You are on page 1of 2

Vanessa L. Tino, Harriet Dunch C.

Leysis 9 Linx

BenepisyOrganiko

Agrikultura ang pangkaraniwang kabuhayan ng mga bansang nasa Asya kasama na rito
ang Pilipinas. Ang pagtatanim ng mga palay,gulay at prutas ay ang kadalasang ikinabubuhay ng
mga mamamayang Pilipino at dahil din dito natutustusan ang mga pangangailangan ng mga
Pilipino sa pang-araw-araw. Isa sa mga pamamaraan ng pagtatanim na may kasamang
magandang dulot sa kalikasan at kalusugan ay ang organikong pagsasaka o organic farming.

Ano nga ba ang organikong pagsasaka? Ang organikong pagsasaka ay isang metodolohiya
na kung saan ang pagsasaka ay hindi ginagamitan ng mga kemikal na pestisidyo,synthethic
fertilizers, antibiotics at growth hormones na maaaring makasira sa mga nutrisyon at tabang nasa
lupa. Ginagamit na alternatibong sistema ng agrikultura ang organikong pagsasaka na
naglalayong baguhin ang mga nakasanayan o ordinaryong pagsasaka ng mga magsasaka na
gumagamit ng mga kemikal na pampasugpo sa mga peste at pampataba sa lupa at pananim sa
paniniwalang lulusog lalo ang mga pananim at makaaani ng marami dahil dito. Mayroong
prinsipyo ang organikong pagsasaka sa kalikasan o tinatawag itong “ farming in harmony with
nature “ na kung saan dito naipapakita’t naipapahiwatig ang tamang pag-aalaga sa lupang
sinasaka.

Hindi lamang sa mga malalaking sakahan maisasagawa ang nasabing pamamaraan ng


pagsasaka o panananim dahil maaari ring isagawa ito sa mga komunidad, bakuran at paaralan.
Kagaya na lamang sa Catalunan Pequeño National High School na binisita ng 4H (
head,heart,hands & health ) Club ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Paul Jhone
Dominic Ebon noong Setyembre 12-14, 2018, na naglalayong ipatupad ang containerized
gardening pati na rin ang pagsasagawa ng organikong pagsasaka sa mga paaralan. Hindi ibig
sabihin na kung walang malaking espasyo ay hindi na makapagtatanim ng iba’t ibang uri ng mga
halaman, gulay at iba pang mga ninais na mga pananim.

Sa pagbisita rin ng nasabing organisasyon ay nagkaroon ng training sa ilang mga


estudyante kung ano ang mga hakbang at paano gawin o simulan ang containerized gardening,
bilang ang Davao City ay isang ‘urbanized city’malaki ang tulong ng mga ganitong
proyekto.Nagmula pa ang 4H Club sa Estados Unidos hanggang ito’y nakarating sa Pilipinas na
magbibigay dagdag kaalaman sa mga kabataan patungkol sa mas maayos at chemical free na
pagtatanim. Karaniwang ang mga estudyanteng nasa Technical-Vocational-Livelihood o TVL
strand ang mga partisipante at ang mga kabataang edad 18-30 ang kasali sa 4H Club pero kung
may nagnanais na sumali dito kahit mas mababa pa sa edad na hinihingi ay pwedeng-pwede.

Hindi maitatanggi ng bawat mamamayang Pilipino na kadalasan sa mga kabataan ngayon


ay sa mga makabagong teknolohiya nakatuon ang oras at atensiyon. Layunin din ng programang
4H Club na mamulat ang mga kabataan sa malaking tulong at benepisyo na iniaalay ng
agrikultura. Dahil sa kasalukuyan ay nakakaranas ang mga mamamayang Pilipino ng patuloy na
pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, maaaring gamitin ang kaalaman sa pag-aagrikultura
upang makatipid at sa simpleng paraan ay nakakatulong upang maibsan ang epekto ng inflation o
patuloy na pagtaas ng mga halaga ng pangunahing pangangailangan.

Mahihinuha sa mga mata at pagkilos ng mga mag-aaral sa CPNHS ang kagustuhan nilang
matututunan ang organikong pagsasaka dahil hindi lamang sa kalikasan at kapaligiran
nakakatulong ito, pati na rin ang pagkakaroon ng maganda at malusog na pangangatawan at may
maayos na kalusugan na malayo sa anumang sakit ang makukuha dito. Ayon kay Kimwell Boy
Cortez na siyang presidente ng SSG o Supreme Student Government, ibinahagi ng nasabing
organisasyon ang patungkol sa organikong pagsasaka sapagkat hindi lamang importante na
mayroong makakain ang isang pamilya, mahalaga rin daw kung anong sustansya ang naibibigay
ng mga pagkaing nakahanda sa hapag-kainan na walang halong kemikal.

Totoong mabuti ang layunin ng organikong pagsasaka dahil dito naiiwasan ng mga
magsasaka at prodyuser ang paggamit ng mga commercialized pesticides at fertilizers na
maaaring makapagdulot ng kapahamakan sa mga pananim at sa mga taong kokomsumo nito. Sa
kabila ng pagsasaka ay may ibang sektor din ang agrikultura na makakatulong sa pagbibigay laan
sa mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan at pati na rin ang paglago ng
ekonomiya sa bansa katulad na lang ng paghahayupan,pangingisda paghahalamanan at
paggugubat. Organikong pagsasaka ay ipatupad at pagyamanin pa ng kusa upang may matira at
makonsumo pa ang mga sumusunod na mga henerasyon at kalusugan ay mapangangalagaan.

You might also like