You are on page 1of 12

PAGBIBIGAY MALASAKIT SA KALUSUGAN

Pangalagaan natin ang ating kalusugan


upang tayo ay makaiwas sa ano mang uri
ng sakit. Kumain ng masusustansyang
pagkain upang may panlaban sa sakit na
maaring dumapo sa atin.
KALUSUGAN

Katawan ay marapat lamang na ingatan,


Panatilihing malusog ang katawan,
Sa pamamagitan ng paghahain ng mga
masusustansiyang pagkain sa hapagkainan,
Iwasan ang bisyong nakakasira,
Tulad na lang ng pagpupuyat at pagkain ng di
masusustansya,
Pagkat yan ay hndi lamang para sa sarili mo,
Kundi maging sa mga nakapaligid sa'yo,
Malusog na katawan,
Malusog na isipan,
Lahat ng problema ay kayang labanan,
Lahat ng suliranin ay kayang lagpasan,
Pamilya ay magiging masaya,
At siguradong matagal pa ang pagsasama.
1. Ibigay ang mensahe ng tula.
2. Ano ang dapat sundin upang mapanatili ang pagiging malusog?
3.Ano ang naiisip mong paraan upang makatulong ka sa pagpapatupad
ng batas pangkalusugan?
4. Ano ang naidudulot ng kalinisan sa katawan at pagkain ng
masusustansya sa buhay ng mga mamamayan?​
Panuto: Ilagay ang Tama kung tama ang ipinahahayag sa bawat
bilang at kung mali naman kung hindi.
1. _______ Kumain ng prutas at gulay.
2. _______ Makilahok sa paggawa ng mga poster tungkol sa
pangangampanya sa pangkalusugan.
3. _______ Maging pabaya sa mga nangyayari sa inyong
kapaligiran.
4. _______ Ang bawat kabataan ay dapat maging mapanuri sa
grupong sasalihan.
5. _______ Ang bawat kabataan ay dapat makilahok sa
pangangalaga ng kalusugan.
6. _______ Huwag magehersisyo.
7. _______ Huwag kumain ng gulay at prutas.
8. _______ Pakikipagtulungan sa mga lider ng Clean
and Green Project na inilunsad sa inyong barangay.
9. _______ Pagsuway sa alagad ng batas.
10. _______Kailangang makiisa sa pamahalaan sa
pangangampanya at sa pagpapatupad ng mga batas
pangkalusugan.
Takdang Aralin:
Gumawa ng isang maikling sanaysay
tungkol sa mga katagang “Ang kalusugan
ay kayamanan”.

You might also like