You are on page 1of 4

Ligaw na Gamot-BRIX

Sa mahal ng gamot at pagpapa-opera sa panahon ngayon, hindi maipagkakailang marami


ng Pilipino ang nagkakasakit at may malubhang karamdaman, na patuloy na naghahanap at
nagbabakasali sa mga alternatibong gamot na maaaring makapag-pagaling.
Eleusine indica o mas kilala bilang Paragis. Ano nga bang misteryo ang bumabalot dito?
Ito ay isang uri ng damo na karaniwang tumutubo sa mga bakanteng lote o maaari din makita sa
mga kalsada. Ang mga dahon nito ay karaniwang pahaba at patulis. Tumutubo sa mga tuktok
nito ang mga spekilets na siyang kahalintulad sa mga bulaklak na nakapagbibigay ng buto sa
isang halaman.
Maraming benepisyo ang naibibigay ng iba't-ibang bahagi ng Paragis na makukuhanan
ng ilang kemikal at sustansya. May taglay itong chlorine, silicon monoxide at calcium oxide.
Mayroon ding protein ang pinatuyong halaman.
Kung dati, ay nadaraanan lang natin ito at hindi napapansin. Kadalasan pa nga ay
pinaglalaruan lang ng mga bata. Sa tinagal-tagal na nating nakikita ang halamang gamot na ito,
ay hindi kailan natin napansin ang kakaibang tulong na hatid sa ating mga tao. Pero ngayon
maraming Pilipino na ang nagkaka-interes dito. Maraming nagsasabi na malaki ang tulong nito
sa may mga sakit na gumaling dahil sa paggamit nito.
Maaaring gamitin sa panggagamot ang buong halaman ng Paragis. Mula sa dahon ay
karaniwang nilalaga upang mainom at makagamot, maaari din itong dikdikin at ilagay sa ilang
kondisyon, sa tangkay ay karaniwang isinasama sa dahon kapag dinidikdik o nilalaga at ang ugat
ng halaman ay iniinom ang pinaglagaan upang makagamot.
Maraming sakit ang maaaring malunasan nito. Ilan dito ang lagnat na maaaring m
apababa sa pinaglagaang ugat na ininom. Ang hirap sa pag-ihi ay malulunasan kapag uminom ng
pinaglagaang dahon nito. Ang pilay sa kahit anong bahagi ng katawan ay maaari nang gumaling
sa pamamagitan ng dinikdik na dahon at paglalagay sa apektadong bahagi ng katawan. Ang
bulate sa sikmura ay maaaring inuman ng pinaglagaang dahon at tangkay na mabisang
pampurga. Ilan lang ‘yan sa mga sakit na maaaring malunasan ng damong ito.
Halamang gamot na nakapagpapagaling ng mga sakit, subalit ang iba sa mga ito ay wala
pang kasiguraduhan na tunay ngang nakapaglulunas ng mga karamdaman. Maaaring umepekto
sa iba at ang iba naman ay patuloy lang na umaasa. Mas mabuting kumosulta sa mga doktor at
huwag magbaka-sakali. Mahirap na at baka madoktor kwak-kwak ka.

You might also like