka o grado. Upang masulusyunan ang
suliraning ito, binigyang atensyon ng mga mananaliksik ang malnutrisyon sa paaralan at
magsasagawa ng proyektong feeding program para sa mga mag aaral na nakararanas
ng malnutrisyon.
Inaasahang Resulta:

Inaasahan na sa pagtapos nitong proyekto ay mapalaganap ang malawak na


taniman ng gulayin na magagamit para sa mga mag-aaral na nakakaranas ng
malnutrisyon. Sa mga estudyante, ay inaasahang mapalago ang kanilang kaalaman at
kasanayan sa pagtanim gayundin na magamit itong kaalaman sa pangkabuhayan nila.
Posible rin na maipababa ang bilang ng mga mag-aaral na nakakaranas ng
malnutrisyon, at kagutuman, at mabigyan ng sapat na sustansya upang tuluyan ang
kanilang pagsisikap sa pag-aaral.

Layunin:

Layunin ng proyektong ito ang matagumpay na pagsagawa ng gulayan sa


paaralan at feeding program sa mga mag-aaral na nakararanas ng malnutrisyon.
Mahalaga ring maibahagi ang proyektong ito sa mga mag-aaral, mga magulang, sa
paaralan, komunidad, at gobyerno upang mahikayat na palawakin o suportahan ito para
sa mas mabilis at mas matagumpay ang pagbibigay aksyon sa malnutrisyon.Ang
programang “Gulayan Pangkabuhayan” ay aming iminumungkahi upang makabawas sa
pagkalala ng pagkagutom at malnutrisyon sa komunidad. Ang mga pananim na gulay
ay makatutulong sa pagsasagawa ng “School Based Feeding Program”, na may
layuning mabawasan ang bilang ng mga mag-aaral na may mababang timbang.
Mapagtatanto rin ng mga kabataan ang kahalagahan ng pagkain ng gulay para sa
malusog na pangangatawan.

Sa tulong din nito ay mapapalalim ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa


larangan ng agrikultura. Matututunan din ng mga kabataan kung paano palalaguin ang
mga maliit na lupain sa kanilang mga hardin o bakuran ng kanilang mga tahanan. Tiyak
rin na makatutulong ito sa mga guro at estudyante dahil sa pamamagitan nito ay
magkakaroon na sila ng libreng mapagkukuhanan ng masustansyang gulay.

Maipapakita rin ang kanilang pagiging malikhain sa pag resiklo ng mga gamit
katulad ng plastic at mga gulong upang lagyan ng mga pananim. Malaki ang
maitutulong ng programang ito hindi lamang sa kalusugan ngunit pati na rin sa
kaugalian ng mga mag-aaral. Isa ito sa magsisilbing pundasyon upang mapayabong
ang kaugalian ng mga mag-aaral, hindi lamang sa paaralan kundi pati na rin sa
komunidad.
Mga Hakbang:

Para matiyak na ang proyekto ay maipapasa at maaaprubahan, kailangan


sundan ang mga sumusunod na hakbang:

• Pag-aaral at Pagpaplano: Una, kailangan magkaruon ng masusing pagsusuri sa mga


kinakailangang hakbang para sa proyekto. Isalaysay ang mga layunin at layunin nito,
kasama na ang angkop na lugar para sa pagtatanim ng mga gulay.

• Paghahanap ng Lugar: Hanapin ang isang angkop na kapirasong lupa sa isang


paaralan na magiging lugar para sa pagtatanim ng mga gulay. Dapat tiyakin na may
sapat na sikat ng araw at lupa na may mabuting kalidad.

• Pangangalap ng Boluntaryo: Kailangan mangalap ng mga boluntaryo na tutulong sa


pagtatanim ng mga gulay. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
mag-aaral, guro, o iba pang miyembro ng komunidad na interesado sa proyekto.

• Pagtuturo sa Pagtatanim: Bago magsimula ang aktuwal na pagtatanim, kailangan


turuan ang mga mag-aaral tungkol sa wastong paraan ng pagtatanim, pangangalaga sa
halaman, at tamang paraan ng pag-aani ng mga gulay. Maaarin

• Pagtanim ng gulay at pag-ani nito sa kasalukuyang panahon ang isang mahalagang


paraan para sa mga mamamayan para makapag-ani ng masustansiyadong pagkain,
pagpapanatili ng kalikasan, at pagkakabuhayan para sa kanilang pamumuhay.

• Ang pagpakain sa mga estudyante na nakararanas ng gutom at malnutrisyon ang


isang mahalagang paraan upang mapakain silang maayos at malusog sa kanilang pag-
aaral, pagtanggap ng edukasyon, at paglaki ng kanilang katawan. Ito ay din ang
pagpapanatili ng kalusugan at buhay ng mga estudyante.

You might also like