Professional Documents
Culture Documents
Ang mamin o mas kilala bilang betel pepper, buyo sa Bicolano, bugsik buyo-buyo at kanisi sa
Bisaya, gamed sa Ilocano at namat sa Maranao ay isang maliit na halaman na gumagapang. Ang dahon
nito ay matagal ng ginagamit bilang gamot na karaniwang nginunguya bilang nganga o moma kasamang
iba pang mga sangkap.
Pinatunayan din ng mag-asawang Kon. Berting Hernandez at Lita Hernandez ang himalang dala
na ipinagkaloob sa kanilang nasabing halaman.
“Matagal nang gumagamit niyan ang aking asawa. Itinapal niya noon ang mamin sa kaniyang
tiyan at ng maalis ang kabag”, ani ni Gng. Hernandez.
Ayon sa ginawang pag-aaral ni Dr. Luther sa mamin ay maraming sakit ang nagagamot nito sa
pamamagitan ng:
Prostate cancer – iblena or dikdikan ang dahon. Umiinom ng ¼ baso tatlong beses sa isang araw.
Lymphom cancer – iblend at uminom 3 beses sa isang araw at dapat umabot ng 20 araw
Cholesterol – Isang basong tinadtad na dahon. Pakuluan sa dalwang baso na tubig sa loob ng 3-5 minuto.
Oral Cancer – i-blend or dikdikin ang dahon at uminom ¼ glass tatlong beses sa isang araw.
Lung cancer – i-blend ang dahon. Uminom ng dalawang beses ½ baso kada araw
Leukemia – ilagay sa blender ang dahon. Dagdagan ng ½ basong tubig. Salain, pigain at uminom kada 6
na araw
Peptic ulcer – iblend ang dahon, pigain at isnag patak sa umaga’t hapon (2 beses sa isang araw)
Bronchitis – dikdikin ang dahon at uminom 3 kutsara nito kada inom sa tatlong beses kada araw.
Sakit sa tenga – dikdikin ang dahon. Patakan ang tenga sa umag’t hapon
Liverpolyps – iblend ang dahon at pigain uminom ng ½ tasa tatlong beses sa isang araw.