You are on page 1of 4

POSTER OUTLINE

A2 size 420x504mm (?)

BROCHURE OUTLINE

1. (Picture nung isang thing sa ppt ni maam letlet ung capsule na halaman)
Mga Halamang Gamot
Isang Gabay sa Paghahanda ng Ibat Ibang Halamang Gamot
Inihanda nina:
Lim, Alexander Rupert V.
Maliwat, Karl Ian _
Parde, Ian Dansen A.
Parojinog, Ark O.
College of Pharmacy, University of the Philippines Manila
(insert logo ng CP + UPM na magkatabi)
2. Yerba Buena
Ginagamot ang (Used for):
Lagnat
Gamitin ang (Use the):
Dahon
Paghahanda (Preparation):
Pakuluan ang sariwang dahon hanggang sa ang tubig ay mangalahati.
Palamigin at salain muna bago inumin. Hatiin sa tatlong bahagi at inumin
ang bawat bahagi sa umaga, tanghali, at gabi.
Paginom (Dose):
baso ng likidong gamot; bata: baso ng dosis para sa tigulang
Tsaang gubat
Ginagamot ang (Used for):
Pagtatae
Gamitin ang (Use the):
Dahon

Paghahanda (Preparation):
Ilagay ang dahon sa palayok na mayroong 2 baso ng tubig. Pakuluan sa
loob ng 15 minuto hanggang sa mangalahati ang tubig. Palamigin at salain ang
likido. Hatiin ito sa tatlong bahagi. Inumin ang bawat bahagi sa umaga,
tanghalian at hapunan.
Paginom (Dose):
Edad

Tuyong Dahon

Sariwang Dahon

Matatanda

10 kutsara

12 kutsara

7 - 12

5 kutsara

6 kutsara

2-6

2 kutsara

2 kutsara

3. Sambong
Ginagamot ang (Used for):
Bato, Pagmamanas
Gamitin ang (Use the):
Dahon
Paghahanda (Preparation):
Ilagay ang mga dahon sa palayok na mayroong 2 baso ng tubig.
Pakuluan sa loob ng 15 minuto o hanggang sa mangalahati ang tubig. Hatiin ito
sa tatlong bahagi. Inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali, gabi.
Paginom (Dose):
Edad

Tuyong Dahon

Sariwang Dahon

Matatanda

4 kutsara

6 kutsara

7 - 12

2 kutsara

3 kutsara

Pansit-pansitan
Ginagamot ang (Used for):
Rayuma
Gamitin ang (Use the):
Dahon
Paghahanda (Preparation):
(Para sa salad) Hugasang mabuti ang mga dahon. Hatiin ang 1 12 tasa
ng dahon sa tatlong bahagi. Ang bawat bahagi ay kakainin sa umaga, tanghali, at
gabi (pinakuluan). Hugasang mabuti ang mga dahon. Pakuluan ang 1 12 tasa ng
dahon at 2 baso ng tubig sa loob ng 15 minuto. Huwag takpan ang palayok.
Palamigin ito at salain. Hatiin ang likido sa tatlong bahagi at inumin ang bawat
bahagi sa umaga, tanghali, at gabi.
4. Niyug-niyogan
Ginagamot ang (Used for):
Bulati sa bituka

Gamitin ang (Use the):


Buto o butil
Paghahanda (Preparation):
Kumain ng dalawang piraso ng butil o buto galing sa hinog at bagong
bukas na bunga pagkatapos ng hapunan. Kung hindi ito mabisa sa unang
pagkakataon, ulitin ito matapos ang isang linggo. Karaniwang side effects: sinok,
pagtatae o sakit ng tiyan
Paginom (Dose):
Edad

Tuyong Dahon

Matatanda

8 - 10 butil

7 - 12

6 - 7 butil

6-8

5 - 6 butil

3-5

4 - 5 butil

Bayabas
Ginagamot ang (Used for):
Pagtatae, Sugat, Impeksyon sa bibig
Gamitin ang (Use the):
Ugat, balat ng kahoy, dahon
Paghahanda (Preparation):
Hugasang mabuti ang mga dahon at tadtarin sa maliliit na bahagi.
Pakuluan ang dahon sa 4 na baso ng tubig sa loob ng 15 minuto. Huwag takpan
ang palayok. Palamigin at salain. Para sa mga sugat, hugasan ng likido, 2 beses
sa isang araw. Para sa mga impeksiyon sa bibig, magmumog ng maligamgam na
likido.
5. Bawang
Ginagamot ang (Used for):
Altapresyon
Gamitin ang (Use the):
Butil
Paghahanda (Preparation):
Igisa ang butil ng bawang. Maaari din itong ibabad sa suka ng 30 minuto
at pagkatapos ay hugasan sa kumukulong tubig sa loob ng 5 minuto. Kainin
kasabay ang pagkain, tatlong beses sa isang araw. Tandaan: Ang paggamit ng
halamang ito ay hindi ipinapayo sa mga taong may peptic ulcer.
Ampalaya
Ginagamot ang (Used for):
Diabetes
Gamitin ang (Use the):
Lahat ng bahagi ng halaman ay ginagamit

Paghahanda (Preparation):
Pakuluan ang isang bahagi o mga bahagi ng halaman sa tubig. Ang
likidong gamot ay sasalain. Inumin ito habang ito ay maligamgam.
Akapulko
Ginagamot ang (Used for):
Alipunga, An-an, Buni, Galis-aso
Gamitin ang (Use the):
Dahon
Paghahanda (Preparation):
Duruging mabuti ang mga dahon. Ilagay ang katas sa apektadong bahagi
ng balat. Ilagay ang katas dalawang beses sa isang araw
6. Lagundi
Ginagamot ang (Used for):
Hika, Ubo
Gamitin ang (Use the):
Dahon
Paghahanda (Preparation):
Hugasang mabuti ang mga dahon at hiwain sa maliliit ng bahagi. Ilagay
ito sa palayok na mayroong 2 baso ng tubig. Pakuluan sa loob ng 15 minuto o
hanggang sa mangalahati ang tubig. Huwag takpan ang palayok. Hatiin ito sa
tatlong bahagi. Inumin ang bawat bahagi sa umaga, tanghali, gabi.
Paginom (Dose):
Edad

Tuyong Dahon

Sariwang Dahon

Matatanda

6 kutsara

4 kutsara

7 - 12

3 kutsara

2 kutsara

2-6

1 kutsara

1 kutsara

Mga Sangunian:
Bureau of Alternative Learning System (2008). Mga Halamang Gamot. Pasig City,
Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon.
Gabay sa Paggamit ng 10 Halamang Gamot, Traditional Medicine Program (1992).
Kagawaran ng Kalusugan

You might also like