You are on page 1of 8

DISENYO NG PANUKULANG PROYEKTO

Taong Panuruan 2023-2024

I. MAHALAGANG IMPORMASYON 

A. Pamagat ng Proyekto: Healthy Bites: Pagpapatayo ng Ligtas at Malusog na


Kantinahan sa Paaralan

B. Petsa ng Implementasyon: 2023 HANGGANG 2025

C. Lokasyon: PUROK 8-A, LALISAN STREET, ALABEL, SARANGANI, PROVINCE


(ALABEL NATIONAL HIGH SCHOOL)
D. Mga Punong-Tagapangasiwa:
BALUYOT, ALROSE A.
ESONA, BLESSHYLL FATE A.
MAMING, ELLA LOURIN A.
ZULUETA, KENNETH LLYOD G

E. Katuwang na Ahensiya: LGU – ALABEL

DEPED ALABEL

ABC Construction & Renovation Co.

           ANHS PTA

F. Mapagkukunan ng Pondo: ANHS PTA 

DEPED ALABEL

ALABEL NATIONAL HIGH SCHOOL ADMINISTRATION


II. RASYONAL

Ang pagtatayo ng ligtas at malusog na kantinahan sa paaralan ay isang mahalagang


hakbang sa pagtataguyod ng malusog na pamumuhay sa mga mag-aaral. Ito ay
nagbibigay ng pagkakataon na magkaroon sila ng access sa mga pagkaing mayroong
mataas na nutritional value, na makakatulong sa kanilang pang-araw-araw na mga
pangangailangan sa nutrisyon. May iilang estudyante na ang  nagrereklamo ukol sa
mga pagkain na binebenta sa loob ng paaralan. Bukod sa hindi maganda sa kalusugan,
may estudyante pang nakamatiyag ng parang 

'kiti-kiti' raw sa juice nabili niya sa canteen. Nararapat na masiguro ang kaligtasan at
kalusugan ng bawat mag-aaral sa paaralan kaya't mahalagang maaprubahan ang
panukalang proyektong Pagpapatayo ng Ligtas at Malusog na Kantinahan sa Paaralan.

III. LAYUNIN NG GAWAIN

Ang layunin ng pagpapatayo ng ligtas at malusog na kantinahan sa paaralan ay ang


sumusunod:

a.) Magbigay ng access sa malusog na pagkain.


b.) Magbigay ng mga malusog na pagpipilian.
c.) Edukasyon sa nutrisyon.
d.) Pagpapaunlad ng kahandaan sa pag-aaral.
Pagtulong sa paghubog ng malusog na mga gawi.

IV. PROFAYL NG PARTISIPANT

3,775 na estudyante at 147 na guro sa Alabel National High School (ANHS),  Lalisan
Street Poblacion, Alabel, Sarangani Province sa pamumuno ng Pangulo ng paaralan,
G. Ernesto S. Yuzon at Tagapangulo ng Komite sa Nutrisyon sa Paaralan, Nurse
Estylinda Tudayan.

V. MGA HAKBANG SA PAGSASAKATUPARAN SA PROYEKTO

1. Paunang pagpupulong ng mga pangunahing tagapangasiwa ng proyekto.

2. Pagsangguni sa Principal ng paaralan, G. Ernesto S. Yuzon kaugnay sa

isagagawang proyekto.

3. Paghahanda sa Disenyo ng Panukalang Proyekto (Design of Project Proposal)


4. Paghingi ng permiso para sa pag-aapruba ng proyekto mula sa Deped

Sarangani at Mga lokal na opisyal, mga kinatawan ng barangay o lokal na

pamahalaan.

5. Pinal na pagpupulong ng mga pangunahing tagapangasiwa ng proyekto kalakip

ang mga punong-guro.

6. Pagbuo ng Komite sa proyekto.

7. Diseminasyon ng impormasyon.

8. Pinal na pagpupulong sa lahat ng magiging bahagi ng komite.

9. Pagsasagawa ng proyekto.

10. Pagbibigay-puna (Feedbacking)

11. Paghahanda ng Ulat-Katuparan (Accomplishment Report)

VI. ESTRATEHIYA AT PARAAN NG PAMAMAHALA SA PROYEKTO


1. Ang mga mag-aaral ng Senior High sa Alabel National High School ay
naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga miyembro ng SSG sa kanilang
isasagawang proyekto.

VII. KOMITE NG MGA PROYEKTO


MGA TAGAPANGASIWA
ALROSE A. BALUYOT

BLESSHYLL FATE A. ESONA

ELLA LOURIN A. MAMING


KENNETH LLOYD G. ZULUETA

X. MGA DONASYONG KAKAILANGANIN

Cemento, Bakal, Yero

Inihanda nina:

Alrose A. Baluyot Blesshyll Fate A. Esona

SSG PRESIDENT SSG VICE PRESIDENT

Ella Lourin A. Maming Kenneth Lloyd G. Zulueta

Mag-aaral Mag-aaral

Sinang- ayunan nina:

Estylinda Tudayan Ernesto S. Yuzon

School Nurse Principal 1

Inaprubahan ni :

Ruth L.Estacio

Division Superintendent
12, HUNYO 2023

Division Superintendent

RUTH L. ESTACIO

Kagalang-galang na Ginoo:

Isang pagbati para sa patuloy na kapayapaan at kagalingan ng sanlibutan!

Ang pagpapatayo ng ligtas at malusog na kantinahan sa paaralan ay mayroong malaking halaga at


mahahalagang benepisyo. Ang pagkakaroon ng isang ligtas at malusog na kantinahan sa paaralan ay
nagbibigay ng oportunidad para sa mga mag-aaral na magkaroon ng access sa masustansyang pagkain.
Ito ay mahalaga upang mapalakas ang kanilang kalusugan, pag-unlad, at pag-andar ng kanilang utak sa
mga aralin. Ang maayos na nutrisyon ay may direktang epekto sa pag-iisip, pag-aaral, at pangkalahatang
kahusayan ng mga mag-aaral. Ang isang malusog na kantinahan ay nagbibigay rin ng pagkakataon para
sa edukasyon sa nutrisyon sa mga mag-aaral. Ito ay mahalaga upang mabuo ang kaalaman at
kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa tamang nutrisyon at magkaroon sila ng mga kasanayan na
magiging kapaki-pakinabang sa buong buhay nila.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kantinahan sa paaralan, natitiyak ang kaligtasan ng mga


mag-aaral sa pagkain na kanilang kinokonsumo. Ang pagkakaroon ng malinis at maayos na kapaligiran
sa kantinahan ay nagbabawas ng panganib sa pagkakaroon ng foodborne illnesses o iba pang mga sakit
na maaaring makuha mula sa pagkain. Ang tamang paghawak, pagluluto, at pag-imbak ng mga pagkain
ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Kaugnay po nito ang mga mag-aaral sa Alabel National High School department ay taas pusong
humihiling sa inyong pahintulot na maisagawa ang nasabing proyekto. Ang proyektong ito ay may
pamagat na Healthy Bites: Pagpapatayo ng Ligtas at Malusog na Kantinahan sa Paaralan. Kung
saan ang lahat ng mag-aaral at guro ay makikinabang dito.

Kalakip ng liham na ito ay ang Disenyo ng Panukalang Proyekto kung saan detalyadong iniisa isa ang
mga isasagawang pamamaraan upang matagumpay itong maisakatuparan.

Lubos na gumagalang,
 

ERNESTO S. YUZON

PRESIDENT 1

Inaprubahan ni:

RUTH L. ESTACIO

Division Superintendent

12, HUNYO 2023

PUNONG TAGAPAMAHALA

ANHS PRINCIPAL 1

Kagalang-galang na Ginoo:

Isang pagbati para sa patuloy na kapayapaan at kagalingan ng sanlibutan!

Ang pagpapatayo ng ligtas at malusog na kantinahan sa paaralan ay mayroong malaking halaga at


mahahalagang benepisyo. Ang pagkakaroon ng isang ligtas at malusog na kantinahan sa paaralan
ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga mag-aaral na magkaroon ng access sa masustansyang
pagkain. Ito ay mahalaga upang mapalakas ang kanilang kalusugan, pag-unlad, at pag-andar ng
kanilang utak sa mga aralin. Ang maayos na nutrisyon ay may direktang epekto sa pag-iisip, pag-
aaral, at pangkalahatang kahusayan ng mga mag-aaral. Ang isang malusog na kantinahan ay
nagbibigay rin ng pagkakataon para sa edukasyon sa nutrisyon sa mga mag-aaral. Ito ay mahalaga
upang mabuo ang kaalaman at kamalayan ng mga mag-aaral tungkol sa tamang nutrisyon at
magkaroon sila ng mga kasanayan na magiging kapaki-pakinabang sa buong buhay nila.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ligtas na kantinahan sa paaralan, natitiyak ang kaligtasan ng


mga mag-aaral sa pagkain na kanilang kinokonsumo. Ang pagkakaroon ng malinis at maayos na
kapaligiran sa kantinahan ay nagbabawas ng panganib sa pagkakaroon ng foodborne illnesses o iba
pang mga sakit na maaaring makuha mula sa pagkain. Ang tamang paghawak, pagluluto, at pag-
imbak ng mga pagkain ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Kaugnay po nito ang mga mag-aaral sa Alabel National High School department ay taas pusong
humihiling sa inyong pahintulot na maisagawa ang nasabing proyekto. Ang proyektong ito ay may
pamagat na Healthy Bites: Pagpapatayo ng Ligtas at Malusog na Kantinahan sa Paaralan.
Kung saan ang lahat ng mag-aaral at guro ay makikinabang dito.

Kalakip ng liham na ito ay ang Disenyo ng Panukalang Proyekto kung saan detalyadong iniisa isa
ang mga isasagawang pamamaraan upang matagumpay itong maisakatuparan.

Lubos na gumagalang,

ALROSE A. BALUYOT

SSG PRESIDENT

Noted:

ERNESTO S. YUZON

PRINCIPAL 1

You might also like