You are on page 1of 5

KABANATA I

1.1 Kaligiran ng Pagaaral

Karamihan sa pagkaing Pilipino ay napakasarap sapagkat ito ay nahaluan na


ng ibang tradisyon na lumaganap sa bansa. Karamihan pa sa mga bansang
sumasakop sa atin ay ipinamana ang kani-kanilang resipe sa pagluluto at teknik sa
pagluluto.
Ang pagluluto ay gawa ng paghahanda ng pagkain para kainin. Pinapaligiran
ng malawak na sakop ng mga paraan ng pagluluto, kagamitan at pagkakasama-
sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa nito ang pagpili ng ninanais na
resulta. Kabilang ang pagpipili ng isang putahe ay may mga pagkakaiba ng
sangkap, kalagayan ng kaligiran, kagamitan at ang kasanayang ng taong nagluluto.
Tulad ng ibang bagay ang pagkain ay mayroong ding kasaysayan. Nagumpisa ito
noong panahon pa ng primitibong tao. Natuto silang kumain ng prutas mula sa mga
puno. Noong natuklasan nila ang apoy na natuto silang magluto ng karne, at isda.
Dumating ang panahon kung saan ay natuto silang magtanim at gumamit ng kung
ano-anong klasing kasangkapan tulad na panimpla.
Ang pagluluto ng Inanghangang Saang na may Tinapay Mumo ay isang
proseso kung saan ito ay priniprito. Kalimitan binubudburan ng harina at tinapay
mumo.
1.2 Konseptwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas o “Conseptual Framework” na ito ay ginamitan


ng “Input-outpot Model”. Ito ay ginamit upang mailahad kung paano ang proseso o
daloy ng pagkakabuo ng produkto. Mula sa input (independent variable) patungo sa
magiging outpot (dependent variable). Sa pananaliksik na ito, gagamitin ang Saang
bilang input sa paggawa ng Inanghangang Saang na may Tinapay Mumo na siya
naming outpot nito.

Independent Variable Dependent Variable

Inanghangang Saang
Saang Na may
Tinapay Mumo

Figure 1. Konseptwal na Balangkas


1.3 Paglalahad ng Suliranin
Ang pananliksik na ito ay naglalayong makalikha na
Inanghangang Saang na may Tinapay Mumo.
Ang pag-aaral na ito ay naglalayon ring mabigyan ng kasagutan
ang sumusunod na mga katanungan:

1. Sa papaanong paraan malilikha ang Inanghangang Saang na may Tinapay


Mumo?
2. Anu-ano ang mga sangkap kakailanganin sa paggawa ng nasabing
produkto?
3. Paano gagawing malambot ang Inanghangang Saang na may Tinapay
Mumo?

1.4 Hipotesis

Ang Inanghangang Saang na may Tinapay Mumo ay epektibo.

1.5 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Sakop ng pananliksik na ito ang paggawa ng Inanghangan Saang


na may Tinapay Mumo.
Isinasaalang-alang lamang na pananaliksik na ito ang opinyon ng
sampung (10) mga piling guro ng Eastern Samar State University Guiuan Campus.
Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay hanggang ditto lamang at hindi palalawakin pa.
1.6 Kahalagan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may hangaring malaman ang magiging


resulta ng aming ekspirimento patungkol sa paggawa ng Inanghangang Saang na
may Tinapay Mumo. Ang paggawa ng Inanghangang Saang na may Tinapay Mumo
ay may makukuhang benipisyo tulad ng ito ay ma sustansya at iwas Cancer.

Para sa mga taong mahilig magluto ng mga pagkaing-dagat. Sapagkat ito’y


nakakatulong upang mabigyan sila ng mga ideya at paraan para mabilis at hindi
masyadong magastos ang pagluluto.

Para sa mga nais magluto. Sapagkat nakakatulong din ito sa kanila upang
malaman ang tamang paggawa at mga sangkap sa pagluluto.

Para sa mga mananaliksik. Makakatulong din ito sa kanila upang mabigyan ng


mas malawak na kaalaman at maging silbing gabay sa kanila.

1.7 Katuturan ng mga Talakayan


Para sa madaling pag-unawa sa mga salitang ginamit sa
pananaliksik na ito ay binigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya.

Tinapay Mumo
-isang sangkap sa pagluluto na maliliit o pira-piraso na tinapay at
kung tawagin sa English ay Bread Crumbs.
Saang
-Ito ay klase ng pagkain na matatagpuan sa karagatan na malapit
sa ating bansa , ito ay atin nang nakasanayang kainin sa pangkasalukuyan, ito ay
galing sa ‘seashells’. Ito ay sikat sa protina at iba pang klase ng bitamina at mineral.
ISANG PANANALIKSIK SA INANGHANGANG SAANG
NA MAY TINAPAY MUMO
___________________________________
Isang Akademikong Papel
Na Iniharap sa Guro ng
Eastern Samar State University
Guiuan Campus
___________________________________
Bilang Bahagi ng mga
Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal
Na Marka sa Asignaturang
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
_________________________________
Ipinasa kay:
Gng. Conchita C. Yodico
Guro
Ipinasa nina:
Jovelyn B. Napuli
Roselyn B. Sabalberino
Jessa Nae O. Quiminales
Jissa Mae A. Gallaza
Markjob M. Abrenica
Teodoro O. Remojo Jr.

May 2019

You might also like