You are on page 1of 4

APENDIKS C

III. Interbyu
1. Sa inyong palagay ano ang mas mabilis na umepekto sa inyong katawan kapag kayo ay may
karamdaman? Ang paggamit ng makabagong gamot o ang tradisyunal na ginagamit ng mga
matatanda noon hanggang ngayon? Bakit?
Para sa akin, mas mabilis ang epekto ng makabagong gamut. Ayon ito sa aking karanasan.

2. Para sa inyo, mas makatitipid ba tayo kapag ginamit natin ang tradisyunal na gamot na
pinaniniwalaan ng mga matatanda kaysa sa makabagong gamot?
Mas nakakatipid ako kapag halamang gamot ang ginagamit ko kasi nakukuha ang mga ito ng
libre.

3. Sa tuwing nakakaramdam kayo ng sakit sa katawan katulad ng pananakit sa tiyan o kayay


lagnat ano ang mas madaling hanapin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot ?
Makabagong gamot. Kasi kapag nagkakasakit kami sa bahay, alam ko na agad ang bibilhin sa
botika na preskrayb ng doktor kaysa sa halamang gamot na kailangan pang pakuluan.

4. Ano ang mas madaling gawin o gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot
na ginagamit at pinaniniwalaan ng mga matatanda?
Makabagong gamot. Dahil di na ito kailangang pakuluin pa o dikdikin.

5. Sa inyong palagay, ano ang mas ligtas na gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal
na gamot?
Ang tradisyunal na gamot. Dahil ito ay walang halong kimikal o ibang substans.

Magdalena Cacayorin

III. Interbyu
1. Sa inyong palagay ano ang mas mabilis na umepekto sa inyong katawan kapag kayo ay may
karamdaman? Ang paggamit ng makabagong gamot o ang tradisyunal na ginagamit ng mga
matatanda noon hanggang ngayon? Bakit?
Sa aking palagay, mas mabilis ang epekto sa katawan ang paggamit ng makabagong gamot
kaysa sa tradisyunal na mga gamot dahil napag-aralan at napatunayan dahil sa pananaliksik.

2. Para sa inyo, mas makatitipid ba tayo kapag ginamit natin ang tradisyunal na gamot na
pinaniniwalaan ng mga matatanda kaysa sa makabagong gamot?
Mas makakatipid kapag gumagamit ng tradisyunal na gamot dahil maaari itong makuha sa
tanim o halaman.

3. Sa tuwing nakakaramdam kayo ng sakit sa katawan katulad ng pananakit sa tiyan o kayay


lagnat ano ang mas madaling hanapin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot ?
Sa aking palagay, mas madaling makahanap ng makabagong gamot na panlunas ng lagnat,
sakit ng tiyan at katawan dahil maaari itong mabili sa botika na karamihan ay bukas buong
araw at magdamag.

4. Ano ang mas madaling gawin o gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot
na ginagamit at pinaniniwalaan ng mga matatanda?
Mas madaling gamitin ang makabagong gamot kaysa sa mga tradisyunal na gamot dahil
walang ibang preparasyon sa pag-inom nito hindi tulad ng tradisyunal na gamot na minsan
kailangan pang ilaga o lutuin ito bago inumin.

5. Sa inyong palagay, ano ang mas ligtas na gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal
na gamot?
Sa aking palagay, mas ligtas ang makabagong gamot kaysa sa mga tradisyunal dahil pinagaralan ng siyensiya ang epekto ng gamot sa katawan bago ipagbili sa merkado.

Joevita Romero

III. Interbyu
1. Sa inyong palagay ano ang mas mabilis na umepekto sa inyong katawan kapag kayo ay may
karamdaman? Ang paggamit ng makabagong gamot o ang tradisyunal na ginagamit ng mga
matatanda noon hanggang ngayon? Bakit?
Mas mabilis na umepekto ang mga makabagong gamot. Sa aking karanasan, habang tumatanda
ay kailangang mga napatunayang mga gamot ang aming iniinom. Noong mga bata pa kami ay
maayos pa ang mga pinakuluan o dinikdik na dahon pero ngayon, kapag gumagamit na kami ng
mga ganoon ay matatagalan na talaga bago umepekto.
2. Para sa inyo, mas makatitipid ba tayo kapag ginamit natin ang tradisyunal na gamot na
pinaniniwalaan ng mga matatanda kaysa sa makabagong gamot?
Makakatipid kapag mga tradisyunal na gamot ang gagamitin dahil halos lahat na ng halaman
ay may mabuting epekto sa katawan. Hindi na kailangan pang gumastos ng mahal dahil nasa
paligid mo lang naman ang lunas.
3. Sa tuwing nakakaramdam kayo ng sakit sa katawan katulad ng pananakit sa tiyan o kayay
lagnat ano ang mas madaling hanapin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot ?
Kung ang pinag-uusapan ay kung ano ang mas madaling hanapin, ang sagot ko ay ang
tradisyunal na gamot. Gaya ng sinabi ko, maraming mga halaman ang nasa paligid na
nakakapagpabuti ng kalusugan.
4. Ano ang mas madaling gawin o gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot
na ginagamit at pinaniniwalaan ng mga matatanda?
Mas madali ang makabagong gamot. Pupunta ka lang sa botika ay mayroon ka nang gamot. Sa
tradisyunal na gamot kasi ay, kahit na nandiyan lang sa tabi-tabi ang mga yan, matagal ang
pagproseso ng mga yan bago pa man ito maaaring inumin.
5. Sa inyong palagay, ano ang mas ligtas na gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal
na gamot?
Mas ligtas ang makabagong gamot kaysa sa mga tradisyunal dahil napatunayan na ito ng mga
eksperto. Dumaan ito sa maraming nga pagsusuri bago pa man ito naibenta sa mga botika.
Kahit na ayos lang ang mga tradisyunal na pamamaraan ng panggagamot, mas kampante pa rin
ako sa mga modernong gamot.

Susan Monte

III. Interbyu
1. Sa inyong palagay ano ang mas mabilis na umepekto sa inyong katawan kapag kayo ay may
karamdaman? Ang paggamit ng makabagong gamot o ang tradisyunal na ginagamit ng mga
matatanda noon hanggang ngayon? Bakit?
Ang makabagong gamot ay mas mabilis na umepekto. Iyan ay base sa aking karanasan.
2. Para sa inyo, mas makatitipid ba tayo kapag ginamit natin ang tradisyunal na gamot na
pinaniniwalaan ng mga matatanda kaysa sa makabagong gamot?
Makakatipid kapag ginamit ang mga tradisyunal na gamot kung ikukumpare sa mga tabletas at
kapsula na ibinebenta. Ang mga halamang gamot kasi ay maaaring makuha sa bakuran ng libre.

3. Sa tuwing nakakaramdam kayo ng sakit sa katawan katulad ng pananakit sa tiyan o kayay


lagnat ano ang mas madaling hanapin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot ?
Mas madaling makakita ng panlunas na tradisyunal na gomot dahil nariyan lamang sila sa
paligid natin.
4. Ano ang mas madaling gawin o gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal na gamot
na ginagamit at pinaniniwalaan ng mga matatanda?
Ang makabagong gamot ay mas madaling gamitin. Hindi na ito kailangan pang iprepera hindi
gayo ng mga halamang gamot na kailangan pang pakuluan o dikdikin.

5. Sa inyong palagay, ano ang mas ligtas na gamitin, ang makabagong gamot o ang tradisyunal
na gamot?
Kahit na marami din namang tulong ang mga halamang gamot, mas ligtas parin naman talaga
ang mga makabagong gamot dahil ito ay napahintulutan nang ibenta at sa palagay ko, ang ibig
sabihin non ay pumasa iyon sa mga istandards ng mga gamot.

Evelyn Soliven

You might also like