Professional Documents
Culture Documents
Sa mga discovery sessions ng Participatory Action research na isinasagawa sa walong (8) barangay,
natuklasan nito ang mga sumusunod:
Ang ating mga ninuno ay nabuhay ng malusog na kumukuha lamang ng pagkain sa kanilang paligid—
mula sa sariling tanim at mga ligaw na halaman na nakukuha sa gubat at mga hayop na nahuhuli sa sapa,
ilog at dagat. Ang karaniwan nilang kinakain ay mga ugat na gulay katulad ng kamote, gabi at kamoteng
kahoy na sinasamahan ng mga gulay na tumutubo sa lugar. Paminsan-minsan may kanin mula sa
binayong bigas o giniling na mais. May ulam silang isda, hipon o tulya kapag may nahuhuli sa sapa o ilog.
Ang karneng baboy o manok ay sa mga handaan lamang natitikman. Masigla at masaya nilang
ginagampanan ang kanilang mga gawain sa araw-araw. Mahahaba ang kanilng buhay at karaniwang
namamatay sila ng walang sakit.
Pagkalipas ng humigit kumulang 50 taon, nabago ang lagay ng kalusugan ng mga tao. Sa ikalawang
bahagi ay tinalakay kung ano ang mga pagbabagong ito. Mula bata hanggang matanda ay dumarami ang
mga pagkakasakit sa lahat ng lugar.
Ang mga sumusunod na pagbabago sa buhay ng mga tao ang nakitang kasabay ng pagbabago sa lagay ng
kanilang kalusugan.
1. Pagkasira ng Paligid
Ang dating makapal na kagubatan ay unti-unting naubos. Kasabay nito ay ang paglaho ng maraming
uri ng halamang gamot at halamang pagkain. Naubos ang malalaking puno na nagtitiyak ng tubig sa
mga ilog at sapa ng pinagkukunan din ng pagkain. Gayundin, natuyo ang mga sakahan na nagtitiyak
ng saganang ani ng mga tao.
2. Pagbabago ng Tanim
Dati-rati, ang mga tao ay nagtatanim para sa pagkain ng kanilang pamilya sa araw-araw. Ang
kanilang mga pananim ay mga katutubong binhi na hindi gumagamit ng kahit anong kemikal.
Ngayon, ang pagatatnim ay nakatutok sa mga pambentang produkto at hindi para sa pagkain ng
pamilya. Mula sa benta ng kanilng produkto, ang mga tao ay bumibili ng pagkaing inihahanda sa
mesa. Ang mga dating pagkin mula sa sa mga katutubong halaman at hayop ay napalitan ng mga
produktong ginamitan ng kemikal at mga preservative para sa matagalang pag-iimbak.
a. Pagkaing Amasona o Pagkaing Pinobre. Ito ang ang tawag ng mga matatanda sa Southern
Leyte sa, mga pagkaing nagtawid sa kanila noong panahon ng giyera. Hindi ito mga halamang
itinanim ng mga tao. Mga halaman itong kusang tumutubo sa paligid – sa mga daanan at sa
b. Bigas na Ginagamit
Ang dating binabayong bigas (unpolished rice) ay napalitan na ng bigas na kiniskis o giniling
(polished or white rice). Sa kiniskis na bigas, nawala ang bahaging nagtataglay ng ibat-ibang
bitamina B na tumutulong sa paggawa ng katawan ng mga sangkap na panlaban sa sakit.
Naiwan na lamng ang halos asukal na katumbas na laman ng bigas.
Ano ang epekto ng mga pagbabagong ito sa katawan ng tao? Upang masagot ang mga tanong na ito,
mahalagang maunawaan kung paano normal na nagtatrabaho ang katawan ng tao at sa anong dahilan
ito pumapalya.
Ang katawan ay nangangailangan ng lakas (energy o heat) upang magampanan ang ibat-ibang gawain
nito (halimbawa: paglakad, pagtakbo, pag-isip, atbp.). Sa pagbuo ng lakas, kailangan ng pagkain, tubig at
oxygen. Ganoon din sa pagbuo ng lakas, may nalilikahng dumi na kailangang itapon ng katawan—ang
carbon dioxide at mga likidong dumi.
Pagkain + Tubig + oxygen (O2) Lakas + Carbon Dioxide (CO2) + Likidong Duumi
2. Walang Tubig. Nahihirapanang mga taong humanap ng pagkukunan ng malinis na inuming tubig
kapag:
Nawawal ang watershed o nasisira ang kagubatang humahawak sa tubig
Matagal na walang pag-ulan o tag-tuyot
Nalalason ang pinagkukunan ng tubig mula sa patuloy na pagtatapon ng mga duming
galing sa mga pagawaan (factories) at sa malalaking hayupan (poultry at piggery).
3. Hindi maayos ang pagpasok ng Oxygen. Ang sistema ng paghinga ay pumapalya kapag
mayroon ng mga sumusunod:
Maruming hangin na galing sa ibinubuga ng mga pagawaan at mga usok ng sasakyan.
Hindi maayos na bentilasyon ng bahay o lugar ng trabaho
Paggamit ng mga nakakalasong gamot sa pananim na humahalo sa hangin
Pagkasira ng baga dala ng sobrang paninigarilyo
Pagkahilo ang unang nararamdaman kapag kulang sa rasyon ng pagkain, tubig o oxygen ang
utak. Ito ay natural na proteksyon ng katawan upang siguraduhing hindi maubusan ang utak ng
panustos na pagkain, tubig, oxygen at patuloy nitong magampanan ang kanyang gawain. Sa sandaling
maubusan ito ng alinman sa tatlong sangkap, magkakaroon ng “irreversible damage” o
permanenteng pagkasira sa utak.
Halimbawa, ang isang tao na hindi nag-aalmusal ay nakakaramdan ng hilo. Nangyayari ito dahil
ang utak ay nagpaparamdam na hindi na ito makagawa ng lakas dahil kulang sa pagkain. Gayundin,
ang isang tao na matagal na mabilad sa araw ay nakakaramdam ng hilo. Ang ibig sabihin nito ang utak
ay humihingi ng tubig upang makagawa ng lakas.
Nakakaramdam di ng hilo kapag nasa loob ng sasakyan na mahina ang aircon. Ito ay dahil unti-
unting nauubos ang preskong hangin sa loob ng sasakyan. Sinasabi ng utak na kulang na ito sa
oxygen.
Bakit nahihilo? Kapag nahihilo, ang gusting gawin ng katawan ay matulog upang hindi na
gumamit ang ibang bahagi nito ng pagkain, tubig at oxygen. Kapag natutulog, nababawasan ang
pangangailangan ng utak na bumuo ng lakas. Dahil dito, sasapat na ang kakaunting dumarating na
pagkain, tubig at oxygen sa utak. Kailangan maagapan ang utak dahil sa sandaling maubusan ito ng
alin man sa sangkap, ito ay magkakaroon ng permanenteng pagkasira.
Tandaan na mabubuo laamng ang lakas o energy kung kumpleto ang mga sangkap na kailangan
— pagkain, tubig at oxygen.
Pagkain at Tubig
Gayundin, ang tubig ay pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng sistemamg panunaw. Ang tubig ay
maaaring kasabay ng mga pagkaing pumasok sa katawan.
1. Pagkain ng Bata
Ang bagong silang na bata ay wala pang ngipin kaya ang nararapat na pagkain nito ay gatas ng
ina. Ito ay isang natural na batas ng kalikasan. Ang lahat ng bagong silang na hayop ay sumususo
sa ina upang mabuhay at lumaki.
Una sa lahat, ang laman o sangkap ng gatas ng ina ( tao man o hayop) ay nakaayon sa kung aling
bahagi ng katawan ang kailangang paunlarin batay sa pangunahing papel na gagampanan sa
buhay. Halimbawa, ang tao ay may gawaing mag-isip at lumikha kaya higit sa paglaki at pagtaas
ng timbang ay kailangang niyang maging matalino. Ang laman ng gats ng taong ina ay mas
maraming complex carbohydrates. Ito a ng pangunahing sustansyang tutmutulong sa isang
maayos na pag-unlad ng utak upang ang isang bata ay lumaking matalino. Ang complex
carbohydrates ay sustansyang pampatalino!
Samantala, ang gatas ng baka na pinanggagalingan ng milk formula na pinapasuso sa mga bata
ngayon ay may lamang maraming protina. Ang protina ay ang sustansyang pampalaki ng
katawan. Walang gawaing mag-isip ang mga hayop. Ang kailangan nila ay lumaki upang
magampanan ang iba’t ibang gawain. Halimbawa, ang kalabaw ay kailangang lumaki ang
katawan dahil katulong siya ng tao sa mag gawaing bukid. Gayundin, ang baka ay kailangang
lumaki upang makagawa ng gatas (pambenta) o kaya upang maging pagkain ng tao ( karne).
Ang katawan ng sanggol ay nakadesinyong tumanggap ng sustansyang magmumula sa gatas ng
ina na nagtataglay ng mas maliliit na protein molecules. Samantalang ang gatas ng baka ay
nagtataglay ng mas malalaking protein molecules na nagpapalapot sa dugo at gayundin sa
likidong dumi ng sanggol. Mahihirapan ang bato ( kidneys) ng sanggol kapag malapot ang
likidong dumi na itatapon dito. Kaya hindi kataka-taka na ang mga batang pinapainom ng milk
formula ay karaniwang may problema sa baga (hika, primary complex) at bato ( Urinary Tract
Infection).
2. Pagkain at Ngipin
Sa pagkain nagmumula ang mga sustansya upang lumaki, lumakas, tumalino o kaya sumigla ang
tao. Ang hitsura ng ngipin ng tao ang nagsasabi kung ano ang dapat niyang kainin. Ang tao ay
mayroong mga ngiping panggiling (grinder) at apat na mapupurol na pangil. Sinasabi nito na ang
nararapat na pagakin para sa tao ay mga butil (grains) at gulay na kinakailangang nguyain at
gilingin. Konti lamang ang dapat nitong kaining karne dahil apat lamang ang kanyang pangil at
mapupurol pa ang mga ito. Dagdag dito, ang mayroon ang tao ay mga kamay na panguha at
pangtanim ng pagkain, hindi matulis na mag kuko na mayroon ang mga hayop na kumakain ng
kapwa niya hayop.
Samantala, karamihan sa mga hayop ay may matutulis na pangil at kuko. Sinasabi nito na ang
nararapat na pagkian para sa mga hayop ay may pangil at matutulis na kuko ay karne.
Sa kabilang banda, mga ibon at manok ay mayroong tuka. Ang ibig sabihin nito, ang nararapat na
pagkain para sa kanila ay mga butil (seeds).
Ang Katawan ng Tao
Sandiwaan Center for Respomsible Health Care, Inc. Page 6
Binanggit sa unang bahagi nito na nagbabago ang paraan ng pagakin ng mga tao. Ang mag
pagkaing “pinobreng” katulad ng ugat na gulay, binayong bigas at sari-saring katutubong gulay
na kinukuha lamang sa paligid ay napalitan ng mga pagkaing binibili katulad ng putting bigas,
tinapay at instant noodles na hindi na halos nginunguya dahil giniling na ang mga ito ng husto.
Kaya kapansin-pansin din ang pagbabago sa hitsura ng ngipin ng mga bata ngayon na sungki-
sungki at maagang nasisira.
Kapag nginunguyang maigi ang pagkain at naglalabas ng laway ang bibg, binabalot ng laway ang
mga pagkaing maasim upang hindi masugatan ang sikmura.
Karaniwangsinisikmura o nangangasim ang tiyan kapag hindi nanguya ng maigi ang pagkain sa
bibig. Ang mga pagkaing nagiling ng husto bago pa man pumasok sa bibig (refined, processed,
simple sugar) ay nagdudulot ng panganagsim ng tiyan dahil hindi na ito nanguya ng ngipin at
hindi naglabas ng laway ang bibig. Kaya sa ngayon, karaniwan sa mga bata at matanda ang
madalas na sinisikmura.
Sa halos lahat ng lugar sa Pilipinas, ang pag-inom ng rice coffe (corn coffe sa kabisayaan) ay
tradisyunal na gamot sa pangangasim ng sikmura. Ito ay pinapainom sa mag bata at
matatandang madalas sinisikmura.
Gayundin ang pagpapasok ng mga pagkaing maasim o may tagaly na asido (softdrinks,
matatamis na pagkain) ay sumisira ng ngipin. Kapag nasira ang ngipin, mahirap na ang pagnguya
ng pagkain. Katulad ng naunang binabanggit, maagang nasisira ang ngipin ng mga bata ngayon
hindi katulad noong unang panahon na hanggang sa kamatayan ay buo-buo ang ngipin ng
matatanda.
Mula sa sikmura, ang sustansya mula sa giniling na pagkain ay sisipsipin ng mga ugat sa maliit na
bituka. Naglalabas ng bile ang atay habang ang natuanw na pagkain ay nasa loob pa ng mallit na
bituka. Ito ay upang lusawin ang taba na kasama sa pagkain.
Dati-rati ay walong problema sa pagtitibi. Kapag gulay ang kinain at sinipsip ng maliit na bituka
ang lahat ng sustansyang dito, may tubig pang matitira para madulas na makapunta ang giniling
na pagkain sa malaking bituka. Kapag karne ang kinain, dahil sa ito ay tuyo o konti lang ang
laman ng tubig, sa maliit na bituka pa lamang ay nagbabara na ito na nagiging sanhi nang
pagtitibi.
Ang malaking bituka ay may mga mikrobyong katulong sa pagbulok ng kinain. Putrefiers (para sa
karne) at fermenters (para sa mga gulay) ang tawag sa mga mikrobyong ito. Ang dami ng mga
mikrobyong ito ay nakabatay sa dami ng kinakaing gulay o karne. Kung higit na marami ang
kinakaing gulay, dumadami ang mga fermenters na limilikha ng Bitamina B na ginagamit naman
ng katawan sa paglikha ng mga pangontra sa sakit. Kapag karne ang madalas na kinakain,
dumadami ang putrefiers na nagpapakonti sa mga fermenters at nagiging sanhi ng mabilis na
pagkakaroon ng amoeba sa katawan. Ang putrefiers ay kaibigan ng amoeba at nagtutulungan
sila upang palakasin at paramihin ang bawat isa. Kaya kung papansinin, ang amoebiasis ay
nararanasan lamang ng mga malalakas kumain ng karne.
Oxygen
Kapag humihinga, ang trabaho ng ilong ay gawing mainit at basa ang hangin na pumapasok sa
katawan. Ang hangin ay may lamang oxygen na kailangan sa paggawa ng lakas. Mula sa ilong at
bibig ay dadaan ang hangin sa tubong daanan ng hangin (airways) patungo sa sako ng hangin
(air sacs) upang doon ay dalhin ang kinakilangan oxygen ng katawan. Ang oxygen ay kukunin ng
hemoglobin na bahagi ng dugo at siyang magdadala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kung mayroong ubo at sipon, ang ilong ay nagiging barado. Tuyo ang hanging pumapasok dahil
sa bibig nagdaan. Nahihirapang pumasok ang oxygen sa katawan sa ganitong sitwasyon. Ang
steam inhalation o pagpapasingaw sa ilong ay paggaya sa trabaho ng ilong ng gawing basa at
mainit ang hanging pumapasok sa katawan.
Sa isang banda, kung hindi sapat ang bilang ng hemoglobin, hindi rin makakagawa ng sapat na
lakas ang katawan. Ang hemoglobin ay ang sasakyan ng oxygen mula sa nga sako ng hangin sa
baga patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ito rin ang sasakyan ng carbon dioxide mula sa
iba’t ibang bahagi ng katawan patungong baga upang mailabas ng katawan.
Hindi makakabuo ng lakas ang katawan kapag hindi nakarating ang pagkain, tubig at oxygen
sa iba’t ibagn bahagi ng katawan. Nagkakaron ng problema sa paghatid ng mga sangkap na ito kapag
pumapalya ang sistema ng sirkulasyon.
1. Mayroong pagsikip o pagbara ng ugat. Ang mga ugat ay sumisikip o nababarahan kapag ang
dugong dumadaloy dito ay may taglay namaraming sebo o taba na nagmumula sa pagkain ng
karne o mga pagaking nagmumula sa ahyop. Ang sebo o taba ay kumakapit sa mga ugat na
nagiging sanhi ng pagkipot ng daanan ng dugo.
Nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo kapag masikip ang mga ugat na dadaanan nbg
dugo. Ito ay isa sa pinagmulan ng pagtaas ng presyon ng dugo (blood pressure).
Ang blood pressure ay ang sukat ng lakas o hina ng pagbomba ng dugo na ginagawa ng puso.
Tumataas ang blood pressure kapag nahihirapan ang puso na magbomba ng dugo sa makipot o
masikip na mga ugat.
Sa pagdaan ng maraming taon, ang hayop na kinkain ng tao at ang dalas ng nito ay nabago na.
Mula sa madalang na pagkain ng mga native o galang hayop, ang mga tao ngayon ay madalas
nang kumain ng karane ng hayop na pinalaki at pinataba mula sa commercial feeds.Ang feeds at
tinatawag ding fattener o pampasebo dahi nagtataglay ito ng mga kemikal na mabilis na
magpapataba sa mga hayop na kakain dito. Ang mga karneng nabibili sa palengke ngayon ay
pinalaki mula sa feeds kaya nagtataglay ito ng maraming sebo.
Kapag nakain ng tao ang ganitong uri ng karne, ang sebo ay didikit sa mga ugat at magiging sanhi
ito ng pagsikip o pagbara nito.
2. Mayroong paglapot ang dugo na dumadaloy sa katawan. Lumalapot ang dugo kapag marami
ang asukal (glucose) dito o mataas ang blood sugar level. Ang putting kanin (polished rice),
at tinapay ay ilan lamang sa mga karaniwang pinanggagalingan ng pagdami ng asukal sa dugo na
nagiging sanhi ng paglapot nito.
Nahihirapan din ang puso na magbomba kapag malapot ang dugo. Pinagmumulan din ito ng
pagtaas ng blood pressure o pagkakaroon ng karamdaman na hypertension.
Ang mga pagkaing mayaman sa complex carbohydrates, protina, taba at langis ay nagiging
asukal o glocuse kapag kailangan lamg ng katawan. Upang maging asukal, ginigiling sila ayon sa
kung kailan sila kailangan ng katawan kaya hindi nila pinapalapot ang dugo. Ang mga pagkaing
mayaman sa protina ay huling ginigiling. Nagiging glocuse lamang sila kapag nagamit na lahat
agn complex carbohydrates na pumasok sa katawan.
Samantala, ang mga refined o processed na pagkain (simple sugar) ay glocuse na kaagad sa
pagpasok sa dugo kaya ang dami nito ay hindi na ganoon kadaling kontrolin ng katawan.
Dumarami ang asukal sa dugo kahit hindi pa nangangailangan ang katawan nito ( ibig sabihin,
wala pang pangangailangan gumawa ng lakas ang katawan). Kapag hindi agarang nagamit ang
glocuse, lalapot ang dugo.
Kapag malapot ang dugo, nagiging sanhi ito ng pagtaas ng blood pressure.
Kapag malapot ang dugo, nahihrapan itong dumaloy patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ang katawan ay aakma sa sitwasyong ito. Hahanap ng labasan ang sobrang asukal ( glucose)
upang mabawasan ang lapot at masiguro na makakadaloy ng maayos ang dugo.
Karaniwang inilalabas ng katawan ang asukal sa anit ( bulakubak), balat ( skin problems katulad
ng pimples, skin pigmentation, freckles, an-an, hadhad, atbp.) ilong (sipon). Lalamunan (ubo),
baga (plema) at sa puerta ng mga babae (vaginal infections). Ang mga lugar na nilalabasan ng
asukal ay madaling pamahayan ng infection.
3. Kulang ang Hemoglobin sa Katawan. Ang hemoglobin ang kinakapitan o sinasakyan ng oxygen
upang ito ay maihatid sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ang bawat hemoglobin ay may
kakayanang magdala ng isang oxygen sab away biyahe nito.
Anemia ang tawag kapag kulang ang dami ng hemoglobin sa katawan. Kapag kulang ang
hemoglobin kulang din ang oxygen na naihahatid sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa bawat
biyahe o ikot ng dugo sa lahat ng bahagi ng katawan. Dahil kulang ang hemoglobin, kailangang
bilisan o dagdagan ang biyaheng gagawin ng dugo upang matugunan ang pangangailangan ng
Sa bawat pagsasama-sama ng pagkain, tubig at oxygen upang makagawa ng lakas o energy, may
nalilikahng dumi ( wastes ) sa porma ng carbon dioxide at mga likidong dumi.
Carbon dioxide
Ang carbon dioxide ay kinukuha ng hemoglobin mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan at dinandal sa
mga sako ng hangin sa baga upang doon ihiga palabas ng katawan.
Mahihirapang lumabas ng katawan ang carbon dioxide kapag ang mga maliliitna tubong daanan ng
hangin (small airways) ay barado ng plema o nikotina mula sa sigarilyo. Nahihirapang huminga at
nangangasul ( bluish) ang kulay ng balat kapag hindi mailabas ng katawana ang carbon dioxide.
Mga halimbawa ng kundisyong ito ang hika (asthma) at emphysema. Sa hika nahihirapan ang katawan
na magtapon ng carbon dioxide dahil nababarahan ng plema ang maliliit na tubong daanan ng hangin.
Nabubuo ang plema mula sa madalas na pagkain ng matatamis at may gatas na pagkain.
Sa emphysema naman, hindi maitapon ng katawan ang carbon dioxide dahil nababarhan ng nikotina,
nakakalasong usok o mga dust particles ( katulad ng sawdust) ang mga maliliit na tubong daanan ng
hangin.
Likidong Dumi
Ang sistema ng pag-ihi ang nangangasiwa sa pagtapon ng mga nalikang likidong dumi sa katawan. Ito rin
ang nagtitiyak ng sapat na dami ng tubig na kailangan ng katawan. Ang mga hindi na kinakailangang
likido dumi (liquid waste) ay tinatapon ng katawan sa porma ng ihi.
Ang bato (kidneys) ang organong nagsasala ng dugo mula sa mga likidong dumi. Kapag malapot ang
dugo na dumadaan sa kidneys dulot ng madalas na pagkain ng matatamis at masebong pagkain, nag-
iiwan ito ng latak (residue) na nagiging sanhi ng pagbara ng kidneys. Ang baradong kidneys ay
Makakakita rin ng pagmamanas sa mga bahaging hindi makatapon ng dumi kapag hindi mkabalik ang
dugo sa puso dala ng sobrang lapot nito. Madalas itong Makita sa mga buntis na pinalalala pa ng
pagkaipit ng mga ugat mula sa lumalaking sinapupunan. Lalong hindi makakadaan ang malapot na dugo
sa naipit na mga ugat. Ang pamumulikat ng mga buntis ay pinalalala rin ng hindi maayos na sirkulasyon
ng dugo sa binti at paa dulot ng malapot na dugo.
Sa pagkain ng matatamis ay natural na nakakaramdam ang katawan ng pagkauhaw. Napapagod at
nanghihina rin ang kidney’s kapag sobra ang pag-inom ng tubig.
Sa kabuuan, ang pagpalya ng katawan na gampanan ang mga normal na gawain nito ay nagsisimula sa
pagkakaroon ng masikip o baradong mga ugat at malapot na dugo sa katawan.
Higit na malakas ang pagbombang gagawin ng puso kapag malapot ang dugo at masikip o
barado ang mga ugat na dadaanan ng dugong ibnomba.
Ang trabaho ng gamot sa high blood (anit-hypertensive medicine) ay pahinain lang ang gagawing
pagbomba ng puso upang bumaba ang blood pressure. Hindi ito paluluwagin ang baradong ugat
o kaya palalabnawin ang malapot na ugat. Kapag humina ang pagbombang gagawin ng puso,
kokonti o walang makakarating na pagkain , tubig at oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Katya nakakaramdam ng papagkahilo ang pasyenteng umiinom ng anti-hypertensive na gamot.
Ang estrogen o hormonamg pambabae ( ito ang nagbibigay ng mga katangiang nagsasabing
babae ang isang tao ) ai isinasama rin sa feeds na ibinibigay sa manok upang mangitlog ito ng
marami. Kapag madalas ang pagkain ng maonok at itlog ng isang babae, dumarami ang estrogen
sakanyang katawan (unopposed estrogen action). Ito ang nagiging sanhi ng pagreregla
(dysmenorrhea, amenorrhea, irregular menstruation), infertility at bukol sa reproductive tract ng
babae.
3. Panghihina o Pagkasira ng iba’t ibang Organo
Kapag malapot ang dugo at masikip amg mga ugat, hirap ang dugo na bumalik sa puso upang
maibomba ito patungo sa mga organong magtatapon ng mga likidong dumi. Humahantong iot sa
sakit na rayuma (arthritis, gout). Makakakita rin ng pagmamanas sa mga bahaging hindi
makatapon ng dumi kapag hindi makabalik ang dugo sa puso dala ng sobramg lapot nito.
Kapag malapot ang dugo, ang lapay (pancreas) ay naglalabas ng insulin upang alisin ang lapat ng
dugo. Itinatago ng insulin ang sobrang asukal ( glucose) sa porma ng dagdag na bilbil o taba sa
katawan. Kapag madalas ang pagkain ng matatamis, lagging malapot ang dugo at laging pagod
ang lapay sa paglabas ng insulin hanggang sa tuluyang mapagod at masira ito. Kapag nasira na
ang lapay, wala ng insulin hanggang sa tuluyang mapagod at masira ito. Kapag nasira na ang
lapay, wala ng insulin na magpapalabnaw ng dugo. Amg tawag sa kundisyon na ito ay diabetes.
Ang katawan hangga’t hindi pa ito tuluyang napagod ay iba pang paraan ng pagtapon ng dumi
upang hindi tuluyang masira ang kidneys. Ilalabas nito ang sobrang asukal sa dugo sa balat- sa
anit (balakubak), mukha (pimples, acne, freckles), kamay at paa (galis, an-an, hadhad).