You are on page 1of 1

ASITABA

Sa panulat ni R.D. Pepito at T.M.I Rivera

Halamang ligaw mula sa dayuhang bansa.


Daig pa ang malunggay sa bisa.
Bitamina, mineral at marami pang iba.
Pait nito hatid ay ginhawa.

Pampawi ng sakit ng tiyan, pampataas ng enerhiya.


Pumapatay sa cancer at iba pa.
Itanim sa bakuran at ilaga,
Upang lakas ng katawan ay makamit at guminhawa.

Sa phytochemicals at anti cancer properties ay mayaman


Sa dami ng bitaminang hatid “wonder plant” bansag na ngalan
Gawing tsaa at inumin araw-araw upang cancer ay malunasan
Alernatibong gamot na makakapagpalakas ng pangangatawan

Hirap sa pag-ihi, mabisang panlunas ay ugat na pinaglagaan


Hirap sa pagdumi, kasagutan at matutulungan din nitong halaman
Pampagana naman sa pagkai’y, pagnguya sa dahon tuwina
Nakapagpapalakas ng produksyon ng gatas ng nagpapasusong ina

Mula sa: Halamang Gamot: Asitabakaalaman Tungkol Sa Asitaba Bilang Halamang Gamot
Noong Abril 7, 2018 sa https://www.facebook.com/NEGRA198727/posts/halamang-gamot-asitabakaalaman-tungkol-
sa-asitaba-bilang-halamang-gamotscientifi/167554250496814/

WIKA NG BAYAN,
“KALUSUGAN, ISANG
YAMAN”

@juanlayagparasabayan2022 Wika ng agrikultura at kalusugan

You might also like