You are on page 1of 1

SULIRANIN

Ang palay ay isa sa pangunahing pagkain ng mga Pilipino, isa din ito sa mga panunahing

pinag kukunan ng hanapbuhay sa pilipinas. Ngunit dahil sa tuloy tuloy na pag dami ng

papulasyon sa pilipinas ay lumalaki din ang kinakailangan panustos sa bigas na pangkain, dahil

dito nakaiimbento ang mga magsasaka ng ibat ibang paraan para matustusan ang

pangangailangan sa bigas, isa na dito ang pag imbento ng ibat ibang kemikal na tumutulong

upang maparami ang aanihin na palay. Ang pesticide, herbicide at fertilizer ay mga kemikal na

tumutulong sa palay upang ito ay bumulas o lumaki ng maganda at umani ng marami. Ngunit

ang mga paraan na ito ay may kaakibat na masamang ipekto, ayon sa mga pag aaral ang sobrang

kemikal na nilalagay sa palay o iba pang halaman ay delikado sa kalusugan tao at ito din ay

sumisira na natural na balance ng kalikasan. Kaya dahil sa mga pag aaral na iyon ay nag simula

na muling ibalik ang pagsasaka sa organikong paraan. Ito ay ang tradisyonal na pag sasaka na

hindi gumagamit ng anumang kemikal o ano mag makasasama sa kalusugan ng tao. Ngunit ang

paraan na ito ay nasabing hindi kayang tustusan ang lumalaking pangangailangan sa palay na

pagkain at mataas ang kinakailangan na capital upang magsimula dito. Kaya ang ibang

magsasaka ay nanatili pa rin sa maramihang pruduksyon ng palay sa maka inorganiko paraan at

walang rin silang masyadong alam sa negatibong epekto nito. Kaya naman patuloy pa din sila sa

pag sasaka sa inoganikong paraan dahil na din sa pangangailangan ng mga tao sa kakulangan sa

panustos sa palay.

You might also like