You are on page 1of 1

BENEPISYO NG PANSIT PANSITAN

😁✔☘😁😁Ang pansit-pansitan o Peperomia pellucian ay matatagpuan natin sa ating paligid


at kung titingnan natin,ito ay karaniwang damo lamang subalit ang hindi natin alam ay may
benipisyo rin ito para sa ating kalusugan kaya kapag nakakita kayo ng ganito sa inyong
bakuran ay huwag balewalain at huwag patayin dahil nakakatulong din ito sa ating
kalusugan.
☘Ang mga sakit na pwedeng gamutin nito ay ang pananakit ng lalamunan, ulo at katawan.
Pampawala rin ito ng taghiyawat at lagnat. Gamot din prostate problems,pagtatae,eye
inflammation,skin inflammations. Kayang-kaya rin nitong gamutin ang paso sa balat.
☘Ang pansit-pansitan ay tradisyonal na ginagamit para sa lagnat,ubo sipon,pananakit sa ulo
at arthritis.Ang pansit-pansitan ay isang anti-inflammatory o pampatanggal sa kung ano
mang sakit at ang herbal medecine na ito ay pwedeng maihambing sa mga standard na
aspirin dahil may anti-pynetic ito.
☘Ayon sa mga dalubhasa ang pansit-pansitan ay may inhibitory actions na pumipigil sa mga
cancer cells, ang ibig sabihin ay pwede itong anti-cancer supplement.Ang extract nito ay
nagbibigay ng anti-bacterial activity at ang regular na pag-inom o pagkain ng pansit-pansitan
ay kinu-control uric acid natin at pwede itong gawing alternative sa gamot na allopurinol
para ma-control ang ating uric acid levels sa ating dugo at pwede rin itong inumin sa mga
taong may mental dissorders o depresyon.
☘Ano ang gagawin natin sa pansit-pansitan? Pwede natin itong kainin ng hilaw pagkatapos
nitong mahugasan tapos pwede din itong ihalo sa mga niluluto nating gulay at karne.Pwede
din itong gawing tsaa,kumuha lang ng katamtamang dami ng pansit-pansitan at putul-putulin
ang dahon at ang katawan nito,ihalo sa apat na tasang tubig sa isang tasang pansit-pansitan,
pakuluan ng sampu hanggang labinlimang minuto at huwag itong takpan,pagkatapos ito
pakuluan i-strain ito at uminom ng pansit-pansitan tea ng kalahating tasa at tatlong beses
araw-araw.

You might also like