You are on page 1of 2

Kahanga-hangang dulot ng Chia Seed

Rhean Nathalie C. Laguerta

Hindi lahat ng buto ay tinatapon. Huwag nating maliitin ang isang buto sapagkat marami itong mga natatanging nutrisyon tulad na
lamang ng “Buto ng Chia” na puno ng sustansya. Ito ay isa sa mga pinakamabisang pinagmumulan ng Omega-3 fatty acids na
tumutulong sa atin upang magkaroon ng Good Cholesterol sa ating katawan.

Ang “Chia Seeds” ay isa sa mga tinaguriang “Superfoods” dahil ito ay mayaman sa iba’t-ibang klase ng sangkap na
kinakailangan ng ating katawan. Narito ang mga benepisyong maaari mong makuha sa palagiang paggamit o pagkain ng “Chia
Seeds”

 Mabisa para sa mga diabetic

- sa kabutihang palad, ang isa sa mga pinaka-popular na benepisyo sa kalusugan ng “Chia Seed” ay ang pagtulong nito sa
pag-papanatili ng blood sugar ng isang tao.

 Maganda para sa puso

- ang isa pang benepisyo ng “Chia Seed” ay ang pagkakaroon nito ng magandang epekto nito sa puso dahil sa nilalaman
nitong Omega-3. Ang mga fatty acids ay mabuti para sa puso at nakakapagpababa ng iyong kolesterol. At nakakatulong rin ito
upang maging balanse ang taba na nasa iyong katawan.

 Tumutulong sa iyong panunaw

- ang mga tao ay kumakain ng mga naprosesong mga pagkain at ito ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng problema sa
panunaw. At ang “Chia Seed” ay mayroong kakayahang tumulong sa iyong panunaw. Kaya’t wag ka ng mag-alala tungkol sa
hindi maayos na pag-dumi dahgil sa kakulangan sa Fibers mula sa iyong mga kinakain dahil ang “Chia Seed” ay ang iyong
kasagutan.

 Nakakapagpabata

- ang”Chia Seed” ay kilala rin na may anti-oxidant. Ang mga oxidant sa katawan ay dulot ng pagod at masamang gawi sa
pagkain ay maaaring maging sanhi ng maagang edad ng katawan. At ang mga taong gumagamit ng “Chia Seed” ay mas
nagmumukhang bata kaysa sa kanilang tunay na edad kumpara noong hindi pa sila gumagami o kumakain ng “Chia Seed”.

 Nakakapagpabawas ng pagkagusto sa mga Pagkain

- ang “Chia Seed” ay puno rin ng mga protina at iba pang mga nutrina. Ito rin ay mabisang sangkap para sa mga taong nais
magbawas ng timbang at nagnanais na mabuhay ng malusog at masigla.

Ito ang dahilan kung bakit ang buto ng chia ay kapaki-pakianabang dahil sa ito ay mayaman sa fiber,omega-3
fats,protina,bitamina at mineral tulad ng Dietary Fiber,Protein,Omega-3 fatty acids,Omega-6
acids,Calcium,Copper,Phosphorus,Potassium,at Zinc.

Ito ang iba’t-ibang paraan ng pagkonsumo ng “Chia Seed”

1. Ibabad sa tubig

- ito ay paraan upang mas malambot at swabe sa lalamunan ang “Chia Seed”,maaari mo itong ibabad sa loob ng kalahating oras.

2. Pino/Giniling

- ito naman ang paraan upang mapadali ang pak-kain o pag-inom ng “Chia Seed”.

3. Buo

- ito naman ang paraan upang simple at mapabilis ang pagkakaroon ng protina sa katawan. Kinakailangan mo lamang na
damihan ang pag-inom ng tubig dahil may posibilidad na pumasok o sumingit sa iyong ngipin ang buto ng chia at maging sanhi
pa ito ng pagkasira ng iyong ngipin.

Napakaraming magandang maidudulot ang pag-kain o pag-inom ng “Chia Seed”. Kaya ano pang hinihintay mo?Simulan
mo na ngayon.!

You might also like