You are on page 1of 4

“Paano magpaliit ng tiyan?

” – isa na ito marahil sa mga tanong na gusto nating


makita agad ang sagot at resulta, lalo na sa mga kababaihan. Mas
nadadagdagan ang confidence ng isang tao kapag maayos ang kanyang
pangangatawan. Bukod sa pagiging healthy at malayo sa sakit, hindi rin
masamang hangarin ang magkaroon ng magandang katawan. Hindi nga lang ito
agarang nakukuha. Nangangailangan ito ng disiplina at tamang pag-aalaga, lalo
na kung tiyan na ang usapan.
 
Ang tiyan ang unang naaapektuhan ang laki pagdating sa usaping diet. Base rin
sa metabolism ng katawan, maaaring maaninag sa tiyan ang eating habits ng
isang tao. Ang unang balakid sa mabisang pampapayat ng tiyan ay ang labis na
pagkain o overeating, isa sa mga sanhi ng paglaki ng tiyan o kaya naman
ay bloating. Ilan pa sa mga ito ang:
 
1. Labis na paglunok ng hangin – Madaling makaramdam na puno ang tiyan
kapag masyadong maraming hangin ang pumapasok dito sa pamamagitan
ng pagsasalita, pagnguya ng chewing gum, mabilis na pagkonsumo ng
pagkain, at pagiging stressed. Dagdag pa rito, ang natural na bacteria sa
stomach ay naglalabas ng gas mula sa pagkain.
 
2. Menstruation – Sa loob ng menstrual cycle ng isang babae, maaari siyang
makaranas ng pansamantalang bloating na agad ding nawawala kapag
tapos na ang kanyang buwanang dalaw.
 
3. Mababang level ng good bacteria sa tiyan – Kapag kulang ang good
bacteria sa stomach, hindi gaanong maayos ang nagiging panunaw, sanhi
para lumaki ang tiyan. Maaaring mababa ng levels nito dahil sa pag-inom
ng antibiotics o ilang mga gamot, pati na rin ang madalas na pagkonsumo
ng processed foods.
 
4. Labis na pag-inom ng alak – Nagkakaroon ng tinatawag na beer belly
kapag moderate to heavy drinker ang isang tao. Sagana sa calories ang
alak, kaya naman nakakalaki ito ng tiyan.
 
5. Pagiging sweet tooth – Ganoon din, ang sobrang pagkonsumo sa
matatamis na pagkain o kaya naman sa mga produktong may sugary
content gaya ng softdrinks ay sanhi ng paglaki ng tiyan dahil sa calories
nito.
 
Photo from Unsplash
 
6. Kakulangan sa ehersisyo – Kapag walang active lifestyle, nawawalan ng
pagkakataon na ma-burn ang calories sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapawis. Epekto nito ang pagkakaroon ng labis na mga taba lalo na sa
mid-section o sa bandang tiyan.
 
7. Hindi pagdumi araw-araw – Dahil sa naiipong waste material sa tiyan,
nakakadagdag ito sa size nito. Bukod dito, hindi maganda sa kalusugan
ang ‘di-regular na bowel movement. Baka indikasyon ito ng isang health
problem.
 
Paano magpapapayat ng tiyan?
 
Mula sa mga nasabing sanhi ng paglaki ng tiyan, mas madali nang matukoy kung
anu-ano ang mga methods para sa mabisang pampapayat. Narito ang ilang tips
para lumiit ang tiyan:
 
 Iwasang maging constipated.
 
Kapag kaunti lang ang fluids sa katawan, mahihirapan ang isang tao sa
pagdumi. Dala rin ito ng kakulangan sa fiber sa diet, at maging physical
activity na nagpapa-relax ng muscles para makatulong sa regular na bowel
movement. Para maiwasan ang constipation, siguraduhing makumpleto ang
recommended dietary allowance ng fiber araw-araw: 25 grams para sa mga
babae at 38 grams naman para sa mga lalaki. Kumpletuhin din ang 6
hanggang 8 baso ng tubig sa loob ng isang araw at sikaping makapag-exercise
ng at least kalahating oras, limang beses sa isang linggo.
 
Subukang gumamit ng psyllium fiber kung talagang hirap sa pagdumi araw-
araw. Dahil ito ay isang prebiotic, nakakatulong ito para dumami ang
probiotics o good bacteria sa tiyan. Magreresulta ito sa malusog na digestive
system na siyang daan para makatulong s apagpapaliit ng tiyan.
 
 Bantayan ang dami ng kinakain.
 

Ang dami ng vitamins, minerals, at nutrients na naibibigay sa katawan ay


wala sa dami ng kinakain – ito ay nakasalalay sa quality ng pagkaing
kinokonsumo. Sadyang nakakalaki ng tiyan ang labis na pagkain lalo na kung
fatty foods, processed foods, at matatamis at maaalat na pagkain ang
kasama sa iyong diet. Siguraduhing balanced meal ang kinakain sa loob ng
isang araw. Kaysa sa usual na three times a day na eating schedule, maaari
itong gawin in small, frequent meals para maiwasan ang paglaki ng tiyan.
 
Mabutihin ding nguyaing mabuti ang pagkain para mabawasan ang gas na
papasok sa tiyan. Nakakatulong din ang technique na ito para mapabagal ang
pagkain, dahilan para madaling mabusog at hindi masobrahan sa kain.
 
 Isama sa diet ang mga pagkaing pampapayat.

You might also like