You are on page 1of 2

“ Gulayan sa Paaralan Program, Benepisyo sa bawat Mag- aaral, sa bawat Pamlilya at sa Komunidad”

Ang mataas na paaralan ng Nursery ay aktibong tagapagpatupad ng programang ito na may layuning
malutas ang gutom at malnutrisyon ng bawat mag-aaral.

Kailangang maipalaganap ang siguridad sa pagkain sa loob at labas ng paaralan upang matamo ang
malusog na pangangatawan.

Ang Gulayan sa Paaralan ay nag sisilbing gabay na Gawain sa mga bata upang tularan at bigyang
pagpapahalaga ang Agrikutura bilang tugon sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.

Napagkaisahan ng mga mga mag-aaral, at guro na gawing “Containerized Garden” ang gulayan dahil sa
kakulangan ng lugar sa loob ng paaralan.

Upang matamo ang adhikaing ito, ang Nursery High School ay masusing nag-isip ng angkop na proseso
upang masiguro ang tamang paraan ng pagtanim, pag-aalaga at disposisyon ng mga naaning gulay.

1. Una ditto ay ang CONTAINER PREPARATION.


Sa tulong ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang, nakalikom ng mga plastic bottles at
containers na iba iba ang laki upang gawing sisidlan.
2. Ang SOIL MEDIA ay ang pangangalap ng matatabang lupa na pagtatamnan. Nagpunta pa sa
_________ ang mga guro ng NHS upang personal na mainspeksyon ang lupang gagamitin.
3. Ang MAGTANIM ay di biro kaya’t seryoso ang mga mag-aaral at mga guro sa gawaing ito.
4. Ang PAGDIDILIG ay hindi isang “one time big time” na gawain kundi isang araw araw na
tungkulin.
5. PATABA sa lupa upang masiguro na ang halamang pinunla ay tumubo ng mataba.
6. Ang APLIKASYON ng PATABA ay importanteng aspeto sa paglaki ng mga gulay.
7. Kung ano ang itinanim sya ang aanihin. Maayos na simula, magtatapos na pinagpala. Tumubo
ang pananim kaya may aanihin.
8. Ang ani ng bawat pangkat… sa kanilang pangangailangan ay sapat.
9. Sa paligsahan ating malalaman, ang katas ng pagsusumikap.

Sa NURSERY HIGH SCHOOL, KAYO AY NAKAKASIGURO. SA LAHAT NG PROGRAMA KAMI AY AKTIBO.

NURSERY HIGH SCHOOL CARES, NURTURES AND SERVES WITH COMPASSION.

You might also like