You are on page 1of 21

Pangangalaga

sa Sarili
Basahin Natin
Mga batang katulad ko
Kalusuga’y ingatan nyo
Kaligtasan ng isip ko
Wastong gawi ang alay ko.
Masustansiyang pagkain
Ehersisyo’y dapat gawin
Mapagpasensiyang damdamin
ang hinahon ay kakamitin.
Sagutin Natin
Sagutin ang mga tanong
batay sa awit.
1. Tungkol saan ang
awit?
Ang awit ay tungkol sa
wastong pangangalaga ng
katawan.
2. Ayon sa awit ano-anong mga
wastong kilos at gawi ang nabanggit
tungkol sa pangangalaga ng
kalusugan at kaligtasan ng katawan
sa anumang karamdaman?
Kumain ng masustansiyang
pagkain.
Mag-ehersisyo araw-araw para
lumakas ang katawan.
3. Bakit ang pagiging
mapagpasensya at pagiging
mahinahon ay may kinalaman
din sa pagpapanatili nga ting
kalusugan?
Naapektuhan ang ating kalusugan
kapag tayo ay hindi naging
mahinahon.
3. May mga gawi ka ba
na hindi nabanggit sa
awit?
Tandaan Natin
Ang isang batang
malusog ay madaling
makagawa ng mga
proyekto o gawain na
may kahusayan.
Ang paraan ng kaniyang
pag-iisip ay kahanga
hanga sapagkat
nasasalamin sa kaniya ang
katalinuhan.
Masasabi ring malusog
ang isang bata kung
naipakikita niya nang
wasto ang kaniyang
emosyon o damdamin.
Ang katawan ay maaaring
maging ligtas mula sa
karamdaman kung
nakagagawa ng mga
wastong kilos at gawi tulad
ng pagpapanatiling malinis
ng katawan.
Tamang bilang at oras ng
pagtulog, tamang pag-
eehersisyo, pagkakaroon ng
positibong makilala ang
sarili, pagiging masayahin,
at pagkain ng tama at
masusustansiyang pagkain
sa tamang oras.
Likhain Natin
Sa inyong kuwaderno gumawa
ng isang pangako sa loob ng
isang malaking puso tungkol
sa pangangalaga ng inyong
kalusugan at kaligtasan ng
katawan.
Ako si _________________________
ay nangangakong
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
______________________________
Gawain
Sa inyong kuwaderno iguhit
ang bituin kung ang
pahayag ay nagsasaad ng
pangangalaga sa kalusugan at
buwan naman kung hindi.
Iguhit ang iyong sagot sa
patlang.
1.Hilig namin ni Jessy ang
softdrinks kapag
miryenda._________
2. Bago matulog ay umiinom ng
gatas si Frederick. _________
3. Pinapauso ni Ruel ang
mahahabang kuko sa
kaklase.__________
4. Isang beses kung magsepilyo
ng ngipin si Jordan sa loob ng
isang araw.________
5. Paborito ni Alfred ang gulay
na ampalaya. _________
Takdang-Aralin
Sa inyong kuwaderno,
isulat ang natutuhang
mga gawain sa
pangangalaga ng iyong
kalusugang pisikal,
mental at emosyonal.

You might also like