You are on page 1of 2

Panukalang Proyekto: Pagpapatayo ng Hardin ng Gulay sa Paaralan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang paaralan ng Lanao National High School ay labis na tumataas ang presyo
ng mga bilihin na gulay sa kinabibilangang lungsod. Maraming mga pamilya at
mag-aaral sa paaralan ang naapektuhan nito sa larangan ng ekonomiya at
kalusugan. Sa loob ng paaralan ay maraming mga bakanteng lote ang pwedeng
pagpatayuan ng hardin.
Dahil dito nangangailangang magpatayo ng hardin ng gulay sa loob ng paaralan
upang makatulong sa mga mag-aaral at mga tauhan sa paaralan na maagapan ang
problemang ito.
II. Layunin
Ang layunin ng proyektong ito ay upang magpatayo ng mga hardin ng halaman
sa loob ng paaralan na kung saan makakukuha ng libreng gulay ang mga mag-aaral
at tauhan ng eskwelahan sa panahon ng pag-aani. Naglalayong din tumulong upang
solusyonan ang problemang hihinaharap sa kalusugan ng mga mag-aaral at tauhan
ng paaralan.
III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapaalam sa punong guro ng paaralan
2. Pagahanap ng lote kung saan ipapatayo ang hardin
3. Pag-estimate ng badget
4. Pag-aapubra ng badyet
5. Pagsulisit (solicit letter) para sa badyet
6. Pag-apbroba ng proyekto
IV. Badyet

V. Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito


Ang pagpapatayo ng hardin sa loob ng paaralan ng Lanao National High School
ay maraming maidudulot na benepisyo sa komunidad. Sa pamamagitan nito
masosolusyonan ang problemang kinakaharap sa larangan ng ekonomiya. Na kung
saan sa panahon ng pag-aani pwedeng makakuha ang mga mag-aaral at tauhan ng
paaralan ng gulay sa hardin.
Makakatulong din ito sa aspeto ng kalusugan, sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng pagkukunan ng mga gulay. Magkakaroon sila ng mga masusustansyang pagkain
na kung saan makakatulong sa paglaban ng malnutrisyon na kasalukuyang
problema sa buong mundo.
Higit sa lahat, ang proyektong ito ay makakatulong bilang isang hakbang na
magiging solusyon sa mga hinaharap na problema sa larangan ng ekonomiya at
kalusugan, sa paaralan at komunidad.

You might also like