You are on page 1of 7

Immune Booster; Homemade Ginger Tea

Mabisang Panlunas Sa Suliraning


Pangkalusugan

GROUP 5
LARAQUEL,DANIELLE
JAVENA,ANGELICA
BAUTISTA,ARJAY
TANIO,JERAN
CANTOS,JAY
MANALO,ROVIC

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran nito

Panimula.

Sa mga nakalipas na ilang taon,tumaas ng husto ang bilang nga mga taong gumagamit ng mga
natural at mga alternatibong mga gamot.Parami nang parami ang mga gumagawa at gumagamit ng mga
alternatibong gamot at mga herbal na panlunas sa pagpapalagay na ang mga sangkap na ito ay mayroon
at nagbibigay ito ng mga kapaki-pakinabang na epekto at tulong sa mga suliraning pangkalusugang
nararanasan.

Ang luya (Zingiber officinale Rosc.) ay isa sa mga ito.Ito ay kabilang sa pamilyang Zingiberaceae.
Bukod dito,pinaka karaniwang ginagamit ito ng mga tao ma pa sa pagluluto man at bilang gamot mula
pa noong unang panahon dahil sa di makapatwarang magagandang dulot at benepisyo nito sa
pangkabuoang kalusugan ng mga tao. Ang Gingerol ay ang pangunahing bioactive compound sa luya.
Ang Gingerol ay may malakas na anti-inflammatory at antioxidant effect, ayon sa ibang mga
mananaliksik.Sa kasalukuyan,patuloy itong nananatiling isang sikat na panglunas o remedyo para sa
mga isyung pangkalusugan,katulad na lamang ng pagduduwal, pananakit ng tiyan,pananakit ng
katawan,ubo at marami pang iba.

Ang pangunahing layunin ng papel na ito ay maipakita ang mga resulta ng isang pag-aaral na
idinisenyo upang matugunan na ang pag-inom ng homemade ginger tea ay mabisang panlunas para sa
ibat-ibang mga suliraning pangkalusugan at isang inuming immune booster.

Kaligirang Pangkasaysayan.

Sa panahong ngayon,patuloy paring lumalaganap ang mga paggamit at paggawa ng mga

alternatibong medikasyon o mga herbal na remedyo.


Ang luya ay isa sa mga sikat na panglunas at ito ay nanggaling pa at isang miyembro ng pamilya ng

halaman na kinabibilangan ng cardamom at turmeric. Ito rin ay may mahabang kasaysayan bilang isang

tradisyunal na halamang gamot sa Silangang Asya, Timog Asya, Timog-silangang Asya at Kanlurang

Asya.

Katulad na lamang ng pag-inom ng ginger tea,ito ay gawa at mula pa sa rhizome (tinatawag o kilala

bilang ginger root).Ang luya ay ginagamit para sa mga karamdaman, tulad ng sipon, pagduduwal,

arthritis, migraine, at hypertension. Ito ay madali at mabilis lamang gawin,maging sa maraming sustanya

at benepisyo ang makukuha,kaya’t maraming tao ang gumagit at gumagawa nito

Paradima ng Pag-aaral.

INPUT PROCESS OUTPUT

*PANGANGALAP NG Immune Booster;


DATOS SA
PAMAMAGITAN NG Homemade Ginger
GINGER TEA MGA Tea Mabisang
TALATANUNGAN SA Panlunas Sa
SARBEY
Suliraning
Pangkalusugan
*ISTATISTIKAL NA
PAGSUSURI

Balangkas

Ang balangkas ay nagpapakita ng INPUT,PROCESS at OUTPUT na modelo ng pananaliksik.Ang


input ay naglalaman ng Ginger Tea.Ang process ay naglalaman ng inaasahang magiging kinalabasan ng
pag-aaral ng mga mananaliksik.Ang ouput naman ay naglalaman ng naging kinalabasan ng pag-aaral ng
mga mananaliksik.
Paglalahad ng suliranin
Nilalayon ng pananaliksik na ito ang “Immune Booster; Homemade Ginger Tea Mabisang Panlunas
Sa Suliraning Pangkalusugan”
Ang pag-aaral na ito ay sasagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Ano-ano ang demograpik propayl ng mga piling mag-aaral sa larangan ng:
1.1 Edad
1.2 Kasarian
2. Ano-ano ang mga karaniwang sulirang pangkalusugan na nararanasan ng mga kabataan?
3. Ano-ano ang kapakinabangang dulot ng pag-inom ng ginger tea sa tuwing nakakaranas ng suliraning
pangkalusugan?
Kahalagahan ng pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang makinabang ang mga sumusunod:

Mga estudyante - ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing gabay at sanggunian para sa mga

mag-aaral na nagsasagawa ng mga katulad na pag-aaral.

Mga mamamayan-sa pamamagitan ng pag-aaral na isinasagawa matutulungan ang mga

mamamayang kabataan upang mas lumawak ang kanilang kaalaman patungkol sa mga maari nilang

gawing panlunas sa mga ibat-ibang Suliraning pangkalusugan kanilang nararanasan.

Sa mga susunod na mga mananaliksik- ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang

bilang sanggunian para sa mga susunod na mga mananaliksik na nagbabalak gumawa ng anumang o

may kaugnayan sa pag-aaral na ito.

Saklaw at limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa paaralang Recto Memorial National High School ang saklaw

nito ay mga mag-aaral na nasa ika-11 baitang na nag mula sa Recto Memorial National High

School.Dito papayabungin ang kaisipan at ang kamalayan sa Immune booster;homemade Ginger tea

mabisang panlunas sa mga suliraning pangkalusugan mula sa mg amag-aaral ng baitang 11.

Katuturan sa salitang ginamit


Benepisyo- isang bagay na nagdudulot ng mabuti o nakatutulong na mga resulta o epekto
Epekto-resulta,bunga o kinalabasan ng isang sitawasyon o ng isang bagay.
Ginger Tea- Ang ginger tea ay isang herbal na inumin na gawa sa ugat ng luya.
Halamang-gamot - natawag din na yerbang pangmedisina, Ang halamang-gamot, tinatawag din
na yerbang pangmedisina, ay natuklasan at ginagamit sa pagsasanay sa tradisyunal na medisina simula
pa noong panahon bago ang kasaysayan.
Herbal-mga herbal na gamot na may aktibong sangkap na nagmula sa mga bahagi ng halaman,tulad
sa mga dahoon,bulaklak nito at ugat.
Homemade- bagay na ginawa sa bahay ng iyong sarili.
Panglunas - ay nangangahulugan ng gamot, kalutasan,remedy.
Rhizome- Tinatawag na creeping rootstalk,ito isang tangkay ng ilang halaman na tumutubo nang
pahalang sa ilalim ng lupa at nagbubunga ng mga ugat.
Tradisyunal-ito ay ang mga gawain o paraan nakasanayan ng isang tao
Turmeric- ay ang tradisyonal na kulay-dilaw na ugat na kabilang sa pamilya ng luya. Karaniwang
ginagamit bilang herb at maging sa pampalasa.

Kabanata II
Mga kaugnay na literatura at Pag-aaral
Ang kabanatang ito ay ipanapakita ang mga kaugnay na literature at pag-aaral
Kaugnay na literature

Ang luya ay may tanyag na kasaysayan na ginagamit na tradisyonal na panglunas. Ang isang popular
na paraan sa kung paano ito gamitin ay sa paggawa ng tsaa na gawa sa alinman sa sariwang ugat o gamit
ang paglalagay nito sa tea bag. Ito ay naglalaman ng mga compound, tulad ng mga shogaol at gingerol,
na kapaki-pakinabang sa kalusugan ng isang tao.Ayon sa isang pagsusuri noong 2015, parehas itong
naglalaman ng sangkap na siyang anticancer, antimicrobial, anti-inflammatory, antioxidant, at
antiallergic.Sa pag-inom nito,nababawasan at nalulunasan nito ang mga karaniwang suliraning
pangkalusugan ng mga kabataan.Ilan na dito ang Pananakit ng lalamunan, Pananakit ng ulo, Pananakit
ng tiyan,ubo,sipon at iba pang mga komplikasyon.

Tunay na malaking tulong ang naiaambag nito sa kalusuguan at pangangatawan ng mga tao.Ang luya
ay magaling at nagbibigay ng mga bitamina at mineral na kinakailangan at makatutulong sa ating
kalusugan. Karamihan sa mga benepisyo nito ay nagmumula sa gingerol, ang pangunahing bioactive
compound ng ugat.(Greatest,2021) Narito ang ilang iba pang bioactive compound na nagmula sa ugat ng
luya: paradol  zingerone at flavonoids.(Nguyen,2020) Ang mga klinikal na epekto ng luya ay ipinakilala
sa limang na sub-seksyon: pananakit ng ulo at pagsusuka, gastrointestinal function, pamamaga,
metabolic syndromes, at iba pang mga sintomas.

Sa kabilang banda,higit na mabuti ang pag-inom ng ginger tea sapagkat ito ay nagpapalakas ng ating
Immune System. Nalaman ng isang test-tube na pag-aaral na ang sariwang luya ay may mga antiviral
effect laban sa human respiratory syncytial virus (HRSV), na nagdudulot ng mga impeksyon sa
paghinga, at nakatulong na palakasin ang immune response laban sa HRSV (21Trusted Source).

Kabanata III
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disensyo ng pananaliksik,populasyon at pagpili ng
tagasagot,paraan ng pananaliksik,instrumento sa pananaliksik at istatistikal na pagsusuri ng datos.
Disenyo ng Pag-aaral
Ang paraang gagamitin ng mga mananaliksik ay upang makakuha ng kabatiran para sa kasalukuyang
pagaaral ay ang palarawang pamamaraan o deskriptiv na pamamaraan.Ito ay agham na pamamaraan na
kinabibilangan ng pagmamasid at paglalarawan ng pag-uugali ng isang paksa sa hindi
maiimpluwensyahan ng anumang paraan.
Populasyon at Pagpili ng Tagasagot
Ang ginamit na tagasagot sa pag-aaral ay ang dalawamput limang (25) mag-aaral na nagmula sa
paaralan ng Recto Memorial National High School,Bayan ng Tiaong,Quezon,Taong Panuruan 2022-
2023.Ang purposice sampling ang ginamit sa pagpili ng tagasagot.Ang purposive sampling ay paraan ng
pagpili ng respondante na nakaayon na sa isang particular na paksa na kailangan sa pananaliksi.
Paraan ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay lumiham sa tagapagmanihala ng Departamento ng Senior High school sa Recto
Memorial National High School upang humingi ng pahintulot na maisakatuparan ang pag-aaral at upang
magamit ang ilang mag-aaral bilang tagasagot sap ag-aaral.Matapos mabigyan ng pahintulot mula sa
tagapamahala ng paaralan ,ipamamahagi ang talatanungang inihanda pagkatapos muling ibabalik upang
kuhanin ang datos.Ang makakalap ng datos ay itinila,iniayos,inalisa at sinuri.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay bumuo ng talatanungan nilang kagamitan sa pagkalap ng datos.layunin nito na
tuklasin ang pagkaepektibong layunin ng pag-inom ng ginger tea ng mga mag-aaral ng Recto Memorial
National High School 2022-2023.
Ang tala tanungan ay binubuo ng isang kategorya,a) dulot ng pag-inom ng ginger tea sa tuwing
nakakaranas ng sularaning pangkalusugan.Ang kategoryang ito ay may pitong pahayag at sasagutan
naman ng mga tagatugun ukol sa kanilang opinion,base sa sariling interpretasyon sa bawat pahayag.Ang
mga ito ay 5 -Lubos na sumasang-ayon 4-Sumasang-ayon 3-Bahagyang sumasang-ayon 2-Di-sumasang-
ayon at 1-Lubos na Di-sumasang-ayon.

Istatistikal na pagsusuri
Ang mga sumusunod na pagsusuring istatisktikal ay ginamit upang makamit ang layunin ng pag-aaral
na ito. Ang mga nakalipon na datos sa talatanungan ay isinaayos ,binigyan ng puntos at sinuri.Ito ay
isinagawa sa pamamagaitan ng pagkuha ng frequency at mean.

You might also like