You are on page 1of 4

Dahilan ng Pagtaas ng mga Agrikultural na

Bilihin sa Pakpakitan, Madaymen,


Kibungan, Benguet sa taong 2021-2022

Ipinasa nina:
Sinong, Johnwayne

Cortez, Jerwin

Jose, Rafael

Ipinasa Kay:
Gng. Anastacia T. Legaspi
Kabanata 1:
Panimula

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa panahon ngayon dapat natin pag-aralan kung bakit tumataas ang mga bilihin lalo na sa
mga agrikultural na bilihin. Malaki ang naging epekto nito lalo na sa mga magsasaka ng Pakpakitan,
Madaymen, Kibungan, Benguet. Una sa lahat, dapat nating pag-aralan kung ano ang mga sanhi at
epekto nito sa atin. Kung may masamang epekto ito sa atin ay dapat alam natin kung paano ito
masusulosyunan. Maging handa tayo sa mga epekto nito sa atin pamumuhay lalo ngayong panahon
ng pandemya, dahil sa panahon ngayon lalong tumataas ang mga iba’t-ibang uri ng mga bilihin tulad
ng mga pestisidyo, pampataba, binhi, at iba pa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay isinasagawa ng mga mananaliksik upang malaman


ang epekto ng pagtaas ng mga agrikutural na bilihin sa mga magsasaka. Mahalaga ang pag-aaral na
ito dahil malalaman ang mga nagiging epekto nito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Higit
sa lahat, magiging aktibo rin sila kung paano malulutas ang patuloy na pagtaas ng presyo. Ang pag-
aaral na ito ay sumasaklaw sa mga pananaw ng mga mamimili, hinggil sa patuloy na pagtaas ng mga
presyo ng mga agrikultural na bilihin. Sa pag-aaral na ito ay malalaman natin ang mga pagbabago sa
buhay ng mga mamimiling magsasaka at kung ano ang maaari nilang magiging aksyon sa ganitong
sitwasyon. Ang interpretasyon ng mga mananaliksik at kasagutan ng mga mamimili sa pagtaas ng
produkto pang-agrikultura.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na malaman ang epekto ng pagtaas ng mga agrikultural na
bilihin. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay tungkol sa mga datos o ang maging resulta.

Ang pananaliksik na ito ay may mga katagang nais na bigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na
suliranin:

1. Ano ang masasabi ninyo sa pagtaas ng presyo ng mga produktong agrikultura, tulad ng mga
pestisidyo,pampataba, binhi, at iba?
2. Paano ninyo maihahambing ang presyo ng mga bilihin pang agrikultura noong bago
magpandemya at pagkatapos ng pandemya?
3. Tugma ba ito sa presyo ng mga gulay ngayon?
4. Paano ninyo ito nasosolusyonan?
Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng positibo, negatibong dahilan at epekto


ng pagtaas ng agrikultural na bilihin sa mga magsasaka ng Pakapakitan, Madaymen, Kibungan,
Benguet sa taong 2021-2022.

Nalilimitahan ng 20 na katao ang pag-aaral na ito sa mga magsasaka ng Pakpakitan,


Madaymen, Kibungan, Benguet hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin ang pananaw at
persepsyon ng mga magsasaka sa pagtaas ng agrikultural na bilihin.Sa huli, bibigyan ng mga
mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang mabawasan o mapababa ang pagtaas ng
agrikultural na bilihin na ginagamit ng mga magsasaka.

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan upang kumalap ng karagdagang impormasyon


sa mga magsasaka. Ang mga resulta ng pananaliksik ay titiponin upang makagawa ng konklusyon.

Batayang Teoretikal/Konseptuwal

Ayon sa aming research kung bakit tumataas ang mga agrikultural na mga bilihin ay dahil sa
mga matataas nitong kalidad at dahil na rin ito sa mismong produkto dahil karamihan ay
nanggagaling sa ibang bansa. Nagtanong-tanong din kami sa mga magsasaka ng Pakpakitan,
Madaymen, Kibungan Benguet na ayun sa kanila ang dahilan ng pagtaas ng mga agrikultural na
bilihin ay, dahil sa pagtaas ng produktong langis.

PAGHAHANDA PAMAMARAAN KINALABASAN

1. Bilang ng mga 1. Pag-iinterview sa mga 1. Nakagawa ng output na


respondent. magsasaka. pwedeng makatulong sa
 15-20 katao mga mananaliksik.

2. Alamin ang oras na 2. Nakakalap ng datos na


pwedeng mag surbey. maglalahad ng
 Kung kailan may explinasyon patungkol sa
oras ang mga pagtaas ng produktong
mananaliksik agrikultura sa mga
 Kung kailan nasa magsasaka ng
bahay o may oras Pakpakitan, Buguias.
ang mga
magsasaka o
iinterbyuhin

3. Pag hahanda ng mga


impormasyong nalakalap
mula sa iba’t ibang
sangay ng social media.
Kabanata 2

Metodolohiya

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay isang deskriptibong pag-aaral batay sa mga semi-structured na panayam


at bilang isang kalahok na tagamasid mula noong nagsasaka ang aming pamilya ay tinulungan
naming sila sa kanilang sakahan. Ang mga semi-structured na panayam at obserbasyon ng kalahok
ay ginamit upang mangalap ng mga kinakailangang datos at impormasyon mula sa aming pag-aaral.
Ang aming karanasan sa bukid n gaming pamilya ay nagbibigay sa amin ng pang-unawa at may
sapat na impormasyon tungkol sa aming pag-aaral.

Lokal at Tagatugon

Ang pananaliksik tungkol sa pagtaas ng mga agrikultural na bilihin sa Pakpakitan, Madaymen,


Kibungan, Benguet sa taong 2021-2022. Ang mga mananaliksik ay pumili ng 15-20 respondent na
katao.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral na kung saan naglalayon na masolusyonan ang
suliranin. Ang mga mananaliksik ay gumawa at gumamit ng palatanungan upang makakuha ng sagot
sa mga kalahok/ magsasaka. Nabuo ang katanungan upang matuklasan ang kasagutan sa dahilan
ng pagtaas ng agrikultural na bilihin.

Pangangalap ng Datos

Ito ay naglalayong maipaliwanag at mailahad ang mga paraang ginamit ng may akda upang
mabigyang katuparan ang mithiin ng pag-aaral. Ang mga datos ay nakolekta mula sa mga
magsasaka ng gulay.

Sa araw ng pagsusurbey ay isa-isa naming tinungo ang mga magsasaka sa kanilang mga
bahay o sa kanilang taniman, at hayaang sagutin ang mga hinandang mga katanungan. Batay sa
kanilang mga sagot ay nagtanong sila ng follow-up question na aming kaagad na sinagutan.
Pagkatapos nila sa pag-sagot ay agad rin naming kinuha ang mga katanungan at nagpasalamat
bago umalis.

You might also like