You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: __________________________________Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Homeroom Guidance Program 5
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo
Kalusugan at Kaligtasan: Aking Pangangalagaan at Iingatan

I. Panimula
Ang pangangalaga sa ating sariling kalusugan at kaligtasan ay isa sa
mga pinakamahalagang aspeto ng ating buhay. Ang kalusugan at
kalagayan kasi ng ating pangangatawan, damdamin at isipan ay
nakaaapekto sa pag-unlad ng ating mga sarili maging sa mga pagkilos natin
sa pang-araw-araw nating gawain.
Mahalaga ang bawat isa sa atin kaya naman pangalagaan natin ang
ating mga sarili. Mahalin at pakaingatan natin ang ating nag-iisang buhay na
biyaya sa atin ng Poong Maykapal. Dahil kapag inaalagaan, minamahal,
pinahahalagahan, at nagiging mabait tayo sa ating mga sarili, gayundin din
ang maibibigay natin sa ating pamilya at kapuwa. Tayo ay magiging
maalaga, mapagmahal, mapagpahalaga, at mabait din sa kanila.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Naisasagawa ang wastong pangangalaga sa sarili sa panahong
kinakailangan.
Koda: HGIPS-IIIb-4

III. Mga Layunin


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. makapagsasagawa ng wastong pangangalaga sa sariling kalusugan at
kaligtasan, at
2. maitatatak sa isipan na tunay ngang ang kalusugan at kaligtasan ay
kayamanan.

IV. Pagtatalakay
“Nagsisimula ang pangangalaga sa ating sarili sa pangangalaga natin
sa kalusugan at kaligtasan ng ating pangangatawan.”
Kapag tayo ay mayroong malusog na pangangatawan, magiging
maayos ang ating kalusugan dahil wala tayong anumang nararamdamang
masakit sa ating pisikal na katawan. Gayundin ang ating kaisipan dahil hindi
tayo nag-aalala o nababalisa. Payapa ang ating isip o diwa pati na rin ang
ating damdamin dahil tayo ay masaya at positibo.
Ibig sabihin, kapag napangangalagaan natin nang responsable at
wasto ang ating mga sarili, tayo ay magiging produktibo bilang anak, bilang
mag-aaral, at bilang kasapi ng komunidad. Mas naibibigay natin ang ating
buong makakaya sa mga gawain o aktibidad at mas nagagampanan natin
nang mabuti ang mga ito.
Paano nga ba natin mapangangalagaan ang ating sariling kalusugan
at kaligtasan ngayong panahon ng pandemya? Ano-ano ang mga maaari
nating gawin upang mapangalagaan ang ating sariling kalusugan at
kaligtasan ngayon?
Upang mapangalagaan natin ang ating sariling kalusugan at kaligtasan
ngayong panahon ng pandemya at habang nananatili tayo sa tahanan, ang
sumusunod na gabay ay ipinapayo sa ating sundin at gawin:
A. Pisikal na Kalusugan
1. Kumain ng masustansiyang pagkain. Kumain nang sapat na
masustansiyang pagkain sa tamang oras. Magkaroon ng balanseng diyeta.
Ito ay nangangahulugang pagkain ng tamang uri at dami ng pagkain. Dahil
ang pagkain nang masustansiya ay kailangan ng katawan upang manatiling
malusog.
2. Mag-ehersisyo araw-araw. Mag-ehersisyo araw-araw dahil ang palagiang
pag-ehersisyo ay nagdudulot ng malakas na pangangatawan o pinalalakas
nito ang ating resistensiya laban sa anumang sakit. Ang regular na ehersisyo
ay mabuti para sa katawan. Kung hindi natin ito kayang gawin, subukan natin
ang mga gawaing makapagpapagalaw sa ating katawan. Halimbawa,
lumakad nang mas mabilis o magsagawa ng ilang pag-uunat na ehersisyo.
3. Kailangan din na uminom ng sapat na dami ng tubig. Uminom ng anim
hanggang walong basong tubig araw-araw dahil ang ating katawan ay
nangangailangan ng sapat na tubig.
4. Matulog sa tamang oras. Matulog sa tamang oras at iwasang magpuyat
para maging masigla ang katawan at pag-iisip. Ang pagtulog ay

2
napakahalaga sa katawan. Matulog nang walong oras araw-araw. Kapag
sapat ang ating tulog at may laman na masustansiyang pagkain ang ating
mga tiyan, tayo ay malakas, listo, alerto, handa na magmodyul, at matuto.
B. Mental at Emosyonal na Kalusugan
1. Kailangan na panatilihin natin ang pag-iisip nang positibo at pagiging
masayahin. Ayon sa pag-aaral, ang mga positibong mag-isip at mga
masayahin ay mas malusog at hindi tensiyonado. Ang positibong pagkausap
sa sarili tulad ng “Kayang-kaya mo yan!”, “Mahusay ka!”, “Mabuti yang
ginagawa mo, ipagpatuloy mo lang!”, at “Isa kang biyaya!” ay nakatataas
ng kumpiyansa natin sa ating mga sarili kaya naman mas nakagaganap tayo
sa anumang gawaing iniatas sa atin.
2. Ang paggawa ng mga bagay na kung saan nakararamdam tayo na may
nakakamit tayo at masaya tayo ay nakaaambag din sa ating emosyonal at
mental na kalusugan. Ang panonood ng kinagigiliwang panoorin, pakikinig ng
paboritong musika, pagguhit, pagbabasa, paghahalaman, paglalaro,
pagpa-practice ng bagong Tiktok dance, at paglilista ng tatlong bagay na
ipinagpapasalamat niyo sa araw-araw ay nakatutulong sa pagpapanatili ng
kalusugang pangkaisipan at pangdamdamin.
3. Nararapat na positibo ang ating pag-iisip at payapa ang ating damdamin
upang magkaroon tayo ng malusog na kalusugan sa ating isip at emosyon.
C. Kaligtasan Mula sa Covid-19
1. Pagsunod sa batas pangkalusugan. Ang ating gobyerno sa pangunguna
ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) ay
nagtalaga ng mga alituntunin na dapat nating sundin bilang proteksyon sa
Covid-19 at anumang karamdaman. Sundin natin ang mga health protocols
kagaya ng social distancing. Iwasan muna natin ang pagpunta sa mga
matataong lugar at kung maaari ay manatili na lamang muna sa tahanan
lalung-lalo na sa mga menor-de-edad. Kung hindi man maiiwasan ang
paglabas ng bahay ay siguraduhing nakasuot ng face mask at face shield.
2. Palaging maghugas ng kamay. Ang wastong paghuhugas ng kamay ay
ang pinaka-epektibong paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga
nakahahawang sakit. Regular na hugasan ang kamay gamit ang sabon at
tubig. Maaari ring gumamit ng alcohol at hand sanitizer upang maiwasan ang
pagdapo ng anumang bakterya. Hugasan din ang kamay bago at
pagkatapos kumain, matapos makipaglaro, matapos gamitin ang banyo,
pagkatapos mahawakan ang mga maruruming bagay, at pagkatapos
bumahing o umubo.
3. Palagiang pananalangin na bantayan tayo nang lubos sa lahat ng sandali.
Ang pananampalataya sa Diyos at pagdarasal ay maaaring makatulong
upang makayanan nating harapin ang mga tensiyon at suliranin sa buhay. Sa
ating kasalukuyang kinahaharap na pandemya, matatagpuan natin ang
kapayapaan at kaginhawaan sa pamamagitan ng pagdarasal.

3
Mahalagang tandaan na ang kalusugan at kaligtasan ay
nangangahulugang pangagalaga sa ating katawan, pagkakaroon ng
payapang kaisipan at positibong pananaw, mabuting pakikipagkapuwa-tao,
at matatag na pananampalataya sa Diyos.
Ang pagsasabuhay sa mga ito sa araw-araw ay pagpapakita ng
pagpapahalaga natin sa buhay na ibinigay sa atin ng ating Diyos.

V. Mga Gawain
Gawain 1. Pasulat na Gawain
A. 1. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang mga pahayag ay
nagpapakita ng wastong pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan
at MALI naman kung hindi.
__________1. Palagiang nagpupuyat dahil sa paglalaro ng computer games.

__________2. Mag-ehersisyo araw-araw kahit sa loob lamang ng labinlimang


(15) minuto.
__________3. Sinusunod ang mga health protocols ng Inter-Agency Task Force
(IATF) at Department of Health (DOH) tulad na lamang ng social distancing.
__________4. Hindi na kailangan pang magsuot ng face mask ngayong
panahon ng pandemya kapag lalabas ng bahay at pupunta sa
pampublikong lugar.

__________5. Naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, matapos


makipaglaro, matapos gamitin ang banyo, pagkatapos mahawakan ang
mga maruruming bagay, at pagkatapos bumahing o umubo.
A. 2. Panuto: Punan ang patlang sa pamamagitan nang pagpili sa tamang
salita sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Nakapagpapalakas sa ating pisikal na kalusugan ang ____________________.


(pag-eehersisyo, pagpupuyat)

2. Ang pagiging (magagalitin, masayahin) ____________________ ay mainam


sa ating emosyonal at mental na kalusugan.
3. Nakatutulong sa ating mental at emosyonal na kalusugan ang
____________________. (pakikipag-away, pakikipagkaibigan)
4. Ang ating kalusugan at kaligtasan ay napakahalaga kaya naman dapat
natin itong pangalagaan at ___________________. (balewalain, ingatan)
5. Ang pangangalaga sa ating kalusugan at kaligtasan ay pagpapakita ng
(pagpapahalaga, pananampalataya) ____________________ sa buhay na
ibinigay sa atin ng ating Diyos.

4
Gawain 2. Gawaing Pagganap
B. 1. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan gamit ang kumpletong
pangungusap.
1. Bakit maituturing na kayamanan ang ating kalusugan at
kaligtasan?________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Paano mo mapangangalagaan ang iyong sariling kalusugan at kaligtasan
ngayong panahon ng pandemya?______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga mabubuting epekto ng pangangalaga at pag-iingat


natin sa ating kalusugan at kaligtasan ngayon panahon ng pandemya?
Magbigay ng tatlo.________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong Puntos
NILALAMAN Nakapagbigay nang wasto kumpleto, at 4
akmang sagot sa mga tanong.

BALARILA Walang pagkakamali sa mga bantas, 4


kapitalisasyon at pagbabaybay.

KALINISAN Malinis at maayos ang pagkakasulat ng mga 2


sagot sa bawat katanungan.

Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

B. 2. Panuto: Gumawa ng slogan ukol sa temang “Kalusugan at Kaligtasan:


Aking Pangangalagaan at Iingatan.” Gawin ito sa bond paper.
Halimbawa:

“Unahin PALAGI na PAHALAGAHAN ang KALUSUGAN


at KALIGTASAN dahil higit sa anopaman ito ang isa sa
PINAKAMAHALAGANG KAYAMANAN.”

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
NILALAMAN Ang mensahe ng slogan ay mabisang 2
naipakita.
PAGKAMALIKHAIN Napakaganda at napakalinaw ng 3
(Creativity) pagkakasulat ng mga titik sa slogan.
KAUGNAYAN May malaking kaugnayan sa tema ang slogan. 3

KABUOANG Malinis at maayos ang kabuoang 2


PRESENTASYON presentasyon ng slogan.
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kalusugan ay ____________________.
A. kabutihan
B. kayamanan
C. kagandahan
2. Mapananatili ang kalinisan, kaligtasan at kalusugan ng katawan sa tulong
nang ____________________.
A. pagpapabaya
B. wastong pangangalaga
C. pagpapaalaga sa Nanay
3. Ang patuloy na pangangalaga sa sariling kalusugan at kaligtasan ay
____________________ sa ating katawan.
A. makabubuti
B. makasasama
C. halos walang epekto
4. Nabalitaan mong maraming mga bata ang nagkakasakit ngayon.
Makabubuting gawin mo ang ____________________.
A. ituloy ang paglalaro ng computer games at pagpupuyat
B. ipagsawalang bahala ito dahil hindi ka naman apektado at hindi mo
kilala ang mga batang tinutukoy
C. palagiang paglilinis ng katawan, paghuhugas ng kamay, at
pagsunod sa batas pangkalusugan

6
5. Binilinan ka ng iyong Nanay at Tatay na huwag lalabas ng bahay dahil sa
Covid-19 para na rin sa iyong kaligtasan. Pagkaalis nila, ikaw ay
____________________.
A. magmumukmok at iiyak
B. lalabas at yayayain ang mga kaibigan na maglaro
C. magbabalik-aral sa mga leksyon at magbabasa ng libro

VII. Pangwakas
Panuto: Maglista ng iyong sariling limang (5) pamamaraan ng pangangalaga,
pagpapanatili, at pag-iingat sa iyong kalusugan at kaligtasan.
Halimbawa:
1. Manatiling aktibo sa pamamagitan ng pag-ehersisyo sa loob ng bahay.
2. Kumain nang nakapagpapalusog na pagkain.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN


Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
KAWASTOHAN AT Wasto, naaayon, at makatotohanan ang mga 5
PAGKA- pamamaraang ibinigay ukol sa pangangalaga,
MAKATOTOHANAN pagpapanatili, at pag-iingat sa iyong kalusugan at
kaligtasan.
KAPUPULUTAN NG Ang pamamaraang ibinigay upang pangalagaan, 5
ARAL panatilihin, at ingatan ang kalusugan at kaligtasan
ay kapupulutan ng aral.
Kabuoang Puntos=
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain.)

7
VIII. Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
Codes.pdf. Retrieved from https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-
MELCS-with-CG-Codes.pdf

IX. Susi sa Pagwawasto


Mga Gawain Pagsusulit

ibaba.
Maaaring magkaiba ang sagot. Tsek ang rubrik sa

B. 2

ibaba.
Maaaring magkaiba ang sagot. Tsek ang rubrik sa

B. 1

__________________________________________________

5. pagpapahalaga 5. Tama

4. ingatan 4. Mali 5. C

3. pakikipagkaibigan 3. Tama 4. C

2. masayahin 2. Tama 3. A

1. pag-eehersisyo 1. Mali 2. B
A. 2 A.1 1. B

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Carmela M. Santos


Patnugot: Jessa G. Porlucas
Tagaguhit: Eric R. Tangonan
Tagapagsuri ng Nilalaman: Evelyn A. Ramos
Jaymie Lou D. Ruiz
Czarina S. Gacias
Janet B. Lamasan
Annie T. Salvador
Patnugot ng Wika: Editha C. Mayo
Tagapaglinang: Nancy P. Yadao, PhD

You might also like