You are on page 1of 1

Kumain ng Wasto at Maging Aktibo… Push Natin ‘to!

Ang aktibong katawan ay binubuo ng mga nagkakaisa at maayos na gumaganap na iba’t-ibang parte ng
ating katawan. Kapag ang isang bahagi nito ay may dinaramdam, hindi magiging lubos ang pagganap
nito ng kanyang tungkulin. Paano nga ba natin mapananatili ang aktibong katawan? Paano natin
maiiwasan ang pagtamlay ng ibat-ibang bahagi nito?

Kailangan ng ating katawan ang pagkain upang manatili itong malusog at malakas. Mga pagkaing puno
at siksik ng bitamina, protina, mineral at iba pa. Mga pagkaing nagbibigay-lakas, tumutulong sa paglaki
at pananggalang sa sakit at impeksyon. Laging kumain ng prutas at gulay upang lumakas ang ating
resistensya. Ang pag-inom ng gatas ay hindi dapat kalimutan upang lumakas ang ating mga buto. Ang
mga iyan ay ilan lamang sa mga paalala. Kumain ng sapat ayon sa pangangailangan ng ating katawan.
Ang maayos na kalusugan ng tao ay nababatay sa balanse at wastong pagkain o nutrisyon.

Kailangan ng ating katawan ang ehersisyo. Mahalagang bigyan natin ng pansin at panahon ang bagay
na ito. Pinananatili nitong masigla at gumagana ng husto ang mga bahagi ng katawan at naipararating
ng maayos ang oxygen na kailangan sa ibat-ibang parte ng katawan na siyang nagdudulot ng
kasiglahan at pagiging aktibo nito.

Magkaroon ng positibong isipan. Ito ay akin lamang idadagdag. Malaki ang nagagawa nito upang
maging maganda ang pakiramdam ng ating katawan. Minsan wasto ang pagkain at nag-eehersisyo
ngunit kung ang kaisipan naman ay negatibo hindi rin nagiging maganda ang kalalabasan. Ang lahat ng
ito ay may kaugnayan sa isat-isa. Ang pagiging negatibo ay umuubos ng lakas na kailangan mo sa
pagharap sa isang maayos at magandang sitwasyon. Ang pagiging positibo ay isang napakagandang
katangian na dapat taglayin ng bawat isa.

Ngayong alam na natin kung ano-ano ang dapat nating gawin, ipu-push na ba natin ito? Dapat lang!
Walang sinuman ang may gustong magkasakit at magkaroon ng matamlay na pakiramdam. Ang ating
kalusugan ay isa sa ating pinakamahalagang kayamanan, kaya higit pa sa pera ito ay laging dapat
pangalagaan. Mula sa wastong pagkain, ang isip at katawan sa pagganap ay pak na pak!

You might also like