You are on page 1of 13

SESYON 9

LABIS NA TABA: BAKIT


NAKAKASAMA?
Layunin ng sesyon na ito na :
- maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa labis na
taba na kinakain ng isang tao
- maipaunawa ang mga masamang epekto ng
pagkain ng labis na taba at komplikasyon na maaring
idulot nito.
Ano ang nangyayari sa sobrang taba na kinakain ng
isang tao?
Ang sobrang taba na kinakain ng isang tao ay naiipon
sa katawan na maaring magdulot ng labis na pagtaas ng
timbang o obesity na masama para sa katawan. Maari din
itong maipon sa ibang parte ng katawan ng tao tulad ng
baiwang, hita, at braso o pumaligid sa lamang loob tulad
ng puso. Hindi lamang ito magdudulot ng problema sa
pisikal kundi problema din sa kalusugan.
Ano ang mga posibleng sakit na idulot ng sobrang
taba sa katawan sa mga bata?
1. Mas mataas ang tyansa na magkaron sila ng sakit
puso
Ano ang mga posibleng sakit na idulot ng sobrang
taba sa katawan sa mga bata?
2. Maari itong magdulot ng hirap sa paghinga
habang tulog
Ano ang mga posibleng sakit na idulot ng sobrang
taba sa katawan sa mga bata?
3. Pagkakaroon ng Type 2 Diabetes
Ano ang mga posibleng sakit na idulot ng sobrang
taba sa katawan sa mga bata?
4. Maari din itong makaapekto sa kanilang pisikal,
emosyonal at paanlipunang kagalingan.
Ano ang maaring gawin?
1. Bumili at maghain ng mas maraming prutas at gulay sa
halip na mgafast food item na mayaman sa transfat.
2. Subukan ang ibang paraan ng pagluluto sa halip na
puro prito.
3. Subukan magbigay ng mas masustansyang pagkukunan
ng taba tulad ng salmon at avocado.
4. Maging isang halimbawa sa pagkain ng masustansiyang
pagkain at mag-ehersisyo.
5. Kausapin ang iyong mga anak tungkol sa kahalagahan
ng mabuting nutrisyon at malusog na pamumuhay.
Bakit Mahalaga ang Tubig?
Sinasabing ang tao ay binubuo ng 70 % ng tubig. Ito ay
kinakailangan ng ating katawan sa ibat ibang proseso
tulad ng :
1. pagkontrol sa temperature ng katawan
2. pagfunction ngbawat celula sa katawan
3. metabolismo
4. paghatid ng nutrisyon sa bawat celula atbp.
Epekto ng kakulangan sa tubig:

• pagkatuyo ng balat
• mabilis na pagkapagod
• maaring makaapekto sa kidney dahil sa kakulangan sa pag-ihi
• pagsakit ng ulo o pagkahilo
• pananamlay
• hirap sa pagdumi
• dehydration
Mga ideya upang matulungan ang mga mga bata na
uminom ng mas maraming tubig:

1. Ipaunawa sa iyong anak ang kahalagahan ng paginom lagi ng tubig


2. Pagdalahin lagi ang iyong anak ng isang botelya ng tubig saan man siya pumunta.
Sa tag-init, isama ang isang botelya ng naging yelong tubig sa pambaunan ng inyong
anak.
3. Habang naglalaro, hikayatin ang mga bata na uminom ng tubig hindi ng mga
inuming pang-isport o pangenerhiya
4. Maghain ng purong tubig sa magarang lalagyan.
5. Lagyan ng hiniwang lemon, kahel o menta (mint) para sa linamnam at sa tag-init,
magdagdag ng yelo upang laging malamig ito.
6. Maghain ng mga pinatamis na inumin sa mas maliit na baso at bihi-bihira lamang
ipainom – hindi bawat araw.

You might also like