You are on page 1of 4

Deskripsyon ng Halaman: Ang lagundi ang nabibilang sa pamilya ng mga Verbenaceae.

Ang lagundi ay isang shedding shrub o isang maliit na punong kahoy na umaabot hanggang 8 metro ang taas o haba nito. Ang bark nito ay magaspang at ang kulay nito ay pula at kung minsan naman ay kake. Ang dahon nito ay ay 3-5 mm ang haba. Ang lagundi ay karaniwang makikita sa mga gilid ng mga matubig na lugar at sa mga gubat. At ang lagundi ay isang halamang gamot na karaniwang nakikita sa Pilipinas,Eastern Africa, Madagascar hanggang Iran, Afghanistan, Pakistan, India, Sri Lanka, Burma ( Myanmar), Indo-China, China, Japan, Taiwan, Thailand, Malesian region, Palau Islands, at marami pang iba. Phytochemical Content ng Lagundi Terpenoids minsan tinatawag na isoprenoids may kalakihan, at diverse class ng natural occuring- nangyayari sa mga organikong kemikal parang terpenses, galing sa limang karbon isoprence unit assembled at modified sa libo-libong paraan. Glyconidic IridoidsAlkaloid-ang alkanoid ay may natural na content compound galing sa pinakamalaking variety of organism, kasama doon ang fubgi, tanim, hayop, at bakterya. Ang Gamit at Lunas ng Lagundi/ Ang parte ng lagundi na maaring gamitin panglunas Ugat ng Dahon- ito ang parte ng lagundi na maaring panlunas sa sakit sa katawan, expectorant, at duretic. Sup galing sa dinikdik na Dahon - ito ang parte ng lagundi na maaring panlunas sa sakit sa lalamunan at para rin sa ubo. Leaf Decocton- ito naman ay para sa sugat, ulcers, para sa mga ina na mahina ang daloy ng gatas at para sa regla, gastric colic at against flatulence. Buto- Ito ay niluluto at kinakain upang maiwasan ang pagkalat ng lason sa katawan ng isang tao, lalo na sa mga kagat ng mga hayop na may lason. Bulaklak- ito naman ay para sa pagtata, cholera at sakit sa atay.

Ampalaya

Ito ay mabuti para sa mga taong may diabetes. Malaki ang maitutulong ng paglaga sa dahon nito at pag-inom ng isa hanggang tatlong beses maghapon. Kailangang inumin ito kalahating oras bago kumain. Mainam din ito para sa mga babaing kapanganganak lamang. Ito ay nakapagpapalakas sa kanila. Samantala, isang kutsarita naman ng pinaglagaan ay mainam para sa mga sanggol para hindi sila maging sakitin.

Sampa-sampalukan
Ito ay pangkaraniwang klase ng damo. Ang pinaglagaan nito ay gamot sa mga hirap sa kanilang pag-ihi. Kailangan lamang pitpitin ang dahon at mabuti na itong pantapal sa mga maga sa katawan.

Katanda
Ang katas nito ay mabisa sa eksema, buni at lahat ng klase ng kagat ng mga insekto. Samantala, ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak nito ay mabuting pang-alis din ng plema.

Talampunay

Mabisa ang tuyong dahon nito sa pagpapabuti ng mga may sakit na asthma. Mabuti din ito para sa mga maga sa katawan. Kailangang dikdikin lamang ang sariwang dahon nito. Kung pakukuluan ang dahon, mabuti ito para sa mga sakit sa tainga.

Malatabako
Nakabubuti ito para sa mas malimit na pagdumi at sa paglinis ng dinadaanan ng ihi.

Soro-soro
Magandang lunas ito para sa mga may luga sa tainga. Hugasan ang murang dahon, patuyuin, basain ng langis, painitan sa apoy, dikdikin hanggang malanta, katasin at patuluin sa tainga.

Ojas de lantin
Mabisang gamot ito sa sakit ng ngipin.

Malbas
Ito ay ginagamit sa paglalabatiba.

Gumamela

Gamot ang bulaklak nito sa may mga pigsa. Kailangang dikdikin ang buko ng bulaklak at samahan ng konting asin at saka itapal sa pigsa. Ang katas nito ay mabuti rin gawing gugo.

Sitsirika

Mabisa ito bilang natural na gamot sa diabetes. Ang pinaglagaan nito ay gamot din sa sakit sa ngipin, at ganoon din sa kanser.

Caimito

Gamot din ito sa diabetes. Nakapagpapaalis din ito ng mga bulate. Nakabubuti ang pinaglagaan nito sa tiyan at baga. Ang katas nito ay mabuti rin sa paghilom ng sugat.

You might also like