You are on page 1of 27

HERBAL MEDICINES

Arial Font Family


ANU-ANO ANG
MGA SAMPUNG
HALAMANG
GAMOT?
1. LAGUNDI
• Para sa hika at ubo
• Palumpong (shrub) na may
limang dahon at tumataas ng may 5 metro
• Paggamit: Hatiin sa 3 bahagi ang
pinaglagaan. Inumin ang bawat bahagi
tuwing ika-4 na oras.
• Paalala: Mag-ingat sa ibang uri ng lagundi
(1 o 3 dahon)
2. YERBA BUENA
• Para sa pananakit ng iba’t
ibang bahagi ng katawan
• Halamang gumagapang na amoy mint;
may apat na kanto ang tangkay at kulay
berde; dahon ay magkakatapat,
magaspang, at parang kulubot
• Paggamit: Hatiin sa 3 bahagi ang
pinaglagaan. Inumin ang bawat bahagi sa
umaga, tanghali, at gabi. Maaaring dikdikin
ang sariwang dahon at itapal sa bahaging
nananakit.
3. SAMBONG
• Para sa manas at panunaw ng bato
• Palumpong (shrub) na tumataas ng 3
metro; may bulo ang dahon
• Paggamit: Hatiin sa 3 bahagi ang
pinaglagaan. Inumin ang bawat bahagi sa
umaga,tanghali, at gabi.
• Paalala: Hindi ito gamot sa impeksyon sa
ihi o bato
4. BAYABAS

• Panlinis ng sugat, impeksyon sa bibig,


magang gilagid at bulok na ngipin
 Paggamit: Para sa sugat, ipanghugas ang
pinaglagaang tubig 2 beses maghapon. Para
sa pangmumo, gamitin ang maligamgam na
pinaglagaan.
 Paalala: Piliin lamang ang native na puno
dahil ito lamang ang dumaan sa pananaliksik.
5. TSAANG GUBAT
• Para sa sakit ng tiyan
• Palumpong (shrub) na tumataas ng 5 metro;
maliit ang mga dahon na makintab ang
matingkad ang pagkaberde
• Paggamit: Hatiin sa 2 bahagi ang
pinaglagaan. Inumin ang bawat bahagi
tuwing ika-4 na oras.
• Paalala: Maaari itong imumog upang tumibay
ang mga ngipin
6. AKAPULKO

• Para sa an-an, buni, galis-aso, at alipunga


• Palumpong (shrub) na tumataas ng 3
metro o higit pa; may bulaklak na kulay
dilaw na matatagpuan sa dulo ng mga
sanga; may mga buto na maliliit at
nakalagay sa isang mahabang sisidlan
6. AKAPULKO
• Paggamit: Ipahid ang katas sa apektadong
balat 1-2 beses maghapon. Para sa mga
taong may allergy sa sariwang dahon ng
akapulko, gawin itong dekoksiyon.
Magpakulo ng 1 basong tinadtad na dahon
sa 2 basong tubig sa loob ng 15 minuto o
hanggang maging isang baso lamang.
Ihugas ito sa apektadong balat 1-2 beses
maghapon.
7. ULSIMANG BATO O
PANSIT-PANSITAN
• Pampababa ng uric acid sa dugo
• Isang uri ng damo na makatas at hugis puso ang
dahon

Paggamit:
• Kung ito ay gagawing salad, hugasang mabuti ang
mga dahon. Maghanda ng 1½ baso ng sariwang
dahon (hindi siksik). Hatiin sa 3 bahagi at kainin
bawat umaga, tanghali, at gabi.
7. ULSIMANG BATO O
PANSIT-PANSITAN
•Kung ito ay gagawing dekoksiyon, hugasang
mabuti ang mga dahon. Maghanda ng 1½ baso ng
sariwang dahon at 2 basong tubig. Pakuluan sa
mahinang apoy sa loob ng 15 minuto. Huwag
takpan ang palayok. Palamigin at salain. Hatiin sa
3 bahagi ang pinaglagaan. Inumin ang bawat
bahagi sa umaga, tanghali, at gabi pagkatapos
kumain.
8. AMPALAYA

• Para sa diabetes mellitus


• Baging na namumulaklak at namumunga
• Paggamit: Bunga at dahon ay kinakain na
gulay. Uminom ng 1/3 baso, 3 beses
• maghapon, 30 minuto bago kumain. Ang
murang dahon ay maaaring pasingawin at
• kainin (1/2 baso, 2 beses maghapon).
9. NIYOG-NIYOGAN

• Pampurga sa bulateng ascaris

• Gumagapang na palumpong, mala-baging;


umaabot ng 2-15 metro ang haba; ang mga
dahon ay pahaba, 7-15 sentimetro, at ang
mga bulaklak ay kulay puti hanggang rosas;
ang bunga ay maliliit na korteng balimbing
9. NIYOG-NIYOGAN
• Paggamit: Ang buto ay lasang laman ng
niyog. Gumamit lamang ng mga butong
magulang, tuyo, at kabubukas pa lamang na
bunga. Kainin ang mga buto 2 oras
pagkatapos ng hapunan.
Matanda - 8-10 na buto
7-12 na taon- 6-7 na buto
6-8 na taon - 5-6 na buto
4-5 na taon - 4-5 na buto
9. NIYOG-NIYOGAN
• Kung hindi magkabisa ang unang gamit,
ulitin ang parehong dosis pagkaraan ng
isang linggo. May mga di kanais-nais itong
epekto: sinok, sakit ng tiyan, pagtatae.
10. BAWANG
• Pampababa ng kolesterol; butil na ginagamit na
pampalasa
• Pahaba ang dahon at namumulaklak
• Paggamit: Igisa (kaunti lamang o walang mantika);
lihaw; ibabad sa suka sa loob ng 30 minuto; o
kaya’y banlian pinakuluang tubig hanggang 5
minuto. Kumain ng 2 butil, 3 beses isang araw
tuwing pagkatapos kumain.
• Paalala: Tiyaking may laman ang tiyan bago
kumain upang hindi magkasugat ang tiyan at
bituka.
ANO ANG MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGHAHANDA NG HALAMANG GAMOT?

 Pagtatanim
 Pag-aalaga
 Pag-aani
 Pag-iimbak
 Pagluluto

You might also like