You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE

EPP / Agrikultura 5
Ikatlong Markahan
Ikawalong Linggo

Pangalan: __________________ Petsa: ____________


Baitang: Ikalima (V)___________ Marka:____________

GAWAING PAGKATUTO BILANG 8


Pagtutuos ng Puhunan, Gastos at Kita

I. Panimulang Konsepto
Mahalaga ang pagtatala at pagtutuos ng mga ginastos, pinuhunan, at
kinita sa mga napagbentahang hayop/isda. Sa ganitong paraan, malalaman kung
may kinita.
Upang masigurado na ikaw ay mayroon tutubuin sa
paghahayupan/isdaan, dapat may kakayahan kang alamin ang mga paraan sa
pagtutuos ng mga naging puhunan mo, gastos sa kabuuang operasyon at ang
pinakamahalaga sa lahat ay ang kikitain mo.
Sa pagtutuos ng puhunan at gastos, isinaalang-alang ang pinagkagastusan,
ang napagbilhan at ang naipagbili.
Halimbawa:
PINAGKAGASTUSAN
Halaga ng paggawa ng palaisdaan - ₱3,500
Halaga ng panustos - ₱2,000
Halaga ng semilya - ₱1,500
Halaga ng serbisyo o labor - ₱1,000
KABUUANG GASTOS - ₱8,000
50 kilos na isda at maipagbibili ng ₱200 kada kilo

Kabuuang Benta : ₱10,000


Puhunan : - ₱8,000
Kita : ₱ 2,000
Pormula:
Kabuuang Benta – Puhunan = Kita
Sa kabuuan, hindi mahirap ang magnegosyo ng paghahayupan/isdaan, dahil
sigurado ang iyong kikitain kung alam mo ang paraan ng pagpapatakbo nito at
paghawak ng mga gastusin hanggang sa ito ay makarating sa pamilihan at
makwenta ang kabuuang kita o tubo.
Mahalagang maging maingat lamang sa paghawak ng pinansyal na aspeto
dahil pwede itong maging sanhi sa pagbagsak ng iyong paghahayupan/isdaan.
Isaalang-alang ang regular na pagtingin sa mga gastusin at sundin ang tamang araw
ng pagsasapamilihan nito upang hindi lumaki ang gastos at maiwasang masayang
ang puhunan.
Puhunan – ay ang perang naipon o nakamit para gamiting pag-uumpisa sa
isang negosyo para lalo pa itong dumami o lumago.
Gastos – ay perang ginugol o ginamit para sa pagpapatuloy ng operasyon ng
negosyo.
Kita – perang binawas ng puhunan sa kabuuang halaga ng pagbebenta ng
mga produkto.
Wastong Pagkukuwenta ng Pinagbilhan
Narito naman ang isang halimbawa kung paano ginagawa ang
pagtutuos ng halaga ng pinagbilhan ng isda.
Halimbawa:
1 kilong Tilapya ₱60.00
Plastik ₱5.00
Kabuuang Puhunan ₱65.00

Patong na bahagdan (15%) (₱65.00 x 0 .15)= 9.75


₱65.00
+ ₱ 9.75
Halaga ng Pagbebenta ₱74.75

Halimbawa ng Pagtutuos
Kung 12 kilo ang ipinagbiling tilapya, kuwentahin ang kabuuang
ginastos at pinagbilhan sa dami ng naipagbili.
Halimbawa:
₱74.75 Halaga ng pagbebenta
x 12 Dami ng kilong ibebentang isda.
₱897.00 Kabuuang pinagbentahan

₱65.00 Puhunan
x 12 Dami ng kilong ibebentang isda.
₱780.00 Kapital

₱897.00 Kabuuang pinagbentahan


- ₱780.00 Kapital
₱117.00 Tinubo

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs


1.2 natutuos ang puhunan, gastos, at kita (EPP5AG-0j-18)

III. Mga Gawain

Pagsasanay Bilang 1
Panuto: Buuin ang tsart. Punan ng tamang sagot ang mga patlang sa loob
nito.
Isda Halaga ng Halaga ng Halaga ng Patong na Halaga ng
Bawat Kilo Plastik Puhunan Bahagdan Pagbebenta
Tilapya ₱70.00 ₱2.00 0.15
Bangus ₱80.00 ₱2.00 0.25
Karpa ₱60.00 ₱2.00 0.10
Hito ₱50.00 ₱2.00 0.12
Sapsap ₱40.00 ₱2.00 0.14
Pagsasanay Bilang 2
Panuto: Buuin ang tsart. Punan ng tamang sagot ang mga patlang sa loob
nito.

Uri ng Napagbili Halaga ng Puhunan


Bilang Halaga ng Kita
Isda/Hayop Naipagbili
Manok 20 ₱180 ₱140 (Plastik)
Bangus 18 ₱100 ₱90 (Plastik)
Itik 16 ₱150 ₱100 (Plastik)
Karpa 15 ₱90 ₱80 (Plastik)
Pato 14 ₱140 ₱70 (Plastik)
Kabuuan
Kita (Halaga ng Naipagbili – Puhunan)

IV. Rubrik sa Pagpupuntos (kung kinakailangan)

V. Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay Bilang 1
Isda Halaga ng Halaga ng Halaga ng Patong na Halaga ng
Bawat Kilo Plastik Puhunan Bahagdan Pagbebenta
Tilapya ₱70.00 ₱2.00 ₱72.00 0.15 ₱82.80
Bangus ₱80.00 ₱2.00 ₱82.00 0.25 ₱102.50
Pagsasanay Bilang 2
Uri ng Napagbili Halaga ng Puhunan
Bilang Halaga ng Kita
Isda/Hayop Naipagbili
Manok 20 ₱180 ₱3 600 ₱140 (Plastik)
Bangus 18 ₱100 ₱1 800 ₱90 (Plastik)
Itik 16 ₱150 ₱2 400 ₱100 (Plastik)
Karpa 15 ₱90 ₱1 350 ₱80 (Plastik)
Pato 14 ₱140 ₱1 960 ₱70 (Plastik)
Kabuuan ₱11 110 ₱480
Kita (Halaga ng Naipagbili – Puhunan) ₱10 630

VI. Sanggunian

Aklat
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran EPP 5 pp 90,97-98.
Akda: Gloria A. Peralta, EdD, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan,
Yolanda L. Quiambao, Jeffrey D. de Guzman at Elaine Q. Borazon,
PhD(Patnugot).

Curriculum Guide in Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5,


EPP5AG-0j-18
Inihanda ni:

CHARLOU T. AVENIR
Guro III
MES – Hilagang Pampurok ng Palanas

Sinuri nina:

ARLENE B. ADINA MARYJANE A. ODTOHAN


Punongguro I Punongguro I/Training Manager

Pinagtibay ni:

GREGORIO D. RADAN, PhD.


Tagamasid Pampurok

You might also like