You are on page 1of 8

Kabatana I

Panimula
Noon pa man, ang paggamit ng mga halamang gamot bilang panlunas
sa iba’t ibang karamdaman ay hindi na lingid sa kaalaman ng tao. Ang
mga katutubo ay may angking kaalaman sa paggamit ng mga halamang
ito. Sa katunayan, hanggang ngayon ang mga halamang ito ay patuloy
pa ring ginagamit sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon, napakarami
ng naitalang mga halamang gamot na sinuri at napag-aralan na ng mga
eksperto at napatunayang nakatutulong sa pagpapagaling ng mga
karamdaman at nakapaggagamot ng mga sakit. Ilan lamang sa mga
pinakapopular na halimbawa ng mga ito ay ang ampalaya, bawang,
luya, oregano, kalamansi, sabila at marami pang iba.
Ang ating kaalaman sa mga ito ay limitado lamang, kaya’t minsan, hindi
natin nawawari na may mga halaman din pala na mabisang panlunas na
hindi pa natin alam. Isa na nga rito ang anise. Kalimitan, kapag
nabanggit ang salitang anise, ang unang sumasagi sa ating isipan ay
pagkain, dahil ang anise ay mas kilala bilang pampalasa sa mga lutuin.
Ang anise ay isa ring halamang gamot. Ngunit malungkot isipin na
kaunti lamang ang may alam sa medisinal na halaga nito.

Paglalahad ng Suliranin
Hinahangad ng mga mag-aaral na masuri ang epektibo ng anise bilang
isang halamang gamot.
Ang mga sumusunod na katanungan ay inaasahang mabibigyan ng
kasagutan sa pag-aaral na ito:
1. Gaano ba ka-epektibo ang anise bilang isang halamang gamot?
2. Ilang porsyento ng ating mga kababayan ang nakakaalam na ang
anise ay hindi lamang pampalasa kung hindi isa ring halamang
medisinal?
3. Anong bahagi ng halamang anise ang ginagamit sa medisina?

Haypotesis
Sa pag-aaral na ito, sinikap bigyan ng kasagutan ng mga mananaliksik
ang mga suliranin na kanilang nakaharap bago isinagawa ang pag-aaral.
Ang pag-uugnay-ugnay ng mga datos ay mahalaga sa paglutas nito.
Sinikap din ng mga mananaliksik na magtalaga ng angkop ng
pamantayan ng pag-aaral upang maging epektibo at progresibo ang
pag-aaral. Kabilang na dito ang pagbasa ng mga libro, jornal, artikulo at
iba pa, at ang pagsagawa ng sarbeyhinggil sa paksang tinalakay.
Kahalagahan ng Pagaaral
Mahalaga ang pag-aaral at pananaliksik ng mga halamang gamot,
partikular na sa mga natatanging gamit ng mga ito at ang mga
importansya nito sa katawan ng tao. Ang pananaliksik tungkol sa mga
halamang gamot ay magiging sagot sa mga katanungan na patuloy
hinahanapan ng kasagutan sa kasalukuyang panahon. Ang mga natural
at ligtas na posibleng lunas sa iba’t ibang mga kasakitan ay maaaring
malaman sa tulong ng pananaliksik at sa pag-aaral ng mga halamang
gamot.

Saklaw at Delimitasyon
Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa kilalang pampalasang
halaman na anise. Layunin nito na malaman kung gaano ka-epektibo
ang anise bilang isang halamang gamot. Gumamit ang mananaliksik ng
isang talatanungan upang malaman ang porsyento ng nakakaalam na
pwede itong maging halamang gamot at kung gaano ito kapopular
bilang halamang gamot. Tatlumpong katao na may edad labing lima
pataas ang sumagot ng talatanungan. Umabot ng limang araw ang
pangongolekta ng datos.
Kabanata II
Foreign Literature
Ayon kay Kate (2002), ito ay maaring nagmula sa Asia ngunit kumalat sa
Europa, Hilagang Africa at Hilagang America. Kadalasan na ginagamit
ang Anise bilang pampalasa ng mga taga-Ehipto at Romano.
Ayon kay Gerhman (2005), sa kasaysayan, ang anise ay ginagamit bilang
pampalasa at pampabango. Ito ay unang nilinang sa Ehipto may 400 na
taon na ang nakakaraan. Sa talaan noong mga unang panahon, ang
anise ay may diuretikong gamit, gayun din sa mga digestive problems.
Napag-alaman din na ito ay ginagamit din dati bilang panggamot sa mga
sakit sa ngipin.
Ang mga Griyego naman noong unang mga kapanahunan ay ginagamit
ito bilang kasangga sa paghinga, sa pag-ihi, sa pagpawi ng uhaw, at
paggamot sa kanilang mga kasukasuhan.
Ang Papyrus Ebers, na sinasabing isa sa mga pinaka-komprehensibong
talaan ng mga gamot sa larangan ng parmasya, ay may nabanggit din
tungkol sa anise at itinala ito bilang isang pampalasa.
Ayon naman kay Parziale (2000), ilang mga kilalang pilosopo din ang
nagpatunay sa mabisang gamit ng anise.
Sa paniniwala ni Pythagoras, sa pamamagitan lamang ng paghawak ng
halamang anise ay maiiwasan ang epileptic seizures ng isang taong may
epilepsy.
Inirekomenda naman ito ni Hippocrates sa paggamot sa ubo. At ayon
naman kay Pliny, ang anise ay mabisa sa pagpapabango ng hininga, sa
pagpapanatili ng kabataan at kagandahan ng isang indibidwal, at
pangkontra sa mga bangungot kung ilalagay sa unan kapag matutulog
na.

Local Literature
Gaya nga ng nabanggit, ang anise ay isang pampalasang medisinal. Ang
bunga o buto nito ay ginagamit bilang gamot. Ito ay ginagamit bilang
carminative, antispasmodic, tonic, at anticolic.
Ayon din sa ibang mga herbolario, ang anise ay mabisa din bilang gamot
sa ubo (Mitchell, 2003).
Sa pananaw naman ni Li (2002), ang Anise ay ginagawang gelatin, candy
at freshener.
Ginagamit rin ang anise sa paggawa ng alak dahil sa kakaibang lasang
hated nito. Pinatunayan rin na ang Anise ay pampalasa sa iba’t ibang
pagkain.
Maramimang benepisyo sa sang katauhan, ang anise ay maaring
maging mapanganib din.
Ang anise ay maaring mag dulot ng allergic reaction sa balat ng tao, at
sa respiratory at gastrointestinal tract. Ang langis nito, kapag nainom ng
tao, ay maaaring mag resulta sa pulmonary edema, pagsusuka, at mga
seizures.
Kabanata III
Pamamaraang Gagamitin

Populasyon

Instrumento

Paraan ng Pangangalap ng Datos


Uri ng Gagamiting Estadistika

Kabanata V
REKOMENDASYON

KONGKLUSYON

KAHALAGAHAN NG
PAG-AARAL

You might also like