You are on page 1of 3

Yogurt: May Tulong Sa Maraming Sakit

Ni Dr. Willie T. Ong


Alam ba ninyo na ang yogurt ay isa sa mga pinakahealthy na pagkain? Ang yogurt ay gawa sa gatas at kumpleto sa protina,
carbohydrates at fats.
May taglay na calcium para sa ating buto, may potassium para sa mga nag-eehersisyo at vitamin B para sa ugat at stress. At
napakahalaga ang good bacteria sa yogurt, iyung tinatawag na lactobacilli. Heto ang ilan sa mga sakit na matutulungan ng
yogurt.
1. Para sa singaw.
Ayon kay Dr. Elmer De La Cruz, ang pagkain ng yogurt 3 beses sa maghapon ay nakapagtatapal sa sugat ng mga singaw. Kahit
nasaan pa ang singaw mo, sa bibig, dila o lalamunan, matatapalan ng yogurt at mababawasan ang sakit.
2. Para sa mga nagpapapayat.
Imbes na ice cream o full cream milk ang inumin, mas hindi nakatataba ang yogurt. Piliin ang low-fat yogurt dahil 100 calories
lang ito bawat cup.
3. Para sa mga nagtatae sa gatas.
May mga tao na may lactose intolerance. Ang ibig sabihin ay nagtatae sila kapag nakainom o nakakain ng pagkaing may
gatas. Bilang kapalit sa gatas, subukan ang yogurt na mas sang-ayon sa iyong tiyan.
4. Para makaiwas sa kanser sa tiyan.
Ang yogurt ay makatutulong sa pagpapadami ng good bacteria (ang lactobacillus) sa ating tiyan. Gaganda pa ang ating
pagdumi at posibleng makaiwas tayo sa kanser sa tiyan (colon cancer).
5. Para sa vaginal yeast infection o impeksyon sa puwerta.
Minsan, ang mga babae ay nagkakaroon ng makati at puting discharge sa puwerta. Para magamot ito, nagbibigay ang doktor ng
anti-fungal suppository. Bukod dito, kumain din ng isang tasang yogurt araw-araw sa loob ng 5 araw para manumbalik ang
lactobacillus na nasa puwerta. Kapag ang mga kababaihan ay kumain ng 4 cups ng yogurt bawat linggo, mas hindi sila
magkakaroon ng impeksyon sa ihi at sa puwerta.
6. Para sa mga umiinom ng antibiotics.
Kung ikay umiinom ng antibiotics, dapat ay sabayan mo na rin ng pagkain ng yogurt araw-araw. Ito ay para mapalitan ang mga
good bacteria na maaaring napinsala sa pag-inom ng antibiotics.
7. Para sa marami pang sakit.
Ayon sa pagsusuri, pinapalakas ng yogurt ang ating immune system at tinatanggal ang mga bad bacteria sa katawan. Dahil dito
marami pang sakit ang pinapalagay na matutulungan ng yogurt, tulad ng ulcer, allergy, kanser at HIV-AIDS. Mag-yogurt na para
sa inyong kalusugan!

BAWASAN ANG PAGKAIN NITO


Ni Dr. Willie T. Ong
ALAM mo naman, minsan hilig natin ang mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo
sa numero 10 papunta sa numero 1.
(Note: Kung paminsan-minsan lang ang pagkain ay puwede naman.)
10. Soft drinks Naku, guilty ka diyan, di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis.
Nakatataba at masama ito sa mga diabetico. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang
phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, mag-tubig
na lang!
9. French fries Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi ng maraming eksperto kung bakit dumara-mi ang taong
may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.
8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter. Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot
sauce bilang sawsawan.

7. Alak May mga pasyenteng nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang
iniinom, ang sagot ay, Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote. Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating
atay, ugat at utak. Nakapagdudulot din ng maraming kanser.
6. Junk food Nakaka-addict ang mga sitsirya, at ibat ibang mga chips. Itoy dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi
sa katawan. Turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.
5. Hilaw na karne Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne, tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa.
Siguraduhin luto ang inyong kinakain. Tandaan, hindi namamatay ang mga bulate sa suka o calamansi.
4. Street food . Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at taho. Huwag makipagsapalaran!
3. Laman loob Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga iba ang pagkain ng utak, puso, bato at bituka. Sobrang taas iyan sa
uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsasabi na nagdudulot din iyan ng kanser.
2. Chicharon at chicharon bulaklak Sabi ng kaibigan ko, Balat lang naman ang gusto ko eh, hindi naman taba. Eh saan ba
nagtatago ang taba, sabi ko. Sinawsaw ko naman sa suka, hirit pa niya. Kaibigan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.
1. Lechon Ang paborito ng lahat, ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng
ugat sa puso at utak. Ang resulta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, tikim-tikim lang.
Gulay, prutas, beans, at isda ay masustansya para sa inyo. Gusto ko po kayong maging healthy palagi. Mahirap na kung may
sakit (barado ang ugat sa taba).

TAMANG PAGKAIN SA MAYSAKIT


By Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon)
ALAM ba ninyo kung anong pagkain ang ibibigay sa maysakit? Kung ang pasyente ay may pangangasim ng sikmura o ulcer,
sundin ang mga payong ito. Para sa mga may lagnat o dengue, ingatan din natin na huwag mairita ang tiyan at baka magasgas
ito. Heto ang mga ligtas na pagkain:
Bawasan o iwasan ang pagkaing ito:
1. Maaasim Bawasan ang pag-inom o pagkain ng may calamansi, purong orange o lemon juice at suka. Nakadadagdag ito sa
acid sa tiyan.
2. Maaanghang - Iwasan ang maaanghang dahil puwede itong makahapdi ng sikmura.
3. Maiitim na pagkain tulad ng dinuguan, tinta ng pusit at dark chocolate Para sa may dengue, iwasan ang pagkaing maiitim
dahil iitim din ang dumi at malilito ang mga doktor kung nagdugo ba ang tiyan ng pasyente.
4. Mamantika at matatabang pagkain Nagpapabagal ang mantika at taba sa galaw ng ating bituka. Dahil dito, mas tatagal ang
acid sa ating tiyan.
5. Inuming may Caffeine tulad ng kape Ang kape ay nagpapadami ng acid sa ating tiyan. Maraming pasyenteng may
pangangasim ng sikmura ang gumagaling kapag itinigil nila ang pag-inom ng kape. Kung gusto pa ring uminom, hanggang isang
baso lang ng kape ang puwede.
Magandang kainin:
1. Lugaw o am Lagyan ito ng asin at konting ulam. Malambot ang lugaw, madaling tunawin at mainit pa sa tiyan. Mayroon itong
carbohydrates na nagpapalakas ng katawan.
2. Nilagang manok - Ang chicken soup ay nagpapabilis sa paggaling ng trangkaso at sipon. Ito ay dahil sa taglay nitong
cysteine, isang natural na amino acid. Masustansya ang sabaw nito at nagpapalabnaw din ng plema.
3. Saging Ang saging ay may sangkap na flavonoid leucocyanidin na pinoprotektahan ang ating tiyan laban sa ulcer. May
potassium din ang saging na kailangan sa normal na pagtibok ng puso.

4. Kanin at isda Magandang kombinasyon ang kanin at isda dahil nakokompleto nito ang protina na kailangan ng katawan.
Sabawan din ang kanin para lumambot ito at madaling kainin.
5. Uminom nang maraming tubig para bumaba ang lagnat at huwag ma-dehydrate.
Mas maganda sa mayroong sakit na kumain ng madalas ngunit pakonti-konti lamang. Itoy para hindi mahirapan ang tiyan sa
pagtunaw ng pagkain.
6. Tandaan: Magpahinga, inumin ang gamot at kumain ng tama. Iyan ang sikreto sa mabilis mong paggaling.

TIPS PARA TUMALINO (Part 1)


By Dr. Willie T. Ong (Share and Tag a friend)
ALAM ko, gusto ninyong maging matalino. At kung matalino ka na, dapat ay maprotektahan ang iyong utak para manatili kang
matalino. May paraan iyan:
1. Kumain ng brain food o mga pagkaing mabuti sa utak. May mga pag-aaral na nagpapakita na may tulong ang pagkain ng (1)
isang dakot ng mani bawat araw dahil may good oils ito na nagpapataas ng serotonin levels, (2) matatabang isda tulad ng
tilapia, sardinas at salmon na may omega-3, (3) olive oil at avocados na may omega-3, at (4) dark chocolate na may flavonoids
na pinapanatiling bata ang ating arteries.
2. Gamitin palagi ang ating utak. Sumagot ng mga crossword puzzles at Sudoku. Maglaro ng chess. Subukang mag-multiply o
magkuwenta sa pamamagitan ng isip at huwag nang gumamit ng calculator. Paganahin ang iyong utak.
3. Mag-internet at mag-search sa Google. May pagsusuri na nagpapakita na nakakatalino ang pag-surf sa internet. Kahit bata
man o may edad, napatunayan sa brain scans na ang paggamit ng internet ay nagpapagana ng ating utak.
4. Umiwas sa alak at mga bisyo. Ang pag-inom ng sobrang alak ay nakababawas ng brain cells sa ating utak. Hihina ang iyong
memory. May sakit na kung tawagin ay alcoholic dementia. Ang ibig sabihin nito ay nagiging ulyanin ang pasyente dahil
nabababad ang kanyang utak sa alcohol. Iwas din sa paninigarilyo at pagpupuyat.

You might also like