You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGTATANIM NG MGA GULAY SA BAKANTENG LUPA SA

LIKOD NG BARANGAY HALL NG


MASALUKOT 2

Mula kay Jezreel C. Larosa


081, Robles
Barangay Masalukot 2
Candelaria, Quezon

ika-4 ng Agosto, 2019

Haba ng Panahong gugulin: 2 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Barangay Masalukot 2, ay isang lugar na kung saan nagkakaisa ang bawat mamamayan.
Maayos na naipapatupad ang bawat proyekto lalo na kung ito ay para sa ikabubuti ng lahat.
Ngunit sa pag-unlad nitong aming barangay ay mapapansin na dumadami ang papulasyon ng
mga bata. Isa sa naging suliranin ay ang kalusugan ng mga bata dulot ng kakulangan ng sustansya na
kanilang dapat ay nakukuha. Nagdudulot ito ng pagiging masakitin ng mga ito, na nagiging dahilan
ng kanilang madalas na pagbisita sa barangay health center.
Upang matuunan ng pansin ang suliraning ito, kinakailangan ng barangay na magkaisa upang
maipatayo ang isang gulayan sa bakanteng lupa sa likod ng barangay hall. At sa oras na ito ay
maisakatuparan, napakalaking tulong nito sa nasasakupan ng barangay. Higit pa roon, mababawasan
na rin ang problema ng mga magulang, lalo at higit ang mga magulang na kulang ang kakayahang
mapunan at maibigay ang sapat na sustansiya na kailangan ng kanilang mga anak.

II. Layunin
Ang proyektong makapagpagawa ng gulayan ay makatutulong upang mabawasan at
mawaglit ang kakulangan ng sustansiya at mabawasan ang pagiging sakitin ng mga bata.
Matulungan ang bawat mamamayan ng Barangay para sa maayos na kalusugan ng lahat.

III. Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpapasa, pag-aaproba at paglalabas ng badyet (3 araw)

2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga tindahan bilihan ng mga pananim na binhi ng


iba’t ibang klase ng gulay. (7 araw)

3. Pagpupulong ng konseho ng barangay at mga magulang para sa pagpili ng tindahan


na bibilihan ng mga pananim (1 araw)

 Sa araw din ito ipapahayag kung saang tindahan biili ng binhi at kung sinu-
sino ang mga nais tumulong sa proyekto.
4. Pagsisimula ng paggawa ng halamanan sa pagtutulungan ng mga magulang at mga
kabataan sa pamumuno ng konseho ng barangay Masalukot 2. (1 buwan at kalahati)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng halamanan. (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

1. Halaga ng mga pananim na


binhi na gagamitin sa Php 30,000
halamanan. (Kasama na ang
mga patabang gagamitin)

2. Pagkain ng bawat isa na Php 10, 000


tutulong sa proyekto

3. Gastusin sa pagpapasinaya at Php 20, 000


pagbabasbas nito.

Kabuuang halaga Php 60, 000

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang pagtatanim ng mga gulay sa bakanteng lupa sa likod ng barangay hall ng Masalukot 2
ay napakalaking tulong sa lahat ng nasasakupan nito, lalo’t higit sa mga bata at kabataan upang
sapat ang makuhang sustansiya nila. Maiiwasan na ang magkaroon ng sakit ang bawat isa dahilan
sa pagkakaroon ng sapat na pagkain na makukuha na lamang sa mismong barangay.

ARNEL B. MAGCAWAS
Punong Barangay

You might also like