You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng MIMAROPA
Dibisyon Oriental Mindoro

PAARALANG ELEMENTARYA NG PAKYAS


Pakyas, Victoria, Oriental Mindoro

ISANG PAGSASALAYSAY NG KAGANAPAN SA


PAGDIRIWANG NG BUWAN NG NUTRISYON 2018
July 23-26, 2018
Alinsunod sa Nutrition Act of the Philippines, na
pinirmahan noong Hunyo 25, 1974, inilunsad ng National
Nutrition Council ang pagkakaroon ng selebrasyon ng nutrisyon
taon-taon na naghahatid ng iba’t ibang mensahe sa
mga tao.
Ang tema sa taong ito ay "Ugaliing magtanim,
Sapat na nutrisyon aanihin!"
an temang ito ay nakatuon sa pagkakaroon ng
pagkukunan ng masustansyang pagkain mula sa
sariling bakuran. Kung kaya’t ang paaralang
Elementarya ng Pakyas ay nakibahagi sa pagdiriwang
nito na ginanap noong ika -23-26 ng Hulyo.
Iba’t ibang aktibidades ang isinagawa sa loob
ng isang linggong ito. Simula Hunyo pa lang ay
nakiisa ang paaralan sa pagpapaganda at pagsasaayos
ng mga gulayan sa buong kapaligiran ng paaralan.
Nakilahok din sa patimpalak ng munisipyo ang
paaralan at ito ay nagkamit ng ikatlong puwesto.
Kabilang din sa aktibidad ang
paggawa ng poster, pagsulat ng sanaysay
at paggawa ng slogan.
Naging kabahagi din ng
pagdiriwang ang mga magulang sa
ginanap na Cook Fest. Nakiisa rin sila sa
sama-samang salu-salo ng bawat baitang
sa kanikanilang silid aralan.
Nagkaroon din ng exhibit ng mga
prutas at gulay.
Isa sa pinakatampok sa pagdiriwang
ay ang paghirang sa A1 Child na nagmula
sa Kindergarten at Grade 1. Nagwagi sa
patimpalak na ito ang mga mag-aaral na
sina Shane Gardoce at Codey Nathaniel
Sales.
Nagkaroon ng maikling programa sa
pagsasabit ng mga laso ng karangalan sa mga nagwagi.

Inihanda ni

LOVELY ANN H. AZANZA


Teacher III

You might also like