You are on page 1of 3

"GULAYAN: GAWAING UGNAYAN

na ang LAYUNIN AY YUMAMAN ang AGRIKULTURA NG gulayan"

Haba ng Panahong Gugulin: Anim na buwan (Enero hanggang Hulyo)

Maikling Deskripsyon:

Ang proyektong ito ay naglalayong itaguyod ang mga gulay at ang pagtatanim ng gulay sa loob
ng paaralan. Layunin nito ang magbigay ng kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa pagtatanim,
pagsasaka, at pag-aalaga ng halaman.

Lugar kung saan gaganapin:

Sa paaralan ng LUNA NATIONAL VOCATIONAL HIGH SCHOOL.

Pagpapahayag ng Suliranin:

1. Kakulangan sa tamang nutrisyon ng mga mag-aaral– maraming mag-aaral ang maaaring hindi
nabibigyan ng sapat na nutrisyon dahil sa kakulangan ng pagkakaroon ng access sa mga
masustansiyang pagkain.

2. Walang kamalayan sa gulay at tamang nutrisyon– maraming mag-aaral ang hindi gaanong
maalam sa kahalagahan ng gulay sa kanilang nutrisyon at kalusugan.

3. Kakulangan sa environmental sustainability– ang paaralan ay maaaring hindi sapat ang


hakbang na ginagawa para sa environmental sustainability, kabilang dito ang pagsasaka at
pagtatanim ng gulay.

4. Kakulangan sa aktibidad na nagpo-promote ng pangangalaga sa kalusugan sa loob ng


paaralan– maaaring kulang ang mga aktibidad na nauugnay sa pagpapahalaga sa kalusugan at
nutrisyon sa loob ng paaralan.

Layunin:
1. Mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral at guro sa kahalagahan ng
nutrisyon at pagtatanim ng gulay.

2. Magbigay ng praktikal na karanasan sa mga mag-aaral sa pagtatanim, pangangalaga, at pag-


aani ng gulay.

3. Magbigay ng karagdagang mapagkukunan ng mga nutritious na pagkain para sa komunidad


ng paaralan.

4. Magbigay ng oportunidad para sa pakikilahok at kooperasyon ng mag-aaral, guro, at iba pang


kawani ng paaralan upang maisakatuparan ang proyekto.

5. Paglalantad sa mga mag-aaral sa mga komunidad upang mapalawak ang kanilang kaalaman
at pang-unawa sa pangangailangan ng pagkain sa pamumuhay ng tao.

Plano na Dapat Gawin:

1. Pagtatanim ng gulay sa paaralan bilang bahagi ng practical na edukasyon ng mga mag-aaral.


(Kada biyernes ng hapon).

2. Pagsasanay sa mga mag-aaral, mga guro, at iba pang miyembro ng paaralan na interesado sa
pagtatanim at pagaalaga ng gulay sa loob ng paaralan. (Kada lunes ng umaga).

3. Pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa benepisyo ng pagkain ng gulay sa kalusugan at


nutrisyon. (Kada martes ng umaga).

4. Pagsasagawa ng regular na pag-aaral o pagsubaybay ng kalagayan ng mga pananim na gulay.

Badyet:

Sa proyektong ito tinatayang nasa Php 3,450 ang kabuuang halaga na ilalaan sa sumusunod na
pagkakagastuhan.

AYTEM. KABUUAN

Polybag PHP 600

Butil ng monggo PHP 100

Butil ng ampalaya PHP 100

Butil ng kalabasa PHP 100

Butil ng okra PHP100

Butil ng petchay PHP100


Butil ng kamatis PHP100

Butil ng talong PHP100

Malalaking Pala PHP1,500

Maliliit na Pala PHP 500

Pataba PHP 300

Bolo PHP300

KABUUAN: PHP 3,450

Benepisyo ng proyekto at mga makikinabang nito:

•mga mag-aaral- matututunan nila ang pangangalaga ng halaman at agrikultura.

•mga magulang- magkakaroon sila ng akses sa mga sariwang gulay.

•mga guro- magkakaroon sila ng bagong paraan ng pagtuturo na maaaring magdulot ng


kaginhawaan at kasiyahan sa kanilang pang araw-araw na gawain.

•non teaching staff- magkakaroon sila ng oportunidad na makatulong sa pagpapalago ng


gulayan.

•faculty teachers- magkakaroon sila ng tamang pangangalaga at pagsasaayos ng tamang


gulayan.

You might also like