You are on page 1of 3

Ⅰ.

Panimula

Ang pagtatanim ay isang mahalagang proseso sa ekonomiya at kultura ng isang bansa.

Ito ay istilo ng pagbubungkal ng lupa upang ihanda sa pagtatanim ng mga pili o iba’t ibang

uri ng gulay o halaman. Ito ay maaring gawin sa maliit man o malawak na espasyo pwede rin

itong pagmulan ng kita at maging negosyo.

Dumarami and ebidensya na ang paghahardin ay nagbibigay ng maraming

benepisyo sa kalusugan ng tao. Ang paghahardin ay masasabing isa sa mga

pinakakaraniwang paraan ng pakikipag- ugnayan sa kalikasan at talagang tinatangkilik bilang

isang tanyag na libangan sa maraming bansa. Sa UK, may tinatayang dalawamput pitong(27)

milyong tao, humigit- kumulang 40% ang kabuuang populasyon, na aktibong lumalahok sa

paghahalaman (Bisgrove at Hadley,2002). Gayundin, tinatayang sa US, 117 milyong tao, isa

sa tatlo, ang lumahok sa paghahalaman (Statista,2015), at sa Japan , 32 milyong katao, isa sa

apat, ang lumalahok sa pang araw – araw na paghahalaman bilang isang libangan ( Statistics

Bureau, Ministry of Internal Affairs at Komunikasyon, 2011).

Maraming mag- aaral ang hindi nakakaalam sa mga maaring itulong ng mga

gulayan sa paaralan kung kayat binabalewala nila ang kahalagaan nito. Bukod sa

kontribusyon nito sa pagpapaganda ng paaralan, maari rin itong magsulong ng pagsunod sa

tamang nutrisyon. Makakatulong din ito upang magkarron ng kamalayan ang mga mag-aaral

tungkol sa pagtatanim sa pamamagitan ng kanilang partisipasyon.

Ang pag aaral na ito ay may layuning tulungan ang mga mag-aaral ng

Ambuklao National Highschool sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagtatanim. Ang

Sustainable School Garden and Clinic Beautification Project ay makakatulong sa

pagpapanatili ng luntiang paligid at kalinisan sa school clinic.


Paglalahad ng Suliranin

Ang project na ito ay may pamagat na Sustainable School Garden and Clinic

Beautification Project na naglalayong tugunan ang mga sumusunod (a)hindi maayos na

taniman, (b)pangangailangan ng mapagkukunan ng abono, (c)napapabayaang mga tanim,

(d)kakulangan ng espasyo para sa gulayan, (e)lack of school clinic maintenance,

(f)kakulangan ng punla para sa taniman, (g)kakulangan ng implementasyon sa school

beautification.

Rekomendasyon

Kaugnay sa natukoy na mga suliranin buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng

mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal at pangkat ang mga sumusunod na

rekomendasyon: pagpapaganda ng taniman sa pamamagitan ng pagpapanatili ng organisado

na grupo ng mga halaman, paghuhukay ng compose pit para mapagkunan ng karagdagang

abono at para na rin mabawasan ang mga nabubulok na basura sa paaralan, pagtanggal ng

mga halaman na nalanta at papalitan ito ng bagong tanim, pagsasaayos ng school

clinic(paglilinis, pag-oorganisa ng mga kagamitan, paglalagay ng mga impormasyon tungkol

sa kalusugan at iba pa), at ang panghuli ay ang paghahanap ng mga indibidwal na maaring

magbigay ng punla para sa gulayan sa paaralan, pagpapakita ng magandang epekto ng

gulayan para mahikayat ang mga mag-aaral na tumulong.


Sustainable School Garden and School

Clinic Beautification Project

You might also like